Batch 2: Cold Blooded
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Bqook Title: Cold Blooded
Author: MVCabusas
Critique made by: AMBONNNN (BlackPhoenixxxx)
Feedback
∞Title:
Nang mabasa ko iyong title alam ko na naman kung saan patungkol iyong kwento. Masyado na kasing gamit iyong mga words na iyon when it comes sa title. Siguro, mag-isip ka pa ng ibang words kung saan mapapaisip kung saan patungkol iyong kwento para basahin nila iyon at ipagpatuloy kung bakit gano'n iyong kwento.
∞Bookcover:
Iyong BC hindi ko gusto. Oo, nga't simple lang siya pero parang hindi tugma iyong BC na gamit mo sa pamagat ng kwento at kung saan patungkol ito.
∞Blurb/Epilogue:
Nang mabasa ko iyong story description mo hindi pala siya pure mystery ganyan, may pa-fantasy pala lalo na nang mabasa ko iyong prologue kung saan english spokening dollar na! Okay NAMAN iyong prologue, ang maiko-commemt ko lang siguro e, mas maganda siguro kung may nilagay kang isang scene doon na mangyayari sa book para lalo kang makahatak ng readers mo na ipagpatuloy ito. Kasi, sa prologue e doon iyong introduction ng story mo. Kumbaga konting patikim at pasilip sa mga mambabasa mo.
∞Characterization:
Dahil ang binasa ko ay mula prologue hanggang Chapter 3 ang mga characters na nakilala ko ay sina Lea, Xed, Fred, Soraka, Lily and Waze. Ang pinagtuunan ng pansin ay si Lea at Xed. Lea the loner. Xed the mysterious one. Masasabi kong sa binasa ko mula prologue at chapter 3 ay nagbago iyong ugali ni Xed from silent type hanggang sa unti-unti na siyang nagsasalita lalo na kung kaharap niya si Lea. Kaya for me, okay iyong characterization niya.
∞Plot/Settings:
Pag binasa mo kasi iyong kwento alam mo na agad iyong magiging plot nito. Nandiyan iyong may misteryosong lalaki then ma-me-meet niya itong si girl and so on and so fort. Masyado ng gasgas. Pag sa settings naman ng kwento, okay naman siya. School—bahay lang sila.
∞Narration/Dialogues:
Dahil nasa first person POV ang story mo madali mo lang siyang maiintindihan. Lalo na kung si Lea na ang may POV. Maayos naman iyong pagkaka-deliver, may pagkakataon lang talaga na mali iyong pagkaka-narrate which is pwede pa siyang maayos. Sa dialogues naman medyo nakulangan ako. More on tell kasi iyong kwento. Kung babasahin parang si Lea lang iyong nagsasalita kaya dapat, balanse lang. Show and tell.
∞Opinion as a Reader:
Sa totoo lang ang daming ganitong kwento na sa wattpad. Nagkakaiba lang kasi sa characters at kung paano i-deliver ng author iyong kwento niya. Hindi ako na excite basahin kasi nasa first chapter pa lang ako alam ko na iyong susunod na mangyayari sa susunod na Chapter. And speaking of chapters. Mas maganda siguro kung iyong mga quote (kung quote man tawag mo sa mga nilalagay mo sa end ng story mo) e, sa unahan mo ilagay. Italic iyong font niya para tumatak sa isip ng reader and mapapatanong sila kung kaninong linya iyon o kung bakit ganoon para ipagpatuloy iyong kwento. Tapos habang binabasa ko iyong kwento naiinis ako kasi, iyong way ng pag-narrate ni Lea. Tagalog then bigla siyang nag-swi-switch sa english kung saan ang panget tingnan. Oo, may mga author na Taglish ang ginagawa nila pero, dapat isipin mo rin po kung maganda bang pakinggan. Kasi habang binabasa ko iyong kwento parang conyo ako. Nag-mi-mix iyong dalawang language. Mas maganda siguro kung gamitin ko iyong language kung saan ka talaga komportable, huwag mong pilitin kung hindi mo kaya sa language na ito. Mas maganda ang kwento kung sa language na komportable ka magsulat. Napansin ko rin na pinuputol po iyong mga ibang words like, 'SYA' na dapat ay 'SIYA' 'NYA—NIYA' 'WAG—HUWAG' 'WUT—WHAT.' Kung magsusulat ka make sure na formal at kumpleto pa rin iyong words. Panget kasi tingnan lalo na pag babasahin. Marami rin akong napansin na technicalities and errors mo pero iyan iyong mga tumatak sa akin. And, lastly. Iyong pag gagawa ka ng flashback huwag ganoon kahaba and putol-putol. Nang basahin ko kasi iyong chapter 2 mo naguluhan ako. Hindi ko alam kung hanggang saan iyong FLASHBACK kasi putol-putol siya. Hindi ko alam kung sa PRESENT na ba iyong scene na iyon o nasa FLASHBACK pa rin ako. All in all kung i-re-rate ko iyong story from one to five? Grade ko sa story e, 3. Nangingibabaw kasi iyong boses ng author kaysa sa mga characters and also, hindi ko maramdaman iyong emotions na nasa kwento. Gumagamit lang kasi iyong author ng CAPSLOCK at EXPLANATION POINT pag galit o sumisigaw iyong Characters niya. Hindi naman kailangang i-CAPSLOCK pag galit o sigaw e. Nasa'yo kung paano mo i-deliver ang kwento. Advice ko lang. Read and read and read. I hope makatulong ako sa'yo. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro