Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Batch 1: Apollo Zapata

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book Title: Apollo Zapata
Author: AMBONNNN
Critique made by: CapriceKiara

∞Title:

The title is good and fit naman siya sa takbo ng kuwento. And sa title pa lang alam mo na kung kanino patungkol 'yong kuwento. So, for me sakto na siya sa panlasa ko.

∞Book Cover:

Simple lang ang book cover mo. Hindi siya masakit sa mata at okay naman ang combination. 'Yon nga lang medyo nakulangan lang ako, kasi no'ng mabasa ang prologue mo may pagka-heavy or melodrama pala ang tema ng story mo kaya for me mas okay kung 'yong mood na ginamit is may kinalaman din sa kuwento.

∞Blurb/Prologue:

I find your blurb/prologue very interesting and catchy. 'Yon bang mapapatanong ka na lang kung bakit nangyari 'yon? At bakit humantong sila gano'n. Kaya ang ending gusto mo na lang basahin 'yong kuwento. Pero 'yon nga lang medyo nabitin ako medyo maikli kasi eh kaya I suggest na habaan mo lang siya or dagdagan ng konti para naman pak na pak na siya.

∞Characterization:

Well, I find your characters very lovely and unique. Kung hindi mo pa kasi naitatanong sobrang fan ako ng Greek gods and goddesses kaya no'ng mabasa ko ang mga pangalan ng characters mo natuwa talaga ako. So far, wala naman akong mapuna sa mga characters mo kasi may kanya-kanya naman silang personality though hindi naman gaanong na-emphasize 'yong ibang characters kasi parang nabanggit lang sila at walang description but still okay pa rin ang dating sa akin.

∞Plot/Setting:

Okay, for me medyo may kabagalan ang takbo ng kuwento mo. No'ng mabasa ko kasi ang 1st chapter at 2nd chapter halos iisa lang thought no'n at nangyari 'yon lahat sa loob lang ng isang araw. Kaya ang dating eh parang hindi siya nakasulat sa 3rd Person POV.. kundi sa 1st Person POV.  While gano'n din ang nangyari sa 3rd-5th chapter mo medyo mabagal din ang pagkaka-narrate mo na parang ang ginagamit mo nga ay 1st person POV although nakikita kong nag-iimprove naman ito no'ng mabasa ko na ang chapter 6 mo.

∞Narration/Dialogues:

Gaya nga ng sabi ko medyo mabagal ang pagkakalahad mo sa 1st-5th chapter mo feeling ko 1st person POV lang ang binabasa ko. Iba kasi ang way ng pagkaka-narrate mo eh. Parang hindi ikaw na writer 'yong nagku-kuwento kundi 'yong mga characters mo. So, I suggest na mag-switch kana lang from 3rd Person POV to 1st Person POV tutal do'n ka naman mas comfortable. May mga technicalities and errors din akong napansin. Actually, medyo marami siya pero ito 'yong pinakatumatak sa akin

**nakaupo (naka-upo)
**napakamot (napa-kamot)
**nakalipas (naka-lipas)
**nilagay/inilagay (linagay/ilinagay)

**Pinagpatuloy  na lamang nila ang kanilang paglalakad hanggang sa makarating sila sa eskwelahan. (Pinagpatuloy naman nila ang paglalakad nila hanggang sa makarating sila sa eskwelahan.)

**I'm Nyx," sagot nito kay Astraea na abot tenga ang ngiti. ("I'm Nyx." sagot nito at abot tenga ang ngiti nito kay Astraea.)

Another thing dapat comma (,) ang ginagamit mo after ng dialogues. Maliban na lang kung question mark or exclamation point 'yong ginamit mo kasi magsisimula ka talaga sa capital letter.

Hal 1. "I'm sorry Astraea, hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ng binata.

Hal 2. "Saan ka ba kasi pupunta Triton?" Naiinis nang tanong kay Zeus pero hindi man lang siya nito pinansin bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

∞Opinion as a reader:

Sa totoo lang marami nang ganitong uri ng story sa wattpad kaya hindi na rin ako nanibago pa. Hindi rin naman kasi ako fan ng romance/melodrama stories eh kaya siguro hindi ko siya ma-feel ng buo. Pero hindi ko sinasabi na hindi siya maganda or walang dating.. of course okay ang kuwento mo, pero hindi lang ako gaanong nadala.. siguro kasi hanggang 6th chapter pa lang ang nabasa ko kaya gano'n. Or siguro dahil hindi lang talaga ako mahilig sa ganyang genre. So yeah! Good luck sa story mo na 'to. And fighting lang! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro