Batch 3: She's The Real Challenge
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
BOOK TITLE: She's The Real Challenge
AUTHOR: mr_cuddles
Critique made by: blitzkrieg_08
FEEDBACK: (Gusto ko lang po sana ipaalam na first time ko ang pag-critique. Sorry po kung hindi ako masyadong maalam sa ganito.)
∞BOOK TITLE:
"She's The Real Challenge"
Ang unang pumasok sa isip ko no'ng nabasa ko 'to, ano ang dahilan kung bakit nasabing she's a real challenge? So, 'yon pa lang, napatanong pa 'ko, meaning na-curious ako. Which is good as a reader. Kasi 'yon ang magtutulak sa mga readers mo na basahin 'yong akda mo. Hindi ko rin alam kung may kapareho kang title sa Wattpad World pero for me, it's good. Hindi na kailangang baguhin.
∞BOOK COVER:
Maayos naman 'yong book cover mo. Simple lang. Hindi O.A., hindi masakit sa mata. Pero parang nakulangan lang ako. Sigurado mag-add ka lang ng mas mag-eemphasize pa sa plot mo.
∞DESCRIPTION/BLURB:
Actually, wala akong masabi sa blurb mo. Napaka-creative ng pagkaka-construct. Napatanong din ako, bakit hindi nangyari 'yong mga inaasahan ni Sage? Anong naging dahilan? Na-fall ba siya kay Lily na dapat ang plano ay si Lili ang mapo-fall sa kan'ya? Or may naging papel ba sa istorya nila si Ken na best friend ni Lily? So sa part na 'yan, marami na kong naging tanong. That means, na-hook na agad ako at nagkaroon ng urge para basahin pa at alamin 'yong sagot sa tanong ko.
∞CHARACTERIZATION:
Gusto ko kung paano magsalita si Sage. Nakakaaliw siya, lalo na iyong mga banat n'ya kay Lily. Gusto ko rin kung paano mo siya pinakikilala nang unti-unti. May something din sa past niya na gusto kong malaman. Ano ang nangyari, 6 years ago para magtulak sa kan'ya para maging playboy?
Si Lily naman, hindi ako masyado na-attach sa kan'ya. Naipakilala mo rin siya nang maayos pero parang nakulangan pa ako. Gusto ko, may magtutulak pa sa'kin para alamin 'yong pagkatao niya. Masyado na kasing common 'yong maganda, mayaman, pero hindi interesado sa lalaki. O baka dahil ilang chapters pa lang ang nababasa ko kaya ganoon. May part din sa palitan nila ng text messages ni Sage na parang hindi angkop sa personality niya. I mean, heiress siya, mayaman, edukada. Siguro gawin mong mas angkop kay Lily 'yong ilang pananalita doon. Lalo na 'yong may salitang 'fuccboi'. Since, edukada siya, mas gawin mong formal 'yong conversation kahit may halong kalokohan.
Si Kendra, actually, dito ako na-hook. Sa kan'ya ako na-curious kesa kay Lily. Natuwa pa ako no'ng nalamang babae pala siya. And habang pinapakilala mo siya, nagkaroon na rin ng mga tanong sa isip ko. Bakit ayaw niyang tawagin siya sa totong pangalan niya? Bakit ayaw na niyang mag-drive? Bakit gano'n ang personality niya? May nangyari ba 3 years ago na nagpabago sa kan'ya?
∞PLOT & SETTINGS:
Hindi ko sinasabing cliché 'yong plot mo. Pero may mga nabasa na rin kasi ako'ng ganito na parehas mayaman ang mga protagonist, then nakipaglapit 'yong isa dahil may hidden agenda about business nga. But to your story, para sa akin ay page turner pa din siya. Curious ako kung anong mangyayari. Kung bakit hindi nangyari ang mga inaasahan ni Sage sa itatakbo ng istorya nila ni Lily. Actually, binasa ko rin hanggang Chapter 7 dahil kay Ken. Lalo na't curious si Sage sa babae. Mas nakukuha pa nga ang atensyon niya ni Ken. Tingin ko pa, mas attracted siya kay Kendra kesa kay Lily. At sa totoo lang, mas gusto ko si Kendra para kay Sage. Hahaha!
Sa settings naman, wala akong masasabi. Maayos mo siyang nailalahad. Malinaw na naiintindihan at talagang nai-imagine ng mga readers kagaya ko.
∞NARRATIONS/DIALOGUES
Hindi ako magaling magpuna ng mga mali lalo na at alam ko sa sarili kong as a writer, dito rin ako mahina. Wala akong nakitang mali sa pagkakasulat mo. Maayos, malinis at malinaw ang bawat salita. Pati na rin 'yong paggamit ng bantas, dialogue at action tags, grammars etc. Kung may mali man, hindi ko na napansin pa dahil nag-focus ako sa takbo ng istorya mo.
∞MY OPINION AS A READER:
Personally, nagustuhan ko 'yong flow ng kwento mo. Wala na din akong masasabi pa, may angking talento ka sa pagsusulat at alam mo kung paano iyon hasain pa. I like your story, I like Kendra for Sage at malakas ang kutob ko na kay Ken siya mapo-fall at hindi kay Lily. (Hoping!) Iyon lang po. Pagpasensyhan mo na po ang mga sinabi ko. Hindi ko rin alam kung nakatulong ba. Wala po akong talent sa ganito. Gusto ko lang talagang may pumuna ng istorya ko. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro