Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 3: Cold Blooded

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••
Book title: Cold Blooded
Author: MVCabusas
Critique made by: YourHalfAngel



Take note: This is my first time na mag critique ng story and hindi rin ako expert meaning mag kri-critique ako as a reader, thanks.

~Feedback~

∞Tittle

~For me, hindi siya catchy at hindi rin unique. Kasi parang alam ko na kong anong ibig sabihin no'n dahil sa chapter 1 pa lang, ewan ko na lang sa iba na mahina maka-gets kung ano ang pinaparating ng title. Well for me palitan mo 'yang title na 'yan, 'yong tipong mapapaisip ang reader. Well na sa iyo na 'yan kung papalitan ikaw ang author 'e.

∞Book Cover

~For me 'yong book cover mo is so simple, actually walang masyadong connect ang book cover mo sa kuwento, meaning nakulangan ako at parang may hinahanap pa ako sa pabalat ng story mo.

∞Blurb&Prologue:

Sa blurb muna, una pa lang nakulangan ako sa scene and hindi masyadong na describe ang pangyayari but bumawi ka sa mga susunod na chapters then nakuha mo ang kiliti ko, huwag kang mag madali sa story kasi kapag minadali mo 'yan asahan mo na ang kakalabasan, huwag ka ring maging matipid sa emotion ng character na dapat dinadama ng characters then ang huli ibigay mo ang best mo, good job. Ang galing ng Prologue mo napahanga mo ako do'n sa prologue mo dahil gano'n na 'yong patikim ng kuwento.

∞Characterization:

Si Xed is so very mysterious natakot ako sa identity niya kung ano talaga siya tapos si Lea is loner na mabait, then habang patagal nang patagal ay lalo kong nakilala ang mga identity ng characters mo, napahanga mo ako kung anong meron sa kanila.

∞Plot&Settings:

Plot is okay, hindi siya masyadong cliche. Actually gumaganda ang plot niya kapag patagal nang patagal ang story mo,well ipagpatuloy mo 'yan sana makakuha ka pa ng unique na plot susunod na chapters na magagawa mo. Well ang settings maganda na-iimagine ko nang maayos.

∞Narration&Dialogues:

~Sa chapter 1 misteryoso sa'kin 'yong maataas pa rin ang grades niya kahit zero siya sa group performance, alam kong fictional 'to pero lagyan mo naman na pagka-reality kasi how? Ang taas-taas ng grades niya tapos sinabi sa narration na never siyang tumayo at nagsalita tapos nagbabasa lang wala naman sigurong gano'n puwera na lang kung babayaran ang mga teachers. Ang dami kong tanong sa part na 'yan.

Then no'ng scene na muntikan nang magahasa si Lea hindi ko feel na nasaktan 'yong apat na guy do'n kasi namimilipit lang meaning nakulangan ako sa narration mo, sana naman huwag mong madaliin 'yong kuwento. Dapat balance lang ang Show and tell, kung tell lang nang tell ang pangit, ano mararamdaman ng readers mo kung gano'n?

Then sa dialogue mo sa chapter 1 ayos naman, ang problema nga lang walang (!) ganiyan 'yong sa point na sumigaw 'yong mga apat na lalaki nang muntikan na magahasa si Lea para ramdam rin kahit walang narration pagkatapos.

Dalawa 'yong chapter 1, sana pinagsama mo na lang 'yon but it's okay, it's up to you. Maganda ang pangalawang chapter 1 kasi maayos na siya.

~Napahanga mo ako sa chapter 2 mukhang bumawi ka kasi ramdam ko 'yong narration tapos 'yong mga dialogues ng character, ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman ng characters mo, well binigyan mo ako ng dahilan kung bakit ipagpapatuloy ko pa ang story mo, well good job.

~ Then sa chapter 3 ang ganda no'ng scene may lumalabas kasing panibagong characters sana mas lalo ko pa silang makilala but may nababasa akong "Whut?" Imbes na "What?" Nagmumuka siyang babaeng maarte diyan which is lalaki naman talaga ang nagsasalita. Wala naman problema sa narration mo actually balance lang.

~ Maayos ang chapter 4 but pagdating sa Chapter five na shock ako kasi biglang sumulpot 'yong mga dialogues na hindi ko alam kung sino ba ang nagsasalita, ano ba 'yon? Alaala ba 'yon o panaginip I don't know, kaya napapakunot na lang ang noo ko no'ng mabasa 'yon. Sana naman ni remind mo 'yong readers kung ano ba 'yon.

∞Opinion as a reader

Hindi na bago sa'kin ang ganitong story sa wattpad sa dami ba naman na kuwento dito sa watty mahihirapan na tayong makagawa ng unique na story. Well ang advice ko lang dagdagan mo ng emosyon ang story and spices para mas lalong ma hook ang mga readers mo, may mga minor errors lang sa story mo. Well don't worry naii-edit naman 'yan. You're a good job author, don't worry❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro