CHAPTER NINE: FAMILY
Chapter Nine: Family
Bianchi
BAKIT ba hindi ako nabigyan ng kakayahan na bumasa ng isipan ng tao? Kung nakakamatay lang ang pagiging clueless, kanina pa ako tuminbuwang dito ngayon. Ang tahimik ni Jaziel at kahit hindi ko siya tanungin, halata naman na bad mood siya ngayon. Maayos naman iyong naging lunch namin kanina sa main house nila pero hindi ang relasyon ni Jaziel sa tatay niya. Ang buong akala ko ay kami lang at nanay niya ang kakain ngunit dumating si Tito Kiel na hindi inasahan ni Tita Jazmine.
I felt like I was inside a movie wherein the male lead has a Daddy issue and a complete Mama's boy. Daig ko pa ang nakatayo sa ibabaw ng manipis na yelo habang nagbabangayan silang mag-ama sa harap ng pagkain kanina.
It was a complete nightmare for me... and Jaziel...
Seven hours ago.
"Shouldn't we buying a gift for your Mom?" tanong ko kay Jaziel habang inaayos ko ang body bag ko. "You know in our country, buying a gift is necessary."
Ngayon kami pupunta ni Jaziel sa main house nila at aamin akong kinakabahan ngayon hindi ko pa rin kasi alam kung bakit ako pinasama sa kanya sa pag-uwi. Nagpack pa nga kami ng damit dahil ni Jaziel doon kami matutulog ngayon at bukas na ng gabi uuwi. Pinagkasya ko lahat sa duffle bag na nilagay ni Jaziel sa kanyang unahan ang mga gamit ko pati na ang aking mga essential skin care products. Mas marami akong dala kaysa sa kanya dahil nang sabihin niya na i-pack ko lang kung alin ang importante ay hindi ako makapili. Lahat kasi importante at kailangan ko para mabuhay ako.
"No need, and besides, there's no room for a gift here," Jaziel tapped his duffle bag to show that I filled half of it.
"I need all of that, Jaziel. It's not easy to be a woman, hmp!"
"Yeah, whatever. Hop in now, Bia."
"Let's buy you some macarons. I think your mom will like it even if she doesn't have a sweet tooth."
"Where will I going to put that, Bia?"
"I'll handle it, but you have to slow down when driving. I don't want to meet St. Peter yet."
"Fine."
Ngumiti ako sa kanya bago umangkas na sa motor na siyang gagamitin naming transportation papunta at pauwi. Ang saya talaga bumiyahe kapag naka-motor. Si Kuya lang naman ang KJ kasi delikado daw sa motor lalo na kung freeway. Tinanong ko si Jaziel kung dadaan kami ng freeway at nang sabihin niya dadaan nga kami, lalo akong na-excite. Iyong freeway kasi dito kita ang magandang view ng London bridge at ibang karatig lugar kasama na ang beach.
Para na rin ako nakapag-tour kahit dinaanan lang naman talaga namin iyon. Kumapit ako nang mahigpit sa baywang ni Jaziel nang mas bilisan pa niya ang takbo. Hindi talaga marunong makinig ang isang ito kahit na kailan. Ayos pa ngayon na mabilis siya dahil wala pa kami bitbit na regalo para sa mama niya. In-enjoy ko na lang biyahe kahit nalulunod na ako sa hangin at kinakabahan na rin dahil bilis ng takbo namin...
"Will this be enough?" tanong ko kay Jaziel.
Gaya nang usapan namin kanina, dumaan kami sa isang dessert shop at bumili ng macarons. Iba-iba ang kulay noon na labis ko kinatuwa. Bahagyang napawi ang pagkangawit ng aking mga binti dahil sa mahaba naming biyahe. Ang naging stop over lang namin ay iyong gasolinahan kanina dahil nagpagas siya at umihi naman ako.
"Yeah, it's only Mom who's going to eat that."
"What about your Dad? Doesn't he into sweets?"
"I don't know. He's not there, so don't worry about him."
"O-okay, but let's buy that cake, please?"
"We just ate a while ago, Bia."
"Thirty minutes had passed already. I'm hungry!"
"Seriously? Where did you put all the food you ate a while ago?"
"In my tummy, Jaziel." Lumapit ako ulit sa cashier at binili ko iyong cake na nagustuhan ko. Isang slice lang naman iyon na may cute na design sa ibabaw kaya ako nagandahan. Balak ko kunan ng picture mamaya pagdating namin sa bahay nila. "Let's go now. I'm excited to see your family's house."
"Wait up. I have something to tell you,"
"What is it?"
"Whatever you witness today, just let it pass and don't ask any questions."
Kahit hindi ko ma-gets ang ibig sabihin ni Jaziel ay tumango lang ako. Bahala na kung ano ibig sabihin ng sinabi niya kani-kanina lang.
Pinilit ko si Jaziel na ilagay sa bag niya iyong cake na binili ko. Maliit lang naman iyon at kasya pa sa natitirang space sa gilid. Pina-double packaging ko pa iyon para hindi kumalat sa mga damit namin. Natagalan pa kami dahil sa pagdidiskusyon pero bandang huli papayag din naman pala siya. I somehow think that Jaziel should switch course now.
From architecture to law. Mas bagay sa kanya maging lawyer dahil pareho sila ni Kuya na masyadong maraming hanash. Syempre magaling ako mangatwiran kaya ang ending, lagi akong panalo.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pagbiyahe hanggang sa makarating na kami sa main house nila. Literal na nalaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon sa aking harapan. Mali na tawaging bahay ito dahil para itong palasyo kung tingnan. Nakatira din naman ako sa malaking bahay pero mas malaki ito at parang hirap magkakitaan sa lugar na 'to.
"Jaz..."
"What?"
"Are you a prince or an earl or a duke?"
"What? I don't get you, Bia." Tumingin ako sa kanya at hinintay na sumagot siya. Alam ko na narinig niya at alam kung ano ang ibig kong sabihin. I want to know now so I can pull my family ticket once his mom start to humiliate me.
Lalo ko inihalintulad ito sa Korean drama na napanood ko. It feels like Jaziel is a chaebol but chooses to live normal outside their household. Iyong tipikal na istorya na nababa ko rin na nagpapanggap lang na mahirap pero ang totoo mayaman naman pala talaga.
"It's not what you think, Bia. We're not that rich, and my mom is just a simple woman."
"Your house is so huge, you know."
"Huge for an owl?"
Owl?
Ano raw?
Bakit ba ganito siya magsalita?
Jaziel left me dumbfounded outside their house. Dali-dali akong sumunod sa kanya at umabriste sa kanyang braso nang maabutan ko siya. Sinalubong kami ng ilang katulong at lahat ng mga ito ay bumati sa amin na may matamis na ngiti sa kanilang labi. Bumitaw lang ako kay Jaziel ng makita ko si Nana Lourdes na agad kong niyakap. Narito pala siya kaya hindi nagpapakita sa bahay ngayon.
Sabagay sa laki nito, kailangan nga ng kasama ng mama ni Jaziel. Ang lungkot kung ganito kalaki tapos hindi nag-uusap ang mga tao.
"How's the ride?" tanong na pare-parehong pumukaw sa amin. Tumingin ako sa pinanggalingan noon at unti-unting lumayo kay Nana. "I already cooked our lunch. You both must be hungry now." Lumapit kay Jaziel ang mama niya saka yumakap sa kanya bago ako binalingan. "We meet again, Bia."
"Hello..." Ano ba ang dapat ko itawag sa kanya? I don't even know her name! Nakalimutan ko tanungin kanina habang nasa stop over kami. "Mrs. Gridley."
"Ah, no, just call me Jazmine. I don't answer to that name because it's too formal."
Tumango-tango saka ngumiti sa kanya.
"Uhm, Jaziel and I bought this for you,"
"Is that macarons?" Tumango ako bilang sagot. "Did Jaziel tell that it's my favorite?"
"No. Bia guess it," parang hindi makapaniwala si Tita Jazmine na nanghula lang ako. Ang macarons lang naman bukod sa wine ang significant gift ideas dito sa London. "She smart, mom and a little chatty."
Sinamaan ko ng tingin si Jaziel saka palihim na hinampas siya sa kanyang braso. Tinawag niya nga akong smart kaso may pang-ba-bash naman sa dulo ng kanyang statement. Hindi na nakisama talaga. Kailan ba niya aaminin ns maganda ako saka matalino?
"I think I'm going to like her," Tita Jazmine said,
One point na agad. Akala ko nakakatakot siya pero totoo na looks can be deceiving talaga. Ang ganda-ganda niya talaga at gusto ko alamin ang skin care routine niya. Hindi ako naniniwala na simpleng babae lang si Tita Jazmine. She looks so expensive.
Tita Jazmine invited us inside the dining and I was stunned by the food above the long table. May long table din kami sa bahay kaso mas trip naming magsiksikan sa maliit para makapag-usap-usap. Gano'n din kaya sila?
Sabay-sabay kami dumulog at inasikaso ni Nana Lourdes bago siya naupo sa pwesto niya. Kahit busog pa ako, ginutom ako ng amoy ng mga pagkain na niluto ni Tita Jazmine.
"Where does your family live, Bia? What do they do for a living? Are you here to study? What course?"
Wow, teka sunod-sunod ang tanong. Hindi ko pa nalulunok iyong pagkain sa bibig ko.
"Mom..." saway ni Jaziel sa nanay niya.
"I'm curious only. I know who your friends are and their families, but it is the first time I see you hanging out with a girl."
"I'm hanging out with Ayen,"
"Yeah, but Ayen is a queer." Muli akong binalingan ni Tita Jazmine. This time I swallowed already the food inside my mouth. Nag-iisip na ako ng sagot ngayon na kailangan ay partially true lamang. "Tell me something about yourself, Bia."
"My family lives in Glasgow, England. I came here for a vacation, but unfortunate events happened. I got scammed and fooled not long ago. I'm currently out of school, but I plan to enroll next school year in the English Lit course. here"
"Does they know what happened to you?"
"Yes." Pagsisinungaling ko. "I decided to live here and met Jaziel, but we're not romantically involved."
"You're not dating each other?"
Sabi ko na nga ba eh...
"I already told you, mom,"
"Why?" Kapwa kami nagulat ni Jaziel. Kailangan ba nagdi-date kaming dalawa? "Are you planning to move out when you find a dorm inside the university?" Tumango ako. "Please don't do that, hm?"
"Mom..." angil pa ni Jaziel pero hindi nakinig si Tita Jazmine.
"Jaziel is a lonely kid despite having a set of friends outside the home. He needs your company, and I saw how you made my son laugh at the restaurant."
Mababaw naman po kasi kaligayahan ng anak mo Tita Jaz. Hindi siya mahirap patawanin kahit simpleng joke lang. Saka pati pagkakamali ko tinatawanan muna bago ako itama o tulungan.
Magsasalita pa dapat si Tita Jazmine ngunit lahat kami ay natigilan nang may pumasok na lalaki sa dining area. He has the same eyes and hair color as Jaziel. Pati ang tindig nila ay parehong-pareho rin.
"Am I not welcomed to house?" tanong niya at partikular na nakatingin kay Tita Jazmine.
"Kiel, how did you know?"
"To our staff. They said you're busy preparing because our prodigal son is coming home,"
"Kiel, please not here. We have a guest,"
Tumingin sa akin ang tatay ni Jaziel at parang namumukhaan ko siya ngunit hindi ko lang matandaan kung ko nakita.
"You should've told me that you invited him, mom," Jaziel said. Kitang-kita ako ang mahigpit na paghawak ni Jaziel sa mga kubyertos sa kanyang kamay.
"Why would your mom do that? This is my house, and I have the right to visit your mother whenever I want to. How are you, son? Is your little escapade with your friends done already? Are you here to be my son now?"
"I'm not your son," Nagulat ako nang ibagsak ni Jaziel ang mga kubyertos na hawak. "I don't have a father like you."
"What did you say?" Hinawakan ng tatay ni Jaziel ang kwelyo ng suot niya. Mariin akong napapikit dahil akala ko ay susuntukin o sasampalin si Jaziel ng tatay niya.
"Stop that you two," nakita ko na tumayo si Nana at lumapit sa gawi namin. Dinig na dinig ko kung paano ito makiusap sa tatay ni Jaziel alang-alang daw sa akin na bisita nila.
Binitiwan naman ni Tito Kiel si Jaziel pero hindi na ito naupo ulit. Dinampot nito sa sahig ang duffle bag saka hinila ako patayo. Walang paa-aalam kami na umalis ng bahay nila matapos ang eksenang iyon...
Current time.
Tahimik lang na nakaupo si Jaziel sa convenience store na madalas naming tambayan. Malapit iyon sa kung saan niya pina-park ang motor at sa bahay. May bitbit ako na ice cream na alam ko na makakagaan ng loob niya. Umupo ako sa upuan katapat ng kinauupuan niya at pilit siyang inalok ng ice cream. Jaziel hesitated at but since I am too adamant, he give in and accepted the ice cream cone.
"Uhm, hold this for me, please?"
"Where are you going?" he asked after granting my request. Finally nagsalita din siya. Akala ko nawala na ang dila matapos iyong ekesena kanina sa bahay nila.
"Chill. I'll just get the cake I bought earlier." Nilapitan ko iyong duffle bag niya at kinuha iyong cake. Medyo na-deform na iyong unang packaging pero intact pa rin sa loob iyong cake na sobrang ganda. "Can I take a picture of it before we eat?"
Tumango si Jaziel at dali-dali naman akong kumuha ng picture hanggang sa pati siya ay pagdiskitahan ko na. I took several photos of him holding my ice cream while eating his cone. Kumuha rin ako ng ilang selfie naming dalawa at nag-effort talaga ako na patawanin siya.
"You take too big, Jaziel!" angil ko ng halos kalahatiin na niya iyong cake. Sabi ko bibigyan ko lang siya dahil masama loob niya pero muntik na niyang maubos.
"I'll treat you next time, Bia. Don't cry. It's just a cake, meant to eat."
"Don't you know the word share?"
"You mean cutting this cake in half?" Tumango ako. "I did cut in half."
"It's not a fair cutting!" Hinati pa ulit ni Jaziel iyong part ko na akala ko'y kakainin pa niya pero sinubo sa akin. Okay, I'm being chatty again but he's not fair!
"We're not a normal family, Bia. My dad is a cheater and a gambler. I can accept if he's only a gambler but cheating right in front of my mother is unacceptable." Tumingin sa akin si Jaziel saka pilit na ngumiti. "I'm trying my best not to be like him. That's why I move out early and work harder day and night. Mom can't toss him away because she's meant to live a luxurious life. She can't just toss her main source of luxury away from us, so I decided to move out and cut ties with him."
Huminga nang malalim si Jaziel.
Hindi ko in-expect na magiging ganito siya ka-open sa akin bigla. I know that it is hard for Jaziel to open up but being a stranger to him made it easier. Syempre hindi naman namin kilala talaga ang isa't-isa 'di gaya nina Ayen, Simon and Owen.
"Eat that, and please don't be sad. I'm always here by your side, Jaziel."
I extended my arms and reached his head and gently tapped it; if he could make up with his father, the better because in the end, they're still a family. Inexact words, I should do it too with Kuya. But if the situation is damaging, cutting ties is the best thing to do. Another person can absorb toxicity without knowing it firsthand.
Hinawakan ni Jaziel ang kamay ko na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso.
"Do not spoil me, Bia."
"I'm not!"
"I'm afraid that I might get used to your presence."
Ako rin natatakot masanay na lagi ka nandyan sa tabi ko...
Wait, pareho kami ng kinatatakot? Paano nangyari iyon? Ano ang ibig nitong sabihin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro