Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COR 05

Chapter 05 | Raging Beats
~×~×~×~

//: SORRY FOR THE SABAW UPDATE!

-

|SOREN DEIANIRA|

Nagising ako dahil sa sakit na tinamo ng ulo ko nang mauntog ako sa kung anong matigas sa aking tabi. Napangiwi ako nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko.

Para akong nabugbog at hindi ko man lang mabuksan ang mga mata para sana tingnan kung saan ako nauntog. Ngunit nang maramdamang parang nakaupo ako sa loob ng isang sasakyan ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pa naman ay may tumulak sa akin dahilan para mauntog.

"Hey, kaya mo bang bumaba?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahilan para matigilan ako.

Kung sana boses babae 'yon, pero hindi. Boses ng isang lalaki; mababa at parang bagong gising.

Nagtaka naman ako dahil wala akong maalala na may ka-close akong lalaki para isakay sa kaniyang kotse. Napahawak ako sa aking sentido nang sumakit 'yon. Ramdam ko pa rin ang pagkahilo pero medyo nabawasan na 'yon kumpara kanina. I was drunk but I know what I did.

Crazy antics, damn!

"Saan mo ako ibababa?" tanong ko at pabagsak na isinandal ang ang ulo sa backrest ng sasakyan.

Hindi ko alam kung kanino 'tong kotseng minamaneho niya; where in fact, he was kind of grounded. Nagtataka man, hindi ko na lang siya tinanong. I wouldn't want to appear nosy. Hindi ako gano'ng tao.

"We're here," nilingon ko siya nang may pagtataka sa aking mga mata.

"What-,"

Hindi ko na siya tuluyang natanong nang makita sa gilid ng aking mata ang isang bukas na shop. My eyes traveled upwards and saw the signage; Graffari Cafe.

Huminga ako nang malalim at ipinilig ang aking ulo para magising nang tuluyan. Hindi pa ako nakakahuma nang bumukas ang pintuan sa aking gilid.

"You need to sober up," 'yon lang ang sinabi niya at tinalikuran na ako. Pinanood ko siyang lakarin ang kaunting distansya ng shop mula sa sasakyang kinauupuan ko.

'What was that?' tanong ko sa sarili at napailing na lang. Masama man ang pakiramdam, bumaba na ako sa kotse at sumunod sa kan'ya.

Nanginig ang katawan ko pagkapasok ko sa loob ng shop. Nakita ko pa ang oras sa wall clock sa may gitna pagkapasok ko. Madaling araw na rin pala.

"Hey," napalingon ako sa aking kaliwa at doon nakita ang lalaking kasama ko. Now that I could see his face clearly, may kung anong talon ang ginawa ng puso ko.

If that would validate what I felt though.

"Anong in-order mo?" tanong ko pagkaupo sa upuang kaharap niya. Nakahalukipkip lang siya at matamang pinapanood ang may kadilimang kalsada sa gilid. Makikita 'yon dahil from floor to ceiling ang glass window.

Hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang at hinawakan ang cup ng coffee sa harap ko. Umuusok pa 'yon at sa tingin ko latte dahil sa kulay pero nang matikman ay nangunot ang kilay ko.

"Matamis na mapait," tumango-tango pa ako dahil swak lang siya sa panlasa ko. Um-okay na rin kasi nang kaunti ang pakiramdam ko.

"What do you suggest for me?"

Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko nang bigla niya akong lingunin at tinanong. Umubo ako ng dalawang beses bago inayos ang sarili sa harap niya. Nanatili akong nakahawak sa baso para mabawasan ang panginginig ko sa lamig.

"My condo has two floors. Hindi ko ginagamit ang upper floor. Kung gusto mo lang naman. If Nah, feel free to roam around. Say, sleep in the streets," kibit balikat kong sagot sa kaniya.

Nanatili naman siyang nakatingin sa aking mga mata kaya pasimple ko na lang nilingon ang hawak na kape. His stares were undeniably affecting me in some ways. Nakakapanindig balahibo.

Hindi ko alam kung may sumapi lang sa 'kin kaya ganito ako makipag-usap or may epekto lang siya sa 'kin na kailangan kong mag-ingat sa mga salita ko. Or else, doom would freely wait for me at my door.

"What's your terms?" umangat ang tingin ko sa kaniya nang tanungin niya ako.

Terms? Do we need that?

"Nothing. Just pay me the right amount and we're good. Of course, don't invade a space which isn't yours." I exclaimed.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang magiging desisyon niya. Whether he agree or not, hindi naman ako ang mahihirapan.

"Is your offer included now?" mahina niyang tanong.

Kung hindi ko lang muntik na malaglag ang baso ng kape ay magtititigan pa kami hanggang umaga rito. Mabuti na lang ay dama ko pa rin ang senses ko sa katawan. I felt like I was floating in the middle of the dark ocean. To set aside my embarrassment, I cleared my throat and put down my cup of coffee.

"Sure-, ah, yes! Ubusin ko lang kape ko," I smiled and ignored my raging heartbeats. Nakakahiya. Though, 'yon naman talaga ang rason kung bakit may offer na naganap.

-

"Your place is nice," 'yon lang ang sinabi niya bago nagpaalam na kuhanin ang gamit niya.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pang ma-grounded siya. He's already graduating like me, kaya bakit? Umiling ako at pumasok na sa aking k'warto. Those kinds of things just didn't suit my understanding. Hinding-hindi ko talaga maiintindihan.

Just that one fucking reason kaya wala akong maintindihan.

Puffing air, I went inside my bathroom located at the left side of my room from my point of view right at the door. Pinili ko na munang mag-half bath para kahit papaano'y mahimasmasan sa hilong nararamdaman ko dahil sa nainom.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig na bumukas ang pintuan ng aking condo. Hindi ko na namalayan na napatagal ako sa loob ng banyo at kung hindi ko pa 'yon maririnig, magkakasakit pa ako kinabukasan. Though technically, umaga na.

Dali-dali kong inayos ang sarili at nag-settle na lang sa isang beige sweatshirt at cotton pj's. May aircon naman kaya hindi ako maiinitan. Unless mawalan ng kuryente.

"Four na pala," sambit ko sa sarili nang mapatingin ako sa maliit kong orasan sa bedside table malapit sa kama.

Lumabas na ako sa aking silid para sana kumuha ng isang basong may tubig nang matigil ako dahil sa nakita sa may sala. I looked back and breathed heavily. Isang maleta ang nakita ko at isang itim na duffel bag. Nakita ko si Eros, if I remembered his name correctly, na inaayos ang isa pang itim na bag. At kung tama ako, for his laptop's safe case.

"D'you need help?" I asked.

Galing sa pagkakayuko, nilingon niya ako at tumitig pa sa 'kin ng mga ilang segundo bago umiling.

"I'm fine. Bukas na lang tayo mag-usap," napataas ang aking kaliwang kilay dahil sa narinig ngunit hindi na nagkumento pa. I shrugged my shoulders and turned my heels from him. Pumasok na lang ako sa kusina at binuksan ang fridge at kuhanin ang kailangan ko.

Muli kong sinulyapan ang sala at nakita siyang papaakyat na sa itaas. Upstairs doesn't have things which was quite personal aside sa mga iba't ibang libro sa isang k'warto na ginawa kong mini-library. Ni wala 'yon kagamit-gamit kaya kampante akong wala siyang makikita. Unless, malikot ang kamay at pakialaman ang mga gamit ko dito sa baba.

Which was impossible. Wala naman sa hitsura n'yon.

Malinis ang unit ko dahil ayoko nang maalikabok at gulo-gulong personal space. Hindi ko rin alam kung bakit gumawa ako ng offer kahit wala naman akong kasalanan. It was his own decision that led him to his situation right now. Ni wala akong kinalaman doon. But maybe it was my little conscience inside my heart that led me to offer one.

Kahit nakakagigil.

"Have a tight sleep," mahina kong sambit sa paraang maririnig pa rin niya.

Bago pa siya makalingon ay nabuksan ko na ang pintuan ng k'warto ko. Nasa gilid lang kasi ng hagdan ang silid kaya naman hindi na ako nahirapan pang umalis sa harapan niya.

Sumandal ako sa nakasarang pinto at pinakinggan ang pintig ng puso ko. Sa sobrang bilis no'n, naririnig ko na. Huminga ako nang malalim hanggang sa ramdam ko na ang pagkalma nito. Ngunit isang katok lang muli ang nakapagpabalik sa mabilis nitong ritmo kasabay ng kaba na hindi ko alam kung saan galing.

"Thank you. Goodnight," matapos n'yon ay narinig ko ang papalayo nitong yapak at pag-akyat sa hagdan. Halos magpasalamat ako dahil noon lang bumalik ang hangin na tumakas sa aking katawan. Pigil ko na pala ang aking hininga dahil sa nangyari.

Freaking- that was a total blast!

A not-so-good blast, though. Mukhang magiging rason pa nito ng maaga kong pagkamatay. Damn.

Humiga na ako sa aking malambot na kama at dahil na rin sa epekto ng alak ay madali ko lang naramdaman ang antok na kanina ko pa dapat naramdaman. The thought of having to live with a total stranger inside my unit was just . . .

Ayoko nang isipin.

-

//: Happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro