Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

📃Hiling ng Damdamin📃

Hiling ng Damdamin
by miswanderer

First of all, I'm not perfect.

May mga pagkakamali din ako, na makikita mismo sa mga gawa kong kwento.

Kaya kung ano man ang masabi ko dito, sana ay huwag mong ibato ito sa akin pabalik.

Dahil ang nais ko lamang, ay ibigay sayo ang komento na nakikita at nababasa ko sa gawa mo. 

Title
Hiling ng Damdamin

Okay! Unang basa ko pa lang ng title, napataas na ang kilay ko. Mukhang aariba ito sa genre ng romance at tiyak kong mag-eenjoi ako nito.

Cover

Papasa naman ito sa panlasa ko, lalo pa at larawan ito ng dalawang taong nagmamahalan.

May napansin lang ako sa font color. Mas maigi siguro, kung lagyan mo ito ng stroke na black, para pumaibabaw ang pamagat ng storya mo.

Blurb/Description

Isang malaking ngiti sa aking labi. Mukhang nabigyan mo ito ng malakas na impact sa mga mambabasa. Bakit? Nag-iwan kasi ito ng tanong na kailangan mong alamin .

Maganda para sa akin ang pagkakasulat nito, dahil sa tila isa itong tula na aking binabasa.

Content

1. Prologo

* Nadismaya ako ng di sinasadya. Mukhang nagkamali ata si Author ng pinaglagyan ng Description at ng sa Prologo!

Mukha tuloy nagmumukha ng Prologo ang Description at ang Description sa Prologo! 

Bakit?

Ang Prologo, ang isa sa pinaka-importanteng bahagi ng isang nobela.  Dahil dito mo hihikayatin ang iyong mambabasa, upang antigin ang kanilang damdamin na basahin ang kwento mo.

pero anong nangyare?  Oo!  maganda naman ang nagawa mo, pero bakit hindi mo muling basahin?

Anong unang naramdaman mo?

BITIN hindi ba?

Oo, nasa posisyon na tayo na nahatak mo ako, upang muling e-swipe ang aking kamay sa mga susunod na pangyayare, pero muli mo itong basahin. 

Anong napansin mo?

Hindi ba tila isa itong TULA,  Isang tula na naglalaman ng mabigat na damdamin.

At ang PROLOGO ay isang pangyayare na maaring naganap na o magaganap pa lamang. Isang palaisipan na hahatak sa Reader mo, upang basahin nila ang gawa mo. Tama?

So, ang maisusugest ko na lamang, ay dagdagan mo ang Prologo mo o di kaya pagpalitin mo ang Description sa Prologo.

Kabanata 1

* Cliche na hindi Cliche.

Kapag sinabi kong Cliche, hindi naman ibig sabihin nito na hindi maganda. Dahil maganda ang nagawa mo. Maganda na nag-umpisa ka sa isang sitwasyon, na naangkop sa nangyayare sa tunay na buhay. Kaya lang ay hindi na ito naiiba sa ibang storya. That's make your 1st chapter (Cliche).

*Yun* Change to *Iyon*

Kabanata 2

Hindi ko alam kung malilito ako o hindi. (Haha) Parang ang binasa ko naman ata ngayon ay ang kabanata 1 at ang kabanata 1 ay ang Prologo. (hehe)

Makapal pa naman ang aking buhok, kaya okay lang na mabawasan ng kahit ilang hibla lang. (haha)

So, Nagbunga ang bangongot apat na taon ang nakalipas.

Wala naman akong nakitang mali, honestly malinis na nga para sa akin ang pagkakasulat mo. Naiintindihan ko ito at pumapasok sa isipan ko. Iyan lang naman ang pinakaimportante para sa akin at nakuha mo ito.

Sa panghuling part ng kabanata 2, ay tila ako nabitin. 

Basahin mo .

*Dahil nandito sina mommy at daddy, nakahandang gumabay. *

Kulang sa impact, kumbaga tila ito kinapos sa hininga, kaya naputol na lang at hanggang doon na lang ito.

Revise mo na lang siya, if tingin mo tama ako.

Pwede namang ganito .

Hindi ko lubos akalaing darating sa buhay ko ang puntong ito.Na maging panatag ang loob ko, kung sakaling may darating muling unos sa buhay ko.

Dahil alam kong narito lang sila. Ang pamilyang kahit kailan ay hindi ako susukuan. Ang pamilyang tanggap ako, maging sino man ako.

Kabanata 3

Hindi siya boring! dahil hanggang ngayon hindi ko pa din makuha ang kaugnayan ng pamagat sa kwento.

Hiling ng damdamin?

Anong kahilingan ba ito? Nasa kabanata 3 na ako, ngunit tila hindi ko pa din maarok ang nais ipagsigawan ng pamagat ng kwento.

Ang hiling ba na ito, ay ang malaman niya kung sino ang ama ng bata?

Still... Nahihiwatigan kong ito pa lang ang umpisa ng kwento.

Sino nga ba ang lalaking nakabuntis sa kanya?

Si Zed kaya o di kaya si Harris o baka naman wala sa nabanggit. (haha)

Tssk... Huwag naman sanang sa susunod na kabanata ay si Automn muli ang nasa spotlight.

Kabanata 4

Sa wakas akala ko naman ay tuloy-tuloy na ang spotlight kay Automn.

So, tama ako! Si Harris nga ang lalaking gumahasa dito.

Ipinapahiwatig lamang ng storya mo Miss A, na nahuhulaan ang kwento mo.

Why? May mga kaparehas kasi itong kwento. Kumbaga katulad ng sinabi ko kanina. Hindi na ito iba o di kaya naiiba sa ibang kwento.

Kabanata 5

Napawow ako!

Kung sa Kabanata 4, sinabi kong nahuhulaan ang kasunod ng kwento mo. Mukhang babawiin ko ito ngayon. (hehe) Hindi ko ineexpect na iikot pa ang kwento mo at binigyan mo ng isang thrill.

Akala ko kasi plain lang siya pero mali ako, pero bilang iyong napiling Critic.

I-suggest na sana more pasabog pa ang ibigay mo sa bawat kabanatang mababasa namin, as your reader.

Pacing

Isang malaking like para sayo. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng kwento mo.

At isa pa, kuhang-kuha mo ang ritmo na bumagay sa takbo ng storya.

May tanong lang ako.

Hindi ba masyadong mabilis ang pagkagising niya, mula sa pagkawala niya ng malay?

(Kibit balikat)

StoryFlow

Katulad nga nang sinabi ko kanina.  Marunong ka nang tumakbo.Which means mas magaling ka pa nga sa akin. Dahil ako, nag-aaral pa lang akong tumakbo. Dahil nasa kabanata pa lang ako nang naglalakad.

Maayos ang flow ng story mo. Wala akong masabi na hindi ko nagustohan, dahil nga sa naipapasok ng storya mo, ang takbo ng kwento sa utak ko.

*Ang babae ay nais mag-explore at dahil sa nalasing ito ay narape, nagbunga at nagsikap. Lumipas ang taon, nagkakasalubong muli ang landas nila ng taong may gawa sa kanya ng karahasan, ngunit hindi niya nakilala. Nainlove siya at matutuklasan niya na ang lalaking ito, ang nagrape sa kanya.In the end of the story hindi ko alam kung sila o magiging tragic ang ending nito.

* hula lang naman iyan at hindi ko alam kung ganyan nga ang mangyayare!

Suggestion!  kung ganyan man ang mangyare, nais ko sanang bigyan mo ng pagbabago ang kwento. Para umangat ito sa iba at ang kwento mo ang mapansin. Lagyan mo ng kaunting action hindi lang thriller. Alam kong kaya mo, dahil magaling ka.

A oo pala, binasa ko rin ang kabanata 6 at napataas muli ang aking kilay. Mukhang ito na ang pinaka-aantay ng mga readers mo. Ang Autumn Vs. Harris.  (Goodluck)

Emotions

Dalang-dala mo ako! (taas kilay)

Uniqueness/Clicheness

Paulit-ulit lang ako dito kung uulitin ko uli ang mga sinulat ko. 

Pero masasabi ko pa ding Unique ang story mo, dahil ikaw ang may gawa niyan.

Unique ito dahil may kaunting kembot akong nakita sa Kabanata 5 . Mukhang doon magsisimula ang UNIQUENESS ng kwento mo.

Characterisation

Isang malaking ngiti para sayo.  Naiparamdam mo kasi sa akin ang ugali ng bawat tauhan mo.  At iyan ang isa sa pinakaimportante sa lahat.

Technicalities

Mahina rin ako rito. 
kaya lang kahit bagsak ako riyan. kailangan ko pa ring mag critic.

Napansin ko lang naman, na hindi na ako makahinga sa pagbabasa nang sinulat mo.

Balak mo ba akong pagudin?

Dahil kung oo! Nagtagumpay ka.

Dont forget to use comma(,) Kasi minsan, nakadepende rin sayong nagsusulat kung kailan at saan kami titigil.

Naiintindihan ko rin naman ang mga small wrong typos na nakita ko.

At hindi ako strick diyan. Kaya lets move on.

After reading your story ito na ang mga napansin ko. (Hinga ka muna nang malalim.)

Iyong sa Title ng kwento, mukhang ilang kabanata pa ang aking babasahin, para masabi kong fit ang title ng kwento sa story mo.

Bakit hindi mo na lang pala palitan?  Iyong title na mas babagay sa kwentong ginawa mo.

Example

1. A lady named Automn
2. Darkest Night turns to beautiful Secret.
3. Beautiful Secret
4. Akin ka lang

Sa Description mo, seryoso ka? Ito talaga ang Description ng story mo?

Naka anim na akong kabanata kailan pa lalabas ang mithiin na iyan?  nasaan ang kahilingan na nasambit?  Wooh! ano ba ang hiling ni Autumn?

Nabasa ko naman sa Prologo, na ang taong sa akin ay nakalaan, ang hinihiling nito.

Pero Miss A. Mukhang walang connect ata ang Description mo sa kwento mo.

O nagkamali ka nang pinaglayan ng mga kabanatang ginawa mo?

Isa pa tong si Prologo.

Ewan ko ba,  may connection naman ang description at prologo.

Pero bakit at bakit at muli bakit, pagdating sa kabanata 1-6 ay tumataginting na WALA!

(Hingang malalim.)

Angel on my side: Siguro nasa Kabanata 7, Basahin mo kasi!

Devil on my side: Naku pahinga ka na lang may task ka pang nag-aantay.

Me: Sorry Miss A. Paki Check mo na lang ang mga iyan.

Overall Impression

Pwede siyang ipabasa sa mga teenager na gustong makapunta ng bar.

May lesson ka nang makakalap, may sapak pang baon sayo, para matuto kang magcontrol. Dahil kung nalasing ka na, alam mo na kung saan ka tutungo.

Good Job! Kaunting Revision na lang at siguradong pwede mo na itong ipasa sa isang publishing hause.



- kushikimika_03

I dont think, na kailangan pa ng Extra Critic, dahil sa haba nito, tiyak na busog na busog na si miswanderer . Nawa'y nakatulong ang gawa ni Critic Admin kushikimika_03 sa kwento mo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro