Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 8

They would do it twice to three times a week. Sa tuwing nakikita niyang naghihintay si Shane sa labas ng workplace niya, alam na niya 'yun.

Rea had boyfriends before pero kay Shane lang niya ibinigay ang sarili niya. She found herself being crazily inlove with him at mas lalo iyong lumalala sa tuwing nagkakasama sila.

Hindi nga lang siya sigurado kung parehas ang nararamdaman nila ni Shane pero ang mahalaga ay napapasaya niya ang binata. Sa tuwing makatatapos sila, sapat na ang ngiting ipinakikita sa kaniya ni Shane.

***

Dumaan ang mga araw. Pagkatapos ng Friday shift ay napagawi si Rea sa labas ng kompanya. Lumingon-lingon siya sa paligid at bahagya siyang nanamlay nang hindi niya makita ang hinahanap.

Dalawang linggo nang walang paramdam si Shane.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Rea na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan.

"Ma'am, may hinihintay po ba kayo? Isasara ko na po sana itong main door," ani Carlos, ang security guard ng kanilang kumpanya.

"Sige, Kuya. Aalis na rin po ako. M-Mukhang hindi naman po makararating 'yung hinihintay ko."

"Pasensya na po Ma'am sa pagiging mabusisi, pero si Shane Filan po ba 'yung tinutukoy ninyo?" Napakamot ang guard sa kaniyang batok.

Malumanay na tumango si Rea at tipid na ngumiti.

"Ma'am, para pong nakasalubong ko 'yung kotse niyang pula. E may kasabay po yatang ano..." Nag-alangan pa ang guard na ituloy ang sasabihin.

"Ano po, Kuya?" Halata sa kilos ni Rea ang pagiging interesado.

"Chix, Ma'am. Blonde at medyo balingkinitan."

Napalunok ng laway si Rea. Kaya pala hindi na siya pinupuntahan ni Shane e dahil may bago na itong kinahuhumalingan.

"S-Sige po, Kuya. Uuna na po ako."

Dumiretso na si Rea sa kaniyang Panther Black Ford Territory. Nanginginig niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at nang makapasok siya ay doon na niya ibinuhos ang kaniyang pagluha. Sumubsob siya sa manibela.

Hindi niya alam pero nasasaktan siya. Nasasaktan siya kahit wala naman siyang karapatan.

Crush lang naman niya si Shane pero mula nang may mangyari sa kanila ay lumalim ang pagtingin niyang iyon. Alam niyang umiibig na siya sa binata.

Sa bawat pagtitig nito sa kaniya, sa bawat haplos nito sa kaniyang kamay, sa bawat oras na ang katawan nilang dalawa ay nagiging isa, doon niya napagtantong nahuhulog na siya.

Hindi naman niya akalaing mahuhulog lang siya pero wala palang sasambot sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro