Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER THIRTY-ONE PART 2: KIEN CASHMERE

CHAPTER THIRTY-ONE PART TWO | KIEN CASHMERE

Bianchi

Two months later.

"MAMA, luto ka ng suman. Gusto ko ng suman."

Hiling ko kay Mama na abalang ginugupitan iyong halaman ni Jaziel sa garden namin. Past time ni Mama ang gupitan at diligan ang mga halaman dito sa bahay na hindi ko magawa. I'm too lazy to get out of the bed. Kaya lang naman ako nakabangon ngayon dahil nagke-crave ako sa suman bigla.

"Walang dahon ng saging dito sa London, Bianchi Denise. Kaya kita gawan pero sticky rice lang na ihuhulma ko sa gawaan ng gimbap."

Ngumuso ako.

Wala kasing dahon ng saging dito sa London, kung meron 'man ubod ng mahal. Kaya bandang huli ay pumayag ako sa suhestyon ni Mama.

Kami lang ang magkasama sa bahay at sa weekend pa uuwi si Jaziel na sobrang miss na miss ko na. I told him that his trip to France will be the last time I will let him go. Bukod na sa manganganak na ako, hindi talaga biro iyong pakiramdam na dinadaan ko lang sa pag-iyak gabi-gabi.

Lagi ako napapagalitan ni Mama dahil sa tuwing gigising ako, mugto ang aking mga mata. Lagi rin ako puyat at sa umaga natutulog na isa pang dahilan kaya ako napapagalitan.

...How will I able to sleep comfortably when there's an active baby inside me?

Hindi nga yata natutulog itong baby ko dahil sobrang likot niya at ang sakit pa manipa. Gaya ngayon, naglilikot na naman siya dahil kakain nagugutom na.

"Can I have some milk? Your grand child is complaining inside, Mom."

"Go ahead, and help yourself." Ngumiti ako at agad na nagtimpla ng gatas. Tinantya ko iyong init saka lamig bago nilagyan ng ilang scoop ng gatas. "Ano gender ng baby ni Kuya? Nakatulugan ko na iyong live chat niya sa akin."

"A girl," Mama answered immediately.

"Ulit?" Tumango si Mama saka natatawang umiiling. "Three girls..." I said,

"Still a blessing and Heart planning to get pregnant after this one. She wants to have a boy so bad. Ang sabi ko nga sa kapatid mo, mag-ampon na lang kaso ayaw pa ni Heart."

"Kung alam niyang kaya pa niya nagbuntis, kakayanin ni Heart."

Sa akin naman, hindi ko pa masabi kung may balak kami sundan agad itong paparating naming anak. Gusto muna namin makasiguro ni Jaziel na healthy itong dinadala ko bago magplano ulit.

Although, Jaziel wants a big family because he was an only child. I unconsciously sashayed my eyes on the calendar. Kaya ko pa naman ibigay iyon sa kanya basta kailangan ko na alagaan ang aking sarili habang ginagampanan ko ang pagiging asawa kay Jaziel at nanay sa baby namin.

"Masaya din ang malaking pamilya talaga na tingin ko ay pangarap ni Jaziel." Tumango ako saka dahan-dahan na uminom ng gatas. I gently rubbed my belly after drinking. My baby is happy again. "Mauuna manganak si Heart sayo kaya uuwi muna ako saglit para tumulong kay Kuya mo."

"This baby is like Kuya's first, right?"

"Kaya nga kailangan ko samahan at baka mataranta bigla."

Tumawa ako matapos i-imagine si Kuya na aligaga. I laughed without that Jaziel can be in distress too when the time has come. Sa sobrang OA noon baka hindi pahawakan ang baby namin kahit kanino. Nahinto ako sa pagtawa nang tumunog ang aking cellphone.

"It's Jaziel. I'll be in my room, okay?" Nang tumango si Mama agad ako lumakad paakyat sa kwarto bago iyon sinagot. "Hey, babe!"

"Hi!" Bati niya sa akin pabalik. Napansin ko na nasa airport na siya ngayon. "I'm heading home now, babe."

"Wait, you said you'll be home by weekend. What happen? Is your boss suddenly became humane after you submit your resignation?"

He chuckled. "It looks like that. She give me a week long vacation too but I refuse it. I'm already decided to accept the offer at Owen's company."

Wala na talaga makakapigil sa desisyon ng asawa ko. Nasagad na kasi siya at pati pinahuling pisi niya'y naputol na rin. "Come home now, Architect. We miss you so much!"

"I will be home soon. Don't sleep yet, okay?" Parang natutulog naman talaga ako. I waited 'till he realized that I cannot sleep well. "He's active?"

"He?"

"Yeah, I have a feeling that it's a boy. Do not make bet because you will loose in the end."

"I still want a bet!" May gusto akong puntahan na restaurant na nag-se-serve ng fresh lobster, hipon at crabs. Gusto ko kumain noon kaya kailangan magpustahan kaming dalawa. Pero kapag natalo ako, ako ang magbabayad eh wala pa naman akong work.

"What do you want, Bia?"

"I want to eat seafoods. Date me in a seafood restaurant, please?" Nagpaawa ako sa kanya hanggang sa pumayag siya. Tumango naman si Jaziel at ibig sabihin lang noon effective ang pagpapa-awa ko sa kanya. I heard his flight being called in the background. "I'll see you later, babe. Safe skies, hm?"

"I will. I love you,"

"I love you, too." Pagkatapos ng tawag, binalikan ko si Mama na nasa kusina na at niluluto ang request ko sa kanya. "Ma, what do you think the gender of my baby?"

"A girl? I don't know, I'm not a soothsayer, Bianchi."

"Jaziel has a hunch that it's a boy,"

"I'll be happy if it's a boy. Your Kuya gave a lot of girls already. I also want a baby boy, Bia." Hinaplos ko ang aking tiyan. Naglilikot ulit ang baby ko na para bang hindi ko siya pinakain kanina. Sabagay kulang iyong gatas lang at naamoy ko na iyong matamis na sawsawan ng suman na pinagawa ko kay Mama. "This will be ready in few more minutes."

"I'm excited to eat!"

"Ang takaw!"

"Maganda pa rin naman ako kahit matakaw."

Hindi na kumibo si Mama. Minsan pangit talaga siya ka-bonding dahil hindi talaga siya magsisinungaling. Parang si Kuya lang at iyon yata ang epekto kapag may yumaong asawa na abogado at anak na may kaparehong propesyon.

I told Mama that Jaziel is going home tonight. Kaya tinuloy-tuloy na niya ang pagluluto hanggang panghapunan dahil manonood pa raw siya. Bakasyonista lang din talaga si Mama dito sa London na naninita.

But I love Mama so much. Once in my life, I dreamed to be like her. Sana maging gaya ako ni Mama.

Sana.

ANOTHE MONTH HAVE passed and I'm here at my OB's clinic alone. Orientation ni Jaziel sa bago niyang trabaho kaya hindi ako nasamahan. Ayos lang naman at may proxy siya na nasa labas ngayon.

Si Ayen.

I know that woman is allergic to this kind of place but she has no choice. Stuck na siya sa akin lagi dahil siya lang bukod kay Mama at sa biyenan ko ang pinagkakatiwalaan ni Jaziel. Umuwi na si Mama muna para tulungan si Kuya na maghanda sa panganganak ni Heart kaya mag-isa ulit ako sa bahay ngayon kapag umaalis si Jaziel.

"Are you ready?" tanong sa akin ng OB nang makapasok siya sa kwarto ko.

Taimtim ako na dumalangin na nawa'y malusog at maayos ang development niya sa loob ko. I am twenty-two weeks pregnant now and people around me telling me that I will be having a big baby boy. Patulis daw kasi ang tiyan ko kaya dapat daw ako maniwala sa kanila.

I still want to be sure though.

Mahirap na magbakasakali at maniwala sa mga sabi-sabi. London is a advance country, and living in here makes me rely on the technology than a hearsay. CAS ultrasound is for me to know my baby's development. Used to confirm it's gestational age, the number of fetus, the possible birth defects and the gender. Sa pinakahuli ako na-excite dahil halos isang buwan na kami nag tatalo-talo kung ano ba ang kasarian ng dinadala ko.

Tumango ako sa doktor at agad naman niya pinatulungan sa nurse para iangat ang damit ko. Nilagyan na nila ng gel ang aking tiyan saka dinaanan ng aparato na magpapakita sa amin ng image ng aking anak.

The doktor counted my baby's finger on the screen. Ayaw pa nga magpabilang noong dahil nakakuyom ang kamay niya. Kumpleto iyon pati na ang iba pang parte ng mukha ng anak. Sa screen palang alam ko na agad na kamukha siya ni Jaziel.

"You have an incoming little boxer, mommy," sambit ulit ng doktor saka tinuro ang genital ng aking na kumukumpirma sa kasarian nito.

"Oh, my God!" Naiiyak ko na sambit. Ayen came in and hand me a plies of tissue. Tumingin siya sa screen at napa-yes pa ng malakas. "Did you have a bet with the boys?"

"Owen and me only. Jaziel is out of the question because he's sure that his hunches were right." Si Jaziel nga ang unang nakahula sa kasarian ng baby namin at pinanidigan niya talaga iyon hanggang kaninang umaga. "Do you want me to plan for your gender reveal party?"

"Sure." I said, then I looked again to the screen.

My baby boy is so cute and my prayers were answered again because he's healthy and complete. Wala rin nakitang abnormality sa kanyang puso pati sa ibang parte ng katawan nito. Ang concern ko ay nalipat sa posisyon ng anak ko dahil naka-breach ito. My OB told me that he will turn in the next month so I don't need to worry. Makakatulong din daw kung kakausapin ang baby para makatulong sa kanyang pag-ikot.

"What will be your baby's name?" tanong ni Ayen nang makalabas na kami sa ospital.

Papunta na kami ngayon sa supermarket para mamili ng gagamitin sa maliit na gender reveal party namin mamaya. I already called a cupcake shop near our house and ordered mini cake with twelve small cupcakes. Sinabi ko na lagyan ng blue icing sa loob para kapag hinati ay ma-reveal na ang gender.

"Cashmere."

That came to my mind immediately after knowing the gender a while ago. It sounds elegant but when I read Cashmere, the name itself turned my world into a better place that I fascinates. And my baby indeed turned mine and his Dad's world into a better place to live in since I got pregnant to him.

"It sounds intelligent. I cannot argue with because he has an amazing parents waiting him in the outside world."

Ngumiti ako at muling inaya si Ayen sa grocery store.

Pagdating namin sa bahay, agad na nag-ayos si Ayen habang ako naman ay inayos ang mga binili ko na dessert. Hinanda ko rin ang lulutuin na pasta para sa aming hapunan. I texted my in law and she's on her way now to our house now.

"Hey babe," anang tinig na pumukaw sa akin. "What is Ayen doing outside?" tanong ni Jaziel at akmang bubuksan ang sobre ng resulta ng aking CAS. Mabilis ko iyon naagaw sa kanya at tinago sa aking likuran.

"She's preparing for our baby's gender reveal party. Are you with Owen and Simon?"

"Yeah, they're outside with Ayen. Can I see your results now?"

"No."

"Babe..."

"No." Ngumiti ako saka pinasa sa kanya ang apron. "How was the work orientation?"

"Owen didn't orient me. He literally passed all his workloads to me." Reklamo ng asawa ko na dahilan ng aking pagtawa. "He's a pain in the ass and I regret to be part of his team."

"That's defamation, dude! Your baby might hear your words against me, Jaz," sikmat ni Owen na agad lumapit para batiin ako. "Make me win, Bia. I bet for a baby girl."

Gusto ko matawa pero ayoko muna sabihin. Sinabi ni Ayen kung ano pinagpuntahan nila ni Owen. Round trip ticket to Denmark ang hiling ni Ayen na may kasamang pocket money pa. Literal na pinagkakitaan ni Ayen ang baby namin ni Jaziel.

"It's a boy, Owen. Just give Ayen what she want now," sambit ni Jaziel na tinanggihan ni Owen. Malaking pera kasi ang ilalabas ni Owen kapag natalo na hindi naman problema dahil malaki sahod niya.

"Frida!" sigaw na narinig namin sa labas. It was Ayen who shouted upon seeing my guest who just arrived. I invited Frida without notifying Owen first.

Tumingin sa akin sina Owen at Jaziel agad. "Past is past. She's my best friend too, so deal with it." Mabuti na lang may kakampi ako sa loob ng aking tiyan kaya hindi nila napagalitan.

Being pregnant has many pro's...

"BABE, I have a name now," deklara ni Jaziel sa akin matapos ilapag ang cake sa gitna ng lamesa sa labas.

Nagkanya-kanya ng lapit ang mga bisita nila dala ang mga pagkain na galing sa loob. My mother-in-law brought a lot of food with her. Hindi ko na natuloy ang pagluluto dahil may dala din Frida na naunang dumating ng ilang oras. That friend of mine is with Ayen and they're talking after placing the food in the table.

"What name is that?" tanong ko.

"Kien. Whatever you planned to name our baby, put Kien in it."

I smiled.

Pero hindi lang naman ako ang nakaisip ng Cashmere. Nabanggit iyon ni Jaziel noon kapag kinakausap ang baby namin. Nag-search ako agad at natuwa sa meaning kaya iyon ang aking pinili.

"We're ready now," pukaw sa amin ni Ayen saka inabutan kami ng kutsilyo ni Jaziel. May asul at rosas na ribbon.

"What are we going to do?" tanong sa akin ni Jaziel.

"We're going to cut the cake and it will reveal the gender through color. Blue for boy, and pink for girl." Tumango-tango ang asawa ko.

Excited na siya at kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. We both held the knife ans slowly cut the cake to reveal the color in its middle. Everyone continuously cheered and when we revealed the color, Jaziel hugged me immediately. Nakita namin na agad nilapitan ni Ayen si Owen para singilin ito sa napagpustahan nila.

My mother-in-law hugged me after Jaziel released me from his hug.

"Congratulations, love," she said, planting a kiss on my forehead. Love ang endearment sa akin ng mother-in-law ko at sweet naman talaga ang mga briton.

Binalingan ko ulit si Jaziel matapos niya makipagbatian sa mga kaibigan. I hugged him again and whispered our child's name.

"It's Kien Cashmere, babe,"

"Kien Cashmere," ulit ni Jaziel sa pangalang binanggit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro