Batch 1: Love of Aryana
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Love of Aryana
Author: LovelyOga
Critique made by: paperdeity
Feedback:
∞Title:
Your title is nice, catchy and unique in a way. It piques the readers’ curiosity. Kumbaga mapapaisip ang mga readers mo kung ano ba ang meron sa pag-ibig ni Aryana. Sadly, as a reader, hindi ko pa masyadong na-grasp ‘yong meaning ng title mo sa first five chapters. Siguro dahil masyado pang maaga para maipakita mo kung bakit ‘yon ang napili mong title.
∞Book Cover:
There’s a lot going on in your book cover. Actually, hindi ito ‘yong unang book cover na nakita ko sa story mo. I honestly prefer the first one, simple but may impact. Ito kasing bago sa unang tingin iisipin mong mystery-thriller ang tema instead na fantasy-romance. Pero kung titingnan mo ng mabuti ang background ni Aryana (inassume ko lang na siya ang nasa book cover mo), makikita mo ang isang kastilyo at dalawang dragon, which can determine na fantasy nga ang kuwento mo, plus the yin yang symbol. The color is also too dark para sa term na ‘love’.
∞Blurb/Epilogue:
I’m torn kung prologue ba ang tinutukoy dito or ‘yong description ng story, so dalawa na lang silang ilalagay ko dito.
First, the story description. Mas maganda siguro kung kahit paano ay may nakalagay na kaunting pahapyaw sa kung anong dapat abangan ng potential readers ng story mo. May iba kasi na story description ang unang tinitingnan o kaya binabasa, instead na dumiretso sa prologue.
Second, the prologue. I like how straight to the point it is. Napansin kong dinescribe mo rito ang kung paano ang naging buhay ni Aryana sa mundo ng mga mortal, pati na rin ang pagsubok niya sa social media. Linagay mo rin dito ang mga posibleng mangyari sa mc at kung anong puwede naming asahan as the story progress.
∞Characterization:
I like how direct you described Aryana. Walang keme o ano. Pero sa buong limang chapters na nabasa ko parang nakukulangan ako sa emosyon na nagmumula sa kaniya. Hindi ko maramdaman ‘yong sakit na nadama niya noong namatay ang Lola Tanya niya. Hindi ko naramdaman ‘yong pagkamangha niya nang marating niya ang mundo ng Arcorxia. Nakita ko rin na malaki ang naging impluwensya ng mortal na mundo kay Aryana, kahit pa sinabing nasa liblib na parte ang tinitirhan niya kasama ang lolo’t lola niya. I also noticed slight changes sa personality niya nang marating ni Aryana ang Arcorxia. Parang mas napakita rito kung ano ang naging impluwensya ng mortal na mundo sa kanya. She mentioned about King Kong, kpop, kdrama, k-artist, etc. It’s like telling the readers how different Aryana is ngayong nasa Arcorxia na siya. Habang tumatagal ang pagbabasa ko, napapataas ang kilay ko dahil parang unti-unti kong nare-realize na ang unang pakilala kay Aryana sa naunang chapters ay iba pala.
Napansin ko rin na ‘yong ibang characters (e.g. Antonia, Lola Tanya) parang napapadaan lang ng saglit sa buhay ni Aryana. Tipong kahit pahapyaw man lang sana napakilala mo sila sa readers at kung anong naging significance nila sa buhay ni Aryana. Nagmumukha tuloy siyang self-sufficient.
Nag-focus lang ako kay Aryana rito sa characterization since siya lang ang well-introduced na character sa limang unang chapters mo.
∞Plot/Settings:
Plot. I honestly won’t comment on this since first five chapters pa lang naman ang nababasa ko. Para kasing nagbi-build up pa lang ang story sa unang limang kabanata nito kaya hindi ko pa ganoon ma-grasp ‘yong plot.
Settings. Mundo ng mga mortal at Arcorxia ang main settings ng kuwento mo, but mostly sa Arcorxia since sa pangalawang chapter pa lang nagpunta na roon ang MC (main character) mo. I honestly read your fantasy world as ‘Arcoxia’ at first, which is a pain killer.
Ang napansin ko lang parang kulang sa description ang binuo mong ‘fantasy world’ or ang Arcorxia. Paano naging iba ang Arcorxia sa mundo ng mga mortal? Wala kasing nangyaring pagsasalarawan kung ano ang itsura ng mundong pinanggalingan ni MC. Sa unang dalawang chapters, binanggit mo kung gaano kasabik si Aryana at ang lola niya na bumalik doon. Hindi rin masyadong na-justify ang rason kung bakit kailangang bumalik ni MC doon. Ang tanging paglalarawan na nabanggit ay nahahati sa siyam na kaharian ang Arcorxia. Mas maigi sana kung inilarawan ito ni Aryana, tulad ng kung paano ito ikwinento sa kaniya ni Lola Tanya. The way din kasi ng pagkakasabi ni Aryana sa mga pangalan ng siyam na kaharian, tila ba’y narating na niya ang mga ‘yon.
Naiintindihan kong hindi agad mailalarawan ni Aryana ang Arcorxia nang dumating siya roon dahil na rin ang unang sumalubong sa kaniya ay isang paglalaban. Pero kahit nang banggitin mong nasa kagubatan na siya ay hindi mo pa rin nagawang ilarawan ang lugar. Paano mai-imagine ng readers mo ang nasabing kagubatan? Pareho ba sila ng itsura ng gubat sa mundo ng mga mortal? Mas malaki ba ang mga hayop, katulad ng sa mundo ni King Kong? O magkasalungat ba ang laki at sukat ng mga hayop doon, gaya ng mga hayop sa Jumanji 2? More vivid descriptions pa sana para madala mo talaga ang mga readers mo sa fantasy world na binuo mo.
I also thought na may deeper meaning behind why you chose the word ‘Arcoxia’ to be the name of the fantasy world that you created. Usually kasi ng mga nababasa kong fantasy novels, there’s a hidden meaning behind why they chose that name.
∞Narration/Dialogues:
Narration is good. Smooth ang flow, not too fast or not too slow either, but I find it bland, like a bread without jam. The dialogues in the first few chapters are an example. Wander with your thoughts, and think of the dialogue as the blood of your story. Balance the narration and dialogues, and don’t just focus on a single point. Your story’s genre is fantasy which has a vast scope, with a monotonous dialogue it’s like letting your efforts of building the ‘fantasy world’ that you imagined go to waste.
On technical notes naman, I’ve noticed there’s a lot of incoherent and broken sentences. I suggest you use proper conjunctions and punctuation in this, for example:
‘Nakagawa naman ng harang ang lalaki. Kulay itim. Samantalang ang babae, ikinumpas paikot ang mga kamay. Pumikit. Nag-ipon ng enerhiya at itinapon iyon patungo sa kalaban.’ [1.0]
Para akong robot habang binabasa ‘to, to be honest. Maybe because you chose to put your periods in awkward places. Kunwari ire-revise ko ang parteng ‘yan with minimal changes, and I’ll add conjunctions and re-locate your punctuations, ganito ang magiging kalalabasan niya:
‘Nakagawa naman ng itim na harang ang lalaki. Samantalang ang babae ay paikot na i-kinumpas ang mga kamay at saka pumikit. Unti-unting naipon ang enerhiya sa kamay ng babae at ubod ng lakas na itinapon ito patungo sa direksyon ng kalaban.’ [2.0]
See the difference? Dito rin kasi papasok ‘yong showing and telling. I noticed that you don’t have any problem with both, ang nagiging problema is the way you deliver them.
Let’s use [1.0] as an example. Nag-mukha siyang telling instead na showing. Why? Because masyadong direct to the point ang pagkakasulat mo, kulang sa mabubulaklaking salita which is kailangan pag nagsulat ng fantasy. When you’re writing a fantasy story, mas importante ang showing kaysa telling. Mas importanteng ma-immerse ang readers mo sa mundong binuo mo, at the same time maramdaman din nila ang nararamdaman ng mga characters sa kuwento mo.
I also noticed your sudden transitions from Tagalog to English. I think this is for the benefit of your readers para mas makuha nila ‘yong gusto mong iparating. This is just a personal opinion though, mas maganda kasing basahin kung sinimulan mo ng tagalog at tuloy-tuloy na tagalog hanggang matapos ‘yong sentence.
For example:
‘May marka siya sa batok na may pormang [eight-pointed sun ray] na may [rounded part] sa gitna.’
Nag-mukhang complicated ‘yong sentence dahil sa ginamit mong english terms when you can just say, ‘May marka siya sa batok na hugis araw na may walong sinag.’ Makukuha naman siguro ng mga readers ang ibig mong sabihin dito dahil wala namang ibang hugis ang araw kundi bilog/round.
Your dialogue and action tags are on point. Kung may mali man it’s either na-miss ko siya or it’s passable.
∞Opinion as a Reader:
Honest opinion as a reader, not a critic. Nagustuhan ko ba ang kuwento mo? Yes, since I’m an avid reader of fantasy books. Is it a story that will get me hook? No. It is something na sisimulan kong basahin but will end up on my ‘to be read’ pile.
Anyways, I’m in no way an expert critic but I hope na makatulong itong mga comment/sinabi ko para sa story mo. Keep it up, Ms. Author.
I'll just add this: “Be your own biggest critic. Don’t let someone else beat you to constructive criticism.” - Christina Tosi
Keep writing! 🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro