Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COR 10

– Chapter 10: Last Take –
×××××

|SOREN DEIANIRA|

IMINULAT ko ang aking mga mata at tumitig sa kisame. Namamanhid man ang mga balikat, nanatili ako sa aking p’westo. Pumikit akong muli hanggang sa maalalang nakatulugan ko ang pag-iyak kagabi at hindi na nakabalik sa aking kama. 

Ngumiwi ako dahil ang lamig ng sahig at saka ako napahawak sa aking sentido nang pumintig ito pagkabangon ko mula sa pagkakasalampak. 

“What a day to start,” sambit ko sa aking sarili at tinungo ang banyo. 

I was drying my face with my black face towel when I remembered Hiero’s message. Hindi ko na pala siya napuntuhan dahil sa nangyari. Nilingon ko ang repleksyon ko sa salamin sa aking harapan bago umiling. I finished prepping myself as I’ve got a lot of things to catch up yet. 

Better not be an idle person and get myself fired. 

Nang makitang maayos na ang sarili ay tinungo ko na ang pintuan. Dahil sadyang late na ako para sa usapan, hindi ko na sinubukang magmadali at pinuntahan ang kusina para kumain. Uminom ako kagabi kaya kailangan ko ng pampakain sa gutom na tigre sa loob ng tiyan ko. I was actually expecting an empty table only to be surprised that it wasn’t. 

Mabagal kong nilapitan ang nakalagay sa may lamesa at binasa ang sulat sa may itaas ng pantakip. 

“Have breakfast.” I read out loud. 

’Yon lang talaga ang nakalagay sa sticky note na kulay light blue. Nothing more, nothing less. Natawa ako nang bahagya at umiling na lang. The breakfast wasn’t that special but the effort was. 

Basta nakakain ako. Thanks to my not-so-stranger-you-know-who. 

Hindi ko in-expect na gagawin niya ang bagay na ’to pero siguro na-shookt siya sa inasal ko kagabi. Very unusual naman kasi sa akin na makitang down and emotional na maiisip mong may suicidal thoughts ako. Na hindi naman totoo. 

Tumaas ang kaliwa kong kilay bago napagpasyahang bilisan ang kilos. Matapos ligpitin ang mga ginamit ko sa kusina, dumiretso na ako palabas ng condo ko. Nilakad ko ang hagdanan pababa tutal ay nasa 5th floor lang ang unit ko. Gusto kong i-relax ang isip ko sa tulong ng paglalakad. Naisip ko ring nakakatulong iyon kahit papaano. 

Nang nasa lobby na ako mg building, tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ng hoodie na suot ko. Hindi ako nagkamali nang makita ang pangalan ni Hiero sa screen. 

“Papunta na,” sagot ko bago pa siya makapagsalita. Rinig ko ang pagbuga nito ng hangin kaya naman napairap ako. 

“Oh, good morning too, my dear!” sarkastiko nitong sagot na ikinailing ko na lang at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang parking lot. 

“Anyway, I heard what happened at your school yesterday. Okay ka na ba? Naiinom mo na?” tanong nito na ikinakibit balikat ko na lang. 

It wasn’t shocking that he knew. He has eyes and ears everywhere around me that it wasn’t even shocking anymore for him to know everything that I do. 

“Yea, a bit. Let’s talk when I get there. Gotta go!” Pinatay ko na ang tawag bago pa man siya makapagsalita. Sumakay na ako sa aking kotse at binaybay ang daan papunta sa kinaroroonan ni Hiero. Hindi niya talaga iyon pangalan pero nakasanayan na sa trabaho. 

Habang nagmamaneho ay may tumawag sa akin. Nang makitang si Satori ang caller ay napahinga na lang ako nang malalim. Pagkasagot ko pa lang ay rinig ko na ang sigaw niya at mabuti na lang na hindi ko siya katabi dahil baka bumigay na ang eardrums ko dahil sa sobrang tinis ng boses nito. 

“Deia! Oh, my gosh! Okay ka na ba? Kailangan mo ba ng nurse? I’m free!” nakagat ko ang labi ko dahil sa inis sa boses nito. 

Kung sana nakaka-relax pero hindi. Lalo lang niyang pinapalala ang stress ko. 

“I don’t need a nurse to cure me. I am a nurse myself,” sagot ko. She shrieked and guessed what she did. 

She shouted, as always. 

“Deia naman, eh! Hindi ka kaya nurse. Ni hindi mo nga magamot mga sugat mo nang wala ako, eh!” reklamo nito na ikinailing ko na lang. 

Kailan ba nagagamot ang mga sugat kung matagal na itong unattended at pinabayaan? 

“Anong kailangan mo?” tanong ko na lang para matigil siya. 

“Wala! Ano ka ba naman, Deia! Kinakamusta ka lang. You’re so pain!” halos gusto ko na siyang i-untog sa pader kung hindi lang siya malayo sa akin. 

Sometimes, gusto ko na lang talaga siyang mapunta sa North Pole nang matigil na siya kakakulit sa akin. I couldn’t keep up with her lively personality. 

“Guess I’ll hang up, bye.” After that, I focused on the road until I reached my destination for today. 

Hindi na muna ako papasok ngayon sa school. Hiero might be really serious last time. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga sinasabi niya at kahit ngayon na naalala ko ang nangyari, wala pa rin. Siguro okay na ring makausap ko siya ngayon kaysa mahilo ako sa daan kakaisip kung anong meron. 

“Glad you’re here,” napaangat ako nang tingin sa aking harapan nang marinig iyon. 

Tumambad sa akin ang pamilyar na mukha kaya naman napatigil ako sa gitna ng lobby. Tumango lang ako nang bahagya sa mga bumabati sa akin nang makita ako. Ilang segundo bago ko tingnan sa mga mata ang taong nasa aking harapan. 

Soren,” he called. 

I blinked. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata na tila naputulan ng dila. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maigalaw ang aking matawan. Moreso, speak. 

“Hadviel,” tawag ko sa kaniyang pangalan ilang minuto bago ako naestatwa sa kinatatayuan. 

You’re back,’ bulong ko sa isipan. 

Tumawa siya nang bahagya bago niya ako akbayan at doon lang ako parang nagising sa katotohanan. Nagpatinuod lang ako sa kaniya hanggang sa pumasok kami sa isang silid kung saan nakita kong napatayo si Hiero nang makita kaming pumasok. 

I was still speechless, surprised. 

“O-Oh,” tigalgal siyang nakatitig sa aming dalawa. 

“Hey, Hiero! Would you rather have me closing your mouth, yes? It’d be an honor," loko-loko nitong tanong sa gulat na Hiero. 

Tumingin ito sa akin at nag-peace sign. Umiling ako at umirap bago umalis sa pagkakaakbay ng taong katabi ko. 

“Kung diniretso mo na lang sana, tsk.” asik ko kay Hiero na ngumiti lang sa akin ng peke. 

Umirap akong muli at tinungo ang single sofa sa harap ng office table niya. 

“Ang sungit pa rin, Soren. It’s been years,” tumingin ako kay Hadviel nang masama bago harapin si Hiero na kakaupo lang sa kaniyang upuan. 

“Bakit siya nandito?” tanong ko kahit pa nasa malapit lang ang taong tinutukoy ko. 

Narinig ko itong bumuga ng hangin dahil sa inis, na lagi niyang ginagawa kapag offended siya or something. Though hindi naman sa seryosohan. Like, it was only one of his ways to express himself. 

“Iyon na nga. Kahapon ko pa sana sasabihin sa ’yong uuwi na siya kaya lang, alam mo na ang nangyari. Alam kong nagtataka ka pero bakit hindi mo siya tanungin ngayon. For sure sasagot ’yan. May bibig, eh.” umiling ako sa sarkastiko nitong pahayag dahil sa sobrang sanay ko na sa bangayan ng dalawa, gusto ko na lang silang ilibing ng buhay. 

“What reason could have pushed you to come back?” baling ko kay Had. 

He took a seat on the sofa that was adjacent to me. Huminga ito nang malalim bago siya tumitig sa labas ng glass wall ng opisina ni Hiero. His eyes reflected nothing but emptiness that I was sure, brought back the memories I shouldn’t remember. 

“Remember your Ate Sadra?” 

I froze. 

“What do you mean?” I asked, sinusubukang ikalma ang nagsisimulang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. 

Parang ‘taboo’ iyon sa pagitan naming dalawa kaya naman hindi ko inaasahang babanggitin niya iyon. Not to mention, kababalik lang niya. 

Kung ito man ang rason kung bakit siya bumalik, baka ito na nga ang simula. Simula ng laban na hindi ko alam kung matatapos ba o hindi. 

“I’ve found a lead. At hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin ang nalaman ko gayong konektado iyon sa kung saan ako nagmula. This shit is too funny to be a nightmare, don’t you think?” baling nito sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi habang iniintindi ang sinasabi niya. Not until I realized what he was trying to convey. 

“You’re a Kruger. May kinalaman ang pamilya mo sa pagkamatay ni Ate Sadra?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. 

Rinig ko ang pagbagsak ng kung ano galing kay Hiero na alam kong gulat din katulad ko. 

“Not only that. I think, there’s someone behind all of it,”

“Sino?”

Tumingin siya sa akin at hindi ko alam kong sisipain ko ba siya dahil sa bagal nitong sagutin ako o batuhin ko na lang siya ng bagay na mahawakan ko. He crossed his legs and sighed. 

“Iyan ang hindi ko alam,” ngali-ngali ko siyang suntukin dahil sa sagot niya pero pinigilan ko ang sarili ko. I heaved a sigh and looked outside the glass wall. 

Ate Sadra’s death affected us all, specially my brother. At ngayon na may lead na kami, hinding-hindi ko iyon sasayangin at lalo kong gustong malaman kung sino ang nasa likod nito. 

That someone deserves my wrath. 

I closed my eyes and calmed myself. Sinubukan kong huwag mag-isip kaya lang ay may isang bahagi ng utak ko ang humihila sa akin pabalik sa nakaraan. It pulled me back to where it started. 

— 

DEAR, My Soren. 

Kumusta ka? Gusto kitang tanungin ng ganito araw-araw sa paggising ko. Pero alam kong ayaw mo. 

Soren, my beautiful and will always be my baby sister, kung binabasa mo ’to ngayon gusto kong malaman mo na ayos lang si Kuya. Huwag kang mag-alala dahil maayos na ako kung nasaan man ako ngayon. Pasensya na dahil hindi na makapaghintay ang kuya na makita ang Ate Sadra mo. Gusto kong samahan ang Ate mo dahil mag-isa siya. 

Sana sa oras na ’to, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan. Sa oras na ’to, gusto kong maging maayos ka na. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo dahil nasasaktan ang kuya mo sa tuwing umiiyak ka nang patago, na nasasaktan ka ng palihim. 

Alam kong galit ka sa akin at tanggap ko ’yon. Okay lang, Soren. Naiintindihan ko. 

Gusto kong alagaan mo ang sarili mo dahil wala na ako sa tabi mo para gawin ’yon. I did this not to make you guilty for it all your life. I don’t want you to be guilty for something you didn’t do. Pasensya na, kapatid ko. I’m sorry I couldn’t make it. I’m sorry that I gave up. I’m sorry that I have to do this. 

Huwag kang iiyak. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Nandito lang ako. Kahit saan man ako magpunta, mananatili ako sa tabi ko. Because I wanted you to live your life without me. Para hindi ka na nasasaktan kapag nakikita ako. 

I left not because I don’t want to be your brother anymore. I will always be your brother. 

This is my last take so you could live. 

— 

:// Happy Reading! SORRY IT’S LATE BUT LET ME GREET Y’ALL A HAPPY HEART’S DAY! 👉👈 Hoped, you enjoyed yesterday’s Vday!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro