Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 13

Pampanga, Philippines

Nakaupo lamang si Rea sa harap ng desktop computer sa loob ng kuwarto niya.

Nakatingin lang siya sa picture ni Shane habang nagpapatugtog ng "I Can't Make You Love Me."

Dinarama niya ang bawat liriko ng kantang bagay na bagay sa kaniya.

Shane, I can't make you love me.

Masakit, pero totoo.

Muli na naman niyang naisubsob ang kamay sa mukha. Napapagod na siya kahahagulgol pero ang mga mata niya ay parang walang kapaguran sa pag-iyak.

Mahal na niya si Shane.

Pero kailangan niyang lumayo para ipaubaya ang binata sa taong nagugustuhan nito.

Oras na rin para mahalin naman niya ang sarili niya.

"Anak, may dalaw ka sa sala," saad ng ina ni Rea na kinatok siya sa kuwarto.

"D-Dalaw? I'm not expecting any visitors, 'Ma." Nagtataka man si Rea ay tinungo niya ang salamin para mag-ayos ng kaunti.

"Di ko alam, 'nak. Pero parang kilala ko kung sino 'yung dalaw mo. Parang nakit— ah basta. Lumabas ka na lang dito."

Nagpalit ng damit si Rea at naglagay ng kaunting lipstick. Nilagyan din niya ng eyeliner ang mga matang pugto na kaiiyak.

Kaswal siyang lumabas ng kuwarto para pumunta sa sala nang...

"S-Shane?"

Umahon sa pagkakaupo si Shane at ngiting-ngiti sa dalaga. May hawak siyang isang bouquet ng pulang rosas.

Para bang natuod sa kinatatayuan si Rea at nanatili lang na nakaawang ang kaniyang bibig. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

"Flowers for you." Kinuha ni Rea ang bulaklak na ibinibigay ni Shane.

"Shane, pa'nong, teka. Ano'ng—"

"Alam kong maraming katanungan sa isip mo, Rea. Pero ang mahalaga ay nagkita na tayong muli."

Kinabig ni Shane ang ulo ng dalaga papalapit sa dibdib niya.

"I miss you." Isang halik ang ikinintal ni Shane sa bumbunan ng dalaga.

"M-Miss mo ako?"

"Hindi ko akalain na mararamdaman ko ito pero iyon ang totoo, Rea. Nang umalis ka at 'di na kita matagpuan, parang nawalan ng isang parte ang puso ko. That's the time I found out that I'm crazy over you."

Hinawakan ni Shane ang kamay ng dalaga at kinantahan niya ito.

'Cause my heart goes crazy over you
Can't help but feel the way I do
I can't escape
I can't hide from the truth
Doing the things you do
I'm crazy over you
Crazy over you

"S-Shane. P-Paano si Gillian?"

Niyakap ni Shane si Rea. "Wala na kami. I realize na hindi naman pala totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Siguro, I was just attracted to her. Pero iba pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko."

Tinitigan ni Shane si Rea.

"I realize how special you are to me. Tinimbang ko kung gaano kalakas ang tama ko sa 'yo."

Kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I'm in love with you, Rea."

Hindi napigilan ni Rea ang pag-sommersault ng kaniyang puso. Hindi na niya pinigilan ang sarili kung kaya dinaluhong niya ang binata at siniil ng halik sa mga labi.

"I'm in love with you too, Shane."

Muli pa silang nagpalitan ng halik, halik na walang halong pagnanasa kung hindi puno ng pag-ibig sa isa't isa.

~ Wakas ~

Hi! This Wattpad story is dedicated to our birthday girl, Sis Rea Retodo. 😘

Two days ko lang ginawa ito, with the help and motivation from Team Hakdogs so please bear with the grammatical errors. 😅

Sana all naka-quota na kay Shane. 😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro