Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

📝Finding the Moon Prince📝

Finding the Moon Prince
CrazyInPinkCupcake


Title/Book Cover:

Perfect. Iyon ang masasabi ko sa iyong cover. Grabe, wala talaga akong nakitang mali rito. Nagmamatch ang mga ginamit na colors, tama ang blending, at higit sa lahat, ang pinakagusto ko, ang font ng pamagat. Bagay na bagay siya sa genre na fantasy, tama rin ang placing nito at bagay na bagay ang kulay nito sa cover, nakikita ko ito nang maayos. Sa cover pa lang ay parang ipinakilala mo na rin ang mga bida, si Julius na parang nagtataka (well sino nga naman ang hindi kung bigla na lang magkaroon ng misyon?) at 'di ko lang alam kung si Adrian ang nasa likod niyang prinsipe o ang prinsipe ngang kailangan niyang hanapin. Tama rin ang placing ng iyong username at nagustuhan ko rin ang font. Overall, iyon nga, napakaperfect, nakakasatisfy, 'yong parang wala nang maidadagdag pa.

No'ng sinearch ko ang iyong pamagat, ito agad ang lumabas, wala rin itong kapareho. Siguro ang marami sa wattpad ay 'yong "Finding" chuchuness na laging ang kwento naman ay ang paghahanap sa nawawalang prinsesa, and malalaman ng bida na siya pala 'yon. Do'n naging surprising ang pamagat mo, kasi hindi siya tungkol sa nawawalang prinsesa or 'yong bida iyong matagal nang nawawala, kasi ang plot ng iyo ay may isang taong napili (which is Julius) para hanapin ang prinsipe, surprising din dahil hindi siya 'yong usual BxG love story, and ang mas nagpaexcite pa kay Julius at sa 'kin din ay 'yong may makakasama pa siyang apat na dragon. You did a great job on that.

Blurb/Description:

Malinaw ko namang naintindihan ang kwentong nais mong ipabatid sa mga mambabasa, 'yon nga lang medyo magulo ang naging paglalahad mo. Tama naman 'yong pagkalahad pero may mga nawawalang salita at maling pagkakagamit ng pananda.

Kagaya do'n sa pangungusap na, "Paano kung nahanap niya ang isang kwaderno na naglalaman ng isang pulseras." Dapat ay gumamit ka ng panandang pananong dahil nagtatanong ka.

Sa pangungusap naman na, "Pulseras ng buwan na pinaubaya sakanya para hanapin ang nawawalang prinsipe ng buwan." Mas maganda kung sisimulan mo sa salitang "ang" ang pangungusap. May napansin pa akong mali sa pangungusap na ito pero siguro'y mamaya ko na lang babanggitin.

Sa pangungusap naman na, "Kasama ang Apat Na dragon na Mayroong malalaking gampanin na tulungan at ipagtangol si Julius sa lahat ng kapahamakan kahit sa kamatayan at si Adrian ang misteryosong lalaki na walang may alam ng kanyang buong pagkatao." Ang masasabi ko lamang dito ay bitin, hindi sa ideya o pagpapaliwanag kundi bitin sa salita.

Ang pagpapahayag na ginawa mo kasi ay parang ganito (inalis ko iyong parang misyon ng apat at iyong pagkadescribe mo kay Adrian), "Kasama ang Apat Na dragon at si Adrian." Oh 'di ba putol? Kaya ang naisip kong paraan dito'y ilagay ang salitang "niya" pagkatapos ng salitang "Kasama". Doon naman sa pariralang "Apat Na dragon", kung gusto mong iemphasize ang mga salitang ito, ganito dapat ang pagkacapitalize ng mga letra, "Apat na Dragon".

Medyo naging magulo rin ang ginawa mong pagpapaliwanag kay Adrian, "at si Adrian ang misteryosong lalaki na walang may alam ng kanyang buong pagkatao", ang naintindihan ko rito'y walang nakakakilalang lubos kay Adrian kaya siya misteryoso, tama ba? Mas maayos siguro kung ang salitang "na" ay aalisin na lamang.

Ito ang na-edit na bersyon ng pangngusap na iyon. "Kasama niya ang Apat na Dragon na mayroong malalaking gampanin, ang tulungan at ipagtangol siya sa lahat ng kapahamakan, kahit sa kamatayan, at si Adrian, ang misteryosong lalaki, walang may alam ng kanyang buong pagkatao.

Suhestiyon ko lang rin, maglagay ka pa ng isang pangungusap kung saan ay tila nang-aaya ka. Hal. "Samahan si Julius sa pagharap sa mga pagsubok at misteryo sa paghahanap sa nawawalang Prinsipe ng Buwan."

Content

a.Pacing

Nakukulangan ako sa way ng pagsusulat mo, 'di kasi masyadong detailed ang pagdedescribe mo sa mga lugar at pangyayari. Hindi ko maimagine nang malinaw ang mga scenes, nagfocus ka lang sa ginagawa ni Julius o 'di kaya sa sinasabi niya, kaya naman malabo talaga. Nabilisan tuloy ako sa pangyayari. Kagaya no'ng umupo siya sa bench, kakaupo niya lang halos tapos tinawag agad siya, ha? Anong ginawa niya do'n? Naghihintay ng susundo sa kanya? Kung gano'n lang kasi ang ginawa niya sa garden, kung ako ang mag-aalis ng scene, aalisin ko 'yon, dahil kahit alisin ko naman iyon ay buo pa rin ang kwento at hindi naapektuhan ang plot. Always remember na 'pag nagsusulat ng mga scenes, make sure na dapat lahat ay worth it, may sense at may naiambag sa buong kwento. 'Yong tipong 'pag inalis iyon, meron at merong parte ng kwento ang maaapektuhan.

Dapat inilagay mo kung anong iniisip niya, 'yong mga tanong dahil sa pulseras at iba pa, para maging meaningful ang scene na iyon.

b.Story Flow

Tama rin naman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kaya lang, may kulang, hindi mo naipakilala ang bida, I mean kung saan siya nakatira, kung may kaibigan ba siya, (I'm not really sure kung kaibigan niya 'yong nanglibre sa kanya sa canteen), kung normal student lang ba siya sa school nila, gano'n. Kulang sa info, sana ay makilala ko pa lalo si Julius sa pag-usad ng kwento.

c. Emotions

Sa totoo niyan ay 'di ko masyadong ramdam si Julius. 'Yong parang nagkekwento lang siya ng mga actions niya pero 'di niya masyadong sinasabi ang nararamdaman niya. Kung kinakabahan ba siya, kung nacucurious o kung naiinis. Siya 'yong tipo ng taong hindi expressive. POV niya ang ginamit mo, kaya sana ipinakita mo pa rin 'yong feelings niya, kasi siya at siya ang (dapat na) pinakakilala ng mga mambabasa sa iyong kwento, dahil siya ang bida. Pero gaya nga ng sinabi ko sa Story Flow, hindi mo siya naipakilala, at dito sa Emotions, 'di mo rin masyadong naipahayag ang kanyang nararamdaman. Parang wala na tuloy itong pinagkaiba sa Third Person's POV. Ayon, sana sa mga susunod na kabanata o 'di kaya'y 'pag na-edit mo na ito'y makilala ko na si Julius.

'Di ko rin masyadong ramdam si Julius at Adrian, I mean, wala akong masyadong naramdamang kilig. Don't get me wrong ha, nagbabasa ako ng mga BxB manga kaya nakakaramdam rin ako ng kilig sa mga ganitong klaseng kwento. So I'm hoping rin na may mga scenes wherein papakiligin mo ang mga mambabasa, but, 'wag sobrahan para ang focus pa rin ng story ay ang paghahanap sa Moon Prince.

Idagdag ko lang din. Do'n sa sinabi ni Adrian na, "Sino ka ba huh?", kung ako ang tatanungin ay mukha siyang galit dito. Like, bakit siya magagalit eh unang approach pa lang naman sa kanya ni Julius dahil hindi natuloy no'ng unang try nito. Sa naiimagine ko kasing tono ng boses ni Adrian dito ay parang galit siya dahil kanina pa siya sinusundan ni Julius, na hindi naman totoo. So, mas maganda siguro kung alisin mo 'yong "ba huh", para hindi siya magmukhang rude at the same time hindi rin sobrang nice.

d. Uniqueness

Maganda ang plot ng iyong story, dahil maliban sa fantasy/adventure ito, nilagyan mo pa ng twist, it's not the typical BxG love story kundi BxB. And ang maganda sa way ng pagsusulat mo, you're always putting cliffhanger. Para sa akin ay unique naman ang mga scenes, dahil nanggaling nga iyon sa iyo at nakikita ko ang creativity mo, pero hindi lahat unique. Iyong nasa pinakauna mong kabanata, meron 'yong scene na sinabi ng teacher na may bago silang classmate at sinabihan ito ng teacher na magpakilala, then narealize ni Julius na baka ito nga 'yong tinukoy ng matanda na Adrian na siyang susundo sa kanya. Very common na ang ganitong scene sa wattpad, 'yong may transferee, introduce yourself, 'yong katabi niya ang bida, 'yong may connection (or magkakaroon pa lang) sila ng bida. Masyado nang cliché. Alam mo, maganda ang story mo, maganda ang plot gayundin ang cover, sayang lang kung hindi itutuloy ng mga mambabasa ang pagbabasa dahil sa nakita nilang overused na scene sa wattpad. Maybe you should change it, imbis na sa scene na 'yon sila unang nagkita why not sa garden?

Kunyari, habang nakaupo si Julius sa bench ay may napansin siyang binubully na babae, lalapit na sana siya pero naunang lumapit ang isang gwapong lalaki (which is Adrian), itinaboy nito 'yong mga nambubully sa babae. Tapos napagdesisyunan na rin ni Julius na lumapit para tulungan ang babae na pulutin ang mga librong hawak nito(babae) bago siya itulak ng mga babaeng bully. Nang pupulutin na sana ni Julius ang huling libro'y laking gulat niya na sabay pala silang (Julius at Adrian) humawak dito. Nagkatitigan, siyempre ang lola niyo'y kinilig, wala namang reaksyon si Adrian, then 'yon, narinig ni Julius na tinatawag na siya ni Anthony kaya siya na mismo ang bumitaw (aww) sa libro. Nginitian niya muna si Adrian at 'yong babae bago umalis, nagpasalamat naman iyong babae, at bago pa siya tuluyang makalayo ay narinig niya ang usapan ng dalawa. "Salamat po kuya... " Sabi ng babae na tila hinihintay ang sagot ng kausap. "...Adrian, ako si Adrian." At napatigil si Julius.

Pagkatapos nito (sa susunod na kabanata) ay pwede mo nang isunod ang scene kung saan ay hinabol ni Julius si Adrian at saka nagpakilala, then tuloy-tuloy na ang story. Hindi na gano'n kacliché ang unang pagkikita nila tapos nakilala ko pa si Julius, na matulungin pala.

Pero ikaw pa rin ang bahala. Desisyon mo dahil sarili mo itong akda.

Characterization/Technicalities

Unahin ko na muna ang characterization. Napangatawanan naman ng mga karakter mo ang kanilang mga ugali. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, 'di mo masyadong naipakilala. Pati na rin iyong mga lalaking kinausap ni Adrian sa bar, 'di mo naipakilala, just make sure na hindi sila mga main characters, 'pag extra lang kasi, okay lang kahit hindi na.

-Sa technicalities naman. Unahin ko na muna ang mga maling pagpapaikli ng salita.

syang = siyang/s'yang

sya = siya/s'ya

Di = 'Di

nya = niya/ n'ya

nyong = niyong/ n'yong

diba = 'di ba

motong = mo 'tong

dun = do'n

yung = 'yong

yun = 'yon

sayo = sa 'yo

wag = 'wag

toh = 'to

-May mga salita rin na 'di mo nalagyan ng gitling kagaya ng mga salitang mag isa, paghihila hila, tuloy tuloy, magisip isip, dahan dahan, punong puno at kamag anak.

-Marami rin akong napansin na mali sa capitalization ng mga salita. Hal. "Pero Isa syang napakabuting tao." Dapat ay maliit na letra lamang ang "i" sa salitang "isa". Maliban dito ay marami pa akong napansin. Heto ang mga gamit ng malaking titik.

Gamit ng Malaking Titik

1. Sa unang titik ng unang salita sa pangungusap, siniping pahayag at taludtod ng tula.

2. Sa mga dinaglat na pangalan ng tao, ng mga ahensiya, ng pamahalaan, pamantasan, kapisanan.

3. Sa mga pamagat ng aklat, magasin, pahayagan.

4. Sa unang mga titik ng pangalan ng bansa, lungsod, lalawigan, bayan, baryo, daan, at iba pang pook.

5. Sa lahat ng mahalagang salita, pamagat ng kuwento, nobela, awit, at iba pa.

6. Sa lahat ng mga tawag ng Diyos gaya ng Bathala, Panginoon, Maykapal, Poon, Lumikha at iba pa.

7. Sa mga direksyong palatandaan ng pagkakahating politikal o pangheograpiya gaya ng Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran, Timog-Silangan, Asya-Luzon, at iba pa.

8. Sa titulo ng tao, kapag kasama pangalan gaya ng Pangulo, Kinatawan, Gobernador, Doktor, Inhenyero.

9. Sa mga asignaturang pampaaralan; Filipino, Ingles, Matematika, Biyolohiya, Kasaysayan at iba pa.

10. Sa mga buwan at araw; Enero, Pebrero, Marso, Linggo, Martes, at iba pa.

Kung wala sa mga 'to ang gagamiting salita, ibig sabihin ay sa maliit na letra mo lamang simulan ang salita.

-Kailangan mo ring pag-aralan ang paggamit ng mga salitang "nang" at "ng", "doon" at "roon", at "dito" at "rito" dahil napagbabaliktad mo ang mga ito.

Paggamit ng "ng" at "nang"

NG

1. Kapag sinasagot ang tanong na ANO at KAILAN ,kung ipinapahayag ang PAGMAMAY-ARI at kung tungkol sa ORAS O PETSA

NANG

1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO

2. Kapag UMUULIT ang KILOS

3. Ibang salita sa NOONG (When)

4. Ibang salita sa PARA at UPANG

Raw, Rin, Riyan, at Roon kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u,y,w).

Daw, Din, Diyan at Doon naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,n,p,q,r,s,t,v,x,z).

-'Pag nagcoconstruct ka rin ng talata. Tinatapos mo ang pangungusap sa pananda tapos 'di ka na naglalagay ng space, diretso na agad 'yong bagong pangungusap.Sa totoo niyan ay masakit sa mata, nakakaduling, kaya fix na lang.

Advice lang. Maglagay ng space between sentences.

✔ Isang araw may nakita siyang kakaibang kwaderno. Binasa niya ito.

✖ Isang araw may nakita siyang kakaibang kwaderno.Binasa niya ito.

-May pangungusap rin na kulang sa salita.

"Binasa niya ito nang makapunta na sya sa pinakadulong parte ay may nakita siyang napakagandang Pulseras."

Dapat ay may salitang "at" sa pagitan ng mga salitang "ito" at "nang". Kaya magiging ganito ang pangungusap, "Binasa niya ito at nang makapunta na siya sa pinakadulong parte ay may nakita siyang napakagandang pulseras."

-Wala ring panandang katulad nito (......), ganito lamang (...).

-May mga pangungusap din na kulang sa kuwit at isa ang sumusunod na pangungusap.

"Kakailanganin mo ang tulong nya sya na ang magsasabi nang mga kailangan nyong gawin."

Dapat ay may kuwit sa pagitan ng mga salitang "niya" at "siya". Kaya ang kakalabasan ay, "Kakailanganin mo ang tulong niya, siya na ang magsasabi ng mga kailangan niyong gawin."

Gamit ng Kuwit (Comma)

1. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.

a. Nene, ano ang ginagawa mo?

b. Ganito, Pedro, angpagsulat nang tama.

2. Ginagamit pagakatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.

a. Mahal kong ina,

b. Pinakamamahal kong kaibigan,

3. Ginagamit pagakatapos ng bating pangwakas ng liham.

a. Ang iyong kaibigan,

b. Lubos na gumagalang,

4. Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga signay na sunud-sunod.

a. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.

b. Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng kahoy.

5. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.

a. Ipinadala ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756 Lepanto, Sampalok.

b. Ang ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa Sta. Cruz Manila.

6. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

a. "Mag-aral kang mabuti," ang sabi ng ina.

b. "Ikaw," sabi ng ama, "ay huwag gagala kung gabi."

7. Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.

a. Si Nita, na aking kapatid, ay mananahi.

b. Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at Sikat.

8. Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung siyang simula ng pangungusap.

a. Oo, pupunta ako sa inyo

b. Hindi, kailangan siyang magpahinga.

-Lahat ng sinasabi ng nagsasalita, maliban sa hindi direct (hal. ng 'di direct, "Ang sabi ni Isabelle ay maganda raw ako.") ay dapat na naka-enclose sa panipi.

Ang ginawa mo kasi ay ganito, "Ho?" Di ko po kayo maintindihan sabi ni Julius.

Parte pa naman ng sinabi niya 'yong " 'Di ko po kayo maintindihan" 'di ba?

Gamit ng Panipi (Quotation Mark)

1. Ginagamit ang panipi upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita.

• 'Ang ganda ng sanggol," ang sabi ng manggagamot.

• Anang kapitana, "Magtulungan tayo sa pagpapatupad ng kalinisan sa paligid."

2. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

3. Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat o iba't ibang akda.

-Kung magsishift ka ng POV, inform mo ang mga readers. Ex. Julius' POV.

Nagulat na lang ako dito, biglang nagshift ng POV. Ayon, inform mo lang ang mga readers oki.

-May mga napansin rin akong grammatically incorrect words and sentences, pero okay lang, may tiwala naman akong maaayos mo rin ang mga 'yon, and nobody's perfect naman, ako nga bilang critique ay hindi rin masyadong expert sa grammar, lalong-lalo na sa English.

-Typographical errors din. Reread lang nang reread.

-Mayroon ding maling pagpwesto ng tuldok.

"Pumunta ako sa garden ng school. Para magisip isip kasi ang lugar na Ito ang pinakapaborito ko."

Sa kaso ng pangungusap na ito, dapat ay wala nang tuldok sa pagitan ng mga salitang "school" at "Para".

Dapat ay ganito, "Pumunta ako sa garden ng school para makapag-isip dahil ang lugar na ito ang pinakapaborito ko."

-Gumamit ng panandang pananong (?) 'pag nagtatanong.

✖"Tsk! Ano bang problema ng lalaking yun."

✔"Tsk! Ano bang problema ng lalaking 'yon?"

-By the way, napansin ko lang, 'di masyadong uso sa 'yo ang kuwit ( , ), mayroong mga parirala na dapat ay kuwit lang ang naghihiwalay pero ang nilagay mo'y tuldok.

Overall Impression

Gaya ng sinabi ko kanina, maganda ang plot gayundin ang book cover, nagkaroon lang ng mga errors na kailangan mong ayusin. By the way, gustong-gusto ko ang mystery ng kwento mo, 'yong kung paano ang magiging journey nila sa paghahanap sa moon prince at kung sino ito. And I can see something na nagsasabi na ang kwentong ito ay 'di pangkaraniwan.

Pahabol ko lang. Literal na nakakabitin iyong Chapter 5, as in, hindi siya mukhang cliffhanger, parang putol. So dagdagan mo lang iyong scene doon at saka mo ilagay ang cliffhanger.

Will read this again 'pag hindi na busy, and I hope na by that time ay mas maganda na ang kwentong ito(maganda na eh). Maraming salamat sa pagtitiwala!

*credits to yenbehold, sa kanya nanggaling iyong gamit ng panipi, gamit ng kuwit, at gamit ng malaking titik.*

-Moanamin

Maraming Salamat Critic Admin Moanamin.

At dahil diyan, tiyak kung nabusog mo na ang ating writer na si CrazyInPinkCupcake ... .

Nawa'y may natutunan tayo. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro