Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 5: The Campus Heartthrob

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••
Title: The Campus Heartthrob
Author: eleb_heart
Critique made by: Inlovereal

∞Title:

•Yong title ng story maganda siya. Nakakakuha siya ng atensiyon ng reader kasi nga ano eh..maraming gustong magbasa ng story about sa isang heartthrob. Kaso masyado na po atang marami ang story na may kaparehong title nito kaya I advice na palitan na lang siya. Pero siyempre it depends po sa author.

∞Book Cover:

Dapat po na mag edit kayo ng magandang cover. Kasi yong cover ng story niyo picture lang siya eh. Mas better if nababasa talaga ng reader ang title sa cover. Bigyan niyo po ng time ang pag e-edit ng cover.

∞Blurb/Prologue:

Actually may problema po tayo sa part na to. Hindi ko po kasi masyadong maintindihan eh. Wala ka pong prologue. Yong pagpapakilala lang sa mga character tapos parang medyo malabo. Dapat po habaan ntin ng kaunti at ano lagyan natin ng personalities nila ganon. Mas maganda kung yong prologue ng story is nakafocus siya sa kung bakit o kung paano nagsimula ang kwento.

∞Characterization:

Hindi ko masyadong mafeel dito ang ano, yong character ng bawat isa. Iba't ibang POV pero yong pagkakanarrate pare-pareho lang eh. Dapat po ipakita natin ang pagkakaiba ng bawat isa through narration. Tapos yong pagpapalit-palit pa ng POV nakakalito. Yong magbestfriend na babae sa kwento kasi..pare-pareho lang sila ng thoughts. Dapat mag-focus muna tayo do'n sa main character eh. Yong dapat makilala muna ng reader ang bida bago yong mga supporting characters.

∞Plot/Settings:

•Yong kwento medyo cliche po siya. Yong pagtakbo ng story masyado atang mabilis author. Dagdag mo pa yong hindi ko masyadong magets ang mga place na binabanggit sa story. Dapat po linawin natin kung saan o kailan naganap ang panggayari sa story para hindi masyadong malito ang nagbabasa. Baka po mawalan ng interes bigla at hindi na magpatuloy eh.

∞Narration/ Dialogue:

Dito wala tayong masyadong problema. Ayos naman yong pagkakasulat at hindi siya magulo except na lang do'n sa ilang word na hindi familiar sa'kin

Opinion as a Reader

Maganda po yong story.. Kaya lang po medyo magulo. Nagustuhan ko naman po. Yon lang. Keep writing!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro