01 | Who's Behind The Call?
"WHEN A JOKE TURNED INTO A MYSTERY"
"AT THE END OF THE DAY, YOU CAN ONLY TRUST YOURSELF"
Shane's POV
I'm currently waiting for the secretary dito sa kompanya, kung saan ako magtatrabaho. She's sitting beside me and checking my resume. Mayroon pa akong tatlong sinasagutan na forms. I'm applying to be a call center agent. It's not my dream, but the offer of this company is really high. Malaking tulong sa pag-iipon ko.
Kasalukuyan kong sinasagutan ang pang-apat na form . Hindi pa man ako nangangalahati, pero nagdagdag na naman ang secretary ng dalawa pang forms.
Hays. Ang hassle pala talaga mag-apply. It's my first job after all.
Tinapos ko ang mga ito at laking pasasalamat ko naman nang hindi na ito nagdagdag pa. Napangiti ako nang matapos ko ito. Marami rin kasi akong napagdaanan bago makapunta dito . Maraming tests at maraming chineck sa akin.
"I'm done, miss." I approached the secretary and I gave the papers. Tinanggap niya naman ito at nginitian ako.
"Thank you for your time, Miss Lazaro. You can leave."
"Thank you." I thanked her. Hinintay ko muna siyang makaalis, bago ako kumilos.
Kinuha ko ang aking cellphone, purse, at 'yong mga pinamili ko kanina na nakalapag sa lamesa. Inayos ko ang aking sarili at tuluyan nang lumabas mula sa opisina.
Sabik akong naghihintay ng taxi dito sa tabing-kalsada. Napagkasunduan kasi namin ng aking mga tropa na magkakaroon kami ng reunion ngayon. Matutulog din kami ng ilang gabi. Matagal-tagal na rin mula noong huli kaming nagkita. Simula kasi noong nag-graduate kami, madalang na kaming magkita.
"Para po!" Tawag ko sa dumaang taxi.
Hinintay ko muna itong tumigil bago lumapit at pumasok dito.
"Saan po tayo, ma'am?" Tanong ng driver sa akin.
"Sa may Ocampo Street po, kuya." Sagot ko at ibinaling ang atensiyon sa pagkakalikot ng aking cellphone.
Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Binuksan ko ng kaunti ang bintana, dahil prone ako sa car sickness. Mabilis akong mahilo sa mga biyahe.
Pinili kong mag-message sa kanila, para alamin kung nandoon na ba sila, o papunta pa lang. Sa bahay nila Anthony ang napili naming meeting place. Noong una, sa bahay namin ito naganap. Mga college students pa kami noon.
Me To Gutomers GC:
Hi guys! Nasaan na kayo?
Anthony sent a message to Gutomers GC:
Nasaan na kayo? Mapapanis na 'tong mga inihanda kong pagkain.
Napatawa ako ng bahagya. As if siya naman talaga ang nagluto ng mga no'n.
Me To Gutomers GC:
Papunta na ako. Malapit na.
Ibinaba ko ang aking cellphone nang maramdaman ko ang bahagya kong pagka-hilo. Umidlip na lamang ako.
"Ma'am, nandito na po tayo." Mga tapik sa aking braso ang gumising sa akin. Humikab ako at kinusot ang aking mga mata. Bumaling ako sa bintana at tanaw na tanaw ko na ang bahay nila Anthony.
"Salamat po."
Kumuha ako ng pambayad at ibinigay ito sa driver. Binuhat ko ang mga pagkaing binili ko sa convenient store kanina. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papuntang bahay nila Anthony.
Pinindot ko ang door bell at inantay ang magbubukas dito. Ilang sandali pa, lumabas na si Anthony na may napakalawak na ngiti. Binuksan niya ang pinto at tinulungan ako sa pagbubuhat ng aking mga buhat-buhat.
Nadatnan ko sila Gab, Rye, at Lianna. May kinakalikot silang bote. Binati ko silang lahat.
"Ano 'yang nilalaro niyo? " Tanong ko at naki-upo sa kanila.
"Truth or Dare." Si Gab ang sumagot sa akin.
"Sali ako!"
"Sige ba!" Masiglang sagot ni Lianna.
Bago pa man kami magsimula sa laro, napukaw ang atensiyon namin sa isang balita mula sa TV. Ayon dito, laganap daw ang patayan dito sa lugar nila Anthony. Binabalaan din ang mga tao na umiwas sa mga taong may maliit na tattoo sa wrist. MMXVII ang simbolo.
Hindi ko naman maiwasang matakot at mabahala. Ganoon din sila Rye, Gab , at Lianna.
"Anthony, totoo ba 'tong nasa news?" Binalingan ko si Thony na may kinakalikot sa kusina.
"Ay, 'yan? Huwag kang masiyadong mabahala diyan." Sagot niya.
Tumango nalang ako bilang kasagutan. Wala naman sigurong masamang mangyayari, if mag-iingat.
Hinayaan nalang namin ito at nagsimula sa paglalaro.
Pinaikot ni Rye ang bote at saktong tumapat ito sa akin. Aish! Kung minamalas ka nga naman.
"Oh, Shane! Truth or Dare? "
"Dare." Simple kong sagot. Hindi naman siguro mahirap ang ipapagawa nila.
"Uy, Thony! Ano puwedeng i-dare kay Shane?" Tanong ni Lianna kay Anthony na kadadating lang.
"Call your ex, Shane." Anthony said with an evil grin in his face.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. In his face! Ako tatawag? Sa ex ko pa talaga ha?
"No! I would rather call myself!" Bulyaw ko at inirapan siya.
"Kaya mo?" Natatawang sambit ni Rye.
"Oo naman!" Lakas loob kong sabi, kahit alam ko sa sarili kong imposible 'yong sinasabi ko.
"Sige nga!" Paghahamon ni Lianna.
"Oh, kayo na muna ang bahala dito. Magbabanyo lang ako." Pagpapaalam ni Gab at tinungo ang banyo.
"Ako rin. Sasabay na ako kay Gab." Pagpapaalam din ni Rye at sinundan si Gab.
Ano ba naman 'tong mga 'to? Panira ng moment.
"Lianna, ikaw ang tumingin. Aayusin ko lang 'yong mga tulugan natin mamaya," saad ni Thony at umakyat sa second floor.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bag. I dialed my phone number in front of Lianna.
As if may sasagot.
"Oh, ano?" Nagpipigil ng tawa si Lianna. Inirapan ko ito.
Akmang papatayin ko na sana ito nang biglang may sumagot.
Wtf?! Ano?! Sumagot?!
Pero...pero...Imposible.
Lumakas ang tibok ng aking puso. Nagsimula na ring manginig ang kabuuan ng aking katawan.
P-paano?
"H-hello?" Buong tapang akong nagsalita sa tawag. Binalot ng kilabot ang aking sarili.
Purong hangin lang ang naririnig ko sa kabilang linya.
"H-hello?" Bati kong muli.
Tunog ng nagsasarang pinto ang aking narinig, bago tuluyang naputol ang tawag.
Dahan-dahan kong nilingon si Lianna. Naka-estatwa ito at tila hindi rin makapaniwala.
Sino ba namang hindi magtataka? I'm going to be a call center agent, and I know that I can't call myself.
Nanlamig ang aking katawan at natulala sa pag-iisip kung paano nangyari 'yon. Ang mas bumabagabag na tanong sa akin..
Sino ang sumagot ng tawag?
"Oh, ayos lang kayo? " Natauhan ako nang marinig ang boses ni Rye. Dumating ito mula sa CR at umupo sa tabi ni Lianna.
"N-nasaan si Gab?" I tried to act normal as possible. Pilit ko ring kinakalimutan ang nangyari kanina.
"Nandoon sa CR. Sumunod siya sa akin. May tumawag ata sa kaniya e."
Sa gulat, biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Nagtinginan kaming dalawa ni Lianna . Mukhang sumagi rin sa isip niya, ang sumagi sa isip ko.
Sana mali ako. Sana mali kami.
"Ayos lang kayo?"
Bahagyang napatalon ako sa pagdating ni Gab. Umupo ito sa tabi ni Rye. Dahan-dahan kaming tumango at nabalot kaming lahat ng katahimikan.
Ayaw ko nitong nararamdaman ko ngayon. Napakabigat at parang hindi ako mapakali. Dala pa rin siguro ng nangyari kanina.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarinig kami ng busina mula sa labas. Bumaba at sinalubong ito ni Thony. Dumating na 'yong mga iba pa naming mga kasama. May apat pa kasi kaming hinihintay.
"Hey, guys!" Si Kim ang unang pumasok.Tanging tango lang ang naitugon ko sa kaniya.
"Hi Kim! Mag-isa mo lang? " Tanong ni Rye sa kaniya.
"Ay hindi! Nasa labas pa si Natasha. May tawag siya kanina sa loob ng sasakyan e." Sagot niya at umupo sa aking tabi.
"Buti naman at napayagan si Nat. Madalas kasi hindi siya nakaka-attend e. Himala ata." Si Thony.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"Oo nga e! Nakakapanibago rin. Mukhang atat na atat ngang pumunta dito e."
"Hi guys!" Napalingon kaming lahat sa kapapasok lang na si Natasha. Binalingan niya ako at ngumiti. Nginitian ko siya pabalik at nag-iwas ng tingin.
"Oh, ayan na pala."
"Sorry, na-late kami ni Kim. May inayos lang kasi kami." Pagbibigay-alam niya. Naki-upo na rin siya sa amin.
"Oh. Nasaan na sila Tammy at Sav? Sila nalang ang wala ah?" Tanong ni Thony.
Hindi nagtagal, may pumasok na sa pintuan.
"Kami ba ang hinahanap niyo?" Unang pumasok si Tammy at nakasunod sa kaniya si Sav. Matalik silang mag-kaibigan.
"Babe!" Sabik namang sinalubong ni Thony si Sav.
Yes, they are in a relationship. Matagal-tagal na rin silang dalawa. Hindi ko maiwasang mailang kay Sav. Malaki kasi ang sama ng loob niya sa akin. Lagi ko kasi siyang natatalo sa mga contest at sa kung ano-anong mga bagay. Binibigyan niya rin ng malisya ang pagiging malapit namin ni Thony, kaya madalas ang pagseselos nito.
"Oh, ayan! Kumpleto na tayo. Kumain na muna tayo." Suhestiyon ni Gab. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kaniya.
Si Tammy ang nagluto ng makakain. Hindi ako nakakain ng maayos dahil pa rin sa nangyari kanina. Nagtitinginan kami ni Lianna habang kumakain. Gusto kong balewalain ang nangyari, pero nakakabahala ito.
Lumipas ang mga oras at naghahanda na kaming matulog. Papunta ako ng guest room, nang mahagip ng aking mga mata si Anthony. Nasa loob siya ng isang kuwarto.
"Shane?" Napansin niya ata ang presensya ko.
"Thony."
"Anong ginagawa mo diyan? " Napatanong ito.
"Wala. Papunta na sana ako sa guest room." Sagot ko. Tumango ito.
"Ikaw ba? Anong ginagawa mo diyan?" This time, ako naman ang nagtanong. Nilibot ko ang aking tingin sa kuwarto kung nasaan siya. Puro technology ang laman at kaharap niya ang isang napakalaking PC.
"Nakalimutan mo na ba? " Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Ah, oo pala!
Techy pala 'tong si Anthony. Magaling siya sa mga bagay that involves technology. He can also hack devices.
Kung ganoon..
"Thony!"
"Anong problema, Shane?"
"Kapag tinawagan mo ang number mo, using your own phone, posible bang may sumagot dito?" I asked. Baka sakaling siya na ang maging kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa akin.
"Ano?" Bahagya itong napatawa.
"Hindi 'yon maaari. Agad na maibababa ang tawag. Unless, may mga factors na nakaapekto dito."
Inatake na naman ako ng kaba.
"Ano bang mayroon? " Nagtataka niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at sinagot siya.
"I tried to call my number, at..at.. m-may sumagot d-dito." I'm really scared. I don't know what happened. Clueless ako at kailangan ko ng mga kasagutan.
"What?! "
"Shhhhh...I hope this thing stays among the three of us. Lianna knows. I don't know pero mabigat ang pakiramdam ko sa mga iba nating kasama. I don't want to blame anyone na involved sila dito, pero I really feel something strange."
"Do you have your phone with you? I need to investigate it." He asked and he toned down his voice.
I shook my head. Naiwan ko ito sa bag ko.
"Give it to me, tomorrow. " He commanded.
I nodded as an answer. Tinungo ko na ang guest room at kinalikot ang aking cellphone.
May isang nakaabang na mensahe dito.
1 unread message
Binuksan ko ito at galing ito sa phone number ko mismo.
Be careful.
Lianna's POV
Katatapos kong maghilamos at papunta na ako sa aming tutulugang kuwarto. Makakasama ko sa kuwarto sila Tammy, Sav, at Gab. Sa kabilang kuwarto naman sila Shane, Rye, Kim, at Natasha. Nakahiwalay ang kuwarto ni Anthony sa amin, total may sarili naman siyang kuwarto dito sa bahay nila.
Nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto nang makarating ako sa tapat nito. Narinig ko ang usapan nila Tammy at Sav.
"Sigurado ka ba sa mga ginagawa mo teh?" Rinig kong tanong ni Tammy.
"Baka mapahamak ka sa mga ginagawa mo. Talaga bang ganoon na kalaki ang sama ng loob mo sa kaniya? " Tanong niyang muli.
Napakunot ako ng noo. Sinong 'siya' 'yong tinutukoy nila?
Dahan-dahan kong sinilip ang ginagawa nila sa loob. Mas lalo akong nagtaka sa ginagawa ni Sav.
Para saan naman kaya 'yong ginagawa niya?
Nagpapalit ito ng sim card.
Shane's POV
"Shane, gising!" Nagising ako sa panggigising ni Kim sa akin. Niyuyugyog niya ang aking mga balikat at paulit-ulit na tinatawag ang aking pangalan.
May mga naririnig din akong malalakas na padyak mula sa hallway. Napabangon ako bigla at kinusot ang aking mga mata.
"Anong nangyari, Kim? " Pinipilit kong makapagsalita ng maayos. Kulang kasi ako sa tulog, dahil sa text na natanggap ko.
"Sila Lianna!" Natatarantang sambit nito.
"Anong nangyari?!" Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Hali ka!"
Tinulungan niya akong bumangon at pareho naming tinungo ang Living Room. Mga hagulgol ang naririnig ko habang papunta kaming dalawa. Nanginig ang buo kong katawan at inatake ako ng kaba.
Tuluyan kaming nakarating at para akong nabuhusan ng malamig na tubig, dahil sa nakita. Nanghina ang aking mga tuhod at nangilid ang aking mga luha.
May mga dugong nakakalat sa sahig...
Humagulgol ako sa iyak. Please tell me, hindi nangyayari ang lahat ng ito.
"S-sino? " Tanging naitanong ko kay Kim.
"Hindi pa namin alam. Basta paggising ko kaninang umaga, bigla nalang nagkaganiyan. Nakumpirma naman naming nawawala ang tatlo. Sila Lianna, Gab, at Natasha."
Hindi magsink-in sa isip ko lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung mayroong connection ang tawag na 'yon sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Gulong-gulo na rin ako.
Pero paano nangyari ang mga 'yon nang hindi manlang namin namalayan?
Sa dinami-dami ng aso nila Anthony, wala manlang kumahol.
This is getting weird. Kailangan na talaga naming malaman kung sino ang sumagot sa tawag at kung sino ang nanakit kayla Lianna. Kailangan din naming malaman kung may connection sila.
Hindi rin muna kami pinaalis, dahil kailangan pa daw kaming imbestigahan sa susunod na araw. Sinabi ko kay Thony na i-report na rin ang tungkol sa tawag, pero umangal ito. Paunahin nalang daw namin ang issue nila Lianna at tiyaka namin irereport ang issue ko.
Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ang aking cellphone. Kailangan ko na itong ipatingin kay Anthony.
Patakas ko siyang pinuntahan sa kaniyang kuwarto at ibinigay ang cellphone sa kaniya. Binuksan niya ito at bumungad ang mahigit dalawampu na mensahe. Galing pa rin ito sa mismong cellphone number ko.
More down. Many to go.
You're next.
Enjoy your life, now.
"Hindi ko alam, Shane. Ayaw ko ring manisi pero as time goes by, napapaisip ako kung sino ang may kagagawan ng lahat. Kailangan na nating mag-ingat. Kailangan na nating masuri ito, as long as possible."
Tumango ako sa sinabi niya. Hindi na dapat namin patagalin ang mga nangyayari. Lalo pa't nakakatanggap na ako ng mga death threats.
Nagtipon-tipon kami sa hapag at tahimik na kumakain ang lahat.
"I think everyone is aware that something is up in this house, these past hours." Nasira ang katahimikan nang magsalita si Thony.
Nakikinig lang kami sa kaniya.
"I just hope that no one here is involved with it." Seryoso niyang sabi.
"If you're kind of involved, fully involved, or any kind of involved, please. Stop it and we can talk about the matter, properly. " Pagpapatuloy niya.
Unang natapos sa pag-kain si Anthony at kaagad na umakyat sa kaniyang kuwarto. Mas binilisan ko rin ang pag-kain, dahil pag-uusapan pa namin ang mga bagong nakalap niya.
Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang aking pinagkainan. Akmang aakyat na sana ako sa hagdan, nang biglang may humigit sa aking braso.
"Ano Shane? Masaya ka na ba? " Si Sav ito at seryosong nakatingin sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo, Sav?"
"Ako na naman dapat ang makukuha sa kompanya. Pero ano? Umepal ka at ikaw na naman ang nakuha!" Sumbat niya sa akin.
Hindi ko naman kasalanang ako 'yong napili doon.
"Kahit kailan, Shane! Epal ka talaga sa buhay ko!" Napapikit ako dahil sa malalakas niyang sigaw.
"Darating din ang araw ko." Huli niyang sabi bago niya ako binitawan.
Umakyat ako nang mabilisan papuntang second floor. Tinungo ko ang kuwarto ni Anthony at nakatutok ito sa kaniyang PC.
Huminga muna ako ng malalim, bago siya kinausap. Pilit na kinakalimutan ang mga sinabi ni Sav kanina.
"Shane! I've found out something!"
Parang nawala lahat ng inhibasyon ko sa katawan, nang marinig ko ang mga salitang 'yon.
"Ano 'yon, Thony? "
"Look."
Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko na ngayo'y hiwa-hiwalay na ang mga parte. Binuksan niya ang kabuuan nito. Nakahiwalay ang mga memory card, battery, screen, at mga sim card.
"Anong mayroon?"
"Ibang sim card ang nakasalpak sa cellphone mo. Ito ang naging dahilan kung bakit nasagot ang tawag. Ang tanong lang is....Sinong nakialam at kumuha ng sim card mo? Anong balak niya sa'yo?" Pinulot niya ang sim card at iniabot ito sa akin.
Tinignan ko ito at iba nga ang nakalagay na numero dito.
Sino bang may pakana ng lahat ng 'to? Bakit ako? Ano bang kailangan niya sa akin?
Inilahad niya ang kaniyang kamay at ibinalik ko ito sa kaniya. Napukaw naman ng tattoo niya, ang aking atensiyon.
MMXVII
"May tattoo ka pala? " Napatanong ako.
Agad niya itong binawi at tumalikod sa akin.
"A-ah, o-oo. Sige na. Makakaalis k-ka n-na."
Nagtataka man, sinunod ko na lamang ang kaniyang sinabi. Nagkulong nalang ako sa aming kuwarto at patuloy na iniisip ang pulot dulo ng lahat.
Dumaan ang buong araw at may nakalap na namang impormasyon si Anthony. Nasa malapit lang daw ang may-ari ng device, kung saan nakasalpak ang aking sim card. Around the area lang ito, ayon sa kaniya.
Mas lalo akong kinutuban. Nandito na naman ako sa kuwarto ni Anthony at nagpaplano sa susunod naming gagawin.
"Shane, listen to me." Bulong niya sa akin.
Tumango ako.
"There's this high chance na nasa tropa natin ang may kagagawan nito," saad niya.
'Yon din ang nasa isip ko. Ang tanong... Sino?
"Here's the plan."
Tumango ako at pirming nakikinig sa kaniya. I hope malaman na talaga namin.
"Make sure na tulog silang lahat mamaya. 'Yon lang ang kailangan mong gawin. Ako nang bahala sa mga susunod na gagawin."
Tumango ako.
"Lalo na si Kim. Siya ang madalas na gising sa madaling araw. Siya ang huling natutulog at unang nagigising. Keep an eye on her." Pagpapatuloy niya.
"Bantayan mo 'yong phones nila."
"Oo, sige. Sa iisang lamesa lang naman nakalapag ang cellphones nila tuwing gabi." Pagbibigay alam ko sa kaniya.
Hindi ko nailalapag ang cellphone ko, dahil tinatago ito ni Thony.
"'Yon lang. Mag-iingat ka, Shane. Puntahan mo na sila."
Tumango ako at lumabas ng kuwarto niya. Kailangan kong maging maingat sa mga galaw ko. Wala muna akong pagkakatiwalaan sa ngayon. Kakampi ko si Thony, pero dapat mag-ingat pa rin ako sa kaniya. I can only trust myself right now. Lalo pa't may nangyari kayla Lianna at may death threats.
Tinungo ko muna ang kusina at kumuha ng makakain. Kumuha ako ng chips at binuksan ito. Dali-dali ko itong inubos at pumunta sa basurahan.
Laking gulat ko nang makita ang nakatapong bagay dito.
Isang dilaw na damit na may dugo.
Kumaripas ako ng takbo at pumunta sa kuwarto.
"Kim!" Tawag ko kay Kim na siyang gising pa ngayon. Tulog na si Rye sa kaniyang tabi.
"Anong nangyari, Shane?" Tanong niya at nakatutok lang sa kaniyang cellphone.
Napalunok ako bago muling magsalita.
"S-sinong nakasuot ng yellow shirt kagabi?" Diretsa kong tanong.
"Si Tammy."
Nalaglag ang aking panga.
May kinalaman ba si Tammy sa nangyari kayla Lianna, Gab, at Natasha?
Sasabihin ko na sana ito kay Kim, kaso naalala ko ang plano namin ni Anthony. Kailangan ko itong sundin.
"Anong problema, Shane?"
"W-wala naman."
Humiga na ako sa higaan at tinignan ang oras.
11:58 p.m.
"Tulog na tayo, Kim." Pag-aaya ko kay Kim. Dapat masunod namin ang plano, para matapos na ang misteryo na ito.
"Okay. Himala rin at inaantok na ako. Masiyado ata akong napagod."
Tumango ako at pasimple siyang pinagmasdan. Inayos niya ang kaniyang sarili at inilapag na ang kaniyang cellphone sa lamesa. Sinilip ko rin kung nandoon ang cellphone ni Rye, at nandoon nga ito.
Nang masigurado kong nasusunod ang gusto naming mangyari, natulog na ako.
Anthony, I'm leaving this to you.
Bahagya akong nagising dahil sa tunog ng isang ringtone. Binuksan ko ang isa kong mata at sinilip kong kaninong cellphone ito. Nakita ko naman ang pagbangon ni Rye. Pinulot niya ang kaniyang cellphone at may pinindot dito. Inilapag niya ito at humiga na ulit. Natulog na rin ulit ako.
Ilang oras lang ang naging tulog ko. Paputol-putol ito, dahil hindi ako mapakali. Tuluyan na akong bumangon at binalingan ko sila Rye at Kim na natutulog pa. Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa living room.
Nadatnan ko doon si Thony na may malalim na iniisip.
"Thony.." Tawag ko sa kaniya.
"Shane!"
"Anong ginawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
"May ringtone ba na tumunog kagabi? "
Napakunot ako ng noo.
"Oo. Kay Rye." Nagtataka kong sagot.
"Sht!" He cursed.
Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya ngayon. Mas lalo akong kinabahan.
"B-bakit? "
"I called your number, using my phone."
Tumango ako.
"Nasa ibang tao ang sim card mo di ba? " Muli niyang sambit.
Onti-onting nabubuo ang mga sinasabi niya, sa aking isipan. Huwag niyang sabihing si Rye?
"Naiisip mo ba ang naiisip ko? "
Dahan-dahan akong tumango.
"Kailangan na nating kausapin si Rye. "
Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Kailangan nang matigil lahat ng ito. Baka mas madami pang madamay kapag pinatagal namin. Ganoon pa man, hindi ko lubos maisip na siya ang gagawa ng mga 'yon.
"Rye!"
Nagulat ako nang biglang hinigit ni Thony ang kuwelyo ng damit ni Rye, na kakalabas lang mula sa kuwarto.
"Thony!" Pang-aawat ni Sav.
"Umamin ka na!" Bulyaw ni Thony at mas lalong hinigpitan ang hawak kay Rye.
"Ano bang sinasabi mo diyan, Thony?!" Nagtatakang tanong ni Rye at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Thony sa kaniya.
"Ikaw ang may pakana ng lahat 'no?!" Nanginginig sa galit si Thony.
Hindi ko inaasahang ganito niya kakausapin si Rye.
"Wala akong alam sa sinasabi mo! Nababaliw ka na!" Sagot ni Rye sa kaniya.
Please...Rye. Kung may kinalaman ka man, umamin ka na.
"Ah, talaga lang ha?!"
Pumunta si Anthony sa kusina. Napasigaw kaming lahat nang makabalik ito. May dala-dala itong kutsilyo.
"Thony!" Pang-aawat ko sa kaniya.
"Hindi ka magsasalita ha?!" Lumapit siya sa kinaroroonan ni Rye.
"Wala akong kasalanan!"
"Sige! I-deny mo lang!"
Akmang lalapit na naman siya nang biglang may sumigaw sa pinto.
"Tama na! Walang kasalanan si Rye!"
Napalingon kami dito.
Si Lianna?!
"Lianna?!" Hindi kami makapaniwala.
P-paano?
"Oo! Shane! Gusto kong malaman mo na wala sa amin ang sumagot sa tawag mo. Wala rin sa amin ang gumalaw nito at kumuha ng sim card mo."
Hindi ako makapaniwala. Gulong-gulo na ako.
Kung wala sa kanila... Sino?
"Panoorin mo 'to."
Ipinanood niya sa amin ang isang news. Onti-onti na ring kumakalma si Anthony.
Laking gulat ko nang makita ang secretary sa company na pagtatrabahuan ko. Ayon sa balita, illegal daw ang company na 'yon. Kunwaring kukuha sila ng Call Center Agent, pero hindi. Binibiktima nila ang mga ito.
Binibigyan nila ng disctractions, such as maraming forms, ang mga kliyente nila, para maibaling ang atensiyon nito. Habang nakatuon ang pansin nito sa mga distractions, maingat nilang kakalikutin ang cellphone mo at papalitan ang sim card nito.
Gagamitin nila ito upang makuha ang personal mong impormasyon. Lalo ang mga account na konektado sa cellphone number mo. Ibebenta nila ito at pagkakakitaan. Pagkatapos no'n, papatayin nila ang mga nabiktima.
Inamin ito lahat ng secretary. Aksidente raw niyang nasagot ang tawag ko at muntikang patayin ng boss, dahil dito. Ayon din sa kaniya, Taga-Ocampo Street ang boss ng company.
Onti-onti akong naliwanagan. Kaya pala malapit lang ang device, dahil taga-dito rin siya sa lugar na ito. Ginamitan din nila ako ng distractions, at hindi ako naging maingat dito.
Humingi ako ng kapatawaran mula sa aking mga kaibigan. Nasisi ko silang lahat sa pangyayari. Ayon din kay Lianna, buhay pa si Gab at Natasha.
Nalaman na hindi sila ang may gawa. Nahuli na rin ang may-ari ng illegal na kompanya at nakumpirmang totoo ang mga detalyeng inilahad ng secretary. Siya ang sinasabi nilang killer dito sa lugar na ito.
Hiningan pa rin ng statements ang aking mga kaibigan, because they are somehow alleged in this issue.
Gab's Statement
May tumawag sa akin bago ako makapasok sa CR. It's my mom at sinabihan niya akong nagkasakit si Daddy. Noong madaling araw no'n, kasama kong lumabas sila Lianna at Natasha. I accidentaly kicked the bucket of paint doon sa living room nila Anthony. Umalis si Lianna dahil may aasikasuhin daw siya. Umalis si Natasha, dahil pinauwi na siya ng parents niya. Ako ang inutusan nila to inform our friends. Si Shane ang napili kong i-text, pero hindi ko alam na ibang sim card pala ang hawak niya.
Lianna's Statement
Papunta ako sa kuwarto no'n. I heard the conversation of Tammy and Sav. I also saw Sav changing her sim card. Nagtaka ako noon, kaya umalis ako ng maaga. Nagpatulong ako sa tito kong investigator. Unfortunately, marami siyang inaasikaso. Sakto naman at napanood ko ang balita kaya bumalik ako sa bahay nila Thony.
Kim's Statement
Late akong dumating sa venue. May katawag si Nat, pero hindi ko kilala. Hindi ko alam na may nangyari sa phone ni Shane. Maaga ako nagising no'n at ako ang unang nakakita sa living room . Hindi siya mukhang pintura kapag titignan mo.Nasakto rin ang pagkawala no'ng tatlo.
Natasha's Statement
Late akong nakarating, dahil tumawag pa ang daddy ko. Wala rin akong alam sa nangyayari. Sumabay akong umalis kasama nila Lianna at Gab. Pinauwi na rin kasi ako ni daddy.
Tammy's Statement
I was comforting Sav that night. May sama ng loob kasi siya sa daddy niya at gusto niyang magrebelde. Kinukumbinsi ko siyang huwag niyang ituloy ang paglalayas niya. About naman sa damit kong may dugo, nasugatan ako noong nagluluto at tumulo ang dugo dito.
Sav's Statement
May hinanakit ako sa daddy ko. Lahat ng 'yon naibabaling ko kay Shane, pero never kong naisip na gawan siya ng masama. Gusto kong magrebelde at maglayas. Pinalitan ko lahat ng accounts ko, pati ang cellphone number ko. Tammy stopped me.
Rye's Statement
Ako ang isa sa mga nag-cr noong ginawa ni Shane ang dare. Nagtaka na lamang ako at parang nagbago ang timpla ni Shane at Lianna noong bumalik ako. Maraming nangyari, ngunit wala akong kaalam-alam. May tumawag sa akin noong gabing 'yon. 'Yong kapatid ko. Sinagot ko ito ngunit agad din niyang ibinaba. Kinabukasan, nagulat nalang ako sa inasta ni Thony. Bigla niya akong hinila at tinutukan ng kutsilyo.
Kinausap din nila kami ni Anthony. Sinabi namin lahat ng ginawa naming plano at aksiyon. Ayon naman kay Anthony, 2017 daw ang anniversary nila ni Sav, kaya ito ang tattoo niya.
Doon napatunayan na wala nga sa amin ang may kagagawan nito. Coincidence lang ang mga nangyari. Umamin na rin ang killer at ikinulong ito.
Hindi naging madali ang napagdaanan namin, para malutas ang misteryong ito. Nasubok ang aming pagkakaibigan at hindi naging madali ang kapatawaran pagkatapos ng lahat.
Ganoon pa man, masaya pa rin kami.
Because we knew,
'WHO'S BEHIND THE CALL?'
-------- END --------
kazumeh_2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro