CHAPTER SIX: FOR KEEP
Chapter Six: To Keep
Bianchi
NO ONE ever told me that having a job in retail is hard. Akala ko trabaho na iyong ginagawa ko sa opisina ni Kuya at Travis hindi pa pala. Ito ang tunay na trabaho at pakiramdam ko mahahati na sa dalawa ang katawan ko. Maghapon ako nakatayo, lakad paroo't-parito at panay-panay ang pag-aayos ng mga damit na ginulo ng mga customer. Buong araw iyon ang ginawa ko at wala na ako kakayahan pa na lumakad pauwi. Pero kailangan kasi hindi pa naman ako nasahod kaya wala akong sapat na budget para magmaganda.
Napadaan ako sa isang book shop at nasa display iyong libro na gusto kong bilhin. Noong birthday ko, cake ang gusto ko mabili tapos ngayon libro naman. Parang gusto ko na talagang umuwi!
Hindi, Bia. Hindi ka uuwi kahit na anong mangyari!
Pero gusto ko iyong libro...
Wala pa ako ng libro ni Colleen Hoover sa mga collection ko at gusto ko sanang magsimula na mangolekta kaso hindi ngayon ang tamang panahon. Napabaling ang tingin ko sa isa pang naka-display. It's a Harry Potter book set!
Nasaan ang pera kapag kailangan?
Pagod na nga ako tapos disappointed pa kasi hindi ko mabili ang gusto ko. Ang hirap ng buhay at hindi ako makapaniwala na na-take for granted ko si Mama at kapatid ko dahil sinusunod nila ang gusto ko. Bagsak-balikat akong nagpatuloy sa paglakad pauwi sa bahay ni Jaziel.
"Hey Bia!" Tawag na nagpalingon sa akin agad. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko ma-recognize kung sino ba itong nakasakay sa motor na ito. Bakit niya ako kilala? Until he removed his helmet. It was Jaziel! "Hop in now and we'll go home."
"Where did you get this motorcycle?" tanong ko.
"I borrowed from a friend," inabutan niya ako ng isang helmet na agad ko naman sinuot. Inalalayan niya rin ako sa pagsakay at nang makaayos na ay pinatakbo niya iyon. Sa balikat niya ako humawak kasi ang awkward kung yayakap ako sa kanya. "Hold on tight, Bia." Pa-sigaw na sabi pa ni Jaziel na ginawa ko naman. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo kaya nalula ako at sinandig na lamang ulo sa kanyang likod.
Bakit ang bango niya? Maghapon ba siya talagang nagtrabaho? Teka, ako ba ay amoy tao pa o amoy kahapon na?
Hala, nakakahiya tapos ang higpit pa ng yakap ko sa kanya! Minsan talaga nasa huli lagi ang pagsisi. Uwing-uwi na kasi talaga ako dahil sa sobrang pagod na aking nararamdaman.
"Have you eaten already?" tanong ni Jaziel ng huminto kami dahil may stoplight.
"Not yet."
"Okay. Let's eat first before we head home. I know a place."
Imbis na dumirecho matapos maghintay na matagal sa pag-go ng stop light ay kumanan si Jaziel. Mas marami akong nakikita na restaurant ngayon at bars na buhay na buhay dito sa London. Mas bumilis din ang pagpapatakbo ni Jaziel kaya parang minuto lang ang binilang ko at narating na namin ang lugar na tinutukoy niya. Marahan ko hinubad ang suot na helmet saka inayos ang buhok ko.
"I cannot afford this place." Hindi ko sukat akalain na sasabihin ko ang salitang aking nasabi. Ako na sige lang sige sa pag-gastos at panlilibre sa mga kaibigan ko magsasalita ng ganito. Kailangan ko yatang magpatawas pero heto talaga ang realidad. "Can we just go homd and I'll cook for us."
"It's my treat."
My eyes sparkle upon hearing those magical words. "You should've said it earlier. Let's get inside now."
"You're cute. You know that?"
"I'm not cute. I'm beautiful."
"Maganda ka?"
"Yes! We'll practice more Tagalog words and diction when I have free time. Just say it straight, do not make it sound like you're asking a question."
Tinuturuan ko siya mag-Tagalog dahil sabi niya gusto niya maintindihan kapag nag-uusap kami ni Nana Lourdes. Pinanganak din para maging tsismosa ang isang ito talaga.
Inaya na niya ako papasok ng restaurant. We were greeted cheerfully by the staff and guided us to our table. Kung alam ko lang na dito kami pupunta, dapat nag-ayos muna ako pero wala na narito na kami. Makapal naman mukha ko kaya keber na sa mga tao sa paligid.
"Stay here. I'll greet an acquaintance."
"O-okay."
Sinundan ko lang siya ng tingin papunta sa pwesto ng sinasabi niyang kakilala. The woman is as tall as Jaziel, sophisticated and has a pleasing eyes. Kahit side view lang niya ang nakikita ko ay nasisiguro ko na magandang babae siya. But I should stop ogling now because Kuya said it's disrespectful act to look at a stranger. Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot ko na jacket saka nag-log in sa dummy account ko.
Inabala ko ang aking sarili sa pag-ba-browse hanggang sa dumaan ang update ni Ryker kasama ang bago niyang girlfriend. How dare he flaunt his new girlfriend while I'm still here in London? Naisip ba niya na siya ang dahilan kaya hindi ko magawang umuwi ngayon? Naisip ba niya na kaya ako natatakot kasi ilang beses ko siya pinaglaban sa Kuya ko? I feel so pathetic right now. Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Nagmahal lang naman ako pero heto, dito ako dinala ng letseng pagmamahal na iyan. Now, I am working a hard job, staying in a stranger's house and dealing with my anxieties alone. Life is unfair. Bakit sila masaya tapos ako dito malungkot at nahihirapang maka-move-on?
"Hey I'm sorry I took long. Let's order now." Pukaw ni Jaziel sa akin. Mabilis ko pinatay ang cellphone ko saka tinago iyon sa bulsa ng suot na jacket. "What's wrong?"
"Nothing."
"That nothing means anything, Bia."
"Why did you know?"
"I know so. Are you going to tell me, or you'll keep it?" May lumapit na staff sa amin at inabutan kami ng menu. "Try their pasta dishes, Bia. It will lift your mood."
"My ex-boyfriend updated the world about his new girlfriend while I'm here, building a lot of courage before going home." Huminga ako ng malalim. "Are all guys like that? Changing women as if you're changing clothes?"
"Not all, Bia. Forget about that douche, and let's order, hmm?"
"He'll never find someone like me who will spoil him."
"Maybe that's what you did wrong, Bia. You never left anything for yourself. The next time you fall in love, save something for yourself."
Save something for me...
HANGGANG sa pag-uwi namin ni Jaziel iniisip ko ang sinabi niya kanina sa restaurant. Nag-enjoy naman ako sa pagkain at gaya ng sabi niya gumaan nga ang pakiramdam ko dahil sa pasta. Nawala sandali si Ryker sa isip ko at ngayon lang ulit bumalik. Ang hirap kasi tanggapin na gano'n lang niya kadaling tinapon ang lahat.
Am I not enough for him?
Mapapa-kwestyon ka na lang talaga sa worth mo kapag cheating ang dahilan ng hiwalayan. Araw-araw ko iniisip ano pa bang kulang sa akin para isabay niya ako sa bago niya ngayon? Was fighting for him against my brother not enough? Kapatid ko iyon na kilalang abogado ang kinalaban ko tapos sa ganito lang mauuwi lang lahat.
Kuya was right, after all. He did know a crook, and I should've believed him...
"You're still thinking about him?"
"When some cheated their way out of a relationship, you couldn't stop thinking, Jaziel. Why did they cheat? What was not enough?"
"Cheating is a choice, and do not question yourself too much, Bia. Remember that you're more than enough, and it's his loss, not yours. Poor him, he tosses away a witty and semi-smart girl like you,"
"Why semi-smart?" I rebutted.
"Smart, then. No more semi. Happy now?" Umirap ako sa kanya. Akala mo talaga seryoso na siyang magpayo pero kapag tumagal meron pa rin siyang pambabash na sasabihin. "Do you want ice cream, Bia?"
"You treat?"
"I'll pay for now, but you'll treat me back when you get your paycheck."
"Wise men."
Kumindat si Jaziel saka binuksan ang iyong ice cream ref ng convenience store na kinaroroonan namin. Huminto kami rito kasi may bibilhin daw siya na inutos ni Nana Lourdes. Hindi ko naman sukat akalain na takaw-pansin pala ang pagiging tahimik ko.
Kasalanan ni Ryker at sana madapa siya o mabilaukan o ma-ospital. Kahit ano basta makaganti 'man lang!
"Here eat it now before it melts," Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan na iyong ice cream na binili. Naupo ako sa bench at tinabihan naman niya ako. "Stop thinking about him."
"I can't. His name fills 80% of my brain."
"And the remaining 20%, what are those?"
"5% food to eat, 5% movies to watch, and 10% books to read and buy."
"What books are you into?"
"Uhm, romance, fantasy, horror, a slice of life -"
"All genre in short? You're too talkative."
"You're asking malamang sasagot ako!"
"What?"
"I won't say it!" I stuck out my at him before turning my back off. Mas nag-focus ako sa kinakain na ice cream kahit malamig ang weather dito sa London.
"How's work?"
"Tiring." Maikli kong tugon. Hindi siya kumibo at tila ba naghihintay sa mga susunod ko na sasabihin. "All my life I thought I'm working the hardest job in my brother's office. I was wrong and retail job is the hardest."
"Giving up already?"
"No! I'm just saying it's hard, but there's no way I'll quit."
"Good." Jaziel smiled, and it became my favorite view. "Dianne said you're good at sales talk. Many customers were handled correctly even if she didn't train you well."
"I am observant, though. I hate those angry customers, and those who will ruin my pile then don't buy anything."
"There's a lot of angry customers, Bia. You'll get used to it sooner or later."
Tumango-tango ako. Baka tama nga si Jaziel at ngayon ko napagtanto na ito ng conversation na yata na ito ang pinaka-mahaba naming pag-uusap. Mula kanina sa restaurant hanggang dito sa convenience store ay panay ang kwentuhan namin. I know that Jaziel kept on talking to me so I wouldn't remember Ryker even if he doesn't want a talkative kind of woman.
"Are you always this nice to someone you just met?"
"Nope."
"Why are you so nice to me?"
"You seem nice too though I realized that you're talkative too," I frowned, and he laughed. "I'm nice to those I like."
"You like me?"
Nagkibit-balikat lang siya kaya nag-demand ako ng maayos na sagot kaso hindi naman niya binigay. Inaya lang niya ako umuwi para pareho na kaming makapahinga. May pasok pa kami pareho bukas kaya kailangan na talagang umuwi.
Pagdating sa bahay, I immediately removed my shoes and walked inside the house. Binati ko si Nana Lourdes na abalang nagbabasa sa living room. Tinanong niya ng kumain na kami, si Jaziel na lang ang sumagot in Spanish. Nagpaalam ako sa kanila na akyat na para magpahinga. Pagpasok ko sa kwarto ko bumungad sa kama ang isang box na agad ko naman binuksan.
"Oh my gosh, totoo ba ito? Nanaginip yata ako." I slapped myself to confirm if I was dreaming. The box on top of my bed is a Harry Potter Book Set that I saw a while ago. Paano ito napunta rito?
Binaliktad-baliktad ko ang box hanggang sa makita ko iyong note ni Jaziel.
Bia,
This is my late birthday gift. It's preloved but readable and good as brand new. I hope you like it and won't mind my intrusions. I saw your searches on my laptop, and this book set was on top of those. Always remember that Nana and I don't oblige you to help. You're our guest, so feel at home.
Jaziel
Gusto ko maiyak ngayon. Hindi talaga nila ako tinuring na iba at spoiled na spoiled din ako sa bahay na 'to. Ako lang naman talaga ang nagpumilit na mag-trabaho para makatulong. I want to teach myself not to depend to anyone else because at the end of the day, it's only me whom I can rely on. Sa lahat ng pangit na nangyari sa akin dito sa London, ang makilala si Jaziel at Nana Lourdes na yata ang pinaka-maganda.
They're for keeps, and I will never forget their kindness.
May espesyal na silang pwesto dito sa puso ko...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro