CHAPTER THIRTEEN: LONDON BOY
CHAPTER THIRTEEN | LONDON BOY
Bianchi
DATING JAZIEL is a mixture of chills in a good way and feeding up my insecurities.
Why?
Because Jaziel has everything I am average at. He's super smart. Studying at an ivy league school. Working two part-time jobs a day and he still manage to date me after. Habang ako isa lang ang trabaho, nakikipagtalo pa sa sarili ko kung itutuloy ko ba ang pag-aaral dito sa London.
I want to enter the same university with Jaziel even if he only has a year in college. But with my GPA and SATS, that will remain a dream. Drop out pa ako sa school na pinapasukan ko sa Scotland. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay isipin na mamahalin pa rin niya ako kahit average girl lang ako. Hindi ko pala talaga sineryoso ang pag-aaral noon dahil masyado ako naka-focus kay Ryker na niloko din naman ako bandang huli.
Hindi ko na dapat iniisip ang mokong na 'yon. Pero siya ang dahilan nitong gumugulo sa isipan ko. I sashayed my eyes to the group of girls exiting Jaziel's university. I look more average than all of them. Sinundan ko nang tingin ang dahilan ng kanilang tilian.
I should expect this. They're popular at school while I'm just a regular girl whom they met on the streets. Pinilit ko ngumiti nang makita na palapit si Jaziel sa akin kasama si Owen at Simon. Si Ayen lang kulang at buo na ang squad namin pero lagalag ang isang iyon kaya madalang na makasama sa amin. Agad ako inakbayan ni Jaziel at kinuha ang bag na nakasukbit sa aking balikat.
He's always like this - a gentleman type who doesn't want his girl exert any effort. Dito ako sa school dumiretso pagkatapos ng maikling shift ko. Nadagdagan na kasi ang empleyado kaya yung dating 12hrs, 6hrs na lang ngayon. Bawas sahod pero okay lang naman at may pahinga ako ng maaga.
"Let's eat at Sal's?" Alok ni Simon. Maaga pa kaya maabutan pa namin bukas yung pizza parlor na pinapasukan ni Jaziel.
"Dude, you got it! I miss their pizza," segunda naman ni Simon.
Nagpanggap akong interested sa usapan nila. "Are you okay?" Mahina at halos pabulong na tanong ni Jaziel sa akin.
"Yeah," I answered, then smiled, but I didn't convince him.
"We'll go first. I'll meet you at the beach later." Narinig ko na paalam ni Jaziel sa dalawang kaibigan niya. I tried catching his attention but I didn't succeed. Nagpatianod na lang ako nang umiba na kami ng daan dalawa at hindi sumama kay Owen at Simon.
"You're hanging out with them, right?"
"Yeah, but my girl first before anything else." Tinulak ko at sinubukan na itago ang kilig pero bigo ako. "What's with a long face earlier? Should I fetch you at work and not make you wait for me?"
"No. It's not that."
"Then, what is it, Bia?"
"It's nothing, Jaziel. Let's meet the boys at Sal's so we can join them on the beach too."
Nagkayayaan sila mag-night swimming kahit saglit lang daw pantanggal ng stress sa school works at day jobs. May part time din sila Owen at Simon gaya ni Jaziel na hindi umaasa sa pera ng mga magulang nila. Kung kagaya lang nila ako mag-isip noon, hindi kami siguro nag-aaway lagi ni Kuya. Pati parking at violation tickets ko si Kuya ang nagbabayad noon. Now, I need to work 6-12hrs a day to be able to earn money for groceries and other expenses I have.
Kapag nalaman ni Kuya ito, tiyak na magpapadasal 'yon. Matino na ang kapatid niyang pasaway. Ganito pala kapag matured ang nakapaligid sa akin, nadadala ako at natututong magplano. I don't want to plan another failure. Kailangan ko na itama ang lahat!
***
"UH, CLOSE, babe. That would be three to the power of two." Napatango ako at pinalitan ang sagot sa equation na sino-solve ko. I bought SATS reviewers and tried some online Math equations too. May natatandaan naman ako at may konting na-miss gaya na lang kanina.
"Thanks, babe!"
I hate Math but since this is necessesary, I have to take all of this seriously if I want to enter an ivy league school. Kahit hindi na sa school na pinapasukan ni Jaziel. Sa ivy league school graduate si Kuya at Ate Pao na may mga highest Latin honors pa. Alam ko na sinabi ko noon na hindi nila ako magiging katulad pero susubukan ko pa rin ngayon. After all, walang Trinidad na mahina ang loob kaya kailangan ko makasabay.
"Are you planning to go back home to finish college?"
Nahinto ako sa pagsasagot ng mga Math equations at tumingin kay Jaziel. Dahan-dahan ako tumango at parang hindi na siya nagulat. Para bang expected na niya na yun ang susunod ko gagawin matapos ko sabihin na bibili ako ng mga reviewers. I told him that I'm taking Business Management Studies back in Scotland. Gusto ko rin kunin ang kursong English Literature kasi iyon talaga ang gusto ko.
"I can just get my documents and study here at your school, but I have a small problem..."
"What is it?"
"My grades cannot afford to enter an ivy league school. I have a lot of delays back in Scotland, plus I dropped out."
"That's not a problem, babe." Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "To get into an ivy league school, you must go back yesterday. It means going back and achieving at least 3.75 GPA and fifteen hundred on SATS."
Napalunok ako. Nakakangilo pakinggan ng mga sinasabi ni Jaziel. Para dito palang ay susuko na dahil pang matalino talaga ang mga school dito sa London. Agad ko sinara ang sinasagutang reviewer at huminga nang malalim.
"You can do it, Bia."
"You think I can? You're calling me semi-smart before."
He chuckled. Hinawi niya ang takas na buhok at inipit iyon sa likod ng aking tainga.
"I'm sorry for teasing you. You may not be the smartest and most beautiful because there's always someone who got everything, but my eyes are on you. I know you can do it, and I can tutor you, so don't worry, hm?"
"You're in London, and I'm in Scotland, babe."
"We'll make it work. I only have a year in college, and after graduation, I can look for a job in Scotland so we can be together."
I didn't expect to hear that from Jaziel. Gagawin niya talaga ang lahat para lagi kami magtagpo sa gitna. Ito ba ang perks kapag London Boy ang boyfriend? Ang swerte ko naman dahil kapag nawawala ako sa track, hinihila ako ni Jaziel pabalik. Kaso kaya ko na bang umuwi?
"I don't think if I'm ready to face my family now." Walong buwan buwan na ako dito sa London at hanggang ngayon hindi ko pa rin kaya umuwi. Iniisip ko pa rin na magagalit sila sa akin ng malala kaya heto ako at takot na takot pa rin.
Napatingin ako kay Jaziel ng hawakan niya ang kamay ko. "They will never be mad at you, Bia. You don't need to adjust so we can be together. We will make this work out for us."
Another unexpected things about Jaziel. Hindi ganito kapag nag-ra-rant ako sa mga kaibigan ko o kahit kay Ryker tungkol sa aking pamilya. May sinasabi sila na dumadagdag sa pagrerebelde ko at hindi ko iyon narinig kay Jaziel. He's pushing me to go back home and reconcile with my family. Pwede naman pala na ganito.
Why does dating a London Boy have to be like this?
***
NAGTATALO ang puso at isip ko kung tatawagan ko na ba si Kuya o saka na lang. Napursigi ako ng sinabi ni Jaziel at nang kagustuhan niya na umuwi ako sa pamilya ko. I sense no regret nor selfishness in his voice. Pinipilit niya talaga ako umuwi para maayos ko na kung ano 'man ang gusot na meron at makabalik na sa pag-aaral. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag sobrang matured ng relationship.
At age of twenty-two I feel so energize to do the things I love because of the strong support system that I get from Jaziel. Idagdag pa ang suporta ng mga kaibigan niya na naging malapit na rin sa akin. I stopped from thinking about Kuya and busied myself checking all the picture we got last night. Namimili ako picture namin ni Jaziel na ilalagay sa wallpaper ng cellphone ko para maganda pa rin tingnan kahit basag na. Mamaya ko na lang poproblemahin si Kuya dahil hindi pa talaga ako handa.
"Planning to enter an ivy league school?" Nagulat nang basta na lang ilapag ni Dianne sa harap ko ang mga reviewer ko. Sa pagkakaalam ko ay tinago ko iyon sa locker ko kaya paano niya nakuha? Does she know that evading someone's privacy is a crime?
"Why did you go through my locker without asking permission?"
"Do I have to? You're just a mere employee here. If Jaziel didn't ask me to hire you, I wouldn't do it."
"You're still evading my privacy, and it's none of your business whether I'm studying to enter an ivy league school."
"How will you go to support yourself? You will never survive in that place without money."
"What if I can? You see, you shouldn't judge a book by its cover." Ayoko sa lahat yung minamaliit ako tapos ang gagawa pa ay isang pekeng katulad nitong si Dianne. Hindi siya nakasagot at hudyat na iyon umalis ako ngunit hindi ako nakahuma nang hilahin niya ang buhok ko. "Hey, what are you doing?"
"I will do anything I can to make you leave. Since you arrived here, you stole everything from me. You stole Jaziel and his friends. You stole our boss' attention. Everything, Bia! You stole everything from me!"
Baliw ba siya?
Hindi naman private property ang mga nabanggit niya. Hindi ko kasalanan kung pinupuri ako ng boss at pagdating kay Jaziel saka sa mga kaibigan ng boyfriend ko, they're not hers to begin with. I cannot reach for her hand to stop her from pulling my hair. Sinubukan ko na pumiglas at wala na pakialam kung may malagas 'man na buhok. Ang mahalaga makaalis ako sa kuko ng baliw na babae na 'to.
"Girls!" sigaw na pumukaw sa aming dalawa at gano'n kadali ako binitawan ni Dianne saka nagpanggap na sinaktan ko siya kahit hindi naman talaga.
Everything is unbelievable! Ugh... FML!
***
TAHIMIK LANG AKO habang nasa biyahe kami pauwi ni Jaziel. Tinawag siya ng boss ko - ex-boss na pala since naalis na ako sa trabaho - matapos ang insidente kanina. Kahit kita sa camera na hindi ko hinawakan si Dianne kaya imposibleng masaktan siya'y inalis pa rin ako. Ang unfair kahit mas masipag naman ako sa babaeng palautos na 'yon. Wala na tuloy akong trabaho ngayon at balik na naman sa pagiging freeloader.
And the worst part is that Jaziel is still not talking to me!
Wala naman ako kasalanan sa nangyari. Ako na nga ang nahilahan ng buhok. Teka... yung buhok ko!
Agad ko sinipat ang aking sariling repleksyon at nakita ko na sabog-sabog ang buhok. Naglakad ako na ganito ang ayos hanggang sa parking lot. I really hate everything especially that woman!
Inayos ko ang buhok at pagkatapos ay sinipat ko ang maliit na kalmot sa mukha ko. Meron sa pisngi at sa gilid ng labi. Hindi ko 'man lang nagawang gumanti sa kanya kaya lalo akong naiinis. Malalim akong huminga at nagulat na lang ako na huminto kami sa malapit na convenience store. Nag-alis ng seatbelt si Jaziel at bumaba ng sasakyan.
"Saan pupunta ang isang 'yon?"
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa mawala na parang bula. Nilibang ko ang sarili ko at naghanap ng tissue sa front compartment ng sasakyan. Nadugo kasi ang sugat ko sa labi at dahil sa pangangalmot noong pusa na nagpapanggap na baliw na babae. Huminto ako ginagawa nang makabalik na si Jaziel at nilapag niya kandungan ko ang binili sa isang pharmacy.
"We'll treat that at home. Put pressure on it to stop the bleeding," utos niya sa akin.
"You're not mad?" Kahit masakit magsalita dahil sa sugat ko sa labi, pinilit ko pa rin itanong sa kanya. Naninigurado lang dahil kanina pa siya tahimik at nakakatakot kaya.
"Why would I be mad? You're the one who got hurt, and I'll make Dianne pay for it."
"Just let her go," hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Jaziel. "It will make her a mad woman. She got jealous because I stole everything from her, including you."
"I'm not hers, to begin with, and probably not a thing she owns." That is precisely my point! Baliw talaga ang isang iyon at may pagka-war freak. "It's a good thing you got laid off. Dianne made you uncomfortable often, and I will never let her hurt you anymore."
"Jaziel..." Mangiyak-ngiyak ko na tawag sa kanya.
Sinapo niya ang pisngi ko at marahang hinaplos. "Don't cry. You're safe now, hm? I'm here."
I love this London Boy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro