Batch 3: Wrong
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Tittle: Wrong
Author: YourHalfAngel
Critique made by: MVCabusas
Paunang paumanhin:
Before you read my critique, I want to say SORRY for my being RUDE. PROMISE NAPAKA-RUDE KO AT MEDYO NAKAKAKONSENSYA so expect mo na. But DON'T WORRY, lahat tayo napagdaanan ang pagiging newbie. Even me, of course! And mas malala 'yung mga dati kong gawa riyan jusme hahaha. Pero dahil maarte ako, nanginginig ako sa sarili kong gawa kaya pabago-bago ako ng story.
May nagsabi sa akin na "wag daw gumawang draft, isulat lang lahat ng mag-pop up sa utak." I appreciate the advice but don't do this. Mahalaga ang may FRAMEWORK or pundasyon so CONCEPTUALIZE THE PLOT FIRST BEFORE YOU WRITE, ang tamang sagot.
Madami akong reklamo sa story mo pero 'di kita minamaliit dahil sabi ko nga, "mas malala ako sa' yo" hahaha. And ngayon ko lang narealize 'yung pakiramdam kapag pinapabasa ko 'yung kwento sa mga kaibigan ko hahaha. Kaya pala ayaw nilang basahin hahahaha.
Sana magimprove ka, sana may matutunan ka.
Wrong
∞Title:
Feeling ko related naman sa title. Medyo common nga lang pero I think this is the best suit/choice of your story.
∞Bookcover:
Ok 'yung pagkaka-edit ng dalawang panget na korean (Joke lang hahahaha). Nag-blend siya at 'di nagmukhang tinapal-tapal. May unity 'yung colors. In short maganda. Maganda rin 'yung font.
∞Blurb:
"Dating leader ng gang..."
Eh?
"WHAT IF Biangca's return and take revenge..."
Eehh?
"Madadamay ang girlfriend..."
EEEHHHHH???
"Proprotektahan ang girlfriend..."
EEEEEEHHHHHHHHH??????
∞Prologue:
"I'm Ashley[,] Bianca's elder sister," palagyan lang ng comma to kasi sensitive 'yung ganitong lack of punctuation mark dahil nagkakaroon ng ibang meaning. Gets mo na siguro.
Hindi ako nagfofocus sa typo pero napakahalaga ng punctuation mark. Kulang ka ng mga comma. 'Di naman nakakalito pero nakaka-shock eh hahaha jk.
Pag naman "First ang NUMBER sa sentence," spell out mo.
ie. 2 years ago since...
-spell out mo to kasi nakabungad 'yung 2.
should be: Two years ago since...
May mga typo, ikaw na bahala hahahaha.
ie. Napahinga nang malali[m]
~
Eh??? Nasira 'yung pintuan sa lakas ng tadyak tas 'di alam ni Ashley kung bakit siya kinabahan?? {Syntax error} EENNNGGGG.
Takot, takot, takot. Don't tell, show it. Ano ba ang pakiramdam ng natatakot? It shivers my spine chena chena hahaha.
Ano bang pakiramdam ng naiiyak?
Umiinit or bumibigat ang talukap mata at unting galaw na lang ay tila sasabog na ang puso't aapaw ang mga pilit kumawalang luha.
Sinuntok siya sa puson, napadaing lang? Wala man lang word na "namilipit, mahapdi, etc."
Binaboy siya, don't tell, SHOW! Kung may visual image ka riyan or vid-- de joke haahahah. Ok lang 'yan, 'wag mo nang ikwento kasi virgin 'yung eyes ko (kunwari) at 'di sanay makasaksi ng mga matured scene (kunwari ulit). *wink*
Bigla na lang siyang napa-english. Ganun ba pagbinaboy, napapa-english? Magpapababoy na ba ako para matuto mag-english? Hahaha joke.
~
Bianca's POV,
Walang emosyon, parang ok lang na ginahasa ang ate niya. May sugat siya pero 'di maramdaman ng reader 'yun, parang wala lang. Nawala 'yung sense of sacrifice niya na kahit pagod siya or what at pupuntahan niya ang ate niya, kase 'di namin naramdaman na nahihirapan siya.
Nagmumukhang Action star si bebe Bianca eh haha. Walang emotion.
Nakakarelate ako sa writing style mo na tinutuon 'yung emotion sa CAPSLOCK!!!!!!! at ano nga 'yun, eclamation, ecsclamation, exeijsjs ESCALATOR POINT!!!,😂 Ahh Exclamation point. Tagal ng spell corrector!!
Kaso narealize ko sa'yo 'di pala effective 'yun hahaha. Dapat bibigyan mo ng good interactions and emotions para ma-feel ng reader na nag-exist 'yung character kaya pagnamatay, manghihinayang kami. Dapat ma worth muna namin 'yung existence at saka SHOW the feelings hindi TELL LANG NANG TELL na este malungkot, masakit, napangiwi... Sukat mo kung anong feeling ng mga 'yan like 'yung example ko kanina.
Ewan pero napa-vote ako. Eh ma-pride pa naman ako sa vote haha. Siguro ok sa akin 'yung unang part na graduation niya, patay na magulang niya tas pinakita mo 'yung situation nila. 'Yun nga lang, super kulang sa emotion kaya natatawa na lang ako kahit drama scenes na hahaha.
∞Characterization:
Mapa Imogene, Bianca, Jack at Ashley, isa lang ang tono at mode. Mukha silang elementary mag isip.
∞Plot and settings:
Sa mga unang basa, medyo interesting siya, do'n sa part na graduation kasi naa-apriciate ko 'yung kalagayan nila. Pag inintindi mo ang Blurb at prologue, hindi sya cliché, napavote nga ako eh. Pero no'ng nag-chapter 1 na jusme. Lines, flow and word choice, ang sakit sa mata. Alam mo na agad kung anong ire-react ng character at kung anong mangyayari.
Chapter 1:
'Di ko gusto 'yung first paragraph, masyadong pang imature na 'yung mga term na "Hindi ko alam kung bakit," masyadong tell lang nang tell eh. Tapos redundant 'yung word na "nangyari."
Really? Itatapon mo sa ilog tas magtataka ka na "Hindi ko na alam kung nasaan na ang dalawang 'yun?" Siguro, in reality ang tanging sagot lang diyan ay nasa "Langit ba silang dalawa o impyerno?"
Syempre pagtinapon mo sa ilog na nakatali tas sugatan ay expect mo na na mamamatay sila. Tapos itong Jack na 'to, inaasahan niyang gumagala-gala lang tong dalaga na 'to?? Ano to, linyang grade 5??
Puro tell. Sa movies, 'di ba ang corny kapag nagpapakilala ang bida? Kadalasan siguro mga comedy lang 'yun? Pero 'di ko sure. Mas maganda kung readers mismo ang makakafind out kung nay gf ba siya, sino ba siya... Para mas mysterious at medyo corny 'yung mga nagpapakilala ang mga character eh. 'Di bale kakagawa ko lang niyan tapos pinakonsulta ko at gano'n 'yung reklamo sa akin haha. Then nare-realize ko na 'yung feeling nang nabasa ko 'to.
"May nakitang babaeng na pulang kapa, 'di maaninag ang hood... Nasa building din, pero bakit kaya?" Ehhhhhhhh????? 'Wag mong tatanungin 'yung readers lalo na't obvious na obvious.
Kapang pula, ano to si super inggo? Be realistic lalo na hindi to fantasy. Sinong magkakapa ng modern na panahon, ano to harry potter? San ka nakakakita ng nagsusuot ng kapa, 'di ba sa mga Halloween party lang? Tapos pula pa. Malamang magmumukhang timang si Bianca pagnaglakad sa streets niyan. Atsaka ano 'yun, expected niyang dadating si Jack kaya nagdala siya ng kapang pula? Nani!?
ORAYT! SI LITTLE RED RIDING HOOD ITO!! hahahahaha joke.
Amoy putik. Insert-- masangsang na amoy, pinaghalong tae sa diaper, regla sa napkin...
Oonga pala nightmare lang hahaha sorry na -.-
Pero 'di pa rin catchy.
'Di ko man lang naramdaman 'yung horror effect.
Puro ka "hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan". Gawin mong creative like, kusang gumalaw ang aking paa palapit sa kanya, ganun.
Nakaka-bored na yang Little red riding hood. Isang chapter umikot lang do'n? Ano bang pinapakita rito, kung paano 'yung effect ng konsensya ni Jack? May point sana kaso 'di na siya interesting. Tuwing nay Red cape ay obvious nang panaginip eh, so nakakapagod nang basahin 'yung 5 na beses kasi ang hantong lang no'n ay magigising na hingal na hingal sa manubela.
Chapter 2
Viola! Nagka-idea ako na mabalahibo si Jack, at asset 'yun, dahil sa pagkaka-describe ng GF niya na "Balbon na iyon."
Hayys, here comes the 'introduction of yourself again," ano to, first day of the school ang peg?
Action, Fantasy or Horror na ba ito? Little red riding hood with mask walking on the street?? Hindi man lang napansin ng maraming tao eh ang weird ng suot niya eh? Magmumukha si Bianca na lumabas sa mental hospital at imposible namang walang makapansin sa napakawirdo niyang little red riding hood.
This "pupuntahan sana kaso may tumawag sa akin" scene. This "pagkalingon ko, wala na siya" scene. Gasgas na to kaya gawan mo ng mga imbentong terms.
"Nasan na siya? Umalis na kaya siya?..." wag mong tatanungin ang readers mo tapos andami pa. Magtatanong ka lang kapag 'yung super exciting ng scene. Kadalasan pang wakas sa mga essay, editorial writing or chapters sa novels or ending sa short story.
~
Really? Nakakarating ng Italy tas ililibre/magpapalibre?
~
Chapter 3
Puro tell pa rin.
Puro ka "hindi ko alam." Pwede ba 'yun? 'Di mo alam na dinala ka na ng paa mo sa parking lot? Revise this gasgas line at pwedeng mangyari 'yun. Lagyan mo ng mga feelings, SHOW it don't tell and tell. Para ma-accept ng reader na kahit "'di niya alam ay nagpatuloy pa rin siya."
'Di ko feel na nagalit si Clark. Show emotions each line of the conversations about the murder of imogene pero buhay pa...
'Yung mga lines din, masyadong direct to the point. Parang fast draft-- I mean 'yung habang nagpo-pop-up sa isip ay sinusulat mo na para 'di na makalimutan. Pero syempre kailangan mong pabonggahin.
Ano to, horror?
Nakakita ka ng duguang babae tapos sasabihin mo, "DI KO ALAM kung bakit ako kinakabahan dahil LANG sa nakita ko."
Nani!? Nandun na 'yung pagkakataon tapos 'di pa binaril ni Bianca sila Jack? Naglolokohan na lang ba ito? Tapos, bakit may multo multo? 'Di totoo ang multo unless horror ang genre nito.
∞Narrations and Dialouge:
Don't forget to put punctuation mark especially the COMMA. Jusme kung babasahin mo to nang malakas, mawawalan na ng hininga ang mambabasa hahahaha.
'Yung mga dialouge, SUPER REDUNDANT and COMMON. Sa mga dialouge nila, FEELING KO ELEMENTARY SILA. Hindi siya GENUINE/AUTHENTIC. Hindi rin REALISTIC. Nakaka-kunot ng kilay.
Wala man lang pa-INTENSE. Lalo na may pagka-mystery, horror at action ito.
∞Opinion:
Masakit sa mata basahin, 'di ko kinaya. Tinututukan ko kasi bawat words. 'Di ako nagfo-focus sa TYPO kasi walang kwenta ang galing mo sa technicalities kung hindi maayos ang concept at plot ng story mo.
But as I said, sana e-IMPROVE MO, hindi i-STOP dahil nadismaya ka sa sinabi ko. Lahat ng tao nagmula sa BADUY, CORNY. Pero ano bang mag mabilis na process? Ipa-CRITIQUE ang story sa PRANKANG TAO😂 upang MALAMAN KAAGAD ang mga bagay na dapat baguhin. Hindi 'yung plinaplastic ka tas 'di naman pala nila tinututukan story mo. Akala mo tuloy OK 'yung story at kuntento ka. 'Di ka tuloy naaaprove sa publishing company and you don't know WHY dahil pinaplastic ka. Tapos MADAMING YEARS NA ANG NASAYANG bago mo nalaman ang katotohanan. You need additional long years para magsimula ulit nun. Arigato Gosaimasu, Gracias, Kamsahamnida, Xie Xie!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro