Batch 1: Dear J,
Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Dear J,
Author: CapriceKiara
Critique made by: AMBONNNN (BlackPhoenixxxx)
•••
Feedback:
∞ Title: Masyado na siyang gasgas. Madami na kasi akong na-encounter na ganito ang title ng mga kwento nila.
∞ Bookcover: Kung sa title masyado na siyang gasgas, sa book cover naman bawing-bawi. Simple but catchy. Siguro, iyong mga badge lang siguro iyong medyo nakasira sa book cover. Masyado kasing marami, okay lang siguro kung isa lang iyong badge.
∞ Blurb/Epilogue: Sa blurb/story description tayo dahil first five chapters lang binasa ko. Ang masasabi ko lang ay sana po huwag mo ilahad lahat-lahat sa story description iyong mga pwedeng mangyari. Hayaan mo po na iyong mga readers mo ang mag-isip o mag-conclude kung ano pong mga mangyayari. Kumbaga, patikim lang iyong ilagay mo doon para ipagpatuloy nila iyong pagbabasa nila.
∞ Characterization: Medyo okay naman po siya dahil si Ara lang naman ang nagku-kuwento pero may onti pa po akong hinahanap sa character ni Ara na mapapa-WOW ako. Medyo boring kasi siya.
∞ Plot/Settings: Sa plot and settings po, parang hindi po nagbabago. Laging nasa office at trabaho lang sila. Wala masyadong ganap. Parang doon lang umiikot iyong kwento. Maliban sa paglalagay ng pictures, mas maganda po siguro na isali iyon sa narration at ilahad nang maayos.
∞ Narration/Dialogues: Sa narration, okay po siya dahil si Ara lang naman po ang nag-na-narrate. Kung sa dialogue naman po, boring. Why? Kasi, ilang beses ko pa lang nakita na may nag-usap. More on narration kasi iyong kwento. Bilang mo lang iyong may nag-uusap kasi siguro epistolary novel siya. I suggest na dahil onti lang iyong dialogue, sikapin mong mabigyan ito ng malakas na impact sa readers.
Note:
✘ nalang ✔ na lang
✘ palang ✔ pa lang
✘ kana ✔ ka na
✘ kapa ✔ ka pa
• daw / din →kapag ang mga salita ay nagtatapos sa katinig at ra, re, ri, ro,ru
• raw/ rin→ kapag ang mga salita ay nagtatapos sa patinig at mala-patinig na w, y
• May mga enrty na gumagamit ka ng dalawang tuldok ( .. )
∞ Opinion as a Reader: Hey ate! I'm not good sa pagki-critique but may mga comment lang ako about sa story mo and sana huwag mo siyang masamain. Ito na, noong makita ko iyong title hindi na ako nagulat. Parang alam ko na 'to sabi ng utak ko. Nang mabasa ko iyong story mo po, NA-BORING po ako. Bakit? Kasi more on tell po walang show. Kumbaga puro kwento-kwento lang po si Ara. Siguro ang advice ko po kung gusto niyo pong gawin e, mas maganda po siguro na imbes na i-kwento ni Ara iyong mga sinusulat niya e, ginagawa po para may interaction po iyong bawat characters. And may part na naguluhan ako. About sa anniversary ng company nila. Ang sabi niya 18th anniversary na ng company pero nang sumunod niyang sabihin 7th anniversary na lang. Sa pagsusulat naman po napansin ko pong mahilig po kayong paikliin iyong mga words. Kumbaga sa IYAN nagiging 'YAN po siya. Mas maganda po na kumpleto po ang ilagay lalo na po at nag-na-narrate si Ara. Iyon lang naman po ang masasabi ko. Sana po makatulong po ako at huwag niyo pong masamain iyong sinabi ko po. 😊 Good day and God Bless po! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro