Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book title: Symphonies of the Heart
Author: paperdeity
Critique made by: LovelyOga
⓵ Title and book cover.
Wala akong kontra sa napili mong pamagat. Sa cover naman, simple lang siya pero cute tingnan para sa akin. Kahit hindi ako mahilig sa pink ay na-attract ako rito.
Pamagat pa lang, idagdag mo pa ang pabalat, nabigyan mo na agad ako ng ideya kung saan o paano iikot ang kuwento. Musika. Maaakit mo na agad iyong mga mambabasa na music lover kung tatawagin.
⓶ Blurb/Prologue
Iyong description mo ang tatalakayin ko. Wala ka kasing prologue.
Medyo nahabaan ako sa description mo. Puwede naman itong paiikliin.
Ang unang mababasa ng readers ay ang description mo. As much as possible, make your readers to be exited, and to be curious. Iyong hindi nila mapipigilang hindi basahin kung ano ang nilalaman ng kuwento.
Few words can do, or a few sentences. Be more specific.
Kung babasahin mo nang babasahin, malalaman mo kung ano iyong mga words or sentence/s na maaaring alisin.
Pero sige bigyan kita ng sample.
Lorinne has always been fascinated with Stan's music, a mysterious viral internet singing sensation. Nobody knows about the singer's true identity, not even Lorinne's stalking skills can uncover it.
But that was two years ago.
Now that Stan will be back in the music industry, can Lorinne able to balance studying and stalking?
Will her life stay plain and ordinary or turn upside down when she accidentally stumbles upon her classmate's not so little secret?
So iyan na po. Medyo umikli siya pero wala pa rin namang nagbago. Nandoon pa rin ang concept na gusto mong iparating sa amin.
Hindi mo na kailangang isali ang iba. Masyado ka ng spoiler sa mga readers mo. Pati conflict pinasilip mo rin.
Ano ang tinutukoy ko? Ang sentence na ito, 'Pero paano niya magagawa 'yon kung laging nakabantay sa kanya ang best friend na si Yassi?'
Isa kasi ito sa nakita kong magiging conflict sa pagiging stalker ni Lorinne.
⓷ Characterization
Ang mag-best friend lang ang tatalakayin ko. Hindi ko na isasama si Azrael. Hindi ko pa kasi masyadong kita ang karakter niya. Ilang chapters lang naman ang binasa ko.
Lorinne at Yassi, naipakita mo iyong pagkakaiba nila ng ugali, kilos at pananalita. Kahit walang pangalan na mababanggit, makikilala mo kung sino.
⓸ Plot and settings
Hindi ko sasabihing unique kasi hindi naman talaga. May mga ganito na rin kasing mga kuwento akong nabasa. Ang magiging labanan na lang ay kung paano mo ito palalawakin at sa conflict. Paano mo inumpisahan, pinatakbo at tinapos o tatapusin ang kuwento.
Sa setting naman, sorry to say pero hindi ko talaga ma-imagine. Wala akong ideya kung saan ba naganap ang kuwento mo. Sa anim na kabanata(oo anim kasi sinilip ko 'yong kasunod) binanggit mo lang sila. Gaya ng university, clinic, at cafeteria. Walang kaunting detalye. Kahit nga sarili nilang tinutuluyan wala.
Hindi naman po puwedeng banggit lang tayo nang banggit. Hindi naman po ito movie na makikita natin iyong lugar na pinangyarihan ng eksena, 'di ba? Binabasa po natin ito. Paano gagana ang imahinasyon namin kung wala ka namang detalyeng ibinigay?
⓹ Narration/Dialogues
Informal ang narration pero okay lang kasi bumagay o umayon naman ito sa nagna-narrate. Okay na okay rin ang dialogues mo. Ika nga, tumugma sa karakter na nagsasalita.
⓺ Opinion as a reader.
Uunahan na kita. Maarte po akong klase ng reader.
Pagkabasa ko pa lang sa unang pahina, napataas na agad ang kilay ko. Ganitong-ganito rin ang reaksiyon ko noon pa man. Ano ang tinutukoy ko? Iyong pagbo-bold mo sa mga dialogues.
Alam mo ba kung ano ang ginawa ko noong unang beses akong makakita ng ganito? Binuksan ko lahat ng pocketbooks at novels na mayroon ako. Inisa-isa ko talagang tiningnan. Wala po itong halong biro. Ginawa ko talaga ang ganito. Sa dami kasi ng nabasa ko, wala akong nakita na ganito. Sa Wattpad pa lang kaya nagtataka talaga ako kung bakit. Nahihiya naman akong magtanong sa kanila. Baka kasi masabihan ako ng, 'Reader lang ako. Nakikibasa nang libre kaya 'wag maarte.' Mga ganyan ang pumapasok sa isip ko.
Dala-dala ko ang tanong na 'yan ng ilang buwan. Nasagot lang siya noong magsimula akong magsulat at napasali sa club. Nagkataon pang iyong partner ko ay kagaya sa gawa mo na bino-bold ang dialogues. Nag-comment siya at sinabihan akong i-bold ko raw ang mga dialogues para malaman ng readers na dialogues 'yon at madaling makita.
Sana hindi kapareha ng sinabi niya ang rason mo kung bakit mo bino-bold ang dialogues. Kasi kung oo? Tataasan din kita ng kilay. Seryoso ako.
Para n'yo kasing inaano ang mga readers. Kahit readers lang kami, marunong naman kaming kumilala ng dialogues, ano? Kahit hindi pa 'yan naka-bold basta may quatation marks, malalaman at malalaman pa rin namin 'yan. 'Yan naman talaga ang gamit ng quatation marks, 'di ba?
Kung nakakapagsalita lang si Quatation Mark, baka sinabihan na kayong kinukunan n'yo siya ng silbi. Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat naka-bold ang mga 'yan. Pero 'yon nga! Reader lang kami at nakikibasa nang libre. Idagdag pang ikaw naman ang sumulat. Wala namang batas dito sa Wattpad na nagsasaad na bawal 'yang ginagawa mo.
Author, huwag kang magagalit ha? Opinyon lamang po ito mula sa isang maarteng reader at ini-share ko lang iyong experience ko.
Tungkol naman sa kuwento, pasadong-pasado siya sa panlasa ko.
Good luck and God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro