Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COY: 11

Nanatili sa loob ng kotse ang dalawa. Parehas silang nakaupo sa passenger's seat. Nakahilig ang dalaga sa mabuhok na dibdib ni Shane samantalang nakaakbay lang sa kaniya ang binata.

Binuksan ni Shane ang stereo ng sasakyan at nagpatugtog siya ng "I Can't Make You Love Me."

"Shane."

"Uhm?" Tiningnan ni Shane si Rea nang pukawin ng huli ang atensiyon niya.

Turn down the lights
Turn down the bed
Turn down these voices inside my head
Lay down with me
Tell me no lies
Just hold me close, don't patronize
Don't patronize me

"Ano ba tayo?"

Kumunot ang noo ni Shane.

"Of course, we're friends."

Nakaramdam ng gibik sa lalamunan ang dalaga. Para bang nag-iinit ang paligid ng kaniyang mga mata.

Cause I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark, in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no you won't
'Cause I can't make you love me, if you don't

"Y-Yes, we're friends."

Hinawakan ni Shane ang baba ng dalaga at iniharap niya ang mukha nito sa kaniya. "Why?"

Iniiwas ni Rea ang tingin niya sa binata dahil baka hindi na niya mapigilan pa ang pagluha. Isang malalim na paghinga ang hinugot niya.

"Paano 'pag nalaman niya?" Yumuko si Rea. Natatakpan na ng buhok ang kaniyang mga mata.

"Niya?"

"Shane, alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Umalis sa pagkakahilig sa dibdib ni Shane ang dalaga. "You are dating her, right?"

"Rea..."

"I think what's happening between us should stop."

Ipinihit ni Shane ang katawan para harapin ang dalaga.

"Pero..."

Hinarap ni Rea ang lalaking tangi niyang pinipintuho. Mapait na ngiti ang ipinukol niya rito.

"Natatandaan mo ba 'yung time na tinanong mo ako kung bakit ako pumunta sa Sligo?"

Seryoso lang na nakatingin si Shane sa dalaga.

"Sabi ko, I came here to get someone's attention. Tama ka ng sinabi, he's a lucky man indeed."

Isang patak ng luha ang tumulo sa pisngi ni Rea.

"Rea, huwag kang umiyak." Akmang pupunasan ni Shane ang luha ng dalaga ngunit napigilan siya nito.

"Shane, hayaan mo muna akong magsalita, please." Ginamit ni Rea ang likod ng kaniyang palad para ipahid sa luhang tumulo sa pisngi niya. Ngunit kahit nagawa niya iyon ay napapalitan naman agad ito ng panibagong luha kaya hinayaan na lang niyang maglandas ito sa kaniyang pisngi.

"Sampung taon na ang nakaraan, trese anyos pa lang ako noon nang makuha niya ang atensiyon ko. Napapanood ko lang siya sa TV noon. Parte siya ng boyband. Lahat naman kasi sila guwapo pero sa kanilang lima, siya lang talaga 'yung kumuha ng atensiyon ko. Siya lang 'yung naging crush ko. Kaya mula noon, hinangad ko na mapansin niya ako pagdating ng panahon."

"At sa wakas, sa tinagal-tagal ng panahon e napansin na niya ako. Akalain mo bang kung kailan ko siya hindi hinahanap, saka naman siya magpapakita? Napakatuso talaga ng tadhana."

"Sa dinami-rami ng car dealer shop sa Sligo, sa store pa namin siya napadpad. Yung tipong hindi ko ininda 'yung sermon na nakuha ko sa boss ko ng araw na iyon dahil pinakansela ko ang importanteng meeting namin. Wala e, once in a blue moon lang 'yung chance na makita siya so gr-in-ab ko na."

"Hindi ko inaasahan na ang pagkikita pala naming iyon ay masusundan pa. I was the happiest woman in the world nang inaya niya ako ng date. Imagine? Sa kaniya mismo nanggaling iyon? Grabe."

Tila ba napapagtagni-tagni na ni Shane ang kuwento ni Rea ngunit nanatili siyang nakikinig sa dalaga.

"Nasundan nang nasundan iyon. I even gave myself to him kahit pa wala akong karanasan. Wala e, mahal ko e. Gusto ko siyang mapasaya. Kahit pa alam ko na one-sided lang 'yung love, wala akong pakialam."

"Pero ang hirap pala ng ganito. Lalo na 'pag alam mong nakikihati ka kasi may iba siyang nagugustuhan." Pagak na tumawa si Rea. "Nakakatawa nga e, bakit nga ba ako humantong sa ganito e simula pa lang wala naman na talaga kaming label. I am just his fuck buddy. He can throw me away anytime. At ito na nga ang kinatatakutan ko."

Idinampi ni Rea ang kamay sa pisngi ni Shane. "Ikaw Shane, ikaw ang dahilan ng pagpunta ko sa Sligo. Ikaw ang lalaking matagal ko nang hinahangaan at ang lalaking gusto kong makuha ang atensiyon."

Hinawakan ni Shane ang kamay ni Rea na nakadantay sa pisngi niya.

"Shane, tapusin na natin ito. Ayokong may nasasaktang babae dahil sa ginagawa natin. At... at hindi dapat humahantong sa ganito ang... magkaibigan."

Kinintalan ni Rea ng halik sa mga labi ang lalaki. Mabilis ngunit puno ng pait. Pait ng pamamaalam.

Agad lumabas ng sasakyan si Rea at tumakbo siya nang mabilis makalayo lamang kay Shane.

Dagling nagbihis si Shane para lang maabutan ang dalaga.

"Rea!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro