Batch 4: Famous For Nothing
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Famous For Nothing
Author: guardianlovers
Critique made by: denimchild
∞Title:
Mellow ang dating sa akin ng title at realistic saka mapapatanong talaga ako bakit Famous for Nothing? Somehow I would think no matter how famous we are. If we aren't happy then it's useless.
∞Book Cover:
Simple ang book cover. Hindi masakit sa mata at mahahalata mo na talagang music story siya. Nakakalito lang kung babae ba o lalaki yung nasa picture then okay lang naman kung girl dahil may girl naman sa Empty band though hindi babae si Janus. Kaunting clarification lang sa pic. Connected naman sa story ang book cover.
∞Blurb and Prologue:
The blurb is fine. Binigyang hustisya ng blurb ang title mismo. Nakakapukaw ng atensiyon ang choice of words mo tho nakulangan lang ako ng kaunti dahil medyo common na ang blurb about how someone lige change because of a person etc. Suggestion, lagyan mo ng spice. Kaunti lang. Wag sumobra. Sa prologue naman, I think you started writing it in the middle of the story which is the band is famous yet the guy felt nothing. Mapapaisip talaga ako kung bakit ganoon ka-angst ang nararamdaman niya. It would piqued the reader's interest.
∞Characterization:
Medyo on point ang character ni Kara. Iyon bang go with the flow na lang, live up to the expectations of others while Janus seems like a rebel. May mga dahilan kung bakit ganoon ang personality nila. Hindi pa ganoon ka polish ang mga secondary characters. I think, si Janus ang binigyan mo ng justification kahit na madalas kay Kara ang point of view. Medyo stoic kasi siya. Si Janus itong parang pasan ang daigdig sa mood niya. The way Kara described him is good. Nae-emphasize rin ang ibang ugali ng ibang characters tho di pa masyadong halata dahil hanggang chapter five lang talaga ako.
∞Plot and Settings:
Medyo hindi visible ang settings. Hindi ko po ramdam na nandoon mismo ako sa setting pero may mga parts naman na nade-describe mo kung anong klaseng araw. Pagdating sa plot, na-curious ako nang marating ko ang parteng may kinalaman sa retrograde amnesia ni Kara which is really interesting. Parang dito nagsimula ang spice lalo na't moody at medyo masungit si Janus. Nagbago siya at ang tanong, bakit siya nagbago? May kinalaman ba kay Kara? Good luck sa pag build-up ng characters. Good thing na hindi spoon-feed ang style mo. Kahit na may mga tanong na sumisirko sa utak ng isang reader ay nakatago pa rin ang ibang detalye na mare reveal sa mga susunod na chapters.
∞Narration and Dialogues:
Simple ang narration mo. I know, I expected some English narration. Para sa akin kasi mas better ang english narration when it comes to narrating a music story kasi sa kabila kong account ay madalas gumagamit ako ng ganoon. Hindi naman kailangang detailed ang mga ginagawa nila pero importanteng isinasabuhay mo ang buong pangyayari. Yun bang gagamit ka ng third person omniscient. Parang third person limited ang gamit mo. Sa mga dialogues naman, may mga sablay sa punctuations at puwede namang i-separate ang ibang paragraphs. May mga instances na off yung dialogue ni Janus. Parang fi bagay sa character niya. Overall, if I'm going to rate the narration , it is three while sa dialogue ay three point five. Average? Bakit? Medyo nakulangan lang ako sa emotions. Although, you dedcribed it. Kaunting spice pa.
∞My opinion as a reader not as a critic:
Okay, I had a thing for music story kaya sure akong babasahin ko 'to. Medyo mataas ang standard ko as reader pag bagsak ang stories ko sa reader self ko. Ulit naman. So far, hindi naman siya boring at nakakapukaw nga ng atensiyon. Gusto ko kasi kung paano na o-overcome ng mga characters ang mga obstacles para abutin ang pangarap nila. Good job on creating this one.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro