CHAPTER TWELVE: THE MOON AND THE STARS
CHAPTER TWELVE | THE MOON AND THE STARS
Bianchi
THE MOON is fat, but half of her is missing. A ruler-straight line divided her in half but was still perfect. From her yellow glow, despite the craters, she's still beautiful. Gano'n yata talaga, your imperfections make you stand out beautifully. And she's the only silent witness to how Jaziel kissed me that night. That magical moment I experienced exceeded my expectation.
Jaziel wasn't my first kiss, but I guess I could say that he's the first real one. I could still feel his lips against mine.
I unconsciously touched my lips.
Kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasang kiligin habang gumugulong dito sa kama. I'm not just reading a book. Totoong nangyari ang confession ko, ang sagot niya at ang halik! Pakiramdam ko talaga ay nasa loob ako ng isang romance manhwa ngayon. Is it right to call him my boyfriend now?
Pwede na ba?
Huminto ako sa pagtingin sa buwan at tinuon na sa mga inaayos ko na damit. Bumili ako sa thrift store ng used clothes at nireremedyuhan ko para maging in. May ilang oversize t-shirt din ako binili na nalabhan ko na kahapon. Kinuha ko iyon saka tumayo para isukat. Tatlong kulay ang binili ko at lahat ay susukatin ko ngayon para alam ko na susuotin ko bukas.
Ang maganda sa oversize shirts, kahit saan bagay. But I prefer pairing it with jeans whether it's ripped jeans, mom's or fitted. Naka-leggings ako ngayon at bagay din pero masyadong malamig sa labas kaya hindi pwedeng leggings lang. Kinuha ko ang high heels na baon ko sa pagpunta dito saka lumakad-lakad ako sa harap ng whole body mirror sa kwarto. Marami nagsabi na papasa akong model na kinontra naman ni Dianne.
Malamang naiingiit sa akin.
Ayen is one of those. Pinilit niya ako na mag-audition pero ayoko dahil baka mahuli ako ni Kuya. Nakita ko nga mga leaflets na may mukha niya sa park noong isang araw. Nag-speech pala siya sa isang university na malapit dito kaya may pa-welcome banner. Sikat talaga ang kapatid ko dahil sa pagiging magaling niyang abogado.
I will never let him caught me. Tatawagan ko naman siya kapag kailangan na.
Isang katok ang gumulat sa akin at sa pagbukas noon ay mukha ni Jaziel ang bumungad.
"The food is ready." Kumunot ang noo niya nang makita ang mga kalat ko.
"I'll clean up after eating!" Tinulak ko siya palabas hanggang sa sabay kami bumaba.
"You bought the whole thrift store?"
"Nope. Just a few oversize shirts and cardigans. I'm fixing some because it has a small hole." I say. "What did you cook?"
"I made rice musubi for us."
Jaziel is a great chef, just like his mom. Hindi ko nga alam bakit architecture pa ang kinukuha niya gayong mas nag-e-excel siya sa pagluluto. Even his part-time jobs were related to cooking. Every Monday and Thursday, he has a duty at Sal's - a pizza slash burger parlor on the second street. On Tuesday, Wednesday and Friday, he sells hotdogs in the plaza.
Tuwing weekend naman ang day off na siyang day off ko rin kaya lagi kami magkasama. Whether on a trip with his friends or just the two of us on a long road trip riding his motorcycle. Katatapos lang ng bakasyon namin kasama ang mga kaibigan niya kaya baka iba naman ang gawin namin bukas. At some point I am excited because Jaziel has a lot surprise to pull without me being notice it. He's a masters of all surprises, but it's still a mystery to why he work two part time jobs then attend a class after.
"Jaz, I have a question," sabi ko saka hinainan na siya ng pagkain. It's my turn to move because he cooked after studying. Nagpahinga lang ako pagkauwi namin. More like nagkalat sa kwarto ng mga binili ko. "Why do you work?"
"Hmm, for our future?" I frowned and smacked his arm. "Why? I see nothing wrong with planning for the future, babe. Especially now that I see you getting excited whenever you shop online or going thrifty sometimes."
Basher pa rin siya. Nabawasan na nga pagiging gastador ko dahil sa tulong niya. Pero aminado din ako na nawiwili nga ako sa pag-o-online at thrift store shopping.
"You have a lot of money. Your mom's a chef and a restaurant owner and you dad is... your dad." Wala ako masyadong alam sa tatay niya. Basta gambler daw at nasusuportahan noon ang luho ni Tita Jaz na medyo responsible na ngayon sa pera.
"It's my parents' money, not mine. I worked for myself before, but you happened, Bia." Ginagap niya ang kamay ko at masuyo iyon hinawakan. "I have to work for us. I'll make you proud and be an architect soon."
Heto na ang sagot sa tanong ko kanina kung pwede ko na ba siyang tawaging boyfriend ko. He's indeed my boyfriend now. Nakaka-overwhelmed lang ang advance planning niya pero kaya ko naman maka-keep up.
Kaya ko naman.
Sana.
I smiled at him and held his back. Nilagyan ko ulit ang plato niya ng pagkain at sabay kami kumain dalawa.
***
I AM SURE that I saw Kuya a while ago. Narito siya sa London ngayon para siguro hanapin ako. Nakakaba tuloy lumabas pero napilit ako ni Ayen na samahan siya sa pamimili ng mga kung ano-anong gamit sa school. Pero imbis na sa school supply store kami napadpad ay dito sa bagong bukas na thrift kami napadpad dalawa. I failed to stop myself from shopping again! Busy si Jaziel sa review center pero sabi niya mag-di-date kaming dalawa mamaya. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta pero excited na ako dahil first date namin as a couple.
"How far did you two go?" tanong ni Ayen out of nowhere. Kumunot ang noo at nang tingnan niya ako natawa siya. Hindi linggid sa kaalaman niya ng iba pa na kami na ni Jaziel. Mahirap itago sa kanila dahil affectionate si Jaziel. "Oh God what an innocent lady are you. Does Jaziel make a move already? H on C? T on C? Or maybe H up and down on P, am I right?"
I am puzzled.
What on Earth was she saying?
Naubusan na yata ako ng slang words pero ngayon ko lang narinig ang mga sinabi niya. Is that even a word or does it mean something?
I am sure it's the latter, but how shall I answer Ayen?
Nalipat ang atensyon ko sa aking cellphone na sunod-sunod na nag-vibrate. It was a chat message from my ex-boyfriend about how Kuya bugged him. Serves him right but what he said next makes me stop and stare.
From: Ryker Asshole
I've been thinking about you lately. I know you're still in London, but tell me where so I can meet and bring you home. I miss you so much, Bia. Reply ASAP. Please?
"Are you still with me, Bia? Come on, what took you so long to answer my question?"
Napatingin ako kay Ayen. Hindi ko talaga ang isasagot at dumagdag pa sa iniisip ko si Ryker. He's thinking about me? What happened to his flings?
Huminga ako nang malalim at binalik ang damit na kanina ko pa hawak.
"I have no idea what you're talking about, Ayen. I have to go home. I forgot to make lunch for Jaziel."
"Oh God, you're so divine! I don't know if this is a blessing to Jazzy or a curse."
"Whatever! Come on, and I'll pay for your clothes. I have coupons."
"I take it back. I love you, Bia." Ngumiti ako nang halikan niya ako sa pisngi. Sweet si Ayen kapag ganito na may nakukuha siya pabalik. But I still like her. Pambalanse sa mga kaibigan niyang lalaki.
Pagkabayad ko ng damit ni Ayen, naghiwalay na kami at dumiretso uwi ako. Palusot ko lang naman ang 'yung nakalimutan ko ihanda ang lunch ni Jaziel. Pagdating ko kasi nasa bahay na siya at nagluluto habang nagbabasa ng reviewer niya.
"Where is Ayen? I thought you two would hang out together today," tanong niya sa akin.
"We hang out already. I bought Ayen clothes using my coupons."
Nakita ko kung paano sampalin ni Jaziel ang noo niya. Hindi ba hangout ang ginawa namin ni Ayen? Buying a friend something she like is hanging out to me. Baka magkaiba kami ng depenisyon dalawa. This is all because of that asshole and Ayen's puzzling codes.
"Your socializing skills are on the next level, babe."
"Thanks for the compliment."
"It's not a compliment."
"Still, thank you! I'll be upstairs, hm?"
Lumakad na ako paakyat saka mabilisang binura lahat ng chat ni Ryker. I even blocked him so he can never message me again. I cannot make him a priority when I'm just an option. Tapos na ako sa phase na iyon at may bago na akong boyfriend. Boyfriend na pinaglilihiman ko simula pa lang ng lahat.
It doesn't matter, Bia. Now, let's search Ayen's puzzling codes a while ago.
I key in the codes I remember and got instantly shocked about the result. It's horrible and I never knew those codes were existing until someone educate me indirectly. Kahit noon kay Ryker hindi ko nagawa 'to. I am wondering which side of Earth I was born. Dahan-dahan ko dinampot ang throw pillow sa sahig at niyakap habang binabasa ng paulit-ulit ang sagot ni Google sa tanong ko.
***
I SAW Jaziel picked up his shirt on the floor after doing some exercise. Hindi ko dapat ginagawa ito pero narito pa rin ako. Tatawagin ko lang siya dapat para ayain na maglakad kami sa labas. Na-stuck lang ako sa panonood sa kanya habang ginagamit ang pull up bar.
This isn't nice, Bia!
Tatalikod na sa pag-aakala na hindi naman niya ako napansin kaso mali pala ako. Jaziel placed a new towel on my head and dropped his arms on my shoulder.
"Stop peeking from a far, Bia." Inalis ko yung tuwalya na nakatalukbong sa ulo ko. Ginulo na naman niya ang buhok ko! Ang tagal-tagal ko pa naman inayos nito. "Wait for me outside. We'll go out as I promised a while ago."
"To where?"
"It's a surprise, Bia. Surprise."
I pouted out my lips and followed him. Binato ko sa kanya ang binalumbon ko na tuwalya na nasalo naman niya. Kahit hindi ko na pala siya ayain, marunong naman pala siya makaalala. Muli ko inayos ang buhok ko bago lumabas ng bahay. I put a simple make up on my face. Ni-retouch ko lang yung lip gloss at all set na ako. Sinuot ko yung binili ko na damit kahapon na tinerno ko sa dalawang patong na leggings.
Mabilis naman kumilos si Jaziel kaya hindi ako maghihintay ng matagal. Sa aming dalawa, ako ang may pinakamaraming seremonyas sa katawan. Sa skin care palang lugi na siya.
Nalipat ang atensyon ko sa cellphone ko. Pagsilip ko pangalan ni Ryker ang bumungad at nagtatanong kung bakit siya naka-blocked sa main account ko. That I should stop being stubborn and go home. Wala naman daw magagawa ang pagmamatigas ko at babalik din ako sa kanya.
The audacity of this cheater.
I hit the block button after reading his messages. Manigas siya at hinding-hindi ako babalik sa kanya.
"Bia, let's go," ani Jaziel saka hinawakan niya ang kamay ko matapos inabot ang university jacket niya. "you seemed busy with your phone. Was there an important messages that came in? Your face suddenly loose its color."
Kanina pa ba niya ako tinitingnan? Saka para saan ba itong jacket? "I-it's just a spam. Right, a spam!" Palusot ko at naiinis na ako sa sarili ko dahil strike two na pagsisinungaling ko ngayong araw.
"Change your number then or your phone. It has a crack already."
"Its still useful. Don't mind it." Nagpatuloy kami sa paglalakad at medyo malayo na kami nang maisipan ko magtanong sa kanya. "Where are we going?"
"I'm glad that you asked finally!" Hinampas ko siya sa braso niya. Ayaw pa sabihin kanina pa kaya ako tanong ng tanong. "We're near. Come on and stretch those short legs of yours."
"I'm not short-legged!"
Natatawa niya akong pinasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang open park. Hinawakan niya ulit ang kamay ko saka inalalayan ako umakyat sa pinamataas na area nitong open park. I saw a set underneath a tree and it has a view of the moon and the stars. Malamig ang hangin na humampas sa aming dalawa kaya napilitan akong suotin ang jacket na bigay niya. Iyon pala ang purpose noon. Well at least he gave me his university jacket. Dagdag kilig points.
"I saw you staring at the moon always so, I set this up as a surprise. My friends help me and I'm glad they kept their mouth shut." Jaziel knows how to focus on the little things about me. Hindi ko sukat akalain na napapansin pala niya na lagi ako nakatingin sa buwan. Napatingin ako sa kanya ngumiti. "When I have free time, we'll visit a planetarium."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you!"
Jaziel pulled me closer, hugged me back, and rested his chin on my shoulder. I planted a quick kiss on his cheek again.
Napaisip ako bigla dahil kanina pa ako na-ba-bother sa mga sinabi ni Ryker. Why would I settle back to a boy like him when I have here a man?
Jaziel is a man who gives me the moon and the stars.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro