CHAPTER TWENTY-TWO: GOOD JOB
CHAPTER TWENTY-TWO | GOOD JOB
Bianchi
A FAR FROM our original plan, only Jaziel came and take me to my dormitory inside the university compound. Nagkasakit kasi si Mama tapos si Kuya nasa Edinburgh para sa kaso na hawak niya. Kasama niya doon si Venice dahil hindi maalagaan ni Mama. One of my mother's cousin pays us a visit the other day and take care of her. Habang nasa biyahe kami ni Jaziel ay emosyonal na ako kasi may sakit si Mama tapos nahihirapan pa si Kuya na pagsabayin ang pag-aalaga kay Venice at trabaho niya.
Kanina ko pa pinag-iisipan kung tutuloy ako sa dorm o i-re-refund na lang binayad ni Kuya. Kaso mahigpit akong binilinan ni Mama na huwag magbabago ang isip ko. Kailangan daw desidido ako lagi kapag may plano kahit pa tinuruan ako ni Kuya na magkaroon ng plan B at C. Sadyang hindi lang ako mapakali dahil nahihirapan ang pamilya ko. Nabaling ang tingin ko kay Jaziel ng hawakan niya ang kamay ko.
"I'll help your Auntie after we finish unpacking your things at your unit." Nakagat ko ang ibang labi upang pigilan na huwag maiyak. "Don't cry. You'll be fine there and your mom will be okay, hm?"
"Kuya is struggling too." I cried.
Agad ako inabutan ni Jaziel ng tissue na pamunas ng aking luha. Marahan niya hinagod ang likod ko pagkatapos upang pakalmahin ako. His other hand is on the steering wheel. Eyes were on the road.
"They're okay in Edinburgh. He just called you a while ago, right?"
Hindi ko talaga maiwasang mag-overthink at kahit malapit palang kami sa university compound ay mas lumalala iyon. Nag-uumpisa na rin akong malungkot dahil pagkatapos mag-unpack, aalis na rin si Jaziel. I will be on my own when he leave later. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko at pakiramdam ko'y sasabog na ang aking utak.
"Do you want to grab some ice cream before we drive to the university compound?"
Tumango ako kahit alam ko na panandalian lang ang relief na ibibigay sa akin ng ice cream. Hindi pa rin maalis na magiging mag-isa na ako pag alis ni Jaziel. Ngayon lang ako nag-think twice ng ganito kahit noong una ay desido at excited pa ako. May mga hindi kasi inaasahan na pangyayari kaya ganito ako at kahit ilang ice cream pa ang kainin ko, hindi ito basta-basta maalis sa isipan ko.
Is it normal to cry on my first day at the dorm?
Lahat ba ng estudyante, umiiyak kapag naiiwan sila mag-isa o ako lang talaga. Pakiramdam ko para akong nursery na may seperation anxiety bigla. Daig pa ako ni Venice na hindi umiyak noong unang araw niya sa normal school. To think that my niece has been home schooled since she was three year old.
"What if my classmates don't like me?" tanong ko kay Jaziel.
"Let them be. You're the master of your life. Please do not depend on their liking. Impress yourself more, Bia."
"Will you come when you have spare time?"
Intership niya na kaya malabo na ang spare time. Baka nga after graduation ko na siya makasama ulit. Alam ko kung gaano siya magiging abala sa internship, projects at kung ano-ano pa. Jaziel gave up his part time jobs to focus on studying. Gano'n din ginawa nila Owen at Simon na kapwa niya ga-graduate ngayong taon.
"I'll do that. I will call you every day until you fall asleep."
"I'll make you proud here,"
Umiling siya saka sinapo ang magkabila kong pisngi. "Make yourself proud instead. You owe nothing to anyone, Bia."
"Thank you for always boosting my confidence."
Hinawakan niya ang kamay ko. "When you are weak, I have to be strong to boost your confidence, and you're doing the same with me when I'm weak."
Inayos niya ang tissue ng ice cream cone na hawak ko bago iyon binalik sa akin. We stayed for five more minutes there before driving away.
Eto na talaga. Wala nang atrasan pa. As long as they believe in me, I can conquer anything.
***
"THIS is the last box, babe," sambit ni Jaziel saka akin saka naupo siya sa kama ko matapos iyon ilapag sa sahig.
Ibig sabihin ay aalis na siya. He have to drive back home in London tonight so I cannot hold him here for long. Nakakaawa naman kapag sobrang ginabi na siya sa daan at baka mamaya ay kung mapano pa.
"Call me when you arrived home." Bilin ko sa kanya saka ngumiti ako.
Giniya niya ako paupo sa kandungan niya saka hinawi ang buhok aking buhok at inipit 'yon sa likod ng aking tainga.
"I gonna miss you, babe."
Sumimangot ako at hinampas ang braso niya. Naiiyak na naman tuloy ako. Kailangan niya na umalis bago pa ako ngumalngal na parang bata dito.
Tumayo ako at hinila na siya patayo sa kama. "Drive safe and call me when you arrive, hm?" Paalala ko ulit sa kanya saka hinalikan siya sa kanyang labi. I tiptoed to kiss him better and a little deeper. Hinapit niya ako sa baywang kaya nagkadikit ang katawan naming dalawa. I have to pull away first even if I don't want to. "We should stop."
"I know." I chuckled. Nagdikit ang mga noo namin. "I'll call you later. Always lock the door and windows. Don't leave your belongings unattended."
"Yes, Dad!"
"I'm serious, Bia."
"I know. I love you."
"I love you more."
Hinalikan niya ako ulit bago siya tuluyang umalis. Tinanaw ko lang siya ang usapan namin kanina hindi ko siya ihahatid sa labas ng dorm. Hindi rin daw siya lilingon para hindi namin mamiss lalo ang isa't isa. I feel it now. Medyo nagpapanic na naman ako dahil mag-isa na lang ako ulit. Unfamilliar pa ng lugar at wala pa ako ni-isang kakilala.
"Is that your boyfriend? British?"
Sunod-sunod na tanong na pumukaw sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tanong at bumungad sa akin isang babae na may magandang mata, matangos ang ilong, at kulay mais ang kulot niyang buhok. She has freckles on her face it added to her natural beauty. Magkasing tangkad lang kami at may bitbit siya na Harry Potter Book Chest.
"Are you a HP fan?" tanong ko.
"Can you tell?" Ngumiti siya saka pinakita ang hawak na book chest. I brought mine too! Yung regalo sa akin ni Jaziel noon. "I'm Frida Mayer. I'm your roommate."
"Bianchi Trinidad. You can call me Bia; yes, that guy is my boyfriend. He's British."
"God, I love their accent."
"I know, right?"
"Does he have a brother?" Natawa ako. Iyon ang lagi tanong sa akin kapag nakikita si Jaziel. Maraming may gusto na magkaroon din sila ng boyfriend na Briton.
"He has friends." Si Owen ang nasa isip ko kaso hindi iyon pure blood na Briton. Si Simon naman masyadong in love sa first love niya. Si Owen na lang talaga.
"I need your referral!" I laughed. Inaya ko si Frida sa loob at magkatulong namin inayos ang unit naming dalawa. "Do you want chocolat choud?" She's French and I'm having a hard time to understand her accent. "That's hot chocolate milk."
"Ah... Sure! I want some."
Mukhang may kaibigan na ako. Kahit barrier ang accent sa amin. Baka matuto pa ako sa kanya ng French at tuturuan ko naman siya ng Tagalog. I'm proud of my progress even if it's little by little.
***
THE NEXT MORNING, Frida and I went out for breakfast. Ngayon ang unang araw ng klase naming dalawa. Pareho kami ng kinukuhang kurso kaya seatmate na rin kami. She met Jaziel a while ago via Facetime. Sakto pa na kasama ng boyfriend ko si Owen kaya naging instant cupid kami ni Jaziel.
Sandali lang pag-uusap namin dahil kailangan na mag-prepare ni Jaziel para first day niya kumpanya na papasukan bilang intern. Pinalakas namin ang loob ng isa't-isa kaya handa na ako harapin ang lahat ngayon sa unang araw ko dito sa university.
"Granola and yogurt for me," sabi ko sa chef na nasa harapan ko saka umusod na ako kuhaan ng refresher. Sinundan ako ni Frida hanggang sa payment corner. We both handed our university food card for payment.
"Let's go to that corner," ani Frida at magkasabay kami lumakad dalawa. Hindi lang course at year namin ang narito sa cafeteria at nag-aalmusal. Halo-halo kami at halos lahat ay parang magkakakilala na. Siguro dahil galing sila sa isang high school tapos dito nagkita-kita ulit. "You came from Glasgow International School?"
"Yeah before I redo everything and apply here. Luckily I got accepted." I'm two years ahead of Frida. Hindi lang naman ako matanda sa klase namin saka sabi nitong bagong kaibigan ko hindi naman halata na mas matanda ako sa kanya. Para nga lang daw kami magka-edad.
"I studied in London, but my father got relocated for nth time here in Scotland." Inalok niya ako apple slices na hindi ko naman tinanggihan. "Since it's our first day, most of our time will be wasted in introductions. Can you come with me to buy some school stuff?"
"Sure, but I have to visit my workplace and submit our class schedule to get a work slot at the theater."
"You have part time job?" Tumango ako at bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Frida. "That's cool. I might wanna try it."
"I'll ask my boss if she has vacancies." We smiled at each other.
I told Frida what my job is and she's fond of movies just like me. Magaan kasama itong si Frida at ang dami niya kwentong baon kaya hindi ako na-bore ngayong araw. Hindi na daw niya mabilang kung ilang beses siya bumalik dito sa Scotland. Bawat taon daw ay nalipat sila dahil sa trabaho ng tatay niya. She's wishing that everything here in Scotland are permanent. Nahihirapan na kasi siyang mag-adjust lagi at puro na lang introduction at farewell ang napa-praktis niya.
"Is it okay to have a six-hour shift?" tanong ni Madison sa akin.
"I'm okay with that." Ngumiti si Madison at inumpisahan na niya ako i-schedule sa calendar na hawak niya. "Do you have vacancies now?"
"Yeah, you need a partner since I transferred Nicole upstairs with Franco."
"My friend is looking for a part-time job. We have the same schedule and course at the university."
"Cool. I'll put it on the schedule."
"Thanks, Mads!"
"You're always welcome." Ngumiti si Madison at pansamantala akong iniwan.
Matapos ang lahat sa school dito na kami dumirecho ni Frida sa plaza. Tama nga ang kaibigan ko pulos introduction lang ginawa namin ngayong araw. Na-update ko na si Jaziel at Kuya sa mga ganap ko ngayong araw. Naka-share naman sa kanilang dalawa ang location ko kaya alam nila kung nasaan ako. Kinawayan ko siya at pinalapit sa akin para makita siya ni Madison.
"Am I in?" tanong ni Frida nang makalapit sa amin.
"Yes. Madison is fixing our schedule, and we will be partners inside the booth."
"Yay! Thank you, Bia."
"You welcome."
Ang sabi ni Frida, ililibre niya ako ngayon at sino naman ako para tumanggi sa libre. Makapal ang mukha pero minsan lang kapag close ko na. Kahit isang araw lang kami nagkakilala nitong si Frida, magaan na magaan na talaga ang loob ko sa kanya. Kwela pati siya kaya tiyak ko na magugustuhan siya ni Owen. May pagka-clumsy din kaya pakiramdam ko hindi kami dapat magkahawak kamay dahil baka pareho kaming madapa dalawa.
"How long have you been dating Jaziel?"
"Almost seven months."
"You managed a long-distance relationship?"
"Yeah. We're making it work. We have scheduled calls every day and then video calls. He's driving from London to here sometimes to visit."
Hangang-hanga si Frida sa tatag namin. Masasabi ko kasi na mas open na kami ni Jaziel ngayon sa isa't-isa. There's no more lies and hiding the truth. May tiwala pa kaming dalawa sa isa't-isa. Mahirap kasi long-distance kung walang tiwala at kahit overthinker ako, iniiwasan ko na mag-isip ng worst case scenarios. Ayoko kasi na magkatotoo iyon at parang hindi ko pa kaya lalo.
"Bianchi?" tawag na nagpalingon sa akin agad. Isang tao lang ang natawag sa akin ng buong pangalan bukod kay Kuya kapag galit na siya.
Si Ryker.
Anong ginagawa niya rito?
Hindi ko inasahan na may ganitong reunion kami matapos hindi sila mag-reach out sa amin. I couldn't forget how his mother forsaken me for having a relationship with Jaziel. Samantalang una nagloko ang anak nila. Ang laki-laki ng kasalanan ko sa mga mata nila at hindi nagawang tingnan ang ginawa ng kanilang mahal na anak.
"W-what are you doing here?" tanong niya pa ulit sa akin.
"I'm studying at the University of Glasgow."
"I transferred this year there." What? Ang daming school dito sa Glasgow bakit sa pinapasukan ko pa. "I'm wondering if we can rekindle -"
"I'm still dating your cousin, Ryker." Binalingan ko si Frida saka inaya na umalis na.
"Why him?"
Huminto ako sa paglakad. "Why not him?"
"He lied."
"You cheated, Ryker. Jaziel lied because he didn't want me to be hurt. Jaziel admits his mistakes; I know it's the bare minimum. But still, Jaziel proved himself not only to me but to my family as well that he deserved a second chance."
Huminga ako nang malalim.
"He loves me for me. He makes it with my family and gains my brother's trust. What he'd done were the things you didn't do because you always have an alibi to say. I cannot settle for someone who's treating me like an option. You and I will never happen again, Ryker."
Hindi siya nakasagot at cue ko na iyon para tuluyang umalis kasama ni Frida. Tuloy-tuloy kami naglalad hanggang sa makalayo kami at mapatalungko na lamang ako.
"You're cool a while ago, Bia. I ain't gonna do that if I were in your shoe."
"It feels lighter, Frida."
"Good job, Bia."
I did a good job! Nakaka-proud naman ako kahit kabadong-kabado ako kanina. I did it, wohoo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro