COR 08
CHAPTER 08 | Ghost of the Past
——
|SOREN DEIANIRA|
I DON’T know how long I’ve been staring at the white ceiling the moment my eyes opened. It was late for me to realize it was already dark outside. Maghapon yata akong walang malay.
Iginalaw ko nang bahagya ang aking ulo nang bumukas ang kurtinang pumapagitna sa isa pang clinic bed sa kabila. Wala pa yata ako sa tamang h’wisyo kaya natagalan ko ang pagtingin sa kaniyang mga mata.
“How are you feeling?” tanong nito sa ’kin. P’wede bang sagutin ko siya ng ‘I feel nothing’?
“Fine, I believe.” Tinitigan niya lang ako ng mga ilang segundo at saka tumango.
“Okay. Kakain ka ba muna? I brought some,” noon ko lang napansin ang hawak nitong brown paper bag nang itinaas nito n’yon habang nagsasalita. Nagtagal doon ang aking tingin bago ko siya nilingon.
“I want to go home,” halos pabulong ko nang saad sa kaniya.
I don’t know if it was just an illusion but his eyes suddenly changed its spark. Pero bumalik iyon sa dati kaya hindi ko sigurado kung ano iyon. I cleared my throat and slowly helped myself to get out of the bed.
Ramdam ko ang mabilis nitong pagpunta sa aking gilid pero hindi naman ako hinawakan kaya nakahinga ako nang maluwag.
“Nasaan ang bag ko?” tanong ko habang papalabas kami ng clinic. Nginitian ko lang ang nurse na nasa harap ng kaniyang lamesa bago kami lumabas ng tuluyan.
“Nasa sasakyan.” I curtly nodded at that. Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang medyo madilim na pasilyo sa aming harapan.
Silence ruled the space in between our breaths as I instilled in my mind not to go nosy which I failed to do so. Nilingon ko siya at isinatinig ang mga naiisip.
“I’m still wondering whose car you were using since that night,” hindi siya lumingon pero gumalaw naman ang kaniyang balikat.
“Hop in,” napanguso na lang ako nang palihim bago pumasok sa passenger’s seat.
I watched him close the door on my side as he ran towards the driver’s seat. It was still the same. The calming fragrance of the car, the familiar cozy feeling; it was still here.
“I don’t want music right now,” ani ko nang akma siyang magpapatugtog.
I timidly smiled at him when he glanced at me as he shook his head. Narinig ko pa siyang huminga nang malalim dahilan para mapangiti ako ng kaunti. I would love to tease him like these one of these days. Parang ang saya makakita ni isang emosyon sa kaniyang mukha.
He was silently maneuvering his car while I kept my attention to the surroundings outside the car. I tried not to think about what happened but it was just on repeat inside my head that I had to close my eyes only to regret it.
—
NAPATIGIL ako sa pagpasok nang marinig ang boses ng kapatid ko.
“Saan ka galing?” Hindi ko siya pinansin at hahakbang na sana nang bigla niyang ibagsak ang hawak na mga papel sa glass table.
“I’m asking you, Soren.” Mariin akong pumikit at tiningnan siya pabalik. I bet my eyes spoke so intensely that I had to control my emotions.
“Don’t call me Soren . . . ever again, Kuya.”
Nakipagtitigan siya sa akin pero umiwas ako ng tingin. Alam kong galit ako sa kaniya pero hindi ko pa rin maiwasan na maapektuhan sa paraan ng tingin niya sa akin. It spoke so many things I don’t want to name.
Isang hakbang.
Dalawa.
“Why ruin your life instead of mine?” tanong nito na nakapagpatigil sa akin sa akmang pag-alis sa kaniyang harapan. Patago kong kinuyom ko ang aking kamay at hindi siya nilingon.
‘I’d prefer mine because I know you don’t deserve it. . .,’
“Paano mo nasabing sinisira ko ang buhay ko? Namamalikmata ka yata. Can you please stop meddling with my life? The moment you left me that day, I hope you knew you’ve lost your chance already,” matapos ko ’yong sabihin ay dali-dali kong pinuntahan ang aking kuwarto at malakas itong isinara.
I was breathing hard, catching my breath. Hindi ko na maiwasang bumagsak sa sahig habang nakahawak sa doorknob. Nanghihinang napasandal ako sa pintuan at tahimik na umiyak sa dilim.
I cried. I cried for . . . our lost hope.
“Can you explain this?” hindi ko natapos ang pag-inom ng tubig nang may ipinakita siyang papel sa akin.
Notice of expulsion.
“Ask them why. Do I look like I care?” matapos kong sabihin ’yon ay naglakad na ako paalis ng kusina.
“Soren Deianira!”
I hoped for nothing but peace of mind. Why was it so hard?
“Kuya naman! P’wede ba? Kung gusto mo pa akong tumira sa bahay na ’to, stop minding my business!”
I stared at his sleepless eyes. Dark circles around his eyes. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa niya sa buhay niya pero alam kong nahihirapan na rin siya.
Pareho kaming nahihirapan. Kaya bakit ba hindi na lang ’to matapos?
“Soren, what happened to you?” bulong nito bago ko siya lagpasan. Tears escaped from my eyes and I was glad he wasn’t able to see that as I walked away from him.
“Soren,” napatigil ako sa paglalakad nang may babaeng humarang sa daraanan ko.
Nag-angat ako ng tingin at nagtaka nang makita ang girlfriend ng Kuya ko. I smiled at her and hid my pain.
“Ate Sadra! Bibisitahin mo ba si Kuya?” tanong ko sa kaniya sa masiglang tono.
One thing I was glad for was that she was there for my brother because I just couldn’t.
“Ah, hindi. Gusto sana kitang makausap,” nagtaka ako dahil parang may problema siya at hindi niya kayang sabihin sa Kuya ko.
“Ah, hindi mo ba kakausapin muna si Kuya, Ate? He’s inside,” itinuro ko pa ang bahay namin sa may likuran ko at saka siya tiningnan pabalik.
She timidly smiled at me and glanced at our house with a solemn expression. Nagtataka na talaga ako dahil sa pinapakita niya.
“I plan to surprise him, can you do me a favor?” she asked and I agreed.
Which I regretted.
—
“NANDITO na tayo,” napukaw nito ang aking atensyon at napabaling ang tingin sa kung nasaan kami.
Huminga ako nang malalim at iniiwas ang tingin sa building at nilingon siya. It felt nostalgic. Way back when I was staring at our old house before leaving all behind because I had to.
“Do you mind if I have a drink?” he didn’t look at me but he drove past my place. Huminga ako nang malalim at napasandal sa aking kinauupuan.
“Hindi mo ba ako tatanungin?” pagkaraan ng ilang minuto ay tinanong ko siya. Tahimik lang siyang nagmamaneho na tila ba hinahayaan ako sa gusto kong gawin kahit pa kagagaling ko lang sa clinic.
“Would you tell me?” he asked.
Tiningnan ko siya pero hindi naman siya lumingon. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang nakatingin sa kawalan, hindi alam ang sasabihin.
“I really need some drinks, don’t you think?”
“Suit yourself,”
—
“YOU’VE been together for how many years? It’ll be seven years tomorrow, right Ate?” tanong ko matapos niya akong dalhin sa malapit na cafe sa school ko.
“I’m surprised you’re updated, huh?” biro nito sa akin na ikinangiti ko lang.
She knew that we were on bad terms since they became together. Pero hindi niya alam ang rason kung bakit. Ewan ko kung bakit hindi sinasabi ng kapatid ko sa kaniya. He was free to tell her that I was the villain in the story but he didn’t even try.
“Kung lagi ko ba namang nakikita kung gaano niya inaabangan ang anniversary niyo, paanong hindi ako updated, hindi ba Ate?” pareho kaming natawa sa sinabi ko at sa sandaling iyon nakalimutan ko ang bigat sa aking dibdib.
Ate Sadra was our healer. She has that in her.
“Then I guessed, he was preparing for something a surprise for me, eh?” ngumiti ako at umiling na lang sa sinabi niya.
“Ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin, Ate?” tanong ko matapos naming ubusin ang in-order niyang pagkain para sa aming dalawa.
Huminga ito nang malalim at nag-cross arms habang nakatulala sa mga sasakyan sa labas ng cafe. I was just watching her reactions throughout the time she was thinking of what to say.
“Alam kong hindi ko dapat sabihin ’to pero, hindi mo ba mapapatawad ang Kuya mo?” natulala ako sa tanong niya na hindi ko na napansing hawak na nito ang kamay ko.
I stared at her hands holding mine. Mahigpit iyon pero hindi naman masakit. Nakatingin lang ako roon dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bakit niya natanong ’yon? May alam ba siya?
I guessed wrong. At some point, she knew.
“You see, he worked for years para lang maipakulong ang mga taong sumira sa pamilya niyo. Hindi mo man lang ba naisip na nahihirapan din siya?”
That was already out of line.
Sinubukan kong hilahin pabalik ang aking mga kamay pero mahigpit nitong hinawakan iyon at pilit akong kinakausap.
“No. Stop it, Ate Sadre before you regret it,” ani ko habang sinusubukang huwag siyang pakinggan.
“No, Soren. Hindi mo alam hindi ba? Muntik na siyang mamatay para lang maipakulong ang mga taong iyon! Hindi mo rin alam kung gaano siya nasasaktan na sinisira mo ang buhay mo na matagal na niyang binubuo! Kaya bakit? Sagutin mo ako, Soren. Nahihirapan din ako dahil ni hindi siya makaahon sa nakaraan at patuloy na nasasaktan–,”
“Stop it! How dare you! Wala kang karapatan sabihin ’yan sa ’kin! Bitawan mo ako!”
“No! You need to stop, Soren!” sigaw nito sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Shut up! Kung ito lang pala ang sasabihin mo sa akin, kalimutan mo nang nagkita tayo at nag-usap ngayon. I will do the same, so do me a favor . . . Ate Sadra.”
By that, I left her.
Napasigaw ako at hindi na naiwasang sipain ang latang nakakalat sa harapan ko. Nanghihina akong napasandal sa pader at dumulas pababa sa maruming sahig. Yumuko ako at tahimik na umiyak. Ilang oras akong nakaupo lang doon at nag-isip-isip.
I was at a dark alley pero ni hindi ko man lang naisip na matakot dahil sa raming bagay na tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko na alam kung bakit o saan ba ako nagagalit. Kung sa katotohanang wala namang kasalanan ang kapatid ko pero pilit kong sinasabi na siya ang may kasalanan. Kung sa dahilan na hindi ko matanggap hanggang ngayon ang pagkamatay ng mga magulang namin kahit pa nakakulong na ang mga sumira sa pamilya namin. O sa katotohanang hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko.
‘Muntik na siyang mamatay para lang maipakulong ang mga taong iyon! Hindi mo rin alam kung gaano siya nasasaktan na sinisira mo ang buhay mo na matagal na niyang binubuo! Kaya bakit?’
Humigpit ang hawak ko sirang lata habang inaalala ang sinabi ni Ate Sadra kanina. Her words killed me . . . again.
Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw pero naputulan yata ako ng dila.
That night I didn’t go home. I stayed on the streets walking mindlessly. Hindi ko maisip ang umuwi. Ayokong umuwi. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko sa buhay ko. I felt lost and in vain.
Ni wala akong magawa para gumaan ang buhay namin. Bakit ko nga ba sinisira ang sira na sa umpisa? Gusto ko lang naman maging okay pero bakit ang hirap?
I held on to my beating heart and stayed awake only to die emotionally.
It was reported that Ate Sadra was found dead on the streets of District kasama ang ibang mga babaeng biktima. Napatigil ako at tumitig sa screen sa loob ng isang tindahan. I held my chest and tried to breathe but tears escaped my eyes instead. Natulala ako at parang basang sisiw na ipinagpatuloy ang paglalakad sa kawalan.
It was then I remembered, today was their 7th Anniversary.
My brother.
Dali-dali akong umuwi sa amin at binuksan ang pintuan ng aming bahay. Natigil ako sa hamba ng pintuan nang makita ang kapatid kong nakahilata sa sahig.
Duguan.
“HOW was my brother?” tanong ko sa doktor na tumingin sa aking kapatid. Huminga ito nang malalim at nginitian ako. He tapped my shoulders and said he was okay.
Nakatayo lang ako sa labas ng kaniyang hospital ward. Nakatitig sa tulog na tulog nitong hitsura. Pakiramdam ko dinaganan ako nang iba’t ibang mabibigat na bagay dahil kahit sa paglalakad ay kay hirap na gawin.
Sabi ng doktor ay nahimatay lang ito dahil kulang sa tulog at dahil na rin sa stress. At siguro nabitawan nito ang babasaging baso kaya ito may sugat sa kamay at paa.
It took me long enough to calm myself down. Pakiramdam ko mawawalan na rin ako ng malay dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. A lot has happened and it was taking a toll on me.
It was hard for me to accept Ate Sadra’s death. Considering what happened before that. Paaano pa kaya ang kapatid ko? Nawalan na siya ng magulang. He also lost me in the process. And now, his source of life was also gone.
How would he handle that?
Alam kong malakas siya. Alam ko iyon pero paano na ngayon?
Three days and we were back in reality. Hindi ko rin alam kung ano ang nagbago pero hindi ko maiwasan ang bantayan ang kilos niya. Kahit patago, gusto kong bantayan ang kapatid ko at alagaan.
Lagi lang siyang nakatulala sa hangin at hindi makausap. Kahit nga maglakad ako sa harap niya, hindi pa rin niya ako nakikita. Hindi kagaya noon na kahit anino ko nakikita niya. Now, he seemed lost and dead inside.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Sobrang sakit na sana hindi ka na lang aware sa nararamdaman mo. Na sana manhid ka na lang.
“Kuya, kumain ka na. Niluto ko ’yan,” I tried to avert his attention one time.
Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay tiningnan niya na ako. And for the first time, I was happy that he smiled at me. Nginitian ko siya pabalik, kahit sa likod n’yon ay sobra akong nasasaktan para sa kaniya.
“Thank you,”
May gano’n pala ano? May mas isasakit pa pala sa nangyari. Hindi ko alam na iyon na pala ang last words na maririnig ko sa kaniya.
A ‘thank you’ wasn’t enough. I wanted to hear my name from him, at least for once. Pero hindi na niya kinaya ang sakit. Once again, I regretted that I treated him like that for the past years. I regretted that I didn’t make it up for him before he left.
I regretted being the biggest reason for his pain.
“I plan to surprise him, can you do me a favor?” Naalala kong sinabi niya. Hindi ko naman alam na ganito ang ibig niyang sabihin sa surprise niya sa kapatid ko.
Her surprise led to another one which turned out to be for me.
It turned out, it would become a ghost of my past, hunting me in the form of nightmares.
-
//: Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro