Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Famous for Nothing
Author: guardianlovers
Critique made by: moonlightHeat
Feedback:
∞Title
The title is catchy and interesting. Mapapaisip ka talaga kung bakit ganoon ang title nito. Kung bakit siya sumikat dahil sa wala. Pero meron pala itong malalim na ibig ipahiwatig.
∞Book Cover
The cover is amazing. Ang galing ng editor, tugma talaga sa story. Nakakainganyo rin basahin dahil bungad pa lang ay kaaya-aya na ang itsura ng unang pahina.
∞Blur and Epilogue
Dito ko natuklasan kung bakit ganoon yung pamagat. Ang saya na ang lungkot ng simula pero maganda. Yung part na parang nabuo yung Banda na iyon dahil sa babaeng mahal niya I guess. Then kaya empty yung name ng band kasi kulang siya at kailangan niyang hanapin yung nawawala sa kanya. Maayos din, ang ganda ng simula, sobra.
∞Characterization
Ang mga pangalan nila ay maganda. Tugma din sa katangian nila. Yung pagpapakilala mo sa kanila ay maayos. Hindi kulang-kulang ang detalye. Kung baga ay detalyado. Kaya kapag binabasa feel mo sila.
∞Plot and setting
Hindi na unique yung plot kasi madaming story na kagaya nila. Yung may mga banda banda. Pero yung settings iba ang dating. Meron mga pangalan ng places doon na di ko alam kung meron sa realidad. Like Plaza Acacia.
∞Narration and Dialogues
Maayos ang takbo ng istorya. Buo ang mga detalye sa bawat Kabanata. Yung mga pagtapon naman ng salita, maayos siya dahil nasa ayon ang tuldok, kuwit at tandang pananong. Wala ding nauulit na salita. Kung meron man ay pinalitan niya ito ng salitang tugma.
∞Opinion as a Reader
Bilang tagabasa ng iyong gawa. Malinis ang iyong gawa. Keep writing po may potential kayo sa larangan na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro