COY: 9
"Shane Filan, spotted dating with Gillian Walsh."
Padabog na itiniklop ni Rea ang diyaryong hawak. Napabuntong-hininga siya.
"Ano, girl? Natauhan ka na? Na-ghosting ka na. Wala man lang pamamaalam," pang-uuyam ni Karen sa matalik na kaibigan.
Napahalukipkip ng mga kamay si Rea.
"Ayoko na. Kalilimutan ko na talaga siya!" Isinapo ni Rea ang mga kamay sa mukha. Nagbabadya na naman kasi ang mga luha na umagos mula sa mga mata niya.
Nilapitan ni Karen ang kaibigan at inakbayan. "Ikaw, lagi mo akong ginigigil sa mga kagagahan mo. Kung 'di lang kita bestfriend, baka iniwan na kita rito e!"
Humilig si Rea sa dibdib ni Karen at doon nga ay iniiyak na niya ang damdaming kanina pa pinipigilan.
"B-Bessy, masakit. Ang sakit-sakit."
"Iiyak mo pa." Hinagod-hagod ni Karen ang likod ng kaniyang bestfriend bilang pag-alo rito.
***
Mag-aalas dose na ng hatinggabi ay nasa Garavogue Bar pa rin sina Karen at Rea. They decided to have fun para na rin makalimot sandali si Rea.
Panay ang pag-indayog ni Rea sa dance floor. Wala siyang paki pero ang gusto lang niya ay magsayaw nang magsayaw.
Ilang lalaki ang nagtangkang maisayaw siya ngunit pinipigilan niya. Wala siyang ibang nais sumayaw sa kaniya kung hindi si Shane lang.
Mayamaya ay may naramdaman siyang mga kamay na tumakip sa mga mata niya.
"A-Ano ba? Get your hands off of me!" asik ni Rea at noon di'y inialis ang mga kamay na iyon.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang may pakana noon.
"Hi, Rea. It's been a long time."
"Shane."
Hinanap ng dalaga ang kaniyang bestfriend ngunit abala ito sa pakikipagsayaw sa isang Irish.
"I-I'd better go."
Akmang tatalikod si Rea nang maramdaman niya ang paghawak ni Shane sa kaniyang kamay.
At ang mga kamay na iyon ay nagdulot sa kaniya ng pagkapaso.
Gusto niyang hilahin ang kaniyang mga kamay ngunit tila ba nawalan siya ng lakas.
"Join me for tonight."
Para bang nakalimutan niya ang pag-iyak-iyak niya kanina dahil sa lalaking ito.
Bago nila lisanin ang bar ay sumulyap muna siya kay Karen na noo'y nakatingin na rin sa kanilang dalawa. Malayo man siya sa kaniyang kaibigan ay nababasa niya sa mga mata nito ang mga salitang "Ang rupok mo talaga kahit kailan, Rea."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro