Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TEN: ABRUPT CONFESSION

Chapter Ten: Abrupt Confession

Bianchi

SIMULA nang mangyari iyong eksena sa main house nina Jaziel, hindi na kami iniimbitahan ni Tita Jazmine doon. Siya na ang dumadayo para makasama ang anak niya kaya ang bait-bait ko kung minsan. I sometimes do the dishes which I rarely do because Jaziel stealing it from me. Buhay prinsesa ako sa bahay ni Jaziel at nag-ta-trabaho lang ako para sa sarili ko. Kapag nauuna ako umuwi sa kanya, nilalabhan ko na iyong damit ko lang. Hindi ko na hinawakan mga damit ni Jaziel simula nang masira ko iyong isang jacket niya.

Kanino ko ba kasi natutunan na paghaluin iyong liquid detergent at bleaching liquid?

Although hindi naman siya nagalit nang matindi sa akin. Tinuruan pa ako maglaba pero hindi ko na tinangka na labhan mga damit niya. Si Nana Lourdes na ang pinaglaba ko at nang sabihin ko ang nagawa ko, tumawa lang ang nanny ni Jaziel. Hindi pa raw ako pwedeng mag asawa at kung sakali, dapat daw kumuha ako ng pasensyoso.

"What is that?" tanong ni Jaziel nang iusod ko palapit sa kanya ang isang paper bag.

Narito kami sa restaurant ng mama niya, nakain gaya ng usual naming nakagawian tuwing day off namin. Madalas libre niya pero kapag nag-i-insist ako, naghahati kaming dalawa. Nasahod naman ako kaya bakit pa ako magpapabigat sa kanya.

"I told you that I would buy you a jacket."

"I told you not to buy anything expensive for me, right?"

"It's not that expensive, Jaz. I bought that in a thrift store," 

Nakokonsensya ako sa nasira ko na jacket kasi parang may sentimental value pa iyon sa kanya. Kahit hindi siya magsalita, pansin ko at hindi naman ako kasing manhid ng kapatid ko.

"And you want me to believe that, Bia?" Maharan akong tumango kahit napaka-imposible kasi nga halatang mamahalin iyong jacket na binili ko.

Paper bag pa lang mahal na tingnan kaya hindi ko talaga siya mapapaniwala kahit ano gawin ko. Well, I just try my luck but I didn't succeed because I'm not that good with persuasion when it comes to Jaziel. Hindi ako magaling magsinungaling kapag siya ang kaharap. Though I'm still hiding my real identity to him. Hindi ko alam kailan kung nagbago itong damdamin ko para sa kanya.

Pero simula noong pag-uusap namin noong nag-open up siya sa akin, he take care of me like his little sister. Misleading iyon para sa akin at hindi ako sigurado kung higit pa sa kapatid ang tingin niya sa akin o hindi na. Sobra kasing bait nitong si Jaziel at hindi talaga kami magkakilala talagang dalawa. We're strangers who became friends, and maybe will be more than that...

"Okay, if you say so. Thank you for this, Bia. I appreciate it but don't remix bleaching liquid and liquid detergent,"

Sumimangot ako. "It's not my intention to ruin your jacket. I saw my mom doing that back home."

"Maybe she used a different brand of bleaching liquid."

"I don't know. Maybe?"

"You have to learn to differentiate brands before buying it."

What am I thinking? Jaziel enjoyed teaching and acting like my older brother every time...

Nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain habang nag-uusap tungkol sa kung ano-anong bagay. Hindi naman kami naubusan dalawa ng mga pinag-uusapan lalo na kapag mga nakakatuwang experience. Nasasanay na talaga ako sa company nitong si Jaziel kaya ang dami na natakbo sa isipan ko ngayon...

Busog na busog ako.

Parang mas marami pa iyong nilagay sa table namin kaysa tunay na binayaran. Tita Jazmine tend to feed us like we were at home not on a public place. Although hindi siya nalapit dahil alam niyang ayaw ni Jaziel ng PDA. Touchy pa naman si Tita Jazmine at kapag kami magkasama, lagi siya nakahawak sa braso ko o 'di kaya ay sinusuklay ang aking buhok. It's like I'm her daughter she never had.

"What were you thinking, Bia?" Tumingin ako pagkarinig sa tanong niya.

"Uhm, it's nothing. This and that, you know it already."

"I cannot understand,"

"I was thinking of studying. Will I survive a day when I work in retail while studying?"

"If you love and enjoy what you're doing, everything becomes light."

"Do you enjoy and love what you're doing, Jaziel?"

Hindi siya kumibo pero ngumiti siya. I guess sapat ng sagot iyong liwanag na nakita ko sa mga mata niya. Mas matanda sa akin ng tatlong taon si Jaziel kaya kung mag-aaral ako ngayon, iiwan rin niya ako university. He'll be working in a real world after taking board exam. Habang ako magsisimula pa lang ulit.

Kaya ko kaya?

Why am I depending on him suddenly? Wala naman kaming relasyon at malinaw pa sa sikat ng araw na kapatid lang turing niya sa akin.

"Let's go home and watched the re-run of Harry Potter on HBO." Nauna siyang lumakad sa akin matapos guluhin ang buhok ko. Magkaiba talaga sila ni Tita Jazmine kaya napapatanong na lang ako kung mag-ina ba silang dalawa.

"Wait for me!"

"Walk faster then. Lift those short legs of yours!"

"I'm not that short, you moron!"

DOES HE LIKE ME OR NOT? Paulit-ulit ko iniisip ito kanina pa habang naglalakad ako kasama sina Owen. Nasa unahan namin si Ayen, Jaziel, Simon at Dianne. Hindi dapat kasama si Dianne kaso tsimosa talaga ang babaeng ito at nagpumilit sumama sa pagkain namin sa labas. Biyernes kasi ngayon at day-off na naman namin bukas. Ang bilis lang lumipas ng mga araw talaga kapag maraming ginagawa.

In my case, I'm still working 12hrs a day while searching for school that offers English Lit course in Scotland. Syempre naroon ang mga documents ko na hindi ko naman pwedeng i-forge lalo't kapatid ako ng lawyer. Kahit mas maganda talaga mga university dito sa London. I have to muster all the courage to go home and face Kuya. Dapat asahan ko na ma-sermonan pero hindi naman siguro gano'ng ka-harsh since mahal ako ng kapatid ko. Kahit matigas ulo ko lagi, mahal na mahal ako ni Kuya Dominic.

Kailangan lang maging matapang talaga Bia!

"Aren't you uncomfortable hanging out with Dianne?" tanong na pumukaw sa akin. "We can change plans then have those follow us after they make Dianne leave," Owen said as if he's sure those three in front of us can do it without hassle.

"It's okay, Owen. I'm just tired from working all day,"

"You can go home then. I can give you a ride if you want, Bia."

I waved my hands at Owen. "No, thank you, Owen. Jaziel is there, and we live in the same place."

"Why can't you read between the lines, Bia?"

"Hm?"

"I like you isn't it obvious?"

"W-what?" sigaw ko. Isang dahilan kaya huminto ako sa paglakad at hinarap si Owen. Hindi ba siya nagugutom lang? Paano niya ako magugustuhan gayong ang ingay ko kaya lalo kapag kasama si Ayen. "Are you serious?"

"Do I look like I'm joking?"

Hala, seryoso nga siya! What's with the abrupt confession? Gusto niya ba talaga ako o may iba siyang balak. Kay Jaziel lang talaga komportable at neutral pagdating sa kanila ni Simon. Hindi ko sila kaibigan in the first place at kaya ako kasama dito ay dahil iyon kay Jaziel.

"It's not like that, Owen. Uhm, we're not that close and rarely bond, so how come you say that you liked me?"

"I think liking someone doesn't need a reason, Bia. I can say many nice things about you but believe me, none of it was the reason. I'm certain that I like you because you are you."

"I don't think I can accept such a proposal like this. I just got from a break-up months ago, and I'm not ready to fall again,"

"You're not ready or you like someone else?" Napatingin ako sa papalayong bulto ni Jaziel sa amin. "I was right. You like Jaziel and it's clear to me now."

Hindi ako nakatanggi agad sa sinabi ni Owen. I was about to speak but someone interrupted us.

"What wrong with the two of you?" tanong na pumukaw sa aming dalawa ni Owen. Si Jaziel iyon na hindi ko namalayang lumakad na pala para balikan kami Owen. "Are you okay, Bia?" tanong pa niya sa akin.

"I-I'm tired, Jaziel. Can I go home first?" Balik-tanong ko.

"I'll go home with you,"

"No need, Jaz -"

"Let's go."

Masuyo niya ako hinawakan sa braso at lumakad na kami pabalik dalawa. Hindi 'man lang siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. Why am I have this feeling? Dapat yata ang tanong ay kung gusto ko ba si Jaziel o hindi? Isip pa ako ng isip mali naman pala ako...

MABILIS lang kami nakauwi ni Jaziel dahil hindi pa naman kami talaga nakakalayo kanina sa retail shop. Doon iniwan ni Jaziel ang motor niya na ginamit namin pauwing dalawa. Hanggang sa pag-uwi ay iniisip ko ang confession ni Owen at iyong sinabi niya sa akin tungkol sa pagkakagusto ko kay Jaziel. Alam ko na dala lang ito nang pagiging marupok dahil kagagaling ko lang sa break up. Pero bakit parang sumasang-ayon ang puso't isipan ko sa mga sinabi ni Owen?

Do I like Jaziel?

"I'll go upstairs na," I said when we entered the house.

"Are you okay, Bia? Did Owen say something to upset you?"

Lumingon ako sa kanya saka umiling.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nag-confess sa akin si Owen. It is my problem to solve not his. Hindi ko siya dapat dinadamay sa problema ko lalo lang ako naguguluhan dahil sa pagiging mabait niya sa akin. Mga bagay na hindi ko maiwasang bigyan ng kahulugan.

"I'm just tired and quite not in the mood,"

"Is it because of Dianne?" Umiling ako ulit. Jaziel clicked his tongue. "You can always say to us that you're not comfortable with Dianne. Stop making me guess what's wrong, Bia. Say it, and I'll listen if you mean to say something."

"Stop overthinking and rest, Jaziel. Good night!"

Tumalikod na ako at tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto. Kung may kailangan ako sabihin, gawin ko at makikinig siya? Paano kung sabihin ko na gusto ko siya?

Ang hirap naman!

Kinabukasan, maaga akong nagising at agad ko inasikaso iyong mga labada ko. Naabutan ko sa laundry room si Jaziel at patapos na siya labhan ang mga damit niya. Akala ko ba may pasok siya ngayon sa review center?

"What do you want for lunch?"

"Hm? Aren't you going to the review center today?"

"Yes, but I'll be back before lunch."

"Ah..." Hindi ko na alam ang susunod na sasabihin. Ang awkward naman nito hindi ko pa nasasabi na gusto ko siya tapos ganito na agad. Sinubukan ko na ibalik sa normal ang lahat kahit mukha na akong tanga. "I'll just cook for us. How about steak?"

"You'll be going to fight with the boiling oil again. Let's eat take out, Bia."

"Stop treating me like a child. Ever since I decided to come and live with you, you always treated me like a lost child who doesn't know anything.

"Well you're really a lost child," bumagsak ang balikat ko nang marinig ang tugon ni Jaziel.

Confusing na slow pa...

"I'm saying that I'm not your child, Jaziel, nor you sister. Thank you for protecting me, but I guess you should stop doing that before I give meaning to it. It's misleading, and I'm too weak to dodge and ignore this feeling inside my heart and head." Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "I'm trying to say stop leading me on if you don't have plans to date me, Jaziel, because I think I like you already."

Pagkasabi ko noon ay lumabas na ako sa laundry room at dali-dali na umakyat pabalik sa kwarto dala pa rin ang mga labada ko.

Mamaya na lang ako maglalaba kapag wala na siya...

Sinapo ko ang aking dibdib at dinama iyong mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko iyon sa kanya dahil lang sa na-trigger ako sa pagiging mabait niya sa akin. Saan ba nanggagaling ang tapang na ito minsan lang kung sumulpot? Kailangan umalis ni Jaziel dahil hindi ko siya magagawang harapin matapos iyong mga sinabi ko. I sometimes hate myself for being me when it comes to being vocal with my feelings.

Humiga ako sa kama at matamang tumitig sa kisame.

Hindi ko masyado natitigan iyong mukha ni Jaziel nang sabihin ko na gusto ko siya. Nakakahiya naman kasi bakit ko ba ginaya si Owen sa pagsasabi ng totoo na nararamdaman ko. Umiral na naman kasi ang pagtatapang-tangan ko tapos heto ako at nagtatago ngayon. Hindi na talaga natuto pa, Bia.

Then, what should I do with this kind of feeling?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro