Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 12

Ilang daang metro rin ang tinakbo ni Rea nang sa wakas ay mayroon siyang namataang cab. Walang pagdadalawang-isip niya iyong pinara at pinadiretso niya ito sa kaniyang bahay.

Samantala..

Napalayo na rin si Shane sa sasakyan niya kahahabol sa dalaga. Natanaw na lang niya itong sumakay sa cab kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang lumuhod sa kalsada habang habol niya ang kaniyang paghinga.

Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya para sa dalaga. Ang alam lang niya ay ayaw niya itong malayo sa kaniya. At natatakot siyang tuluyan na itong mawala sa kaniya.

***


Kinabukasan,

"Mr. Filan, naparito po kayo?" tanong ni Christine Joy, ang sekretarya ni Rea.

Luminga-linga si Shane sa kabuuan ng store. Tila ba meron itong hinahanap.

"Ah.. eh. Si Ms. Rea po ba ang hinahanap ninyo?"

Pinukol ni Shane ng tingin ang kaharap.

"Oo sana e."

"Ah, Sir. Nag-file po kasi si ma'am ng immediate resignation."

"Resignation?" Kunot ang noo ni Shane sa nalaman.

"O-Opo. Ang paalam po sa akin, uuwi na raw po ng Pilipinas. Hindi po sinabi kung bakit."

Namaywang si Shane at napakagat ng labi.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira sa Pilipinas?"

"O-Opo. Pero, bawal po kasing sabihin. Confidential po kasi." Yumuko ang dalaga.

Nasabunot ni Shane ang buhok. Tumango-tango siya. "Nauunawaan ko naman. Salamat pa rin, Christine."

Akmang aalis si Shane nang pigilan siya ng babae.

"Pero Sir, puwede ko naman pong sabihin sa inyo, atin-atin lang kung mapagbibigyan ninyo ang request ko." Kiming ngumiti ang babae sa kaniya.

***

Sakay na ng eroplano si Shane patungo sa Pilipinas. Hawak niya ang maliit na papel na kinaroroonan ng address ni Rea. Kabilin-bilinan ni Christine Joy na huwag na huwag ipagsabi na sa kaniya nanggaling ang address dahil baka ikatanggal niya iyon sa trabaho. Sumang-ayon naman si Shane.

"Mr. Filan, puwede ko po bang maka-video chat si Brian Mcfadden? Ano po kasi.. idol ko po kasi siya. Hehe." Nahihiyang sabi ni Christine Joy. Ito ang inihirit sa kaniya ng dalaga kapalit ng address ni Rea.

Gumuhit ang malawig na ngiti sa mukha ni Shane. "Yun lang pala e!"

Tinawagan ni Shane si Brian. Hindi lang video call ang ihihiling nito sa kasamahan. Papupuntahin niya ito mismo sa store.

"Christine Joy, mabuti pa ay ibigay mo na sa akin ang address. Pangako, si Brian mismo ang tatawag sa 'yo."

"T-Talaga po?"

Tumango-tango si Shane.

Dagling pumasok sa opisina si Christine para halughugin ang files. Mayamaya pa ay dala na nito ang kailangan ni Shane.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro