Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 7

Kasalukuyan

"Alam mo na ang mga desisyon mo sa buhay, Rea. Hindi ka na bata." Tumayo na si Karen para maghanda sa pag-alis. "Basta kung kailangan mo ulit ng makikinig sa mga himutok mo, nandito lang ako. Pero next time may kasama ng sapak ha?"

Unti-unting lumiwanag ang mukha ni Rea at siya ay napatingin sa bestfriend niya. Ipinagpapasalamat niya na mayroon siyang ganitong kaibigan na hindi siya iniiwan sa kabila ng mga desisyon niya sa buhay.

"Salamat, Bessy!"

Sinalubong ni Rea ng yakap ang kaibigan.

"Oh, mukhang may sundo ka yata." Umismid si Karen at itinulis ang nguso sa isang direksyon.

Ipinihit ni Rea ang ulo sa direksyong itinuturo ng kaibigan at doon niya nakita si Shane.

Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Rea sa kaibigan bago tuluyang tinungo ang binata.

Wala nang nagawa si Karen kung hindi ang mapakibit ng mga balikat.

"Hi, Rea."

"Shane."

Isang halik ang ikinintal ni Shane sa mga labi ng dalaga.

Muling nagrambulan ang laman ng puso ng dalaga na hindi niya ipinahalata sa binata.

"N-Napagawi ka yata? Hindi ka man lang nagsabi."

Isang ngiti ang pinakawalan ni Shane. "I want to hang out." Binuksan na niya ang pinto sa may shotgun seat ng sasakyan. "Hop in."

Nang makapasok si Rea ay dumako na si Shane sa driver's seat. Mayamaya pa ay nasa daan na sila patungo sa labas ng Sligo. They are driving on the country roads.

Magtatakipsilim na nang marating nila ang isa sa mga pamosong bundok sa Sligo na Benbulben. Manaka-naka na lamang ang tao at karamihan sa mga ito ay pauwi na dahil na rin sa pagdilim ng paligid.


Pumunta sila sa may tagong bahagi sa gilid ng bundok. Naglatag si Shane ng blanket at ipinatong niya roon ang champagne at dalawang wine glass.

Umupo na sila habang nakatingin sa kalangitan na unti-unting sinusulputan ng mga bituin.

"What makes you come here in Sligo, Rea?"

Kasi sinusundan kita.

"To see someone. I came here to get his attention."

Sinimsim muna ni Shane ang champagne na laman ng wine glass na hawak. "He's a lucky man, indeed."

Masuwerte ka talaga, Shane.

"I guess he is," tipid na sagot ni Rea.

Napansin ni Rea ang paghawak ni Shane sa kaniyang kamay. Mayamaya pa ay itinaas niya ang kaniyang tingin hanggang sa magtama na ang mga mata nila ng binata.

They just found themselves doing it again, and the only witnesses are the stars and the moon above the sky.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro