Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 2: When September Ends

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book title: When September Ends
Author: idanielrubio
Critique made by: AG-Queen

Feedback:

∞Title

The title is very nice, kasi ngayon ko lang siya narinig or nabasa. Mas nakaka-attract sa readers kung ano bang meron sa "When September Ends", or kung ano bang mangyayari sa panahon na 'yun. Mas nabibigyan mo ng curiosity 'yung mga readers dahil sa title na inilagay mo.

∞Book Cover

The more na simple, the more na maganda. Malinis siyang tignan,'di tulad ng sa iba na marami pang cheche bureche kaya ang gulo tingnan, nakakasakit din sa ulo hehe. Well, gusto ko siya. Gusto ko 'yung book cover mo.

∞Blurb/Prologue

Okay lang ang flow ng prologue mo but mas mabuting lagyan mo sana ng Point of view para mas alam ng mambabasa kung sino ang unang part na 'yun, 'yung nasa overview, medyo malilito sila sa umpisa kung walang POV. Then lagyan mo pa ng konting curiosity para ma-attract sila na ituloy pa nila 'yung binabasa nilang story.

∞Characterization

Kung sino man sa character mo 'yung masungit or 'yung parang maraming arte, gawin mo, sa kanya mo ibigay 'yung role na puro English language 'yung sinasabi niya. Mas maganda kasi tignan 'yung story kapag gano'n. Pero depende naman kasi 'di pa naman mahaba 'yung story mo konting parts pa lang naman, so far maganda naman.

∞Plot/Settings

Well-described 'yung settings sa story, lalo na doon sa part na nasa tulay sila, hindi mo tinipid sa detalye. Tsaka napakilala mo na kaagad  si Irish, which is na magiging katuluyan niya ba? Sana mas pinahaba mo muna 'yung time or panahon para makapagtagpo sila. Para mas ma-excite silang basahin 'yung story mo, kasi parang napakadali ng pangyayari eh and para na rin mapapa-wow sila, diba? Btw, tama 'yung pangbibitin mo ng story, kasi mas mapapasubo sila na basahin pa ang story mo.

∞Narration/Dialogues

Tama 'yung paggamit mo ng salita, 'yung bantas at capitalization mo. Okay naman 'yung dialogues and improve mo pa 'yung action and emotion ng character mo para mas dama ng mambabasa. Maganda rin ang palitan nila ng dialogues, especially 'yung mga binibitawang linya ni Irish, napaka-consistent niya.

∞Opinion as a Reader

Nagustuhan ko 'yung story kahit na madali 'yung pangyayari. Well, ganun naman talaga kasi sa title mo pa lang parang mapapadali talaga ang story pero sabi ko nga kanina dapat mas pinabagal mo 'yung pagtagpo ng dalawa para mas excite basahin. Gusto ko rin 'yung pagka-mystery ng character kasi mas napapalawak 'yung utak ko kapag may gano'n. So ayun mag-update ka na, curious ako sa story mo! Godbless:>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro