Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 4: Fated Lovers

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••
Book title: FATED LOVERS: kaluwalhatian Chronicles.
Author: -IndieWriter-
Critique Made by: yhin2x


FEEDBACK:

∞Title:

Ang common ng title to the point na parang kahit hindi mo na siya basahin ay alam mo na ang simula, ang mangyayari at ang magiging katapusan. Mabuti na lang nadugtungan mo siya ng KALUWALHATIAN CHRONICLES, nabigyan mo ng justice ang pagiging fantasy nito.

Bookcover:

Very simple, parang may pagka-against siya sa mismong tema ng kwento kung saan dapat ay fantasy, dapat pabibo, dapat makulay. Pero kung ako papipiliin, magaganda ang mga nauna mong ginamit na bookcover.

∞Blurb & Prologue:

Naiparating naman sa mambabasa kung ano ba dapat nila asahan sa takbo ng kwento mo. Wala ako problema doon. (Hindi ko pa nga lamang na-encounter sa limang unang chapter ang character na may ngalan na David)

∞Characterization:

Naipaliwanag naman ng maayos ang bawat karakter na pumapasok sa eksena, kung ano ang hitsura at magiging ugali nila. Pagdating kay Amanikable (na crush ko hehe) sana mas mapalawak mo pa pagkaka-describe mo sa kaniya, katulad ng mga nabanggit ko sa comment. Dahil fantasy ito  dapat ma-emphasize ang mga kakayahan na mayroon talaga siya. And tips din pala, idikit mo minsan sa reyalidad ang mga characters mo be, like for example si Fate, palagay ko, kung sa totoong buhay, walang pasaherong matutulog agad gayong nakasakay siya sa isang stranger na driver. Hehe at saka dapat nilagay mo na lang na imbis na ibenta siya ng driver para pagkakitaan ay tinangka na lamang siyang gahasain. Dahil kung sa totoong buhay iyan, mas kapani-paniwala pa rin na mas nagnasa ang driver sa laman ni fate, kasi nha nagmukha siyanh teenager. Pwede rin idagdag sa karakter ni fate na dahil matanda na talaga siya, yung mga nakagawian niyang kilos o pananamit ay may bahid pa rin ng dati niyang pamumuhay. Tapos iyon ang magiging distinctive character niya na magbibigay diin sa pagiging bida niya.

∞Plot & settings:

Realitic naman ang iba, iklaro na lang ng maayos ang bawat detalye, pwede ka magdadag sa mood ng panahon  At pagdating sa mga transition, doon ka dapat maging mas maingat, dahil fantasy ang genre mo, you can do anything, like ko 'yong part na dinala ni Sitan si Fate sa gitna ng kalsada, ang ganda ng transition mo doon haha naalala ko si volta. At saka, yong pagpasok ni "amanikable" sa eksena noong nasa hospital si fate ay parang napakabilis, wala lang haha, tapos parang lumabas na weak si fate kasi wala siya ginawa noong halikan siya haha. Tapos hindi klaro ang pagkawala ng asawa kuno ni fate sa eksena, yong pagkahatid niya kay fate sa tinutuluyan na ito, hindi na na-explain kung ano na nangyari sa kaniya.

∞Narration & Dialogues:

Wala naman ako problema sa narration, palagay ko parehas tayo ng style haha. Sa dialogues, siguro i-apply mo na lang ang mga napuna ko na nai-comment ko. Minsan kasi may mga readers na hindi agad natutukoy kung dialogue thru voice ba o dialogue thru the mind ang nababasa bila, maging artistic ka na lang siguro doon.

∞Opinion as a writer:

Kagaya ng sinabi ko, isa ako sa mga fan ni Amanikable, hahaha. Sana may strength din si Fate, kasi nagmukha siyang mahina haha. Tapos gusto ko rin talaga na nagpasok ka ng character ng isang bata. Sa fantasy genre kasi karaniwan na iyan, sila kasi nagdadagdag ng kulay sa kwento. Pasensiya na natagalan ako, sinubukan ko, kaya lang minsan talaga, lalamunin tayo ng totoong mundo, ng trabaho, ng kawalan at minsan ng katams. Over all, keep on writing, always gets inspire, pwedeng magpahinga pero hindi pwedeng sumuko. Gob bless, labya —Ate Yhin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro