COR 07
Chapter 07 | A Prison In Memories
~×~×~×~
|SOREN DEIANIRA|
Napangiti ako dahil sa naisip.
Huminga ako nang malalim at imbis na pumasok sa aking klase ngayong umaga ay lumiko ako sa kanan at dumaan sa connecting bridge bago bumaba sa building ng mga Nursing. I decided to just walk around the campus at pag-isipan ang mga bagay-bagay.
Habang naglalakad sa gilid ng field ay tumunog ang aking phone, indicating that I got a message from someone. Huminto ako at sumilong sa malapit na puno para hindi ako masilaw sa sikat ng araw.
I fished out my phone from my beige mini-backpack's small pocket at hinayaang nakasabit sa kanang balikat. I opened my phone and the name of the culprit flashed into my eyes.
From Hiero:
Ditch your class. We've got something on our plate. ASAP.
Tumaas ang kaliwa kong kilay nang mabasa ang mensahe. Maka-utos naman 'tong lalaking 'to wagas. Umirap ako sa hangin at tumipa ng reply.
//: How ASAP is that something, mister?
Tumawa ako nang ma-send na ang reply ko. Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad hawak ang phone. Naningkit ang aking mga mata nang tumapat sa akin ang sinag ng araw. I looked around and realized I was at the grounds of the HRM Building.
Tumingala ako at lalong sumingkit ang mata dahil sa nakakalulang taas ng gusali. Umiling ako at in-adjust ang paningin sa aking harapan. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang tumunog ang phone na hawak ko. Bumuntonghininga ako at napa-iling na lang.
From Hiero:
Go here and know for yourself.
Umirap ako at hindi na siya ni-reply-an. Pa-importante pa ang lalaking 'yon. Akala mo naman siya ang nagpapakain sa akin araw-araw.
Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa likod ng Campus. Nakita ko sa isang gilid ang medyo may kataasang gate. Kinakalawang na 'yon dahil pinabayaan na. Wala na rin kasing masyadong dumadaan dito dahil isinara na noon ang kalsada malapit sa school.
Nanatili lang akong nakatingin do'n at pinag-iisipan kung lalabas ba ako o hindi. Pero dahil tinatamad ako ngayon, inakyat ko na lang ang puno na lagi kong tambayan magmula nang mag-aral ako dito.
I braced the silence of the place at isama mo pa ang malamig na simoy ng hangin. Parang gusto ko na lang ulit matulog. Nakakapagod ang araw kahit hindi pa naman nangangalahati.
I just felt tired.
Gano'n naman palagi. Kahit wala kang ginagawa, napapagod ka pa rin. Not physically but emotionally.
Nagising ako sa malakas na ringtone na nanggagaling sa aking kamay na nakapatong sa aking mga hita. I carefully fixed myself sa kina-uupuan kong sanga ng puno. I held my neck at pinaikot-ikot 'yon bago ko buksan ang screen.
Hiero calling . . .
Napahinga ako nang malalim at tinitigan ang kaniyang pangalan sa screen ng ilang minuto. Humikab ako ng isang beses bago bagot na sinagot ang tawag.
"Ano?" sagot ko sa bagot na tono.
"Kanina pa kita tinatawagan, Soren. I told you that we have some important case here. Bakit hanggang ngayon wala ka pa?" asik nito sa akin, halatang gigil na gigil sa 'kin na ikinatawa ko lang.
"Alright, chill. I told you too, that I hate vague stuffs. Kung diniretso mo na lang kasi, 'di ba?" sarkastikong asik ko sa kaniya bago tinalon ang puno pababa.
Pinagpag ko ang aking pang-upo at nilakad na pabalik ang school. Rinig ko ang prustrasyon sa kaniyang singhal matapos ko iyon sinabi sa kaniya.
"This is not just a normal case, Soren. Hindi ko p'wedeng sabihin sa 'yo over the phone. This needs to discuss in private," umirap ako sa sinabi niya at pinagmasdan ang buong paligid.
Nakabalik na ako sa grounds ng mga HRM at sunod nito ay ang field, then the joint building of Nursing and Psychology Building. Pagkatapos ay ang building ng mga Engineering at Architecture, ang malaking gate na ang sunod. Kaya mahaba-haba pa'ng lakaran 'to.
"How abnormal then?" sarkastikong tanong ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. It was almost lunch time dahil 'yong iba ay nagsisilabasan na sa kanilang room.
"Soren!" napatawa ako nang mahina dahil sa gigil niyang ramdam ko hanggan sa kinaroroonan ko.
"I'll be there at ten. Stop bugging my phone. Ma-low bat pa 'to,"
"Lunatic witch,"
"Oh, I'm proud of being one!"
"Whatever,"
Napatingin ako sa screen at muling natawa dahil pinatayan na ako ng tawag. 'Yong lalaking 'yon talaga parang bakla kung umasta, eh. I clicked my tongue and sighed.
Nakarating na ako sa grounds ng mga Engineering nang mapahinto ako dahil sa lalaking makakasalubong ko. Kita ko ang marahan nitong paghinto habang diretsong nakatingin sa 'king mga mata. Automatic kong narinig ang bawat pintig ng puso ko habang nakatingin ako kay Hacker. Ang buong paligid ay mistulang huminto at tumahimik. Ang naririnig ko lang ay ang pagpintig ng sariling puso.
Ayoko nito.
Kumurap-kurap ako at doon lang ako nakahinga ng maayos. Despite having an erratic heartbeats, I managed to look away from his intense gaze.
'Hacker, kahit na-hacked mo na ang system ko, hindi kita hahayaang i-explore 'yon. Over my-,'
Napailing ako sa naisip at ipinagpatuloy ang paglalakad nang hindi siya nililingon. Ika-limang hakbang nang natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa bumagsak sa harapan ko.
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at ipinasok sa isang movie tape na naka-slow motion. Kitang-kita ko kung papaano itong marahas na bumagsak sa sahig.
Huminto ang paligid, hindi ako makahinga.
I was groping for something to hold on pero wala akong makapa o makapitan man lang dahil ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Para akong matutumba at mahihimatay dahil sa nasaksihan.
"Soren!"
Napahawak ako sa aking mga tainga nang para itong nakuryente at imbis na kaguluhan ang naririnig ko ay para iyong static sound na nakakabingi. Masakit 'yon at nagsisimula na rin akong makaramdam ng sakit sa aking ulo; para itong mabibiyak.
"Hey, hey. Look at me," may kumakausap sa akin pero hindi ko magawang pagtuunan iyon ng pansin. Ramdam ko ang marahan nitong hawak sa aking balikat pero hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang kayang imulat ang aking mga mata.
Huminga ako nang malalim dahil ramdam ko nang kinakapusan na ako ng hangin sa dibdib. I couldn't breath. Parang akong nalulunod na hindi.
"Can you look at me?" Ang marahang boses na 'yon ang nakapagpatigil sa akin ngunit ilang segundo lang ay naalala ko na naman ang nangyari kani-kanina lang.
Umiling-iling ako. I held into someone's arms because I felt like collapsing right now. Hindi ako makahinga ng maayos, parang may humihigop sa 'king kaluluwa.
"Please . . .,"
"A-Ayo- ayoko," hindi ko na napigilang umiyak dahil hirap na hirap na talaga ako. Para akong hihimatayin pero ayaw ng katawan ko.
"It's okay. Let's breathe together. Can you do that?"
Kahit nanginginig ay tumango ako sa kaniya. Pilit kong dina-divert ang atensyon sa kaniyang boses dahil kahit papaano ay kumakalma ako.
I inhaled and exhaled according to what he was telling me to do. Ramdam ko ang bahagyang pagkalma ng sistema ko pero naroon pa rin ang takot sa 'kin na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Natatakot ako pero para saan? Bakit?
"Can you look at me?" Ilang segundo muna akong tumahimik at pinag-iisipan ang tanong nito pero gusto ko nang makaalis sa sitwasyon ko ngayon. Kaya kahit bahagya pa akong natatakot, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.
Sa sandaling nagtama ang aming mga mata, ramdam ko ang pagkatigil ng buong paligid. The noise of the crowd became mute to my ears at nagmistulang nag-slow motion at ang nakikita ko lang ay ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.
It wasn't cold but soft. His gaze somehow calmed me.
'Thank you,' I murmured silently while looking straight into his eyes.
Pero ang takot na sandaling nawala ay muling bumalik nang hindi sinasadyang masulyapan ko ang nasa kaniyang likuran. The moment my gaze locked into those blood splattered in the floor, my heart stopped beating.
"Soren? Soren!"
Hindi ko na nagawang sumagot pa nang nandilim na ang aking mga mata at ramdam ko ang pagwala ng aking ulirat. Those blood reminded me of someone which caused me to feel the unknown fear lingering inside me.
Ayoko sa dugo.
Ayoko sa nakikita ko.
Ayokong maalala.
Because that sole memory should be buried forever with him; my brother.
Hanggang ngayon pala, hinahabol pa ako ng aking nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Hanggang ngayon, nakakulong pa ako sa memorya no'ng araw na 'yon.
Iyong araw na . . . nawala siya sa akin.
-
//: Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro