Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

05 | To See Her

Kira.

I'm Kira. Sobrang tamad magbasa. Sobrang tamad pagdating sa mga gawaing bahay, pero sobrang sipag sa pag-scroll at pagcheck ng notifications sa fb. Puro games lang ang inaatupag. ML diyan , ML dito , at kung ano - ano pang mga laro. In short, masipag talaga ako sa pagiging tamad.

Marami akong ideas sa aking isipan pero hindi ko mapunta sa actions, kasi nga tamad ako. I kept all that ideas, until I discovered the world of Wattpad.

Wattpad. Isang application kung saan makakabasa ka ng ibat ibang klaseng libro. May romance, fantasy, horror, mystery, teen fic, at marami pang iba.

I was 12 years old noong nagsimula akong maging silent reader. Doon ko nakuha yung momentum kong magbasa. Although at times tinatamad pa rin, at least nabawasan na.

Years passed, I turned 14 years old. At may isang ideyang pumasok sa isip ko na nakapagpabago ng buhay ko.

Tulala at wala akong magawa noon .

Bigla akong napaisip.

What if magsulat ako?

Noong una, umayaw pa ako. Pero dahil may kaibigan din akong writer, pinasok ko rin ito kalaunan.

"Kira!" Napatigil ako sa pagsusulat ,nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Nasa classroom ako at sinusulat ang susunod na kabanata ng kuwentong kasalukuyan kong isinusulat.

"Oh ,bakit? " Nilingon ko siya at bumalik sa pagsusulat.

Siya si Janna, best friend ko. Writer sa wattpad, at siya rin yung nag-introduce sa akin ng app.

"Uy excited na ako sa Update mo besh! Ship ko talaga yung characters mo!" Umupo siya sa tabi ko at hinampas - hampas ako.

Agad ko din itong hinampas pabalik. Akala ko makikiupo lang e. Manghahampas pa pala.

"Alam kong excited ka teh. Pero yung braso ko sobrang pula na. Ikaw kailan ba update mo? " Tanong ko sa kanya.

"Siguro bukas. Galingan mo diyan ah?," sabi niya at agad ko naman itong tinanguan.

"Oo naman. Para sa number one supporter ko." Nginitian ko siya at tuloy-tuloy na nagsulat.

Kinagabihan noon, sobrang bilis kong nagbihis at kumain. Masiyado akong excited para i-type at ipublish yung panibagong chapter na nagawa ko.

"Hayyyy , Chapter 6 out of 58." Mahina kong sambit. Sapat para ako lang ang makarinig.

Pabukas na ako ng laptop nang may hindi inaasahang nangyari.

Turn of events happened.

My excitement turned into complete despair.

"Kira, hindi na nakayanan ni Faye. " Yan ang mga salitang ibinungad sa akin ni papa, nang makapasok siya sa aking kwarto.

Para akong nawalan ng ulirat.

Hindi ako makagalaw, makapikit, makahinga. Higit sa lahat, parang na-blangko yung buong sistema ko.

Minutes, turned into hours. Hours, turned into days. Days, turned into weeks. Weeks turned into months. Pero hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Hindi pa rin mag-sink in sa isip ko.

Ate Faye is my supporter. She has a huge part in my life. Nabawasan ako ng isang dahilan para mabuhay, simula noong mawala siya.

Lahat naapektuhan sa akin. Pag-aaral ko, kalusugan ko, mental health ko, at marami pang iba. Ganoon kalakas yung impact ng pangyayari na yun sa akin. Nawalan ako ng gana sa lahat, at nadamay din ang aking Wattpad career.

Naitambak ko ang Chapter 6 ng aking istorya, na dapat noon ko pa sana ipa-publish. Hindi ko na rin naituloy ang mga susunod na kabanata.

2 buwan na ang lumipas nun at hindi ko pa rin matanggap. Hindi pa rin bumabalik ang dati kong sigla . Maraming nag-aantay ng Update ko, pero may malakas na pwersang pumipigil sa akin. Yung para bang ayaw akong pagsulatin.

Isang araw, nasa bahay ako at nakatulala lamang. Wala akong magawa kaya tumambay nalang muna ako sa fb.

Pa-scroll scroll lang ako nang biglang may nagpop-up na notificacion sa akin galing wattpad.

Janna_008 mentioned you in a comment.

Ano naman kaya to?

Binabalot man ng kyuriyosidad, hindi ko ito binuksan kaagad. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nago-open nung app.

Pinag-isipan ko muna ng maigi kung tama ba ang gagawin ko , at kung handa na ba akong buksan itong muli.

Sa huli, napag-desisyunan kong tignan nalang ito. Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag chineck you yung notification na yun.

Binuksan ko na nga ang app at pinindot ang notification na yun.

Janna_008
IYAYM
30 parts

Yan ang bumungad sa akin.

Sa baba naman nito, naka-tag ang aking username at 2 pang ibang accounts.

Huh?

Agad kong sinendan ng mensahe si Janna.

To Janna:
Ja, ano yung i-minention mo sa akin? Para saan yun?

Nag-antay ako saglit, bago matanggap ang reply niya.

*beep

Ayan na.

From Janna:
Ay. Para sa Bookclub yun. Sali ka.

Agad kong tinipa ang aking keyboard.

To Janna:
Anong bookclub ? Para saan?

*beep

From Janna:
May mga members dun sis. Mga aspiring writers. Doon niyo susuportahan ang isa't isa, para lahat kayo ay madiscover.

Napa-isip ako bigla. Ano kaya kung subukan ko?

To Janna:
Ah, okay.

*beep

From Janna:
Sumali ka kaya? Here's your opportunity, sis. May payments doon , basahin mo nalang. I hope mapag-isipan mo ng maigi.

Ibinaba ko ang aking cellphone, pansamantala.

Pumikit ako at inisip ng maigi , kung ano ang desisyon na aking pipiliin.

Kapag sumali ako, wala namang mawawala .

Kapag sumali ako, baka madiscover yung mga kwento ko.

Kapag sumali ako, marami akong matutulungang co-writers.

Pero teka.

Paano kung kabaliktaran lahat ng mangyari?

Aish! Bahala na nga!

Inangat ko ang aking cellphone at pinuntahan kaagad ang payments na tinutukoy niya. Isa-isa ko itong binasa at ginawa.

Patuloy ako sa pagbabasa ng guidelines, hanggang sa narating ko ang isang page na may titulong, " Get to know the admin of this club".

Tumuwid ako sa pagkakaupo at binasa itong maigi.

College Student

Ohhh, so ate pala siya.

Hilig ko ang kumanta at makinig ng music.

Tumango-tango ako.

Simple lang talaga akong tao.

Woah, so nice naman.

Ayoko masyado sa mga maiingay

Ay patay tayo diyan. Napaka-ingay ko kasi talagang tao.

Kpopper at Jpopper

Music lover nga talaga si ate.

Easy-going person.

Tumango-tango ulit ako.

Mabait sa taong mabait, demonyo sa mga taong demonyo.

Inatake ako bigla ng kaba.

Hindi ko alam pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Nerbiyosa talaga ako sa mga gantong bagay at-

*beep

Ay tang-

From Janna:
Ano na te? Payag ka ba?

Jusko naman to! Ang lakas makagulat .

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

To Janna:
Nakakagulat ka naman te.

*beep

From Janna:
Sorry, sorry. Ano? Kamusta?

To Janna :
Natatakot ako sa admin, sis. Mukhang masungit.

*beep

From Janna:
Ha? Hindi yan! Mabait yan.

To Janna:
Kung sa bagay , lahat naman ng admin may pagka-strikto.

*beep

From Janna:
Oo. So ano ? Payag ka na ba?

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago sumagot.

Let's give it a shot.

To Janna:
Sige, payag na ako. Magfi-fill up na ako sa form.

Gaya ng sabi ko sa kanya, nagfill-up na nga ako ng form.

kira_17
WTD
5 parts
@jsmich @janna_008 @fantasygirl

Sinend ko na ito at hinintay ang approval ng admin.

"Sana matanggap ako." Bulong ko sa sarili ko.

Gabi na rin noon , kaya napagpasiyahan ko ng matulog.

Naging payapa at maayos ang tulog ko. Kinabukasan, may nakaabang na notification sa akin.

Sana ito na 'to.

Agad ko itong binuksan. Nakita kong may isang reply sa form ko.

YZC #94

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Yes natanggap ako!

Sobrang saya ko noong araw na yun. Parang nanumbalik yung spirit ko as a writer.

Ipinublish ko na yung kabanatang matagal ko ng isinulat. At itinuloy ko na rin ang pagsusulat.

Sumali ako sa mga tasks at sa mga activities doon. Nakuha ko na rin ang momentum ko sa pagsusulat. Naisali rin ako sa group chat ng mga members, at naka-close ko ang mga ito. Di kalaunan, isinali rin namin si Ali. Isa pang kaibigan namin ni Janna.

Sobrang saya sa gc na yun. Tinutulungan namin ang isa't isa. Nagki-kwentuhan din kami ng kung ano-ano. Naglalaro kami ng mga palaro. At isang araw, natalo ako rito. Bilang parusa, kailangan kong tanungin ng mga random questions ang admin namin.

Legit yung kaba ko noon, pero mas napairal ko pa rin yung kalokohan ko.

Literal na random questions ang tinanong ko.

Me to the Group:

Admin, bakit po basa ang tubig?

Puwede po bang mag-tsaa kapag coffee break?

Inaanay din po ba ang bahay ng mga anay?

At marami pang iba.

Admin Zuri to the Group:

Ang non-sense ng mga tanong mo, Kira. HAHAHAHHA.

Nakangiti lang ako buong araw. I love the humor of the admin. Sobrang witty and nakakatuwa. That's the first time na talagang nawala yung takot ko sa kanya.

Days passed by, just the same. Then one day, nakita kong kailangan ng load ni Ate Zuri. Sakto namang may balance ako sa oras na yun .

I approached her, offered my help, at doon na nagsimula ang closeness naming dalawa.

I tell my rants to her, and she does the same. We chitchat at kung ano-ano pa.

Sadly, yung activeness ng gc ang unti-unting nawala.

Although ganun nga yung nangyari, mas naging close pa kami lalo. This time, with Janna and Ali na.

We had our own gc.

We had the best times of our lives.

We chat all day long, except afternoons. Tulog kasi silang tatlo. Mga bampira yang mga yan e.

Sa gabi naman, natutulugan ko sila . HHAHAHAHA.

We do video calls.

"Ito namang si Janna,e . Puro tawa yung kwento." Pang-aasar ni Mami Zuri kay Janna.

Mami nalang daw ang itawag namin sa kanya, kasi ayaw niya ng ate.

"Kasi po ganito." Hindi pa rin niya matuloy-tuloy yung sinasabi niya, dahil tawala lang talaga ito nang tawa.

Hay nako, Janna.

May time rin naman na tinuruan niya kaming magbisaya.

"Ma , paturo po magpakilala in bisaya way, " saad ni Janna.

"Ganoon din. May kaunting pagkakaiba lang. " Sagot ni Mami Zuri.

"Mami, paano po? Example po ikaw, " saad ko naman.

"Ako diay si , tapos pangalan mo. Kunware ako. Ako diay si Zuri."

Tumango-tango kami ni Janna.

Ganun pala yun.

"Paano po mag-greet diyan sa inyo?" napatanong ako.

"Maayong buntag!" pagbati niya sa amin.

"Sige nga, try niyo nga. "

"Maayong buntag!" Nauna si Janna.

Hala, di ko alam paano i-pronounce.

"Ikaw naman, Kira," saad ni Mami Zuri.

"Maayong bundat! "pagbati ko.

"Anong bundat?!" Napatawa ang mga ito.

"Hala, sorry po." Nagtawanan lang kami nang nagtawanan.

Bukod sa video call, nagsisend din kami ng mga random pics sa isa't isa.

Si Ali, hindi nakikitawag yan. Pero puro send yan ng memes. Ang dakilang meme girl ng tropa, kumbaga.

Nagsi-send din sa amin ng mga VM's si Mami Zuri.

|| 0:17 ───|───── 0:46

It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you

Sobrang ganda talaga ng boses niya.

Syempre dahil doon, kinakantahan din namin siya. Sintunado kami ni Janna,pero lavern!

Kung may good times, syempre meron ding bad times.

May times na nagkaka-problem din kami.

As a group, syempre we listen and give advices to each other.

Kung may ipagmamalaki man ako sa wattpad journey ko na to, yun yung naging parte sila ng buhay ko. Yung grupong laging may nakaabang na "Good Morning Fam" , paggising mo. At yung may greeting , hanggang sa pagtulog.

Kung may kalokohan ang isa, support yung 3.

Dahil sa kanila, gumawa ako ng garapon at may nakalagay na "TO SEE HER" .

Diyan ako mag-iipon ng pamasahe ko. Para kapag malaki na kami, pupuntahan namin si Mami Zuri.

Nangako kaming pupuntahan namin siya, kahit 1,639 km ang layo niya mula sa amin.

--------------------

Nagising ako sa lakas ng mga padyak mula sa labas ng aking pinto.

Ano naman kaya yun?

Iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata at tumingin sa bintana.

Ang dilim pa.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata at babalik na sana sa pagtulog, nang may bumukas sa aking pinto.

Nilingon ko kung sino ito.

"Sino ya-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin, nang magsimula silang kumanta.

"Happy Birthday, Kira." Kumakanta sila ngayon sa aking harapan.

What the?! Birthday ko na pala!

Napangiti ako, dahil sa effort nila ngayon. Si Janna, Ali, family ko , at yung iba ko pang mga kaibigan.

Grabe yung effort nilang gumising ng madaling araw para lang i-surprise ako.

"Blow mo na yung candles mo." Inilapit ni Janna sa akin yung cake.

Hihipan ko na sana ito, nang bigla niya itong inilag at inilayo sa akin.

"Bakit?"

"Syempre, mag-wish ka muna dapat." Pagpa-paalala niya at inilapit muli sa akin ang cake.

Yun lang pala e. Syempre magwi-wish talaga ako.

Pumikit ako at humiling.

Sana po matupad lagi yung mga ipinagdadasal ko. Sana po tumangkad na ako. Sana po makita ko na po sa personal yung mga online friends ko. At sana po makaipon na ako ng sapat na pera para mapuntahan na po namin si Mami Zuri.

Iminulat ko ang aking mga mata at isa-isang hinipan ang mga kandila.

Naghiyawan sila at kumuha ng mga litrato. Hindi na rin sila masyadong nagtagal at gabi pa.

Kinabukasan, nagising ako na may sobrang lawak na ngiti. I can't believe na 18 years old na ako.

Yeah, you heard that right. Adult na ako today mga sis!

Masyado nila akong ginawang prinsesa ngayon. May breakfast in bed, nagbibigay ng kung ano-ano, at marami pang iba.

May dumating din na hairstylist at Make-up artist.

Napakabiglaan lahat.

Pagkatapos nila akong ayusan, bumalik ako sa kwarto at may nadatnan naman na malaking kahon.

Pinuntahan ko ito at binuksan.

Literal na napanganga ako sa nakita.

Dahan-dahan ko itong inangat at para bang nagningning ang aking mga mata.

Napakaganda!

Isa itong Dark Blue na gown. Off-shoulder style siya, at may mga maliliit na diyamante ito, bilang disenyo. Mahaba ito at paniguradong aabot sa sahig, kapag isinuot ko na ito.

Namamangha pa rin ako.

"Oh, nakita mo na pala yan." Nilingon ko ang pumasok. Tita ko, at nakangiti ito sa akin.

Ibinaba ko ang gown at hinarap siya.

"Surprise po ba dapat?" Napatawa ako.

"Hindi naman. Sige na, magbihis ka na . Para maisuot mo na yan. "

"Sige po. "

"Hintayin kita rito." Umupo siya sa upuan na nasa tabi lang ng aking higaan. Kumuha ito ng magazine at nagbasa.

Tinungo ko ang bathroom at nag-ayos na.

20 minuto akong nag-prepare bago lumabas.

Isinuot ko ang aking gown ng dahan-dahan. Inalalayan naman ako ng aking tita.

"Ang ganda mo, nak." Hinawakan niya ang aking pisngi at nginitian ako.

Ngumiti ako pabalik.

"Dalaga ka na talaga." Niyakap niya ako.

Naiiyak ako sa saya, pero pinipigilan ko at baka masira yung make-up. Hindi pa rin ako makapaniwalang 18 na ako.

"Walang iiyak. Halika na sa baba. Andoon na yung sasakyan na sundo mo. " Kumalas siya sa yakap.

Tumango ako at naglakad na patungo sa sasakyan. Todo alalay siya, dahil mahaba talaga yung gown. Baka raw mapatid ako.

Narating namin ang parking lot, at may nakaabang ngang kulay puti na sasakyan.

May bumabang naka-tuxedo. Siya yata yung driver ng sasakyan.

"Tara na po , ma'am." He offered his hand.

Agad ko itong tinanggap.

"Enjoy your night , Kira," ani ni tita.

"I will po. See you!"

Pumasok na ako sa sasakyan.

Nakangiti lang ako sa buong durasyon ng biyahe.

Pangarap ko lang ito noon. Ngayon nangyayari na.

30 minuto ang naging biyahe at hindi ko alam kung nasaan kami ngayon.

"Kuya, saan po 'to?" Tanong ko doon sa driver.

"Secret po. " Sagot nito.

Naku naman.

"Makikita niyo rin po mamaya. Tara na po."

Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya rin akong bumaba.

Pumasok kami sa isang function hall.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa nakita.

May mga upuan at lamesa na may nakabalot na Black at Blue na mga tela. May Red Carpet sa gitna. May mga nagpi-play ng iba't ibang instruments. May buffet sa gilid. Maraming nakakalat na balloons, at nandito na rin yung mga bisita.

Sa harapan naman, may stage. May projector at Screen sa gilid nito. May nagpi-play na slideshow.

"Ladies and Gentlemen, let's welcome our debutant. Ms. Kira. " Announcement ng Emcee sa harapan.

Nilingon ko ang driver at itinuro niya ang red carpet.

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

Lumakad ako rito at nginitian lahat ng bisita. Pumalakpak sila , at ang iba nama'y kumukuha ng litrato.

Nakarating na ako sa stage at nagsimula na ang programa.

Ganoon pa rin naman ang naging takbo ng aking debut. The usual, pero may binagong kaunti.

Nagsimula sa mga speech ng parents ko.

Grabe yung iyak ko sa mga sinabi nila.

Sumunod naman doon ang 18 Nike Shoes. Natutuwa ako, kasi joke ko lang naman yun kayla papa. Hindi ko alam na seseryosohin nila.

Pina-convert ko kasi yung 18 treasures into 18 Nike Shoes. Kaya usually , Ninong at Ninang ko sa binyag ang nandoon.

Never mawawala ang 18 roses. Mga classmates ko ang iba sa mga nagsayaw sa akin. Mga pinsan ko namang boys ang iba. Sinabihan ko kasi sila noong 14 years old pa ako, na kailangan nila akong isayaw sa debut ko. At syempre, last dance ko si papa.

Supposedly, 18 wishes na ang susunod. Pero biglang may announcement yung Emcee.

"Before we proceed in 18 wishes, we will witness an introduction number. Care of our special guests. "

Taray! May pa-introduction number. Wala ito sa plano ko, pero natutuwa ako.

Nagsimulang tumugtog ang isang banda. Akala ko yun lang. May kasama pa pala sila.

Halos mapunit yung labi ko sa sobrang lawak ng ngiti.

Kita ko ang isa-isang paglabas ng mga tropa ko galing backstage.

Sumunod sa kanila ang iba ko pang mga kaibigan . Yung mga online friends ko na never ko pang nameet.

What the? Totoo ba talaga to?!

Sinabayan nilang kumanta ang banda. Heto pa rin ako, hindi makapaniwala sa nakikita.

Natapos sila sa pagpe-perform at sila ang nagbigay sa akin ng 18 wishes.

Doon lang ako natauhan na totoo ngang nandito sila.

Nag-picture taking kami at bumaba sila , upang umupo sa mga upuan ng bisita.

Akala ko kakain na, pero may isiningit na naman yung Emcee.

"Before we eat, may isa pa tayong special performance. " Announcement niyang muli.

Natahimik ang lahat , including ako.

"Mic test. 1..2..3.." Rinig ko galing sa speaker.

Nasa backstage siguro yung nagsalita.

"Mic test, mic test. " Napakunot ang aking noo.

Sobrang pamilyar yung boses.

May nag-play na background music.

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh

Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine

Hindi ko na napigilang maluha. Sa boses palang, alam ko na.

Lumabas siya galing backstage at tumabi sa akin, habang kumakanta pa rin.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

Tinapos niya naman ang pagkanta at yumakap pabalik.

Hindi ako makapaniwalang kayakap ko si Ate Zuri ngayon.

"Hi, Kira." Bati niya sa akin.

"Maayong gabii, Mami." Bati ko pabalik.

Nanginginig ako sa sobrang pagka-bigla.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Sumama ako sa kanya at pumunta kami sa lamesa , kung nasaan sila Janna.

Nagsimula na ang pagdi-distribute nila ng mga pagkain.

Nai-deliver na rin sa lamesa ang mga pagkain namin.

Cake, iba't ibang putahe, rice, drinks na medyo hard , at marami pang iba.

"Sa wakas, matutuloy na yung inuman na plinano natin 4 years ago, " saad ni Mami Zuri.

"Makakakain na rin tayo ng magkakasama." Nagsalita naman si Janna.

"At hindi ko na kayo ikakain sa mga handa, kasi kayo na mismo ang kakain. " Masigla kong sambit.

"Dahil diyan , magpicture tayo." Suhestiyon naman ni Ali.

"Say, Video Call No More."

"VIDEO CALL N-"

"KIRA!" Naimulat ko bigla ang aking mga mata.

"Po?" Nilingon ko kung sino ito.

Si tito pala.

"Kanina pa kita tinatawag ah?"

Patay ako nito.

"Sorry po, nakatulog po ako. "

Masyado ko atang na-enjoy ang pagsagot dito sa wattpad form na sinasagutan ko, at nakatulog.

Tinatanong kasi kung ano yung experience ko sa Wattpad , at tiyaka yung dream debut ko.

"Oh ito na yung sahod mo ngayong linggo." Iniabot niya sa akin ang sahod ko.

"Thank you po!" Pagpapasalamat ko.

Marami akong pangarap sa buhay e.

Tumayo ako at tinungo ang cabinet , kung saan nakalagay ang aking garapon. Inilagay ko ang pera at tinitigan ang garapon.

I, Kira, 14 years old, together with Janna and Ali, have the same dream.

And that's TO SEE HER, no matter what.

-------- END --------
kazumeh_2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro