Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Eldrin's Point of View.



Nang makuha ang dalawang Red Velvet Milktea ay dinala ko na rin ito kay Patch nakangiti naman niya akong sinalubong. "Dadalhin na lang daw nila yung blueberry cheesecake." Nakangiti kong sabi tapos inabot sa kaniya ang Milktea.

"Thank you, Eldrin." Nakangiti niyang sabi tapos ay tinitigan niya muna ang milktea niya tapos tinignan ako at ininom na 'yon.

"Wala yon, Ready ka na ba for this year?" Tanong ko sa kaniya tapos pinanood siyang uminom.

"Always ready naman ako, Ikaw ba?" Balik tanong niya kaya sandali akong napaisip.

"Excited nga ako ngayong araw, First day of being a freshmen.." Nakangiti kong sagot at kinuha sa bulsa ko ang cellphone at nilagay sa ibabaw ng mesa upang hindi maipit.

"Kahit ako kaya ang aga pa lang nasa bulletin na ako inaalam ang schedule ko." Mahina pa siyang tumawa at akmang iinom na pero dumating ang Blueberry cheesecake at sobrang bango non dahilan para kaming dalawa ang matigilan.

"Here's your order sir/ ma'am." maayos na sabi nila at nilagay iyon parehas sa harapan namin.

"Thank you." Maayos na sabi ko sa lalakeng naghatid ng food.

Nang umalis ito ay nagkatinginan kami ni Patch at parehas na natawa. "Naalala mo ba ng una mo akong makita?" Tanong niya bigla kaya naman tinitigan ko siya.

"Yup, why?" Tanong ko pabalik.

"Clearly?" Kwestyon niya.

"Yes, clearly."

"Saan yan?" Tanong niya kaya tinitigan ko siya ng ilang segundo bago mag-iwas tingin tapos napangiti.

"Pagkapasok na pagkapasok ko sa monasterio ng araw na 'yon nakita kitang mangha na mangha sa buong lugar na para bang iyon ang unang beses mong umapak doon." Nakangiting kwento ko dahil bigla ay naalala ko ang araw na iyon.

Umawang ang labi niya at napainom pa kaya natawa ako. "I thought sa wishing well mo ako unang nakita." Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Syempre, hindi hahahahahaha. Bakit mo naman pala natanong?"  Kwestyon ko at isinandal ang likod ko sa rest ng upuan.

Lumabi siyang sandali tapos inabot ang dessert spoon at tinikman ang blueberry cheesecake.

"This is good," wika niya tinutukoy ang kinain.

"Natanong ko kasi curious ako, At bakit mo naman pala ako binigyan ng bulaklak non? Nakakagulat kaya. Imagine a handsome stranger giving you a flower out of the blue?" Natawa ako sa sinabi niya at ganon rin siya.

"Huwag palakihin ang ulo ha, nagsasabi lang ako ng pawang katotohanan." Paglilinaw niya kaya ngumiti ako.

"Bukod sa nakita kong malungkot ka, Parang ang gaan kasi ng loob ko sa'yo kahit hindi pa tayo nagkakausap non." Napatitig siya sa akin ng may pagtataka.

"Parang matagal na kasi kitang kilala," wika ko.

"Na para bang nakita na kita dati." Tumikhim siya tapos tumango tango at muling tumikim ng nakahain sa harap niya.

"Mukhang nagmeet na ang soul natin ng mga tulog tayo ah," wika niya sa pabirong tinig dahilan para matawa kaming dalawa.

"Humiwalay sa katawan natin habang himbing tayo sa pagtulog kasi soulmate daw kita." Pasimple kong pagbanat na tinawanan niya lang.

"Ganon ah, Posible ba yon?" Ngisi ngisi niyang tanong kaya kumain muna ako at ngumuya habnag nakatitig sa kaniya.

"Ikaw nagsabi luh hahahahahaha!"

"Malay natin 'di ba?" Tanong niya pa at tsaka sandaling tumahimik dahil kumain siya.

Habang ako abala kakatitig sa kaniya, sobrang kalmado niyang babae. Sobrang kakaiba ang dating at higit sa lahat hindi siya yung babae na mabilis susuko.

'Palaban rin ang isang 'to..'

"Mauuna pa ata akong malusaw kesa sa mga yelo na  'to sa pagtitig mo sa akin." Nanlaki ang mata ko at napaubo tapos nag-iwas tingin pakiramdam ko ay namumula ang mga tenga ko sa nakakahiyang sandali.

"Sorry, M-May naisip lang." Ngumiti naman siya.

"Inaasar lang kita, Pagkatapos nito may klase ka na ba?" tanong niya sa akin kaya mabilis akong umiling.

"Bukas ang start ng regular classes ko." Nakangiting sagot ko at inabot ang dessert spoon tapos ay kinain ang cake na kanina pa ako inaakit.

'Cake na nga lang ang nakakaakit sa akin tatanggihan ko pa ba..'

"Ay bukas pa? Ako rin e." Sagot niya kaya pinaglapat ko ang mga labi at tinignan lang siya.

Isinandal ko ang siko sa mesa at ipinatong ko ang pisngi sa mga kamao nagtataka niya naman akong pinanood kaya mas tinitigan ko lang siya sa ganoon na paraan hanggang sa mapansin ko ang pagpula ng mukha niya.

"B-Bakit?" Tanong niya pa halatang hindi alam ang gagawin at sasabihin.

Ngunit nanatili ako sa ganoong pwesto nakatitig lamang sa kaniya hanggang sa hindi ko na mapigilang mangiti at matawa dahil ang cute niya. "Pinagti-tripan mo naman ako eh." Nagrereklamo niyang sabi kaya mas natawa ako.

"Game ka ba rides?" Tanong ko sa kaniya dahil balak ko siyang dalhin sa second favorite place ko.

"H-How about your friends?" She questioned.

"Hindi nga nila ako tinatawagan." Sagot ko at tinuro ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa.

"So game ka ba?" Tanong ko sa kaniya ulit.

Sandali pa siyang napaisip tapos ay marahan na tumango. "Sige game na game, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya kaya ngumisi ako.

"Sa pangalawang paborito ko na lugar," wika ko at inabot ang milktea.

"Around Tarlac?" tanong niya habang ngumunguya.

"Of course." 

"Wow, Mukhang exciting yang lugar na yan ah." Nakangiti niyang sabi tapos tinignan ang cellphone niya at inilapag rin sa ibabaw ng mesa katapat ng pag-aari kong cellphone.

"You have your license right?" Tanong ko out of curiosity.

"Hala wala," sagot niya kaya napalunok ako.

"Joke lang, nandito." Tumatawang pagbawi niya tapos ay kinuha ang kaniyang bag at wallet then nilapag niya ang lisensya niya sa mesa.

"Kailan ka naka-kuha?" Tanong ko.

"Nang birthday ko syempre." Sagot niya kaya ngumiti ako tapos ay inubos na ang iniinom ko at ang kinakain ganon rin naman siya.

Nang matapos namin ay tumayo na kaming dalawa at bumalik sa mga motor namin. "Sunod ka lang sa akin, sa Bamban Tarlac tayo." Nakangiti kong sabi na ikinatigil niya.

"Parang may hula na ako kung saan mo 'ko dadalhin ah.." Nakangiti niyang sabi kaya nginitian ko lang siya tapos sumakay na ako sa motor ko dahil siya ay nakasakay na.

Matapos naming mag-suot ng Helmet ay gumayak na kami papunta sa Bamban Tarlac sa Grotto of Our Lady of Lourdes. 


Grotto of Our Lady of Lourdes


Bumaba kami sa mga motor namin at ayon na naman ang ngiti sa mga labi niya at ang mga tingin na para bang ito ang unang beses na nakatapak siya sa lugar na ito. Kitang kita na sobrang na-appreciate niya ang lugar.

"Sabi na e sa Grotto mo ako dadalhin," wika niya habang nakatanaw sa pinaka-taas.

"Simulan na natin?" tanong ko sa kaniya nakangiti siyang tumango tango at nanguna.

Kaya ako itong sinabayan siya sa paghakbang. "Binibilang ko," mahinang sabi ko sa kaniya nilingon niya naman ako.

"Hate ko ang math pero basic ang pagbibilang kaya sige," natawa ako sa sinabi niya kaya naman humakbang na lang ako habang nagbibilang.


'100 steps bago ka makaakyat sa pinakataas, ang ganda pa rin talaga sa lugar na ito lalo na't siya ang kasama ko ngayon.'


Habang humahakbang ay nasa 46 steps pa lang kami kaya binagalan namin ang pag-akyat.

"Hindi naman halata na parehas tayong mahilig umakyat 'no?" Tanong niya sa akin kaya ngumiti ako at pinarinig ang mahina kong pagtawa sa kaniya.

"Ang ganda umakyat.." 

'Ng ligaw sa'yo'

Binilang ko ito sa malakas na paraan iyon bang maririnig niya. "49.."

"50.." Tumikhim ako at sandaling tumigil dahilan para matigilan rin siya.

"Patch.." Pagtawag ko sa kaniya na ikinataka niya.

"Gusto kita.." Natigilan siya at tinitigan ako tapos ay matunog na ngumiti kaya naman ngumiti rin ako ngunit ramdam ang kaba at mabilis na tibok ng puso ko.

Nang magsimula siyang maglakad ay sumunod ako at sinabayan ang hakbang niya. Hanggang sa makarating kami sa 100 steps at kitang kita ko na ang grotto bago pa man dumeretso ay nilingon ko ang magandang tanawin na kitang kita ang lahat mula sa itaas.

Dumeretso kami sa grotto at maya-maya ay inabutan niya ako ng kandila kaya naman ngumiti ako at tinanggap 'yon. "Salamat Patch," wika ko ngunit ngumiti rin siya sa akin.

Nang kailangan ng humiling ay ipinikit ko ang mga mata. 

Pero mabilis akong natigilan ng mapansin ang tingin ng kasama ko kaya tinignan ko rin siya. "Ba't parang nakita na kita dati?" Natigilan ako sa sinabi niya.

'Have we met before?'

"Ba't parang matagal na kitang kilala." Sinabi niya iyon na para bang seryoso siya.

"Tara na nga wish na," wika niya at mahinang tumawa tapos ay naunang pumikit kaya napangiti ako at pumikit rin.

'Kakaiba 'tong soul na 'to, sana hindi na umalis sa tabi ko..'

Huminga ako ng malalim at napangiti sa sarili kong kahilingan, ang tinde naman.

Matapos namin gawin ang mga gagawin ay nagkatinginan muna kami. "tara na?" anyaya niya kaya nakangiti akong tumango.

"Magbibilang ako," wika niya sa mahinang paraan tapos ay ngumiti bago sinimulang humakbang kaya ganon rin ako.

Kitang kita ang magandang tanawin ngayon, pero mas maganda ang kasama kong bumaba ngayon. Habang pababa ay tingin ko nakalahati na namin o pakalahati na bumagal si Patch baka pagod na.

'Hindi ko man lang naisipang bigyan siya ng tubig dahil wala akong dala rito..'

Napatigil ako ng sandaling tumigil siya at lingunin ako, then I realized nasa stair kami sa kung saan ako umamin kanina. Lumunok ako dahil nakatingin siya sa akin seryoso

"Gusto rin kita, E-Eldrin." Natigilan ako at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.



√√√

@/n: Goodnight! At dahil kahit sobrang busy mag-uupdate tayo ngayon ng hindi niyo alam kase ang tagal na ring hindi nag-uupdate kaya naman ito na, keep safe sainyo always lovelots!

Blocklistman

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro