Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 4

Akmang aalis na si Shane nang marinig niya ang pagtawag ng isang babae.

"Mr. Filan!"

Ipinihit ni Shane ang katawan patungo sa direksiyon ng tumawag. Bumungad sa kaniya ang isang babae na sa tingin niya ay lahing Pilipina. May taas itong 5"4, may balingkinitang katawan, at kulay burgundy na buhok. Ang pinakanapansin niya sa dalaga ay ang dark brown eyes na taglay nito.

"S-Sir, are you looking for a unit?"

Bahagya niyang nginitian ang kaharap.

"Oo sana, kaso nawala bigla 'yung dealer na nandito kanina. Paalis na sana ako."

"Ay, Sir. Wag po kayong mag-alala. I am here to assist you. I'm Rea Cervantes, assistant manager of Grange Castle Motor Company." Inialok niya ang kamay sa kaharap bilang formality.

Walang alinlangang tinugon iyon ni Shane.

"You're shaking, Mrs. or Ms. Cer—"

"Ms.," pagsabad ni Rea.

Tumango-tango si Shane sa sagot ni Rea. "Okay, Ms. Cervantes."

"Kahit sino naman po ay panginginigan kung makakaharap ang isa sa miyembro ng Westlife."

Napangiti si Shane sa tinuran ng dalaga.

Mayamaya ay inilibot na ni Rea ang kliyente sa mga ibinebenta nilang sasakyan. Inabot rin halos isang oras ang pagpili ni Shane na sa huli ay  napagdesisyunang bilhin ang Ford Focus na kulay Race Red.

Buong ibinigay ni Shane ang €24,000  na halaga ng sasakyan.

"Mr. Filan, kami na po ang bahala sa registration ng sasakyan ninyo. Puwede po kayong bumalik after thirty days."

"Thirty days? Napakatagal naman noon." Napahawak si Shane sa baba habang nakakunot ang noo.

"S-Sir, gano'n po talaga ang itinatagal ng proseso sa pagpaparehistro ng sasakyan."

Nawala ang pangungunot ng noo ni Shane at napalitan iyon ng malawak na pagngiti.

"Alam ko. Pero puwede naman akong bumalik bukas kung puwede ka sana after your shift?"

"A-Ano'ng ibig mong sabihin, Mr. Filan?"

"I want to take you out on a date."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro