Batch 4: We Rule The Night
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Title: We Rule The Night
Author: inklins-
Critique Made by: tristesoul
Feedback:
• Title:
I find your title catchy kasi no'ng una kong makita iyon ay na curious agad ako kung pa'no 'yung magiging flaw ng story at may mga question na nabubuo sa isip ko pero hindi pumasok sa isip ko na fantasy pa lang iyon.
• Book Cover:
Katulad ng title maganda rin ang bookcover at dito ko lang din nalaman na fantasy ang story and tama lang ang design at hindi gano'n ka-OA ang pagkaka-edit dahil yung main character lang ang ando'n.
• Blurb
Maganda at malalaman mo ka agad na maraming mangyayari sa story at mapapatanong ka kung para saan iyong line na 'yun, pero masyadong malalim 'yung words na ginamit mo kasi 'yung ibang mambabasa mas prefer pa rin ang mga simple/common words.
• Characterization:
Si Ramè, hindi ko siya kilala ng lubusan dah hindi naman siya napakilala ng maayos bukod na taga-Ukiyo at si Ganoon din si Siouxsie. Sana sa mga susunod na chapter mas magbigay pa ng information tungkol sa kanila para hindi mag-tanong ang readers kung bakit siya gano'n o bakit siya gan'yan.
• Plot and Setting
Eto 'yung pinaka-unique na nabasa kong fantasy. Dahil maraming mystery ang meron at nakaka-curious kung sino-sino 'yung mga nasa panaginip ni Siouxsie at kung ano ang mayroon do'n sa libro pati na rin sa Character ni Isk at Lisben. Sa setting naman thumbs up dahil ang creative mo dahil ganoon ang naisip mo.
• Narration and Dialogue:
Third Person 'yung ginamit mo na sa tingin ko na pinaka-tama na gamitin para mas madaling ilarawan ang nangyayari sa kwento kaya lang ang gara dahil sa una isang paragraph na tagalog at susunod naman pure na english na parang hinugot sa mga english novels. Mas okay siguro kung taglish siya pero ihahalo mo siya sa isang paragraph para mas madaling maintindihan at hindi nakakahilo basahin. Pero the rest, maayos naman dahil nasulat mo lahat ng detalye.
• Opinion as Reader:
No'ng una hindi ko siya na-trip basahin kasi naguluhan talaga ko pero no'ng nahuli na si Ramè don na ako nag-simulang ganahan at ma-curious ng maraming bagay. Do'n ko lang din na-appreciate 'yung plot at pagiging unique nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro