CHAPTER NINETEEN | CHRISTMAS
CHAPTER NINETEEN | CHRISTMAS
Bianchi
IT'S MY FAVORITE time of the year and I can't wait to open gifts with my niece. Maraming regalo sa Christmas tree namin ay kay Venice nakapangalan. Kaya kinontrata ko na ang pamangkin ko na tutulungan ko siya magbukas ng regalo mamayang gabi. Now, I'm arranging the gift while peeking if there are for me. Meron ako nakita pero mas natuon ang pansin ko sa dalawang regalo na nakapangalan kay Venice pero kay Heart nakapangalan ang sender.
Nagkita na ba si Heart at Kuya?
Marahan ako tumayo at binitbit ko ang isang regalo sa home office ni Kuya. Ilang oras na lang Christmas eve na pero heto pa rin siya at nagta-trabaho. Kumatok ako kahit nabuksan ko na ang pintuan para mabawasan ang inis niya.
"What do you need, Bia?"
Pinakita ko sa kanya ang hawak ko na regalo bago nagsalita. "This came from Heart. Have you found her already?"
Huminga nang malalim si Kuya. Base pa lang sa lalim noon mukhang alam ko na agad ang sagot. "Nope. I just bought a gift for Venice and used Heart's name to lessen your niece's sadness."
He haven't found her but doing such thing like this for his daughter is beyond unconditional. Tila nalunok ko ang aking dila at hindi agad nakapagsalita matapos marinig ang sinabi ni Kuya. Hindi ko alam kung masyado pa ba akong bata para maintindihan o sadyang kulang pa talaga ang nalalaman ko sa pagmamahal.
"You'll understand me sooner or later, Bianchi. Venice is too young to experience another heartbreak. Kapag nasa tamang edad na siya, sasabihin ko din naman sa kanya ang lahat. For now, I think this is the best for both of us."
Hanggang sa paglilibot ko dito sa mall, iniisip ko ang sinabi ni Kuya sa akin. Mahirap ang ginagawa niya pero naiintindihan ko naman kung bakit. Tama siya, bata pa si Venice at malabong maintindihan ang mga nangyayari. My niece experienced a lot with her drunkard father. Dumagdag pa ang pagkawala ni Ate at ngayon ang tungkol naman kay Heart.
"Hey, I'm sorry, I'm late. It's Christmas rush traffic," he said, fixing the bonnet I was wearing. "What's with the long face? I didn't intend to make you wait."
"It's not that, Jaz." I started walking and he follows me immediately. Hindi naman ako naghintay ng matagal sa kanya. Marami na nga ako naikot kanina kaya hindi niya kailangan mag-sorry. "How far would you go for the one you love?" tanong ko kay Jaziel.
Wala ako narinig na sagot kaya naman lumingon ako at napansin na malayo na pala ako sa kanya. Did he heard my question? Kailangan ko ba ulitin?
Huminga ako nang malalim at muli siya nilapitan. "What's with your question, Bia?"
"So, you heard?"
"Loud and clear," he said. Inayos naman niya ngayon ang suot ko na scarf.
"Stop being a parent to me, Jaziel." Saway ko sa kanya at ako na nag-ayos ng scarf ko saka bonnet. "I want to hear your answer."
"How far would I go? I think you already know my answer, Bia." Kumunot ang noo ko. "I have already shown you how, and driving for almost eight hours just to spend this special holiday with you is a good answer."
My cheeks feels burning. Mali yata na siya ang tinanong ko.
"Let's go now. I think the cake is ready now."
Tumalikod ako para hindi niya makita na namumula ang magkabila kong pisngi. Matapos niya mag-celebrate ng thanksgiving dito, isang linggo lang siya nanatili sa London pagkatapos ay bumalik na dito kasama si Tita Jazmine. Jaziel gone that far to prove me that he's willing to gain back my trust. The past weeks, he kept on spending his days with me at work. He's helping me in reviewing and running errands such as babysitting my niece.
"Are you blushing?"
"No!"
"Yes, you are, Bia." Hindi ako kumibo at mas binilisan ko pa ang lakad. "Wait for me!"
Bahala ka dyan!
***
PAGKATAPOS namin kunin ni Jaziel ang cake sa mall, dumiretso uwi na kami at sinalubong ako ng mga bisita na na-miss ko. It's clearly Jaziel's idea to invite Owen, Simon, Ayen and Nana Lourdes and Kuya approved it. Muntik na ako maiyak pero inasar ako ni Kuya kaya literal na umurong mga luha ko. Kuya literally opened our house to those whom I treated a family back when I was in London. And this is the real meaning of Christmas - unconditional love and family.
"Bia!" Masiglang tawag ni Ayen sa akin saka agad ako niyakap. "I miss you so much!" Pinugpog niya ng halik ang magkabila kong pisngi.
"Ayen, stop that!" Jaziel hissed, trying to separate Ayen from me. "Stop messing my reputation with her family."
"Having a hard time to please her brother?" Umabrisete sa akin si Ayen matapos tingin si Kuya. "He's hot by the way," bulong sa akin ni Ayen.
"He's in love with his child's mother," I said, even if I hate to break it with Ayen. Sumimangot siya at inirapan kami ni Jaziel. "I miss you too. Thank you for coming tonight."
"It's your man's idea, sweetie." Nagyakapan kami ulit ni Ayen bago niya nilapitan sina Owen at Simon.
Napatingin ako kay Jaziel at ngumiti sa kanya. Alam ko na hindi madali i-convince si Kuya pero ginawa pa rin ni Jaziel. Araw-araw talaga pinatutuyanan ni Jaziel sa pamilya ko na katiwa-tiwala siya.
"Thank you, Jaz."
"I still have more gifts for you."
"There's more?" Kumindat lang si Jaziel sa akin sala ngumiti matapos na guluhin ang aking buhok. Ano naman kaya ang iba pa niyang regalo? Mukhang mas excited na ako na malaman iyon kaysa buksan ang mga regalo ni Venice.
Magkasabay kami pumasok tatlo sa loob ng bahay at binati ko sina Owen at Simon. I hugged both them tight. Niyakap ko rin si Nana Lourdes nang mahigpit na mahigpit. I told Mama that she took care of me and Jaziel in London. Nag-usap-usap na silang lahat kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan si Kuya.
"Are you happy, Bia?" tanong niya agad sa akin nang makalapit ako.
"Sobra. Salamat, Kuya!" Niyakap ko siya saka hinalikan sa pisngi niya.
"Hindi ko ideya 'to. Ideya lahat ni Jaziel at nakaka-impress na alam niya lahat ultimo maliliit na detalyeng ngayon ko lang nalaman na tungkol pala sayo."
"He loves to pay attention even to the smallest things, Kuya."
"Hindi ko alam kung papayag na ba ako o hihintayin muna kita makatapos," Sumimangot ako. Matagal pa ako makakatapos sa school at 'di pa nga ako nakakapagsimula. "You two had a relationship without my approval."
"Because we're in London, not here."
"Exactly my point. Now that you're here, he needs to court you traditionally."
"Kuya!"
Nagkibit-balikat lang si Kuya at mukhang seryoso talaga siya na ipagawa iyon kay Jaziel. Bagay na wala na akong magagawa pa dahil nakapag-desisyon na siya.
***
PAST MIDNIGHT when I decided to go out and watch firework displays. Nagku-kwento-han pa rin si Mama at Tita Jazmine habang ang tatlong kaibigan namin ni Jaziel at nagpaalam na aalis na. May Christmas party pa raw sila na dadaluhan. Kasama dapat si Jaziel kaso nagpaiwan siya at nakatitig sa langit ngayon. Iniwan ko na kay Kuya ang pagbubukas ng regalo ni Venice dahil sobrang dami talaga noon.
"Hey," I say, catching Jaziel's attention. Tinabihan ko siya sa kinaroroonan niyang pwesto sa may garden namin. "Are you sure you don't want to go with our friends?"
"Nah. I'll just babysit all of them when drunk." Tumawa ako. "Are you done opening your niece's birthday?"
"I leave everything with my brother. Venice received a lot this year and appreciates every gift she received now."
Natahimik kaming pareho. Hindi ko malaman kung titingin ba ako sa mga fireworks o kay Jaziel. Konting agwat lang layo namin sa isa't-isa. Isang maling galaw magkakadikit na ang aming mga braso.
"Merry -" Magkapanabay naming sabing dalawang. He laughed, and I pressed my lips together.
"You go first, Bia," aniya sa akin.
"I just want to greet you Merry Christmas, Jaziel." Hindi ko kasi nagawa kanina dahil kasama ko si Venice at nasa gitna kami ng mga regalo ng pamangkin ko. Hinintay ko pa na medyo mapagod at antukin ang pamangkin ko bago siya iwan kay Kuya kanina.
"It's indeed a Merry Christmas, Bia. Thank you for inviting us here,"
"It's Mama's request, and you invited the whole gang. Thank you for that again."
"Anytime."
A moment of silence envelop us again. Gusto ko sana purihin kung gaano siya ka-charming at endearing habang kausap niya si Kuya tungkol sa business. If Dad were still alive, would it be like this? Nakikita ko naman kay Kuya si Papa kaya tingin pareho lang pero mas prefer niya ang politics kaysa architecture at business. Iyon ang pagkakaiba ni Papa at Kuya at tama si Mama, may mas soft corner ang kapatid ko.
"Sorry..." Alangan akong tumingin sa kanya nang magkabungguan ang aming mga balikat.
Akto akong iiwas sana ngunit nahawakan ni Jaziel ang kamay ko at bahagyang nahila palapit sa kanya. Ang paglalapit naming ito ay nagdulot nang mabilis na pagtibok ng aking puso. Sobrang bilis na hindi ko na magawang kontrolin pa. I pressed my lips altogether again and gulped hardly. Nagtama ang aming mata at agad ko nahulaan ang ibig sabihin nang unti-unting paglapit ng mukha ni Jaziel sa akin.
Will I let him kiss me? I kind of miss the feeling of being kissed by him, though.
Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip ng mga kung ano-anong bagay. Isang malakas na pagsabog ng paputok sa langit sumira sa lahat. Ayos na sana at unti-unti nang nag-slow motion ang lahat gaya sa pelikula. But one loud blast ruined everything. Naalala ko si Venice at ang takot niya sa malalakas na paputok.
"I-I'm sorry. I have to check Venice," sabi ko saka iniwan na Jaziel ulit at dali-dali akong pumasok sa bahay.
Sa pintuan palang ay sinalubong na ako ni Venice at agad ko siya kinalong.
"Tita, I'm scared," Venice said as she hugged me tightly.
"It's all right. Tita is here now." I gently caressed Venice back to calm her down. Sa gano'n ayos kami naabutan ni Kuya na may kinuha lang pala na inumin sa kusina. Pareho niya kaming dinala sa second floor ng bahay at hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Jaziel.
***
TWO DAYS after Christmas, I find myself entertaining Ayen during my break time. Siya ang kasama ko gumala sa plaza dahil iniwan daw siya nina Owen, Simon at Jaziel. Kaya ako na lang ang ginugulo niya ngayon.
"How are you and Jaziel?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa loob ng isang maliit na mall sa plaza.
"We're good and communicating well," tugon ko.
"Any progress like rekindling the fire of intimacy between you?"
"That's illegal here, Ayen. My brother is around."
"I think I like your brother. He's strict and traditional."
"Back off, Ayen. I told you he changed now, and even if you stripped in front of him, he'd ignore you."
"Yeah, that's more like him. I tried last Christmas Eve. Before that loud fireworks blast occurred." Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko umuwi na siya kasama sina Owen at Simon.
"You went out before that loud blast happened."
"I went back to get a beer I can drink while walking with Owen and Simon." Tinulak ko siya na dahilan nang pagsigaw niya. "Stop judging me in the back of your mind because I can be available for both genders, Bia."
"But it's my brother!"
"I know. Calm your tits, okay? He ignored me and went inside, and then I heard his child crying." Hindi lang pala ako ang may naudlot na moment pero hindi katanggap-tanggap yung kay Ayen. "Don't be mad at me. I won't cross the line again, promise."
"Whatever!" Umabrisete siya sa akin at paulit-ulit akong sinuyo hanggang sa mapaamo niya ako. "We almost kissed before the blast happened." Pag-amin ko sa moment namin ni Jaziel na naudlot din dahil sa malakas na paputok noong Christmas Eve.
Ayen gasps loudly. "You and Jaziel?" Tumango-tango ako sa kanya. "What happened after?"
"Nothing. We went upstairs with Kuya and I didn't get a chance to bade my goodbye to Jaziel. I couldn't let my niece be alone." Sobrang takot-takot si Venice nang gabing iyon at hindi talaga siya humiwalay sa akin kahit tulog na.
"Did you two talk about it over the phone or personally?"
Umiling ako. "I'm going to hunt that neighbor of yours who lit up those fireworks."
Sinabunutan ko si Ayen pagkarinig sa sinabi niya. Inangilan niya ako pero hindi rin siya umubra nang taasan ko siya ng kilay. Parang sinabi niya rin sa akin na nanghihinayang siyang hindi natuloy ang moment nila ni Kuya. I understand that brother is lonely but another mistake will never fix the prior mistake he'd done. Paulit-ulit ko sinabihan si Ayen na huwag niya i-test si Kuya dahil hindi makakatulong sa ginagawa niyang pag-mo-move on.
"You're so selfish." Naiinis na sambit sa akin ni Ayen.
"Nah. I'm a protective sister to my protective brother, so back off, okay?"
"Fine!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro