CHAPTER THIRTY-ONE PART 1: CRAVINGS
CHAPTER THIRTY-ONE PART ONE | CRAVING
Bianchi
ANG AKING CRAVINGS for today's video ay ang asawa ko. Pero pinaalis ko siya kanina kasi naiirita ako sa mukha niya at amoy. Tapos ngayon na-miss ko na at kanina pa ako sumisinghot-singhot dito. My mood didn't improved even if Ayen is with me right now. Hindi na rin niya alam ang gagawin sa akin dahil umiiyak ako habang nakain.
May instances pa na pinalabas ko si Jaziel ng kwarto namin tapos ilang minuto lang ay tinatawag ko na siya habang umiiyak. Tinatawanan lang ako ni Mommy kapag sinasabi ko ang ginagawa ko sa anak niya.
Kilala niyang hindi reklamador si Jaziel at susunod lang sa akin kahit ano iutos ko. She told ME that she experienced what I'm experiencing right now. Siya pa nga daw ang lumayas noon dahil sa inis sa tatay ni Jaziel.
Pero ngayon hindi ko talaga alam kung ano uunahin na maramdaman, gutom o pagka-miss sa asawa ko. Lahat ng ito ay dala ng pagbubuntis ko at ilang buwan na rin pabago-bago ang mood ko. I am a living nightmare for everyone here in London.
I was nine weeks pregnant when we found out and am currently on my twelve weeks tomorrow. Bukas din ang schedule ko sa ultrasound kung saan pwede na namin marinig ang heartbeat ng baby sa loob ko. Excited na kinakabahan kasi noong unang beses na mabuntis ako ganito rin ang lahat.
Lahat ng naramdaman ko noong mabuntis six year ago, nararamdaman ko ulit ngayon. Nausea, headache, dizziness, metallic taste in my mouth and above all sore breasts.
"I already called Jaziel and he's on his way home now," deklara ni Ayen sa akin.
"How about his work? He has deadlines and is an inconsiderate boss," I said, crying real tears.
Ayen wiped off the tears on my face. "Thanks for giving me a hint; how does pregnancy feel like, Bia? You're so weird, but your emotions are valid, okay? Your husband told me, 'Damn all the paper works. My wife needs me.'" Ayen tried to imitate Jaziel's voice but failed in the end.
I smiled.
"You don't have plans to have a baby, Ayen. Stop fooling around." Tinuloy ko ang pagkain at nang maubos ko ay nagpapaawa akong tumingin kay Ayen. "I'm still hungry."
"That's your fourth bowl of potato salad, Bia."
"I'm still hungry. I want white fried rice with lots of garlic, fried egg, sun-dried fish, and tomatoes." Nasa isip ko lang ito mula pa kaninang umaga.
"Where on Earth will Jaziel find that?"
"He'll cooked it." Huminga nang malalim si Ayen saka nilayuan ako para tawagan na naman si Jaziel.
Hindi niya talaga ako iniwan kahit inis na inis na siya sa akin. Alam ko na inis na inis na siya sa akin dahil dami ng aking request na parang imposible. She waited Jaziel to arrive home and cook my request. My mood lighten up a bit when I smelled the sun-dried fish being cooked after the fried egg and rice.
"Look at your eyes. It turns puffy already," Jaziel said while cooking my food. Marahan akong pumikit nang halikan niya ang talukap ng aking mga mata.
"Iw! A while ago, I feared pregnancy. Now, I hate you both. I'm out here because I can't stand the smell. Call me when you need a crying companion." Paalam ni Ayen saka tuloy-tuloy na lumabas ng bahay namin matapos buksan lahat ng bintana para lumabas ang amoy ng piniritong tuyo.
"We pissed her off."
"Let her be, Bia,"
Mabuti at may kasamang tuyo at kamatis sa pinadala ni Kuya noong nakaraan at nakapag-request na rin ako ng marami na isasabay sa bagahe ni Mama. Pupunta si Mama dito para may kasama ako kapag umalis itong si Jaziel sa susunod na linggo. He has a project to do in France and he'll be away for two months. Matagal pero kailangan kasi trusted na architect siya ng kliyenge doon. Ayoko naman siya pigilan saka naiinis pa rin ako sa kanyang mukha.
"I miss you," sambit ko. "But, what about your work now? Did you tell Ayen that damn all the paper works?"
"Yeah, and my boss traveled down memory lane a bit. That's why his approval on my early out got delayed. He said he was on my shoe last year when his wife got pregnant."
"I guess you did receive good luck and a gentle tap on your shoulder after he told his story,"
"How did you know?"
"Kuya got that too at work when Heart got pregnant again." Jaziel smiled and turned off the stove, and served my food. "I've wanted to eat this. Thank you for cutting your schedule to cook these for me."
"Anything for you and the baby," he replied, planting a soft kiss on my forehead. "You smelled sun-dried fish already."
"Same to you. Call me weird, but I like the smell on your skin," I said in a flirtatious tone.
"What are you suggesting?" Ngumiti lang ako. "Bia..."
"What? I'm not suggesting anything." Patuloy akong kumain at tuwang-tuwa ako nang malasahan na iyon. Pati baby ko tuwang-tuwa din dahil wala pa isang oras gutom na naman kaming dalawa. When I eyed my husband, I caught him smiling while looking at me so intently. Kailangan talaga makuha ng anak namin ang mga mata niya pati na ilong. Those were what I love about him. "Tomorrow is our scheduled ultrasound." I said casually after I swallowed the food in my mouth.
"What are we going to hear and see tomorrow?"
"The heartbeat and the baby itself. There's another ultrasound to know the gender when I reach my sixth month." By that time, he will be home. Two months lang naman ang usapan at bawal mag-extend kung 'di magwawala na ako.
"How are you feeling?" Tumingin ako kay at alam ko naman na nararamdaman din niya ang pakiramdam na meron ako. "We will be all right, babe. God gave that baby to us already,"
"But, what if it stops developing again? I cannot feel any movement yet, and I have to wait until twenty weeks to feel that bizarre movement that can be compared to butterflies."
"Stop thinking about the what if's, okay? It's ours, and He gave it to us to treasure." Tama si Jaziel. Hindi muna ako siguro mag-iisip ng kung ano-ano sa ngayon. I have to pray that there's a baby inside me developing, and it's just my body feeling pregnant. "Mama called a while ago and said she'll be earlier than her supposed flight. Dominic got an earlier flight for her."
"Do you have to go? Can't you pass the job there to others?" Sa halip na sagutin ang sinabi niya tungkol kay Mama, nagtanong ako ulit. Hindi lang naman kasi siya ang arkitek sa trabaho nila pero si Jaziel ang gusto ng kliyente sa France. Hindi rin sariling idea ni Jaziel ang gagawin doon. Sa pagkaka-alam ko, tatlo sila. "Owen told me that they have an opening for architect position. Their boss is generous and humane."
"I already submit my curriculum vitae there. They called me after, and I asked them if they could wait until my project in France is done."
Gusto talaga ni Jaziel ang project sa France. Mukhang wala na akong magagawa pa kahit magpa-awa kami ng anak namin, wala magiging epekto. Patuloy lang akong kumain habang nag-iisip ng sasabihin ko sa kanya.
Bumuntong hininga ako matapos sumubo ng isang punong kutsara. Ngiyuya ko iyon dahan-dahan saka nilunok. "I'm going to miss you,"
"Same here even if you always want me to go out and leave." Hindi ako kumibo. Hindi rin naman tunog reklamo ang sinabi ni Jaziel. "Owen's company said yes, babe. So, after my France project, I'll deal with resignation, transitions, and new work environment adjustment. And of course, our baby because you're already on your 21 weeks by the time I come home." Pagtutuloy niya sa kwento tungkol sa aplikasyon niya sa kumpanya na pinagta-trabaho-an ni Owen.
I smiled when he rubbed my belly.
Sigurado ako na may movements na ang baby naramdam ko kapag bumalik si Jaziel. Kaso hindi ko pa rin matanggap na kailangan niya umalis. Kung pwede lang na bumiyahe ako, gagawin ko kaso OA itong si Jaziel, ni-pakilusin ako ay ayaw. Kahit hindi pa ako nakaka-buwelo sa pag gawa ng gawaing bahay, nakasita na siya agad lalo kapag dumadaing ako na masakit ang balakang. Mangangaral pa siya kaya minsan naiinis ako.
Kaso pag wala naman siya umiiyak ako.
Saan ba tayo lulugar baby?
***
MATAMA kong tiningna si Jaziel habang naglalakad kami papunta sa clinic ng OB ko. Galing kami sa parking lot at saktong may tumawag sa kanya na katrabaho pagkababa namin sa sasakyan. My husband seems pissed off. Halata sa boses niya kaya nahaplos ko ang tiyan ko agad. Alam naman kasi na naka-leave siya pero si Jaziel at ako lang iyong naka-leave pero natatawagan pa rin.
In my case, I have a considerate sister-in-law while Jaziel has a bunch of bureaucrats co-workers. That's so sad and sometimes he'll come looking so tired. Ako lang daw ang pahinga niya at sa tuwing uuwi ay yayakap siya sa akin nang mahigpit saka hahalik sa pisngi aking pisngi.
"Dad is not mad with us, baby," mahina kong sabi habang hinahaplos ko ang aking tiyan.
Pinatigil ako ni Jaziel sa paglalakad sandali at nagpalit kami ng pwesto. He took the side of the pedestrian that's near the bike lane. Kahit abala siya sa kausap, attentive pa rin siya at kahit noong hindi pa ako buntis ay ganito na si Jaziel. Inakbayan niya ako at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kanyang ginawa.
"Babe, I want a cake," Jaziel hushed and that made my lips pout. Hindi pa ba tapos iyong pag-uusap nila. Ang sarap pa naman tingnan ng cake na nadaanan namin kani-kanina lang. Nakita ko iyon at kapag pagkain, matalas mata ko talaga.
"What do you want?" tanong ni Jaziel nang matapos sa kausap.
"Cake. The one with unicorn design." Parte ng cravings ko ang cake (kahit anong flavor basta unicorn design) na sasamahan ko pa ng dried mangoes sa ibabaw kapag kinain na.
"Venice?" Sumimangot ako nang banggitin niya ang pangalan ng pamangkin ko. Mahilig kasi sa unicorn si Venice at iyon ang lagi hinihiling na regalo sa amin. Nahawa na nga yata ako kay Venice at parte din sina Venice at Millie ng cravings ko. Hindi ko alam kung posible pero pinapasama ko sila kay Mama sa pagpunta dito. Bakasyon naman sa Pilipinas kaya pwede kaso depende pa rin kay Kuya. "Just kidding. We will get that cake after your check up, okay?"
"Okay!" Magkahawak kamay kaming lumakad papunta sa clinic. Naghalo-halo ang pakiramdam ko nang makapasok na kami sa loob clinic. "Kinakabahan ako," I said and intently look at Jaziel's face.
"Don't be, okay?"
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Tumango ako saka sumama sa nurse nang ayain ako papunta sa isang kwarto. Sa pagkakataon lang na iyon naghiwalay ang kamay naming dalawa ni Jaziel. Sumunod siya sa amin at tinulungan ang nurse na alalayan ako sa paghiga.
Since I am wearing a dress, the nurse covered my lower body with a blanket and carefully pulled the hem up. Sinabihan niya ako na papahiran na ng gel ang tiyan ko bago daanan ng gadget para makita ang image ng baby ko pati na ng heartbeat niya. Mas humigpit ang hawak ni Jaziel sa kamay nang pumasok na ang doktor sa loob.
They started massaging the gadget on my belly until an unexplainable image appeared the screen beside my bed. Madilim lang ang screen sa umpisa pero nagkaroon ng puti. The doktor said that it is my gestational sack where our baby. Pumailanglang rin sa kabuuan ng kwarto ang tunog ng heartbeat ng aming baby. Sobrang lakas at hindi ako makapaniwala na mas maghahalo-halo ang aking nararamdaman.
"Its size is as big as a lime fruit now," the doctor said.
Tumingin ako kay Jaziel.
Hindi ko maiwasang matawa nang makita na yumuyugyog ang magkabilang balikat niya. Nauna pa sa akin umiyak itong tatay ng anak ko. But I understand his feelings. Hindi lang naman ako ang may pinagdaanan six years ago. Matagal namin hinintay ito at ibinigay na nga Niya sa amin.
I extend my other hand to reached Jaziel's head. Marahan ko sinuklay ang kamay sa kanyang buhok. Binalingan ko ang doktor nang sabihan ako na mag-ingat at huwag muna maglakad-lakad ng malayo. Saka na lang daw kapag nakalampas na ako sa ika-limang buwan ng aking pagbubuntis.
"Hey, are you happy?" tanong ko kay Jaziel.
"My happiness is beyong measure, babe," he answered. Dahan-dahan ako bumangon at masuyong inabot ang kanyang mukha. I wiped off the tears on his face. Hindi crybaby si Jaziel. Mas iyakin ako kaysa sa kanya at tanging heartbeat saka image lang ni Little Lime ang nagpaiyak sa asawa ko. "I love you both so much!"
"We love you, too, Dada."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro