03 | My Friend From Afar
Kyleigh.
"Kyyyyyy, gising na!" Tuloy-tuloy na katok at isang napakalakas na sigaw ang gumising sa akin, mula sa labas ng pinto. Isama mo pa yung init ng araw na nakalapat sa mukha ko.
Inabot ko ang aking cellphone at tinignan ang oras.
7:02 a.m.
Natampal ko naman ng wala sa oras ang mukha ko. Ito kasing magaling kong kapatid, kahit weekend nanggigising ng maaga.
Kabilin-bilinan ko sa kaniya na wag akong gisingin ng maaga , kapag walang pasok. Bukod sa kailangan ko ng tulog para tumangkad, kailangan ko ring bumawi, dahil araw -araw akong puyat tuwing weekdays.
"Bakit po?" Sigaw ko pabalik.
Agad akong bumangon at isinuot ang tsinelas na nasa tabi lang ng aking higaan. Tuluyan akong tumayo at tinungo ang pintuang kanina pa niya kinakatok.
"Po?" Pambungad ko nang buksan ko ang pinto.
"Bumaba ka na. Mag- almusal ka na , at may ipapagawa ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Ano na naman yun?!" Hindi ko napigilang mapasigaw.
Ikaw ba naman, kakamulat ng mata mo, may iuutos agad sayo.
"Linisin mo yung sala at yang kwarto mo," sabi niya sa mahinahong tono.
Kung kanina ay gulat ako, ngayon nagtataka na. Kadalasan kasi na inuutos niya ay ipagluto siya ng pagkain o kaya naman ay ipapalinis niya yung kwarto niya sa akin. Pero ngayon nag-iba ata ang ihip ng hangin at parang bumait siya ng konti. Konti lang naman.
"Ha? Malinis naman ah." Sagot ko pabalik.
Totoo naman. Hindi ko talaga narurumihan itong kwarto ko. Nakahiga lang kasi ako buong araw at wala naman akong ginagalaw sa mga gamit ko.
Yung sala naman, sure akong oras - oras nililinisan yun ni mama.
"Basta. Maglinis ka nalang. " Napakamot ito ng ulo.
Tuluyan na siyang bumaba. Ako naman, nandito pa rin at nakakunot ang noo.
Ang weird talaga niya ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa aking kama. Pinili kong umupo na muna rito at kalikutin ang aking cellphone.
*1 unread message from messenger
Isang notification ang bumungad sa akin. Binuksan ko ito kaagad.
From Frey :
Good morning, Ky!
Napangiti naman ako nang makita ko ang mensahe.
Galing ito sa isang taon ko ng kaibigan na si Ate Freya. Isang taon ko na siyang kaibigan, ngunit hindi pa kami nagkikita sa personal.
In short, she is my online friend.
To Frey:
Good morning ate Frey!
Mabilis akong sumagot. I call her ate ,kahit isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Noong una pang-asar lang, pero nagtuloy - tuloy na at nakasanayan na rin.
*beep
From Frey:
Hey ky, miss talking to you.
Nangilid ang luha ko nang mabasa ang sumunod niyang reply.
To Frey:
Ako rin ate. Sana mameet na kita. Kahit isang beses lang.
Sana talaga. Kung may hihilingin man ako sa birthday ko, sa pasko, o sa kung ano mang okasyon, yun ay ang makita siya sa personal. Kahit isang beses lang talaga.
*beep
Isang minuto rin ang lumipas bago ko natanggap ang sumunod niyang reply.
From Frey:
We will see each other soon, Ky. Ano ka ba? Di tayo pwedeng madedok ng di nagkikita no?
Bahagyang napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam niya talaga kung paano pagaanin ang pakiramdam ko.
Muli kong tinipa ang keyboard at sinagot siya.
To Frey:
Oo naman ate. Ttyl, may pinapagawa si kuya.
*beep
From Frey:
Sure. May lakad din kasi ako. Ingat, Ky.
Muli niyang sagot.
Ibinulsa ko ang aking cellphone at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumabas ako mula sa aking kwarto at tinungo ang kusina.
Nadatnan ko ang napakadaming pagkain sa lamesa.
Teka nga lang? May okasyon ba ngayon?
"Kuya , anong meron?" Tanong ko sa kuya kong kakapasok lang sa main door. May dala-dala siyang box ng pagkain. Papalapit siya sa akin.
"Alalahanin mo," sabi niya at inilapag ang kahon sa dining table. Tinignan niya ako at nagpakita ng nakakalokong ngiti.
Ano ba naman to? Pwede naman niyang sabihin agad e!
"Kuya naman e! Sabihin mo na please." Pagmamaktol ko sa kanya.
"Basta. Mag-almusal ka na jan" . Napatawa lang ito at pumunta sa salas.
Nakakainis talaga kahit kailan!
Inis man, kumain nalang rin ako. Sandwich at kape ang pinili ko bilang almusal.
Ilang minuto ang lumipas, bago ako matapos na kumain. Usually kasi mabilis lang naman ako kumain. Sadyang nakakainis lang talaga si kuya.
Pagkatapos kong kumain, tinungo ko na ang salas at sinumulang maglinis.
Iniurong ko ang unang sofa at nilinis ang ilalim nito.
Hayss talaga. Wala namang kakalat-kalat e.
"Paa mo!" Inirapan ko ang kapatid kong nakaupo dito sa isang sofa ,na siyang susunod kong lilinisan.
Nakakainis talaga! Pinagtatawanan pa ako sa ginagawa ko.
"Oh chill lang , chill lang." Tumatawa pa rin ito habang itinataas ang mga paa.
Tinuloy ko ang paglilinis, at 45 minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang natapos. Napagpasiyahan ko namang maligo na . Nakaka-irritate yung pakiramdam na pinagpapawisan ka ng sobra.
------------
Nagbabanlaw na ako nang makarinig ako ng kakaibang ingay sa baba. Parang tuloy-tuloy na pag-uusap, tapos anlalakas ng boses.
Binilisan ko ang pagbabanlaw at agad na nagpunas ng katawan.
Napakaingay talaga!
Dali-dali akong nagbihis at bumaba.
"Kuya ano ba-" Napatigil ako nang makita kung sino ang naroon.
"Ky!" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig , nang marinig ko ang boses niya.
"Ky, ayos ka lang?" Rinig kong sabi ni Kuya, pero hindi pa rin ako makagalaw.
Totoo ba to?!
"Ate Frey!" Agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit, pagkatapos kong matauhan.
"Hi Ky!" Rinig kong sabi niya habang magkayakap kami. Nangilid naman ang mga luha ko.
Sobrang saya ko!
Ako ang unang kumalas sa yakap. Tinignan ko ulit siya.
"Ate Frey, gutom ka na ba?" Napatanong naman ako bigla. Na-realize ko kasi yung haba ng bi-niyahe niya.
"Medyo, Ky. " Nagtawanan kami pareho.
"Sige, tara po!" Sabik na hinila ko siya papunta sa Kusina.
Kaya pala maraming pagkain e. Type ni Kuya si Ate Frey, ayaw niya lang talagang aminin. Ilang beses ko na ring kinulit, pero wala. Maraming beses ko na ring nahuli na ini-stalk si Ate Frey, kaso in denial talaga.
"Woah, andaming pagkain ah." Umupo siya sa gitnang upuan. Bale tatlo kasi per side. Umupo naman ako sa bandang kanan niya.
"Ah opo ,ate. Si Kuya po naghanda." Malakas kong sabi.
Actually sinadya ko talaga para marinig ni Kuya. Hehehehe.
"Oh. Thank you , Kuya Kyle!" Pagpapasalamat ni Ate Frey.
Shiz! Ship ko talaga tong kapatid ko kay Ate. Napakatorpe naman kasi. Ang sarap sapakin minsan.
"Ahhh..ehh.. n-no prob." Lumingon sa amin si kuya , pero nagbawi agad siya ng tingin.
Kinikilig na naman, di palang aminin.
"Hanggang anong oras ka pala dito ate?" Bigla ko namang naitanong out of nowhere.
"Naku, Ky. Gustuhin ko mang magtagal, 2 oras lang ako dito e. Uuwi kasi kami ng probinsya." She gave me a sad smile and started eating.
Aaminin ko, nalungkot ako sa narinig. Pero at least di ba? Okay na yung 2 hours ,kaysa naman sa wala.
"Ayos lang ate. Magchikahan muna tayo. Next na pagkikita natin, doon tayo gumawa ng maraming activities." Suhestiyon ko.
"Sige ba. " Napatigil siya saglit.
"Ah oo pala, Ky. Di ba sabi mo nakita mo ako months ago? " Pagpapatuloy niya.
Oo. Nakita ko na siya noon, isang beses. Pero hindi ko naapproach kasi nahiya ako bigla.
"Ah oo, ate. Sorry ha? Nahiya kasi talaga ako." Pagpapaumanhin ko.
I really regret not calling her.
"And even though hindi talaga tayo nakapag-usap, I consider it as our first meeting."Pagpapatuloy ko.
"That's okay, Ky. At least di ba? We made our friendship stronger. Imagine, 1 year tayong di nagkita, pero heto pa rin tayo." Nginitian niya ako.
Sobrang swerte ko talaga at nakilala ko siya.
"So that means, this is our second meeting. Chikahan muna tayo ate. " Suhestiyon ko.
"Ky, anong gagawin mo kapag nagkita tayo ulit?" Tanong niya out of nowhere ,habang tuloy pa rin sa pag-kain.
"Syempre yayakapin ulit kita ng mahigpit . Tapos magba-bonding tayo." Sagot ko.
"Sige ba! Libre mo ako ha? Mahilig ako sa t-shirt Ky, baka naman." Pareho kaming napatawa sa sinabi niya.
"Sure ate,basta samahan mo ako sa arcade." Ngayon, ako naman ang nagpasama .HAHAHAHA.
"Ah oo nga pala, ang galing mo magbasketball Ky. Turuan mo ako ha? Pa-autograph na rin pag sumikat ka na," sabi niya at siniko ako.
Number one fan ko daw siya e.
"Sige ate. Saan pala tayo kakain after maglaro?" Napatawa kaming muli.
Ang saya pala talaga kapag nagtatawanan kayo sa personal.
"Ikaw Ky ha? Kain na naman nasa isip mo. Sabagay ,parehas tayo." Pang -aasar niya sa akin.
"Si Ate Frey naman e! Inaasar na naman ako! " Pagmamaktol ko. Pero syempre ,pabiro lang yun.
"Joke lang , to naman. Sige mag-McDo nalang tayo," sabi niya at natapos na sa pag-kain.
"Sige ate. Ano paborito mong pagkain doon?" Tanong ko ulit. Ito na yung chance na mas makilala pa namin ang isa't isa.
"2 -piece Chicken with fries and large coke," sabi niya at di ko naman napigilang mapatawa.
Matakaw din pala siya .
"Lakas naman ng bituka mo ate . " Mas napalakas yung tawa ko.
Siya naman, nakanguso na ngayon. Sorry talaga ate Frey, joke lang.
"Hay naku! Bumabawi ka ha? Sige na, kainin mo na muna yan," sabi niya at sinunod ko ito.
Nang matapos kaming kumain pareho, dumiretso kami sa balkonahe. Ipinapasyal ko siya dito sa bahay. For now lang naman, kasi 2 hours lang talaga siya dito. Hays.
"Wow!" Napasinghap siya.
Napansin ko ang pagtitig niya sa vase na may laman na Tulips.
"Mahilig ka diyan , Ate Frey?" Napatanong ako.
Mukhang manghang-mangha siya sa bulaklak e.
"Ah ,oo. Favorite kong bulaklak." Napangiti ito.
Namasyal lang kami nang namasyal, hanggang dumating na yung sundo niya.
Ang bilis talaga ng oras kapag masaya ka.
"Kyleigh, una na ako ha?" Pagpapaalam niya at nagyakapan kami ng mahigpit.
"Sige ate. Ingat kayo ha? See you next time," sabi ko at tuluyan kaming kumalas sa yakap.
Nginitian niya ako at sumakay na siya sa kanilang sasakyan.
"Bye Ky! See you next time!" Pagpapaalam niyang muli.
Kasabay ng pagkaway niya ay ang pag-andar nila.
------------
1 year later
Kyleigh.
Kakatapos lang game namin, at napagpasiyahan kong manatili dito sa court .
Tinitigan ko ang aking sapatos at napangiti ako sa nakasulat dito.
F.D.G.
"Para sayo." Mahina kong sambit.
Ilang minuto pa ang itinagal ko roon, nang bigla akong makaramdam ng gutom. Pinili ko na ring umalis . Dahil bukod sa gutom na nga ako, tanghaling tapat na rin kaya umiinit na ang paligid.
Pinili kong pumunta sa mall. Ganun pa rin ang kalakaran dito. Napakarami pa ring tao.
Dumiretso ako sa McDo at nag-order ng makakain.
"Good afternoon ,ma'am! What's your order?" Tanong sa akin ng cashier.
"2 order po ng 2 -piece Chicken with fries and large coke," sabi ko at tumango naman ito.
5 minuto lang ang lumipas at dumating na ang order ko.
Sunod kong pinuntahan ang isang shop na puro damit. Dala-dala ko pa rin ang mga pagkaing binili ko.
"Ate, medium nga po nito," sabi ko sa saleslady at ibinigay ang puting t-shirt na napili ko.
Naglibot-libot muna ako saglit, habang hinihintay.
"Heto na oh." Bumalik siya, dala-dala ang damit na rinequest ko. Agad ko itong binayaran.
Iniwan ko lahat ng pinamili ko sa baggage counter at napagpasiyahang dumaan sa arcade saglit.
"Para sayo." Ulit -ulit kong sinasambit habang tuloy-tuloy sa pag-shoot ng mga bola.
Tinalo ko muna ang highest score bago umalis.
Binalikan ko ang mga pinamili ko ,at tuluyan na akong lumabas ng mall. Swerte namang may mga taxing nakatambay kaya nakasakay ako agad.
Buong durasyon ng biyahe, nakadungaw lang ako sa bintana. Malayo-layo pa ang pupuntahan ko kaya umidlip muna ako.
20 minuto rin akong nakaidlip bago ako nagising.
"Kuya, pwede pong dumaan tayo saglit doon?" Turo ko sa isang flower shop na malapit na sa amin.
"Sige ," sagot niya.
Pin-ark niya muna saglit ang taxi at bumaba ako. Dali-dali akong pumasok sa shop. Nagkataon namang walang bumibili ngayon.
"Ate, isang bouquet nga po ng tulips."
"Sige, pakiantay nalang," sabi niya kaya nag-antay akong muli.
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng silid. Punong -puno ng mga bulaklak na maganda.
"Ito na." Napalingon ako sa nagsalita.
Yung ate na pinagbilhan ko . Dala-dala yung bouquet.
Ang ganda.
"Salamat po!" Pagpapasalamat ko ,at dali-daling lumabas.
Agad ko namang tinungo ang taxing naghihintay sa akin.
"Kuya , tara na po. Pasensya po at pinag-antay ko pa po kayo," sabi ko kay kuyang driver.
40 na minuto pa ang lumipas, at sa wakas narating ko na ang aking destinasyon.
Napangiti naman ako nang makita ko siya rito. Umupo ako sa tabi niya.
"Happy Birthday, Ate Freya!" sambit ko.
"Oh ate, dinalhan kita ng mga paborito mo oh." Pagpapatuloy ko, habang pinapakita ang mga paperbag na dala ko.
" Tulips, McDo, T-shirt, at naglaro ako sa arcade gaya ng plano natin." I plastered a sad smile.
I clearly remember what happened that day.. 9 months ago.
Andito ako sa monthly check up ko nang biglang tumawag sa akin si Ate Freya.
"Hello ate Frey!" Masiglang sambit ko.
"Anong ginagawa mo jan sa Hospital?" Naga-alalang tanong niya.
"Nagpacheck lang ng dugo ate," sagot ko.
"Ah, ganun ba? Sorry di ako nakapagparamdam ng ilang araw ha? Nahospital din kasi ako."
Nabigla ako sa narinig.
"Anyare ate?" Nag-aalalang tanong ko. Di ko talaga inexpect.
"Hindi ko rin alam e. Bigla nalang nagkaganito." She heaved a sigh.
"Bibisitahin kita ha? Sabay tayong magpapagaling. Promise?" I told her.
"Promise. Tsaka alam ko, di niya tayo papabayaan." Huli niyang sabi.
Hindi ko alam na yun na pala yung last convo namin.
2 days after that, her cousin said something that made my heart break into pieces.
"Wala na siya, Ky."
I don't know what to do that day. And up to now,I can't accept it.
Ang sabi sa akin, bigla daw siyang inatake ng mga sakit niya. Umabot sa point na na-ICU siya at umabot sa walo yung mga aparatong nakakabit sa kanya. Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan niya.
Inilapag ko lahat sa tabi ng lapida niya lahat ng mga ipinamili ko.
"Happy Birthday, Freya. I love you." Napalingon ako kay kuya Kyle na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko matanggap na umabot sa ganito. Yung di pa nakakaamin si Kuya, wala na si Ate.
"Oh ate Frey, si Kuya muna kakain noong pagkain mo ha?," sabi ko habang pinipigilan ang aking mga luha.
"Tsaka di pa ako sikat pero ito na yung autograph ." Kinuha ko yung bouquet ng tulips at pinirmahan yung maliit na papel na nakalagay sa ribbon.
Tumingala ako sa langit.
"Ate, sana masaya ka. Sana happy ka pa rin kahit naging ganito yung 3rd meeting natin. At least natupad yung plan right?" Hindi ko na napigilang maiyak.
Hindi ko matanggap na ito na yung next time na sinasabi naming pareho. Huling kaway na pala niya yun. Huling yakap na pala, sana hinigpitan namin lalo. Tsaka hiniling kong kahit minsan lang kami magkita. Pero hindi ko inaasahang isang beses lang talaga.
I met her unexpectedly, the first time.
I met her with limited time , the second time.
And I met her without life, the third time.
But at least I know she's totally healed right there. And she's finally home.
One day I'll accept the fact that literally..
She's MY FRIEND FROM AFAR
I love you and I miss you, ate.
-------- END --------
kazumeh_2020
p.s.: This is True To Life experience and I'm Ky.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro