Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

@/n: You can play the song I attached on multimedia, Enjoy reading!

Eldrin's Point of View.


Ang mga tingin niya ay iniiwas niya at nagpa-unang maglakad pababa kaya naman nakagat ko ang labi upang pigilan ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ko ng sobra. Bago sumunod ay nakangiti akong napailing iling dahil sa kilig na naramdaman.

"Wait, Patch." Paghabol ko sa kaniya pero nang makababa kami ay dahil 'yon sa bilis niyang bumaba nang makarating sa parking lot ay walang ano-ano siyang sumakay sa motor niya kaya mabilis akong pumunta sa harap non.

"Chill.." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Ang tingin niya sa akin ay naiiwas niya ng magtama ang mga mata namin dahilan para mas mapangiti ako dahil bukod pa doon ay namumula ang kaniyang mukha. "T-Tara na." Anyaya niya kaya naman mas tinitigan ko siya.

"You're cute," aniya ko at pinagmasdan ang mukha niya nang tignan niya ako ay awtomatiko siyang umirap dahilan para mas mapangiti ako.

"Saan tayo? Uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"O-Oo uuwi na ako," wika niya at muling nag-iwas tingin kaya naman tumango tango ako.

"Ako rin," saad ko.

"Tara na." Mahinang sabi niya tapos sinenyasan akong sumakay na sa motor ko kaya naman sumakay na rin ako sa motor ko at nagsuot ng helmet at kahit na naiilang siya sa akin ay halatang hinihintay niya ako dahil sinindi niya lang ang motor niya ng isindi ko ang akin.

"Magkaiba tayo ng daan, mag-iingat ka salamat ngayong araw." Kahit pa naka-helmet ay ngumiti ako dahil makikita naman 'yon sa mata.

"Salamat, Ingat rin." Saad niya tapos ay unang pinaandar ang motor kaya naman sumunod ako.

Sa pagsunod ko sa kaniya ay binagalan namin ang pagmamaneho. Hindi ko alam siguro ay para mas mapatagal pa ang oras na kasama ko siya?

Nang oras na para maghiwalay ng daan ay huminga ako ng malalim at tango ang ibinigay sa kaniya kaya naman ng mauna na siya ay lumiko na ako at  binilisan ng bahagya ang takbo.

'Himala walang tawag ang mga kaibigan kong kupal tsk'

Nang makauwi ay natigilan ako ng makita sila kenneth na nakaupo sa silya. "Aba saan galing?" tanong niya na para bang siya ang nanay ko.

"Sa grotto, hindi man lang kayo tumawag." Sagot ko at nag-alis na ng helmet at bumaba ng motor ko. 

"Luh tanga kanina pa kami tawag ng tawag sa'yo." Nangunot ang noo ko sa sagot niya dahilan para kapain ko ang bulsa ngunit wala akong makapa doon.

Binalikan ko ang motor at tinignan ang lalagyanan ko doon ngunit walang laman, binuksan ko ang bag ko upang hanapin ang cellphone ko ngunit hindi ko namataan ko nakapa man lang.

"Nawawala cellphone mo?" Tanong ni Audrey kaya nakagat ko ang ibabang labi sa kaubusan ng pasensya.

"Paki-tawagan nga, hindi ko kabisado ang numero ko." Pakisuyo ko mabilis naman nila akong sinunod ngunit kahit anong ring no'n ay wala.

Hanggang sa bigla ay cannot be reach na ang sinasabi nito. "Tangina wala nga par, Sino huli mong kasama sure ka bang hindi mo napahawak sa kaniya?" Tanong ni Kenneth kaya umiling ako.

"Wala akong naalala na may pinahawak ako kay Patch." Mahina kong sabi at ibinaba sa silya ang bag ko at naupo sa gilid no'n.

"Kabisado mo ba ang numero niya?" Tanong ni  Audrey.

"Hindi, hindi ko pa nga nasisimulang makausap 'yon sa telepono." Naiinis kong wika, sa dami ng pwedeng mawala cellphone pa nga.

"Masyado ka sigurong nawili na kasama siya kaya hindi mo napansin o nawala sa isip mo langya ka par." Mahina naman natawa si Kenneth sa sariling sinabi habang ako ay sandali pang natulala.

"Sabi ng cellphone mo par, palitan mo na 'ko." sininghalan ko lang si Kenneth sa kaniyang pang-aasar kaya naman sinenyasan ko silang pumasok sa loob agad naman silang bumati sa mga nasa loob.

'Ngayon pa nga nawalan ng cellphone, hindi ko pa man din alam ang social media accounts niya'

"Panay ka buntong hininga, nawala ba yung magandang mood mo?" Tanong ni Kenneth kaya ngumiwi ako at inalala na lang ang nangyari kanina.

'Same school naman kami baka magtagpo kami bukas, tama bukas.'

"I-milktea mo na lang yan par." Umiling ako sa kaniyang pa-anyaya.

"Kakainom ko lang kanina," wika ko at tumulala muna.

Nag-usap silang dalawa sa harap ko kaya naman nag-alis na ako ng sapatos at naupo muna upang makapag-pahinga.



***



Kinaumagahan ay nagmamadali akong pumasok ng school at hinanap ang motor ni Patch sa parking lot ngunit hindi ko ito nakita kaya naman nagpark na ako at pumasok sa loob ng school dahil hindi ako pwedeng mahuli sa klase.

'Kolehiyo na, hindi naman high school student lang na attendance doesn't matter'

Nang makapasok sa klase ay agaran rin itong nagsimula at ang tapos na nito ay hindi ko wari ang eksaktong oras. "Mister, wala ka bang balak magpakilala?" Tanong nang propesor ko kaya mabilis akong tumayo.

"Eldrin Granada prof," wika ko at bahagya pang yumuko tapos bumalik na sa pagkakaupo.

Sunod sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko kung kaya't tahimik lang akong naupo, mabilis rin na lumipas ang oras at nang matapos ang klase namin ay mabilis akong tumayo at nagmamadaling lumabas.

Baka makita ko si Patch 'di ba? hindi naman imposible iyon. Wala rin naman akong cellphone ngayon hindi rin naman agad-agad kung makakabili awit.

Bumuntong hininga ako ng paglipas ng oras ay hindi ko mamataan si Patch sa kung saan..


MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW..


Lumipas ang tatlong araw na hindi ko nakikita si Patch kahit ang kaniyang motor ay hindi ko makita sa parking lot kaya naman ngayon ay kasama ko ang mga kaibigan kong naglalakad ngayon papunta sa school canteen. "Wala ka sa mood? Andami mo namang nasagutan kanina ah." Tukoy ni Kenneth.

"Woi Eldrin," wika ni Kenneth kaya nilingon ko lang siya at sininghalan.

"Abnoy amp," saad niya.

"Wala ka pa bang cellphone?" Tanong ni Audrey kaya tango lang ang sinagot ko.

"'Yon ang problema mo par?" Takang sabi ni Kenneth kaya umiling ako.

"I don't have her number, or any social media accounts. Tapos hindi ko pa siya matagpuan rito sa school." Mahabang sabi ko at bumuntong hininga.

"Patay na patay kay Patch amp," wika ni Kenneth sa pabulong na paraan ngunit halatang pinaririnig naman sa akin.

"Ayon lang ang malaking problema mo wala kang contact sa kaniya, address niya hindi mo alam?" Tanong muli ni Audrey kaya umiling ako bilang sagot.

"Hintayin mo na lang par, tandaan mo pag hinahanap hindi natatagpuan." makahulugang sabi ni Kenneth kaya bumuntong hininga ako at tango lang ang naging tugon.

Lumipas ang oras at uwian na kaya naman nilalaro ko ang susi sa daliri habang papunta sa parking ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ko ang motor ni Patch at nakasakay na siya doon naghahandang umalis na kaya naman binilisan ko ang lakad dahil malayo siya sa akin.

"Patch!" pagtawag ko sa kaniya ngunit nakita ko na ang pag usok ng sahig nagbabadyang aalis na siya kaya tumakbo ako ngunit huli na dahil mabilis niyang pinaandar ang motor dahilan para hindi ako makahabol.

Labis ang hinayang na naramdaman ko sa puso kaya napasinghap ako sa sobrang inis idagdag na natin ang pagtakbo ko. Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan, nandiyan na pero hindi ko panaabutan.

Bumuntong hininga ako at umuwi na lang muna tutal hindi ko naman siya mahahabol dahil mabilis siyang nakaalis at nasa kabila ang motor ko, pagkauwi ay binuksan ko kaagad ang laptop upang magpa-music tamang pindot na lang ng shuffle.

Tumayo ako at inalis ang pang-taas kong damit upang makapagpalit ngunit gano'n na lang ang paglingon ko sa laptop nang tumugtog ang kantang 'Umaaraw, Umuulan' ng Rivermaya.

'Hindi mo maintindihan kung ba't ikaw ang napagtitripan ng halik ng kamalasan~'

√√√

@/n: Again sorry for late updates busy po kasi talaga kaming dalawa ni Mr.Blocklist sa school sana po maunawaan niyo hope you enjoy and keep safe! Lovelots!

Blocklistman

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro