COR 09
- Chapter 09: Breakdown -
-
|SOREN DEIANIRA|
NAKATULALA lang ako sa basong hawak ko at pinaglaruan ang alak sa loob nito. Kung katulad lang nito sa araw-araw kong pagpunta ng bar na walang iniisip kung hindi ang maglasing, sana gano'n na lang ulit. Kaso hindi.
Today was a day for me to go down the lane.
"Have you regretted something?" tanong ko sa katabi ko na kanina pa nanonood sa senaryo sa kaniyang harapan, walang kibo. Whereas I was organizing my thoughts because it seemed like it was a knot that was super complicated to understand or to even fix.
"That is for sure not questionable, right? We're humans after all," umangat ang aking ulo dahil sa narinig ngunit hindi siya nilingon.
Akala ko tatanungin niya ako pero katulad ng sinabi niya, maghihintay siyang ako mismo ang magsasabi sa kaniya. I smirked and scoffed secretly. I held the glass with my hands. Pinakiramdaman ko ang lamig ng baso gamit ang aking mga kamay sa paraang mababasag na ito kung hindi lang high class.
But on the contrary, I was just weak and helpless just like before. But maybe I was still the same.
Have I regretted something?
Ang tanong na parang bala ng baril na tumama sa akin. Pulido at saktong-sakto para mag-agaw buhay ako. To the point where I could just look at my reflection in the mirror because it was a fucking bullseye.
Buong buhay kong dadalhin ang pagsisisi sa lahat ng nangyari sa buhay ko.
"Hindi na ba tayo tao kung hindi pa natin naranasan magsisi?" I mumbled in the air.
"Tsk." Natawa ako nang bahagya pero hindi na nagsalita.
I drank for how many glasses that I could until my vision started getting blurry and my mind becoming hazy. Natawa ako sa aking sarili hanggang sa unti-unting natahimik habang inaalala ang mga mapapait na mga araw na kung sana naaksidente na lang ako para hindi ko na maalala.
Oh how memories could be really good and bitter at the same time.
-
"NASAAN ang guardian mo, Ms. Kraus?" I looked up and saw the Dean of the school carrying my expulsion papers.
"Just process my papers Mrs. Smith. Huwag niyo nang guluhin ang Kuya ko," mahinahon kong sabi bago umiwas ng tingin.
Rinig ko ang buntonghininga nito pero hindi pa rin ako lumingon sa kaniya. Kinagat ko ang dila ko nang maalalang hindi pa rin maayos ang kapatid ko. Ate Sadra's death became his downfall and it was hard to see that because I was his sister.
Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa naisip. How hypocritical I was to think that he still has me as his sister when in the first place I was the one who lost him as my brother. Nauna akong bumitaw, kinalimutan na may kapatid pa ako. We both lost our parents and compared to my pain, it wouldn't match to his because he also lost me, his sister.
"Kindly call your brother, Ms. Kraus. Hindi p'wedeng hindi niya alam ang nangyayari sa 'yo sa school. Not to mention, in the process of expulsion. He need to know as your guardian," mas lalo kong nakagat ang aking dila. Nalasahan ko rin ang dugo matapos n'yon.
"No. Don't call him," I insisted. He needn't to know. Marami na siyang pinagdadaanan. Ayoko nang dumagdag pa.
Hindi ko kayang makita siyang mas lalong lumagapak sa sahig. Oh how I wish things didn't go as worse as this now.
Magsasalita pa lang siya nang may kumatok sa pintuan. Biglang bumilis ang aking paghinga nang lingunin ang pintuan at pumasok ang sekretarya ng Dean.
"Mrs. Dean, nandito po ang guardian ni Ms. Kraus,"
It was at that moment I wish he didn't come because it wouldn't worsen the way at it was. Napatayo ako nang makita ang kapatid ko sa bungad ng pintuan. Natulala ako at pinanood siyang lumapit sa amin.
"Mr. Kraus, I'm glad you came,"
Naroon lang ako sa gilid habang nag-uusap ang dalawa, pinapanood silang pag-usapan ang aking expulsion dahil sa pagsuntok sa anak ng isang mataas na shareholder ng school.
I was in wonder as to why he still came despite everything that I did just to make him hate me; that he never did.
Hindi ko na napansin ang oras at nakita ko na lang sarili kong naglalakad katabi ang aking kapatid. Ang kuya kong pilit na iniintindi ang sit'wasyon naming dalawa kahit pa p'wede naman siyang umalis na lang at magsimulang muli nang wala ako.
"Bakit ka pumunta?" In the end, I chose to push him away from me.
Napatigil ito sa paglalakad pero hindi ako hinarap. Wala akong nagawa kung hindi tumigil din. Nakatayo lang kami roon at hindi hinaharap ang isa't isa.
"I'm your guardian, at least let me be one," he told me and continued walking.
Ang lamig. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ako. Nakatingin lang ako sa likod niya, pinapanood siyang maglakad palayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak ako bigla. I shed tears and it continued for a minute.
Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Pero masakit pala. Paano kaya siya? Gaano siya nasasaktan? Kasi kung ako, okay lang masaktan pero ang kuya ko?
He didn't deserve to live in pain. Pero ako ang dahilan kung bakit siya palaging nasasaktan.
PAG-UWI ko sa bahay, wala akong nadatnan ni anino ng kapatid ko. I sighed and went to the kitchen.
Gutom ako pero hindi ko man lang kayang galawin ang pagkaing niluto ko. Nakatitig lang ako roon at tinitiis ang katahimikan sa buong bahay. Na-miss ko bigla ang pangaral ng kapatid ko araw-araw.
It was always in chaos. Every second, minute, and day. Laging may ingay. Ngayon, kulang na lang marinig kong huminga ang mga butiki sa bubong sa sobrang katahimikan.
Huminga ako nang malalim at tumayo na lang at inayos ang mga kalat sa kusina. Habang naghuhugas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa may sala. Binilisan ko ang paghuhugas pero masyadong marami at makalat kaya inabot ako nang ilang oras sa paglilinis.
I sighed. Hindi ko na siya naabutan.
Nang matapos sa paglilinis ay tinungo ko na ang hagdanan pataas sa second floor kung nasaan ang aking kuwarto katabi ng kay Kuya.
I almost jumped and tripped myself in the stairs when I heard my brother's door closed with such force. Tumitig ako sa kung nasaan ang kuwarto ng kapatid ko at napahawak sa aking dibdib. Kinalma ko ang aking sarili at umiling na lang na tinungi ang sariling silid.
Pagkahawak ko sa doorknob, muli kong nilingon ang katabing silid. Parang may mali pero hindi ko mapangalanan kung ano iyon. Kinakabahan ako na ewan pero pinilit ko ang sariling lapitan ang kuwarto ng aking kapatid.
I touched the doorknob and was about to open the door when I remembered his tone of voice earlier. It was cold. Na para bang sa oras na mga iyon ay tapos na siyang intindihin ako. Na sumuko na siya sa akin.
Slowly, I retreated. One last look at his door, I turned my back.
NAGISING ako kinabukasan na parang mabibingi na sa sobrang katahimikan. Naninibago ako dahil hindi ako komportable sa katahimikan ngayon.
It was chilling.
Huminga ako nang malalim at bumangon sa aking kama. Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng aking silid. Bababa na sana ako nang tingnan ko ang silid ng aking kapatid. Nagtaka ako dahil maaga naman iyon nagigising at pagkagising ko sa umaga ay madadatnan ko siyang nagkakape sa may sala. Pero ngayon ay wala siya roon.
"Puyat ba 'yon?" tanong ko sa sarili at umiling na lang.
Bababa na sana ulit ako nang hindi ko mapigilan ang sariling lapitan ang kuwarto ng aking kapatid. Napairap ako dahil hindi 'yon nagpupuyat unless may case siyang inaasikaso.
"Kuya!" katok ko sa kaniyang pinto.
Katahimikan.
Kumunot ang aking noo dahil isang sigaw ko lang no'n ay magigising na siya pero ngayon nakailang sigaw na ako sa kaniya wala pa rin. Sa inis ko ay padabog kong binuksan ang kaniyang pintuan para lang makarinig nang isang pagbagsak.
I was frozen in my stand as I stared at the scene in front of me. Dahil sa panghihina ay hindi ko na nakontrol ang katawan at bumagsak sa sahig.
"Kuya. . .," sambit ko sa kapatid ko at pilit na kinakalma ang sarili dahil hindi na ako makahinga dahil sa gulat at takot sa nakikita.
"Kuya! Hoi, bakit ka nasa sahig?" tanong ko kahit hindi siya sumasagot.
I clenched my shirt in my chest area because it was too much that I couldn't breathe. Parang bumalik ako sa simula pero mas mabigat lang ngayon.
Slowly, I crawled toward him. Kahit isang segundo lang ay mahihimatay na ako, pinilit ko pa rin siyang lapitan. Hindi ko na pinansin ang taling nakakonekta sa doorknob niya at dali-dali siyang nilapitan.
"K-Kuya, hoi. . .," nanginginig kong tawag sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi para gisingin siya pero ni hindi man lang siya gumalaw man lang. It was late for me to realize that I was already crying nonstop. Na kung hindi ako kakalma, mawawalan na rin ako ng hininga.
I died because I realized it was already too late.
-
NAGISING ako nang maramdamang tumigil na ang sasakyan. Iminulat ko ang aking mga mata at tumitig sa madilim na kalangitan sa kabas ng bintana ng sasakyan.
"We're here."
Tumango lang ako at tahimik na pumasok sa bahay. Hindi ko na siya hinintay pa at pumasok sa aking kuwarto. Umupo ako sa malamig na sahig at sumandal sa aking kama. The light was off but the light coming from the moon helped me to at least recognize what my room was like.
Natigil ang aking mga mata sa aking mga paa. Inilapit ko ang aking mga hita sa aking dibdib at pumahalumbaba sa aking mga tuhod.
In silence, I let myself breakdown. I let my eyes cry tonight.
Makakaahon pa kaya ako?
"Kuya. . .," bulong ko sa hangin habang umiiyak ng tahimik.
Kuya. . .
Kung pinilit lang sana kitang kausapin sa araw na 'yon, hindi mo ba gagawin 'yon? O kung nang marinig kong sinara mo ang pintuan, pinilit ko sana ang sariling tingnan kung anong ginagawa mo. Kung pinilit ko ba, itutuloy mo pa rin ang plano mo?
Kung sana binuksan ko ang pintuan mo sa oras na 'yon, hindi mo ako iiwan 'di ba? Bakit naman kasi gano'n, Kuya?
Gusto kitang umalis pero bakit panghabang-buhay naman?
-
//: Happy Reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro