Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 3: Island Of Alvanah

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••
Book Title: Island of Alvanah
Author: ReineNoireee
Critique made by: guardianlovers


FEEDBACK

∞Title:

Nagandahan ko itong title mo. Napaka concrete and concise. Sa simula pa lamang ay mapapatanong na ako, anong meron sa isla na iyon? No need to improve kasi bagay naman siya sa story.

∞Book Cover:

Maganda at malinis ang iyong cover. Ginamit mo ang kombinasyon ng berde at puti na mas lalong nagpalinis dito. Most of the time kasi kapag fantasy iyong story, they tend to use a lot of colors kaya't pumapangit ang output, pero itong iyo malinis ang kinalabasan dahil dalawang kulay lamang. Siguro kung may pupunahin ako sa cover mo ay iyong quality lamang ng photos kasi masyado siyang blurry at Malabo. But overall, maayos naman. It’s up to you kung babaguhin mo.

∞Blurb & Prologue:

I will criticize these two separately.

Blurb:
Actually I love your blurb. Saktong sakto lamang siya, kaso ang dami mong na-drop na information na mas okay sanang sa chapters mo nilabas. But its up to you naman dahil istorya mo iyan.

Prologue:
To be honest, medyo naguluhan ako sa prologue mo. Nakulangan ako sa pag-describe mo sa lugar kung nasaan sila. Maging sa mga ginamit mong creature, hindi ko na-imagine kung anong itsura nila. May mga jargon terms ka na hindi namin maintindihan kaya't naging magulo para sa akin. Although naunawaan ko na ang prologue ay patakas sila papunta sa Alvanah but the scenes? Naguluhan ako. I-polish mo pa. explain mo kung ano iyong mga words na hindi namin alam para magkaroon kami ng kaalaman at masabayan ang daloy ng kwento.

∞Characterization:

Alvah – siya lamang ang mabibigyan ko ng pananaw dahil simula kabanata one to five siya lamang ang nkilala ko. Magaling siyang makipaglaban at base sa pov niya may pagka gullible din siya. Masasabi kong consistent ka naman sa ugali niyang matapang sa buhay, nakulangan lamang ako sa pisikal na kaanyuan niya. Ano bang itsura niya? Iyan ang kulang para sa akin.

∞Plot & Setting:

I love your plot kahit hindi ko pa iyon masyado nasaksihan sa unang limang pahina ng aklat. But your setting? Thumbs down ako. Isa itong fantasy hindi ba? Ngunit nakukulangan ako sa aspetong ito, idescribe mo detail by detail para maimagine naming mga reader. Mas maging creative ka sa paglalarawan sa kanila. Idala mo kami sa lugar kung nasaan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malinis at kongkretong detalye.

∞Narration & Dialogue:

Narration -  nagandahan ko ang way ng pagnanarrate mo sa buong storya. Hindi siya oa but nakulangan pa rin ako. Siguro sa way ng pagnanarrate sa mga bagay bagay, masyado kasing maibilis ang iba, to the point na hindi ko na masundan. Wala akong maimagine.

Dialogue – okay ako sa mga dialogue mo dahil realistic ang iba, ang maipapayo ko lamang ay aralin mo iyong sa ‘action tag’ at ‘dialogue tag’. Karamihan kasi iyon ang mali mo.
Iyong pag-gamit din ng ‘rin’ at ‘din’, ‘daw’ at ‘raw’, medyo marami akong nakita na mali. Paki-aral ito para mas maimprove mo iyong tagalog na mga sentences. At iyong pag-gamit ng nyo, nya, sya, kung papaikliin n'yo po. Pakiresearch din po, or instead buoin n'yo na lang po.

Pacing – medyo nabilisan ako sa ilang paglipat ng scenario. Sa halip na maglagay ka ng ganito “----“ to end a scene, lagyan mo na lang po ng isang paragraph para po hindi napuputol.

Hal.

Matapos ang gabing iyon ay umuwi kami at nagpahinga …..
Nang makarating kami sa aming patutunguhan ay …..

May iilan rin akong nakita na about sa grammar. Iyong iba ay ikinomment ko na lamag sa story mo. Pwede mo naman siyang idelete if you want.

∞Opinion as a READER:

Huwag kang magmadali sa pagshift ng scenes. Fantasy ang genre mo at hindi action kaya't iminimize mo iyong pagdedescribe ng labanan, ang ifocus mo ay ang fantasy side ng laban. Wala rin akong nadamang emosyon sa kwento mo, which is mabibigayan mo ng hustisya kapag dinagdagan mo pa ang mga details. Suggestion ko lang rin, iyong kabanata one to three ay maaari mong ilagay sa iisang kabanata lamang. Nakulangan kasi ako sa tatlong kabanata na iyon. May mga times na tatlong kabanata lamang ang kailangan ng reader para malaman kung itutuloy ba nilang basahin ang akda mo, at kung isa ako sa reader, hindi ko itutuloy dahil unang kabanata pa lamang ay wala ng buhay. Bigyan mo rin ng pansin ang ‘show vs. tell’ dahil marami-rami ang sinabi mo lang at hindi na inilarawan pa kaya't nakukulangan ako.
Iyon lamang sana nakatulong ako. Love lots.

-guardianlovers

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro