
Batch 5: The Land Of El Caprice
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: The Land of El Caprice*
Author: moonlightHeat
Critique made by: guardianlovers
Feedback:
∞Title:
Hindi ako masyadong na-impress sa iyong titulo. Kapag binasa ko ang title mo hindi man lang mapapataas ang kilay ko. Advice ko lang magdagdag ka ng adjectives like "The Mysterious Land of El Caprice. Mga something like that, mapapaisip kaagad ako at mapapatanong. Bakit mysterious iyong Land of El Caprice? Anong meron sa Land of El Caprice.
∞Book Cover:
Wala kang book cover kaya wala akong maki-critique rito. Advice ko lang na gumawa ka or magpagawa kasi isa iyon sa nakaka-akit ng mambabasa.
∞Blur&Epilogue
Nakuha ng blurb mo ang aking atensyon kahit maiksi ito pero kulang pa rin. Kahit na nakakakuha siya ng atensyon ay hindi ko siya nakikitaan ng creativity. Sobrang kulang. At huwag ka sanang masaktan pero para sa akin ay walang laman ang prologue mo. Mahaba ang mga paragraphs at ang iba ay kahit hindi mo naman na isama. Unang kita ko pa lang sa unang paragraph ay ayaw ko na itong basahin dahil sa mahaba. Maiksi ang reading span ng ibang mga reader kaya mabobored din sila sa panimula mo. Itry mong putulin at paiksin kasi may mga words na kahit hindi naman isama. Sa totoo lang, mas mahaba pa ata ang pag-eexplain mo na hindi siya gumagawa ng gawaing bahay kaysa sa panaginip niya. Bigyan mo sana ng buhay iyong panaginip niya. I-elaborate mo pa siya. Iyong tipong maiimagine talaga namin.
Notes
Should be: The land that never existed in reality, but can exist in your mind.
NOT: The land that never existed in reality, but can [existed] in your mind.
∞Characterization
Nakulangan ako sa mga characters mo. Kulang ang features nila. Hindi mo masyadong nailarawan dahil masyado kang nag-focus sa pag-dedescribe ng kanilang katangian. Bawasam mo po ang ganoon. Mas okay na ipakitang mabait siya kaysa sabihing mabait. Napakadami mong na drop na information na hindi naman kailangan sa kanila.
∞Plot&Settings
[Settings]
I can't imagine your scenes. Kulang ka sa descriptions kung nasaan sila. You can't simply said na nasa school sila. Idescribe mo para maimagine namin na nasa school. Ito ang dahilan kung bakit walang laman sa akin iyong prologue mo dahil kulang sa descriptions.
[Plot]
Unique sa akin ang plot mo pero hindi ko s'ya gusto (personal preference) dahil more on dark stories ako. Na-amazed sa mga scenes na naisip mo, napaka-creative kaya thumbs up din iyon. I won't criticize this that much kasi hindi pa naman tapos at sigurado akong marami ka pang revelations.
∞Narration&Dialogues
[Dialogue]
Wala akong masyadong problema sa dialogue mo pero may mali ka sa paggamit ng mga attibutions and tags. Research more in this part.
Notes to remember:
Never capitalize the pronounce when it's a dialogue attribution. (Naicomment ko na ito sa story mo. Paki-delete na lang kung gusto mo.)
Sample:
"Get out!" he said.
NOT: "Get out!" He said.
But do capitalization when it's an action beat
"Get out!" He picked up the gun.
NOT: "Get out!" he picked up the gun.
[Narration]
Medyo maayos naman ang narration 'yon nga lang, nasobrahan ka naman. May mga times na nakakatamad ng basahin kasi napakahaba ng mga paragraphs. As a reader, mabilis akong ma-bored so ang tendency, karamihan ini-skip ko na dahil masyadong masakit sa mata. You should practice on concising the idea. May ilan kasi nauulit lang.
∞Opinion as a READER
As a reader, oo nakulangan ako pero papasa naman na. Nagustuhan ko na Filipino ang ginamit mong language. Thumbs up ako doon. Ang pinaka-main problem na nakita ko lang ay iyong sa paragraphs dahil iyong mga technicalities na iba ay tolerable naman. Magaling ka na writer kaya keep writing lang. Sabi nga sa nabasa ko, no writes same way as you. Ipagpatuloy mo lang po. Fighting~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro