Batch 5: Red Is The Color Of Fate
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Red Is The Color Of Fate
Author: eunicornwithoutahorn
Critique made by: Blyrie
Feed back:
∞Title:
Your title is good. It is really related to the content of the book. When you first read it, an idea already came up to your mind on what's the story all about. So far, ngayon lang ako nakakita ng gano'ng title rito sa wattpad. It's catchy. So thumbs up.
∞Book cover:
Your book cover is simple. Just like what I've said about the title, related din 'yong cover mo sa story. I like it. Pati na rin 'yong font na gamit mo. So simple yet catchy.
∞Blurb/Prologue:
First, let's go to the blurb. 'Yong description mo, straight to the point talaga. Malalaman mo na agad tungkol saan ang kwento. Na una pa lang hindi talaga siya naniniwala not until the guy came. You see, alam na natin kung paano tatakbo ang story.
Tapos sa prologue naman, I'm saying this as a reader. 'Yong prologue parang katulad lang siya sa description mo. Pagkakaiba nga lang sinabi mo na agad do'n na hindi siya naniniwala sa red string or kung ano man ang red string sabi ro'n. Sa description sabi mo na, you believe about the string until the guy came. 'Yon lang pagkakaiba nila. Masyado ring realistic.
∞Characterization:
Ang masasabi ko rito ay naipakita rito kung paano maging bitter si Dove, although hindi binanggit do'n pero 'pag binasa mo, makikita mo talaga. Masyado rin siyang realistic na tao. Tsaka si Angie naman, halos pareho lang sila ng katangian. Although medyo madaldal si Angie. Also, I like how you describe the others, Chester and Adam. Maganda 'yong way katulad sa ibang mga nababasa ko.
∞Plot&Settings:
Wala ako gaanong masabi sa plot kasi alam mo na agad kung paano tatakbo ang story kahit limang kabanata pa lang nababasa ko. Hindi siya mahirap tingnan kung papaano tatakbo 'yong story. Base na rin sa description and prologue. Sa settings naman, alam ko lang na sa school tumatakbo ang storya since teacher 'yong babae which is si Dove. At paglalabas na lang sila binabanggit kung saan sila pupunta. Okay naman siya, hindi nakakalito.
∞Narrations/Dialogue:
Maayos naman kasi alam ng readers or namin kung kaninong point of view 'yon. Isa pa ang masasabi ko lang din hindi gaanong naka-indicate 'yong pag-uusap nila, I mean kung naiinis ba siya sa sinabi no'ng kausap niya or what. Kasi naka-indicate lang 'yong dialogue nila kung paano sila mag-usap. That's all. Hindi mo malalaman kung ano ang nararamdaman nila, ano 'yong feeling nila 'pag nakikipag-usap sa isa't isa. Although may ibang parts do'n na meron pero kay Chester lang. Siguro dahil isa siya sa main character? Pero maganda naman. :')))
∞My opinion as a reader:
Ito na opinion ko, Hakhak. May pagkamaarte akong reader. Charot lang. Maayos ang kwento mo, maayos ang takbo nito. Hindi magulo basahin. Actually I'm not really fan of this kind of story 'yong about sa mga destiny-destiny na 'yan? Nah. Hindi talaga ako mahilig. Mabilis akong ma-bored sa kwento 'pag gano'n. 'Pag nakikita ako ng gano'n ang title, swear hindi ko binabasa, unless catchy 'yong description mo mahahatak talaga ako. Pero no'ng nabasa ko 'to, okay naman siya. Kinikilig naman ako kay Chester, lol. Naiinis rin ako sa personality ni Dove. Swear, sobrang naiinis talaga ako. Sa personality lang ni Dove po. Hindi sa kwento. Kasi alam mo 'yon napaka-realistic niya mag-isip, hindi ba pwedeng baguhin niya takbo ng isip niya? Lol. So 'yon na nga. All in all, your story is really nice. It was kinda interesting. Good Job! Keep writing.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro