Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 5: The Demon's Lair

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••
Book Title: The Demon's Lair
Author: 1Dark2Shadow3
Critique made by: Draven_

∞Title:

Para sa akin, the title is simple and interesting. May sapat siyang impact para makuha ang atensyon ng mga readers. Good job!

∞Book Cover:

Technically, maganda at pulido tingnan ang book cover. Makikita mo talaga ang creativity ng editor sa design at concept nito. Nandoon 'yong mystery at romance. Kaya ko nasabi ito dahil sa first impression ko pa lang sa cover ay parang magkahalong mystery at romance na ang datingan niya. Great job!

∞Blurb & Prologue:

Napakaganda ng pagkakagawa sa blurb. Sakto lang ang mga detalyeng nilagay kaya hindi siya predictable. Maayos din ang execution kaya nakakapanghugot talaga ng atensyon para basahin ang kabuuan ng nobela.

∞Characterization:

Para sa akin, so far wala pa naman ako nakitang problema sa mga characters, based on first five chapters na nabasa ko (kasi iyon lang 'yong hinihingi sa rules hehe). Pero iyon nga, ramdam ko ang pagkaka-build mo sa character ng nagsasalita, pati na rin sa mga tao sa paligid niya. Nice one!

∞Plot & Settings:

Maayos ang daloy ng kuwento. Nakikita ko ang bawat lugar. Nai-imagine ko ang bawat nakikita ng bida. Good job!

∞Narration & Dialogues:

Maayos ang narration at execution ng author sa kuwentong ito, siyempre kasama na rin doon ang dialogues. No boring and awkward lines. Ramdam ko rin ang writing voice ng awtor at masasabi kong mahusay siya sa paglalaro ng mga salita. Great job!

∞Opinion as a Reader

Sa kabuuan, ang opinyon ko bilang reader at hindi kritiko ay... Nagustuhan ko ang kuwento! Maayos ang pagkakasulat at ang pagkakalahad ng mga eksena. Nagustuhan ko rin ang writing voice na isa sa mga tinitingnan ko palagi sa isang author, dahil dito ko nakikita kung anong klaseng author ba siya o kung anong character ang bagay sa kanya bilang author. Ituloy mo lang kung ano itong naumpisahan mo at palawakin mo pa lalo. Good job and more power to you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro