Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 2: Narito Ka

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book Title: Narito Ka
Author: HeartsTouch
Critique made by:ParkDC

Feedback:

Disclaimer: Hindi po ako kritiko. First time ko po magbibigay ng critique so please bear with me T.T

∞Title:

At first aaminin ko hindi ako nadala sa title, noong nabasa ko parang wala lang ito sa'kin. Pero nang binasa ko ang dedication at prologue that's where my curiousity kicked in and kept my interest to read more. Hindi mo ako nakuha sa title, but with your writing skill you got me and good job with that :)

∞Book Cover:

Ang kailangan nito ay isang catchy na book cover, tipong lahat ay mapapalingon. Dahil may mga readers na tumitingin lang sa pabalat, na kapag hindi appealing sa kanilang mga mata ay babalewalain nila kahit na may potential pa ang author sa pagsusulat. Nakuha ko naman ang ipinaparating mo sa current bookcover mo. Iyong theme na dramatic, mabigat, malalim ang hugot, piece of life ika nga sa mga anime. Gusto ko rin 'yong may pa-chinese characters na tingin ko ito ang equivalent ng 'narito ka' sa chinese that gave the bookcover uniqueness. Ok naman ang bookcover para sakin kaso plain and again, hindi lahat ng readers ay gaya ko na masisiyahan sa isang simpleng bookcover gets po?

∞Blurb/Prologue:

Blurb ✒ Pinagtambal ng pangangailangan, nagkasama ang magkaibigang sina Martin at Jasmine sa ilalim ng iisang bubong. Ng mapagtantong pareho ang dagok na kanilang iniinda, madadama kaya ng mga ito na hindi pangtapal kung di panglaman ang kinakailangan ng isang taong heartbroken? Sa harap ng pagsubok, pinanghahawakan nilang pareho ang presensya ng bawat isa. Kung kaya't pirme nilang isinasapuso, 'Narito Ka'.

Ok sa blurb medyo nalito ako.

✒ Madadama kaya ng mga ito na hindi pangtapal kung di panglaman ang kinakailangan ng isang taong heartbroken?

Nawindang ako kasi iba ang pumasok sa isip ko. Tingin ko wrong choice of wordings tayo dito. Dahil base sa nabasa ko on the first five chapters of your book hindi naman ito erotic para gamitin ang salitang 'panglaman'.
Masyado kasing malalim at malawak ang salitang panglaman, ibayong lebel na iyon. Hindi angkop ang salitang ito sa tema na hatid ng iyong kwento. Kaya payo ko na basahin mo uli itong blurb at pumili ng mas akmang salita. Unless na lang kung may mangyayari talaga sa dalawa sa paraan na.. alam mo na haha.

Isa pa'ng gusto kong ipa-pansin ay ang paggamit ng 'ng' at 'nang'

✒ Ng mapagtantong pareho ang dagok na kanilang iniinda,

Ito dapat ay 'Nang mapagtantong pareho ang dagok na kanilang iniinda,' sapagkat ito ay ibang salita para sa salitang NOONG (when) ok po? Gayundin ang salitang 'pirme' ay gawing 'pirmi'.

Prologue ✒ We've got no much problem with your prologue. May kinakailangan lang tayo ayusin ng kaunti. Gaya ng,

'Noong siya'y bata pa, hilig na ni Martin ang panoorin ang pagpatak galing itaas.'

Noong siya'y bata pa, hilig na ni Martin panoorin ang ano? Ok understable naman na 'yong ulan ang tinutukoy dahil nga naambon  ng marahan na ipinauna mo naman na. Subalit paano naman kung hindi napansin ng iyong mga mambabasa ang naunang parte? Magdudulot po ito ng pagkalito. I suggest why not ganito na lang?

✒ "Noong siya'y bata pa, hilig na ni Martin ang panoorin ang pagpatak ng ulan galing itaas."

Mas naging clear po di ba?

'Ang pag-ihip ng hanging malamig... ang mga mala-diyamanteng butil ng tubig na bumabalot sa damo.'

✒ "Ang pag-ihip ng hanging malamig,  ang mala-diyamanteng butil ng tubig na bumabalot sa damo."

∞Characterization:

I liked how you describe Martin, Jasmine and even the other side characters like Manang Tonet, Charles and 'yong iba pang mga kapatid ni Jasmine. It was very detailed na talagang napi-picture out ko siya sa isip ko. Nothing was left for my imagination. Isa pa, nakita ko na may sari-sariling boses ang bawat characters. May sariling stand si Martin, gayon din naman si Jasmine good job :)

∞Plot/Settings:

The story was there I must say unique ang plot dahil hindi ito gaya ng mga karaniwang romantic novels na pa-tweetums. Imagine, ang layo ng age gap ni Jasmine kay Martin madalang para sa akin makabasa ng mga kwento na mas matanda ang babae kaysa lalaki. Ang madalas ko kasing mabasa ay mas matanda ang lalaki kaysa babae. Good job dahil nagawa mo 'kong pagbasahin ng mga ganitong tipo ng kwento dahil aaminin ko, mapili rin ako gawa nga ng marami na rin akong mga akdang nabasa :)

∞Narration/Dialogues:

Wala ka masyadong problema sa pagna-narrate. Kinakailangan lamang na bantayan at itama ang balarila o grammar sa ingles. Halimbawa,

1) Orihinal:
Alam ni Martin na magdudulot ng konsikwensya ang kanyang pagrerebelde sa ama -- ngunit di niya inaasahang magiging ganito nalang ang sagot ng kanyang magulang.

✒ Alam ni Martin na magdudulot ng konsikwensya ang kanyang pagrerebelde sa ama -- ngunit 'di niya inaasahang magiging ganoon na lamang ang sagot ng kanyang ama.

2) Orihinal:
Klase-klaseng mga bungang-kahoy na siyang ibinibenta sa mga malalaking resorts...

✒ Sari-saring mga bungang-kahoy na siyang ibinibenta sa mga malalaking resorts...

3) Orihinal:
Pero sa kaloob-looban, dama ng lalaki na babaguhin siyang husto ng yugtong ito sa buhay niya.

✒ Pero sa kaloob-looban, dama ng lalaki na babaguhin siyang husto sa yugtong ito ng buhay niya.

Napansin ko rin ang madalas na paggamit ng 'yung', tulad mo ganyan din ang pagkakagamit ko. Nang napag-desisyunan ko lang magpa-critic, doon ko nalaman kung ano ang tama at mali. It should've been 'yong and not 'yung kasi ito ay short for 'iyong'.

Same as do'n at hindi 'dun', 'yon hindi 'yun', gano'n hindi 'ganun', no'n hindi 'nun', pa'no hindi panu. Ok po?

Isa pa, ay makailang beses na ginamit ang salitang 'skul' instead of school. Lagi po nating tatandaan na ito ay isang literary work. Hindi marapat na isulat sa paraan na pa-text, dahil dapat ito ay pormal. Another thing, iwasan na rin natin ang pag-uulit na banggit sa buong pangalan ni Martin. Like 'Martin Yu' dahil kilala na po namin siya naipakilala na siya sa amin. Sapat na 'yong simpleng martin na lang. Parang ganito,

✒ "Okay lang 'to, kagagawan ko rin naman kaya 'di ko pinagsisisihan." tugon ni Martin

Sa orihinal kasi kasama pa pati ang apelyido ng bida.

Mabagal rin ang pacing yes, napansin ko nga. Alam mo, may mga kwento na hindi dapat minamadali dahil doon mas nagiging maganda at malinaw ang kwento. Minsan kasi sa sobrang bilis ng pacing nagmumukhang minadali ang kwento. Hindi rin maganda. So sa kwento mo, hindi ito akma para sa isang short story. Dahil mas maganda nga ito na ninanamnam at hindi minamadali upang mas malasahan ang sarap kung ihahalintulad sa pagkain. Ibig sabihin, ok lang ang bagal ng pacing nito. Kasi nakita ko na agad na walang interes romantically si Jasmine kay Martin. Kaya ang pangit naman kung bigla-bigla ay magkakaro'n ng romantic feelings si Jasmine towards Martin. Sobrang minadali ang kwento mo no'n, hilaw 'yon, hindi maganda. Kaya nasasabi mo'ng mabagal kasi they started from zero. That's why you have to explain more. Kailangan mo pa na ikwento 'yong step by step (instances) pa'no nabuo ang feelings nila towards each other kaya bumabagal. At masasabi ko na sa story mo, 'yon naman ang dapat. Unlike kung pinasimulan mo na they have a bond already. Mas madali makapag-focus do'n. Mas magiging mabilis ang pacing no'n. Sana nage-gets po ako.

∞Opinion as a reader:

For me it was a combination of both a page turner and nakakabagot. Page turner in a way that the concept was not as typical as what we read sa iba. Aaminin ko na inabangan ko talaga ang kwento na ito, it even made me read until chapter 5. Ibig sabihin, na-hook ako pwera biro. Since bago ang ganitong concept, aabangan mo talaga ang magiging update sa relationship status nang dalawa. Yes, click sila mag-partner pero  tignan mo naman kasi ang age gap ni Jasmine kay Martin ang laki 'tapos may anak na siya. Pwede na nga'ng maging nanay ni Martin si Jasmine eh. Saka kung may chance ba na magkaro'n ng interes si Jasmine kay Martin dahil sa pananaw ko wala siya ni isang kusing na interes do'n sa bata gawa nga ng ilang taon ang layo ng edad nila. So sa mga ganoong instances kaya nahikayat ako magpatuloy sa pagbabasa.

Nakakabagot in a way naman na may mga times na nagkukulang ka ng spices sa isang chapter. Mas lumalamang ang bigat kaysa lightness ng kwento. Ang drama over humor, i-balanse lang mga bagay na ito at tiyak na mas gaganda pa ang akda.
All in all, you have the potential of being a good writer. Thumbs up for you :) Just keep on reading other people's work dahil mas matututo tayo kapag gano'n and of course keep on writing. Laksan din ang loob na magpa-critique upang malaman natin ang ating mga points of strength and weaknesses ok po?

At kapag sumikat ka na, baka pwede naman makahingi ng libro mo with autograph? :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro