Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COR 02

Chapter 02 | Suffocation
~×~×~×~×~


|SOREN DEIANIRA|

___

"Kuya, saan ka pupunta?"

Pinanuod ko ang aking Kuya na nagmamadaling suotin ang kaniyang sapatos na tila ba'y may humahabol sa kaniya.

"Ngayon ang labas ng resulta sa exam, Soren. Kailangan ni Kuya pumunta sa school dahil doon lang ako makakapag-access sa website," tugon nito sa akin na ikinatango ko na lang kahit hindi ko 'yon masiyadong naintindihan.

"Uuwi ka po nang maaga?" mahina kong pagtatanong sa kaniya.

I was only eight at that time when I felt the need to make him stay for the first time. Hindi ko alam ngunit ayaw ko siyang lumayo noong araw na 'yon. Dahil hindi ko inaasahan na gano'n pala ang mangyayari.

"Oo, Soren. Mabilis lang ako roon. Hihintayin ko lang ang resulta ng bar exam ng Kuya tapos ay uuwi na. Nga pala, nakita mo ba sina Mama at Papa?" nilingon niya ako matapos niyang magsuot ng sapatos. Nakasuot ito ng isang itim na polo na may manggas na hanggang siko. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot lang siya ng isang white broad short.

"Nagpunta kila Aling Rena, Kuya. Hindi ko po alam kung bakit," nanatili akong nakaupo sa aming sofa habang siya ay busy sa paghahanap ng kung ano sa kaniyang itim na bag.

"Anong hinahanap mo kuya?" patalon akong bumaba sa aming sofa dahil may kataasan ito at nilapitan ang kapatid.

"Hindi ko makita 'yong wallet ko, Soren. Nakita mo ba?"

Tiningala ko siya at pinagmasdan ang nakakunot nitong noo. Ang makakapal nitong nga kilay ay bumagay sa mestiso nitong balat. Medyo may kalaliman ang kaniyang mga mata gano'n din sa akin. Medyo matangos ang ilong niya kaysa sa akin na maliit pero pointed. Namana ni kuya ang lips ni Mama kaya minsan ay mas nagmumukha pa siyang babae dahil dito ngunit umaapaw pa rin ang kagwapuhan nito.

"Nakita kong inilapag mo sa study table kagabi, Kuya. At saka, p'wede po ba akong sumama?" Tahimik kong ipinagdasal na sana pumayag siya. Isa pa naman siyang strikto pagdating sa akin, kagaya ng kung paano ako pagbawalan ni Papa na lumabas.

"Teka lang, Soren ha?" hindi ko alam kung bakit ako nalukungkot habang tinititigan ko ang aking kapatid. His name was Kozen Duz. 23 na siya kinabukasan.

Nagmamadali itong umakyat sa kaniyang kuwarto at ako naman ay muling umupo sa sofa malapit sa hagdanan. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mabibigat at nagmamadali nitong mga yapak pababa sa hagdan.

"Soren! H'wag kang lalabas ng bahay, okay? Hintayin mo na lang sina Mama. Baka pauwi na ang mga 'yon. I'm sorry, hindi kita maisasama sa school. Bawal ang mga bata roon," pouting my lips, I looked away.

"Pero baka matagal pa sila roon," bulong ko na alam kong narinig pa rin niya dahil sa malalim nitong paghinga.

"Tampo ka na?" inis ko siyang nilingon dahil sa kaniyang pagtawa. Naabutan ko pa siyang ginulo-gulo ang buhok bago siya maglakad papalapit sa akin.

Naupo ito sa aking tabi at ipinaharap ako sa kaniya. I was just looking at him in annoyance.

"Gusto ko lang naman po sumama. Wala rin naman po akong gagawin dito," pagpaparinig ko para isama niya ako sa school niya. Gusto ko ring makita na makapasa siya bilang isang abogado.

I wanted to be with him when the result is out. Gusto ko, kasama niya ako sa pag-abang sa magandang balita.

"Pero Soren, hindi ka p'wede roon. Kahit gusto kitang isama dahil wala kang kasama sa bahay, hindi ko magagawa. Hintayin mo na lang si Kuya, okay? Hindi naman 'yon aabot hanggang tanghali,"

"Okay," maliit kong tugon at humarap sa aking kaliwang bahagi at hindi siya tinitingnan. Malalim siyang huminga pero wala na ring sinabi.

I watched him stood up from the sofa and walked toward his small bag at the center table. Isinukbit nito ang isang strap sa kaniyang balikat at lumingon sa akin.

"Aalis na ako. Dito ka lang, walang lalabas!" tumango ako.

I showed him a small wave that made him smile before he went out of the house. Napahinga ako ng malalim at hindi na napigilang umiyak. Tahimik akong umiyak mag-isa sa aming sala bago umakyat papunta sa aking kwarto na katabi ng kay Kuya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako kakaiyak at nagising lang nang may marinig akong kaluskos sa may ibaba. Humikab ako at iniling-iling ang aking ulo para magising ng tuluyan.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo?"

Tila isang bomba ang boses na 'yon ni Papa dahilan para tuluyan nga akong magising. Lumakas ang tibok ng aking puso bago dahan-dahang bumaba sa aking kama. I would flinch whenever I would hear glass shattering and the shouts of my parents were making me more nervous than I was.

Anong nangyayari?

Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ng bigla itong bumukas dahilan ng aking pagsigaw. I kept on shouting just so I couldn't hear that someone was in my room with me. I was so terrified that I screamed at the top of my lungs when someone held me on my shoulders.

"Anak! Anak, ako 'to. Ang Mama mo. Shh, I'm sorry, baby. Tahan na, okay na. Hmm?" humihikbi akong tiningala ang mukha ni Mama habang nakayakap siya sa akin.

Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan kasabay ng malakas na paghinga ko dahil sa takot at gulat. Gano'n din ang kay Mama. Ramdam ko ang mabibigat nitong hininga.

"M-mama, bakit po may nababasag akong naririnig? Nag-aaway po ba kayo ni Papa?" inosente kong tanong dahilan para lingunin ako ni Mama.

Umayos siya ng upo at iniharap niya ako sa kaniya. Hindi ko na napansing napasalampak kami sa sahig. Humihikbi pa rin ako nang ayusin ni mama ang nagulo kong buhok na humarang sa aking mukha.

"Ma?"

"Makinig ka sa 'kin anak. Kahit anong mangyari, makinig ka. Naiintindihan mo ba?" Hindi ko man 'yon gaanong maintindihan, tumango ako sa kaniya.

"Ganito, anak. Magtago ka muna roon," napatingin ako sa itinuturo ni Mama at nakita ang aking cabinet kung saan ang aking mga damit.

"Bakit po, Mama?" ranong ko ar nagpapasalamat na medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

"Para hindi ka madamay anak. Magulo sa ibaba, h'wag na h'wag kang lalabas dito, okay?"

It felt like deja Vu. Gano'n din ang sinabi ni Kuya Kozen kanina sa akin.

"Magtatago lang po ako? Pero kayo po ni Papa? Saan po kayo magtatago?" bulong kong tanong para hindi marinig ng mga tao sa labas.

"Oo- jusko!"

Pareho kaming nagulat ng kumalabog ang pintuan ng k'warto na para bang may bumalibag doon.

"Magtago ka na, Soren!" pabulong na sigaw ni Mama sa 'kin at dahil sa taranta ay dali-dali akong pumasok sa cabinet at hinayaan si Mama na isara iyon.

Hindi pa nakakalipas ang dalawang segundo nang marinig ko ang pagbukas ng pino. Mula sa maliit na butas sa cabinet ay naaninag ko ang pag-agapay ni Mama kay Papa na naitulak paloob.

"Arden!" tawag ni Mama kay Papa nang sugurin nito ang dalawang lalaking pumasok sa k'warto. Nakatakip lang ako sa aking bibig sa takot na malaman nilang narito ako sa loob. Pigil na pigil akong sumigaw dahil hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko.

"Sadie, tumawag ka ng tulong,"

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napigilan ang lumuha ng tahimik. Mahigpit kong tinakpan ang aking bibig gamit ang dalawa kong kamay at impit na humagugol ng iyak. I just saw my Mom get stabbed in her stomach twice by the person near the door while my Dad was fighting the other man.

Hindi ko na alam kung saan pa ako lilingon dahil kahit saan ako tumingin, nakikita ko kung papaano nila patuloy na pagkaisahan si Papa matapos makitang matumba si Mama sa sahig ng walang kalaban-laban.

'Mama . . .,'

"Mga hayop! Walang puso!" pagsisisigaw ni Papa pero napaatras nang nasuntok ito ng lalaking kanina pa siya binubugbog.

Hindi na ako makahinga kakaiyak. Para akong hinahabol pero hindi ako makalayo. The trauma that was starting to crawl on my skin was getting on my head. Parang isang palabas na nagre-replay sa aking utak. Hindi ko kayang patigilin.

Tears continued falling from my eyes. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang tingin sa akin ni Papa hanggang sa bumulagta siya sa sahig. His bloodshot eyes remained looking at me and it got me chills all over.

Rinig ko ang ingay ng dalawang lalaki na para bang may hinahanap at kap'wa nagtatawanan. Ang sakit sa dibdib na gano'n lang kadali sa kanila ang manakit ng tao. Ni hindi nila naisip na may pamilya ang mga ito na maiiwan.

Their laughter made its way into my head. It stayed a part of my brain, in my memories, I'm afraid it would become my nightmare.

"Ma, Pa . . .,"

Due to crying too much and suffocation inside the cabinet, I could feel that I was lacking air to intake.

Hindi ako makahinga.


-

//: Happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro