COY: 5
Nakalabas na si Rea sa company building nang mayroon siyang matanaw na nakaparadang 2017 Mitsubishi Outlander na kulay Mercury Gray Metallic.
Malayo pa man siya ay nakita niya ang isang lalaki na sa hubog pa lang ng katawan ay kilalang-kilala na niya. Nakasandal ito sa sariling sasakyan. Panaka-naka ang pagtingin nito sa relong-pambisig na wari ba'y mayroong inaabangan.
Hindi niya maiwasang hindi hangaan ang taglay nitong kakisigan, na talaga namang mas lumilitaw habang ito ay nagkakaedad.
"Rea!"
Napapitlag si Rea nang tawagin siya ng binata.
Para bang natuod siya sa kinatatayuan dahil hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa. Nakita na lamang niya si Shane na papalapit sa kaniya habang dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak.
"Flowers for you."
Nagsimulang magwala ng puso niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ngayon ay kaharap na niya si Shane at magde-date pa sila!
***
Matapos nilang kumain sa Knox Restaurant ay nanood naman sila ng sine sa Omniplex Cinema ng A Quiet Place.
Panay ang kasisigaw ni Rea dahil sa gulat samantalang si Shane naman ay parelax-relax lang habang kumakain ng popcorn. Hinahayaan lang niya ang dalaga na kumunyapit sa braso niya sa tuwing nagugulat ito sa palabas.
"Rea, kung nand'yan tayo sa movie na 'yan, baka kasisimula pa lang ng palabas e nalapa ka na ng halimaw," tatawa-tawang sabi ni Shane.
Wala namang nasabi si Rea na noo'y itinulis lamang ang nguso.
"Popcorn?"
"T-Thanks."
Nawala na ang pokus ng dalaga sa pinanonood na palabas dahil nalipat ito sa kaniyang katabi.
Panakaw-nakaw niya itong sinusulyapan. Tila hindi naman nagambala ang binata dahil nakatutok ang atensiyon nito sa pinanonood.
Alas onse na ng hatinggabi pero magkasama pa rin sila. Kasalukuyan silang nakatambay sa mabuhanging pampang ng Streedagh Beach habang pinagsasaluhan ang isang case ng Heineken Beer.
Parehas na silang may tama dahil nakakailang lata na sila ng nakahihilong inumin.
Nagtatawanan pa sila dahil sa corny jokes ni Shane nang biglang mapatigil ang binata. Naudlot din naman ang pagtawa ni Rea na noo'y napansin ang pagiging seryoso ng kaharap.
Titig na titig lamang ang lalaki sa kaniyang mga mata, ang bawat titig na iyon ay hindi niya magawang iwasan at hindi niya kayang makawala.
Mula sa kaniyang mga mata ay naglakbay ang titig ni Shane patungo sa kaniyang mga labi at doo'y nagtagal iyon na para bang bawat bahagi noon ay kaniyang sinusuri.
Napalunok ng laway si Rea. Ang tangi niyang alam ay sobrang lakas ng pagtibok ng puso niya.
Hindi niya namalayan ang unti-unting paglapit ni Shane sa mukha niya dahil para bang nahipnotismo siya ng kastanyo nitong mga mata.
"Rea..."
"Shane."
Sa isang saglit pa ay magkahinang na ang kanilang mga labi na lalong nagpawala sa katinuan ng dalaga.
Nakahiga na si Rea sa mabuhanging lupa. Ang mga kamay naman ni Shane ay inalis na niya sa pagkakatukod kaya ngayon ay literal na nakapaimbabaw na siya sa dalaga.
Itinuloy lang nila ang pagpapalitan ng halik, sandaling titigil para suminghap ng hangin at agad din naman nilang itutuloy.
Naramdaman na lang ni Rea ang kanang kamay ni Shane na naglalandas patungo sa ilalim ng kaniyang suot na blusa. Wala pa siyang karanasan ngunit buong-buo niyang ibibigay iyon kay Shane kung nanaisin man ng binata.
Hinayaan lang niya ang binata. Mayamaya ay narating na nito ang dalawang umbok na hinahanap, dahilan upang magpakawala siya ng impit na anas dahil sa sensasyon na nararamdaman.
"Shane, b-baka may makakita."
"E 'di manood sila," Shane said in between his kisses. Mas lalo iyong nagpaalab sa nararamdaman ni Rea. Kumbaga thrilling 'yung experience kasi open space ang kinaroroonan nila ngayon.
Isinuot na rin ni Shane ang kabilang kamay sa blusa ng dalaga at ngayon ay nilalaro-laro na niya ito.
"Shaaaaaane.." Hindi na nakapagpigil si Rea kung kaya ay iginiya niya si Shane na pumailalim sa kaniya. Ngayon ay magkapalit na sila ng puwesto.
Sumaklang si Rea sa may bandang tiyan ng binata. Shane looked at her as he showed his devil grin.
Sinugpong ni Rea ng halik ang binata na mas nakapagpagana sa libido nilang dalawa.
She just found herself being undressed by Shane. She did the same to him which started by unbuckling his belt.
Ngayon nga ay parehas na silang walang saplot. Walang puwang ang lamig na dulot ng hanging panggabi dahil parehas na nagliliyab ang kanilang mga katawan dulot ng init na ipinadarama sa isa't isa.
Both of them shared wild kisses under the ray of moonlight. Tanging alon ng dagat at palitan ng anas nila ang tanging maririnig sa puntong iyon.
Muling inihiga ni Shane ang dalaga at ngayon nga ay ihinahanda na niya ang sarili sa pagpasok sa isang labanan.
"Rea.."
"S-Shane!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro