Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER EIGHTEEN: GO THE DISTANCE

CHAPTER EIGHTEEN | GO THE DISTANCE

Bianchi

HANGGANG ngayon ay na-amaze pa rin ako sa mga estudyante na nakikita kong nalabas sa University of Glasgow. Hindi na ako makahintay na makapasok sa school na 'di kalayuan sa theater na pinagta-trabaho-an ko. It's a typical Tuesday and only few moviegoers comeby to watch. Iba pa rin kapag Friday at weekend na mas maraming nanonood. Ngayon ay hindi ako natatambakan ng pila sa labas ng booth kaya madalas ako humikab.

Boring sa ibang kasama ko sa booth pero sa akin hindi dahil may pagkakataon ako na magbasa. Lagi ako may dalang libro para hindi ma-bore sa biyahe papasok at pauwi. Minsan kapag break, mas gusto ko magbasa kaysa manood ng movies sa loob ng theater.

"Bia, you can take your break now," anang sa akin ng theater manager at siya ang pumalit sa pwesto ko. I removed my nameplate and movie theater cap. Kinuha ko sa luggage sa likod namin ang aking bag saka lumabas na booth.

"I'll be back on three. Bye!" I say to them as I exited the booth.

"You have a date with your blue eyed boyfriend?" tanong sa akin ni Misha - isa sa mga ka-trabaho ko. Lagi niya pinapansin si Jaziel na halos araw-araw na dito sa movie theater. May kutob ako na type niya kaya tanong ng tanong.

"Yes I am. Bye again!" Pang-aasar ko kahit 'di ko naman boyfriend si Jaziel. Saka wala naman sa Scotland ngayon si Jaziel. It's just my way of saying to Misha to back off because I don't know, maybe he's still mine. Para sa akin lang, ewan ko kay Jaziel.

It's been a week since Jaziel went back to London. He's almost eight hours drive away from me now. Nakaka-miss din na lagi niya ako sinusundo sa trabaho na si Kuya na ang gumagawa ngayon. Kinuha ko sa aking bag ang cellphone at nag-check ako kung may pumasok ba na messages. Kuya told me to check in with him every three hours so he'd know were I am.

Ever since I turned off all of my social media accounts, I'm too lazy to lift up my phone. Parang ang bigat-bigat na ng cellphone ko kahit sobrang nipis naman. Jaziel returned my old phone and I stored it in my drawer next to his letter that I haven't read. Mamaya sasabihin ko kay Kuya na i-she-share ko na lang sa kanya ang location ko para hindi na ako magtetext. That's way more efficient than to check in every three hours. Nakakatamad talaga mag-cellphone ngayon.

Luminga-linga ako sa paligid para humanap ng makakainan ngunit nahinto ng mag vibrate ang cellphone ko. Jaziel's name flashed on its screen which made answered his call immediately.

"Hey, where are you?" tanong niya sa akin. Nilipat ko ang tawag sa video call para makita niya kung nasaan ako. Hindi naman ako nalayo dito sa plaza kung nasa ang movie theater. "I'll go there. Wait for me,"

"What do you mean?"

"The university imposes an early Christmas break, and Mom decided to spend it at my aunt's house this year."

"You mean at Ryker's?"

"Yeah, but I distanced myself and booked a hotel room near your house. I already called your brother and told him I'm going to fetch you tonight."

Napapayag niya si Kuya?

Hindi ako agad nakasagot. Namamangha ako na nakakausap niya si Kuya samantalang sa iba ay ilag sa isang 'yon.

"Found you." He said, ending up our call. Lumingon ako at agad ko nakita si Jaziel na nakatayo ilang dipa ang layo sa akin. "Hi!"

"You should be spending your holidays with your mom." Maaga ang bakasyon niya kaya mas maraming pagkakataon na makapag-bonding silang mag-ina. But he still chooses me. Ang special ko naman talaga.

"She'll understand. Mom knew me that I'd go the distance to see and spend time with you again. With a little add-on..." Kumunot ang noo ko sandali pero nang lumabas sa likod niya ang tinutukoy na add-on, napalis ang kunot sa aking noo at napalitan ng ngiti. He's with Venice!

"Hi Tita Bia!" Bati sa akin ni Venice saka yumakap sa aking baywang. "Daddy told me to tour Jaziel in town."

"Inutusan ka ng Daddy mo?" Tumango si Venice. Binalingan ko si Jaziel. "You have a great tour guide here then,"

"Yeah, she is, but easily get tired from long walking." Hindi ko maiwasang matawa. Madali nga mapagod si Venice lalo kapag naglalakad. Hindi na siya tulad noong dati na mahilig humiwalay sa kasama kaya kampante na si Kuya ngayon. Hindi lang basta nakakausap ni Jaziel si Kuya, nabibilinan pa kay Venice. That's new for an overprotective father and brother like Kuya Dominic. "And she can't be hungry. She'll transformed into monster as per your brother."

"No, she's not. Venice is a good girl, am I right?" Baling ko sa aking pamangkin. 

"Yes, I have to be so Mommy will come back," marahan ko hinaplos ang buhok niya. Miss na miss na nitong bata na 'to si Heart. 

Alangan akong napatingin kay Jaziel. The ill fated relationship of Kuya with Heart is not my story to tell. Hindi na namin masyadong pinag-uusapan ni Kuya para siguro maka-move on siya. But I doubt he'll move on easily. Heart was like his great love. She the one who taught him hard lessons in life and love.

"Let's go now. I have to get back by three o'clock."

"Can we go out after your shift?"

"Does Kuya approve that?"

"Yeah, and he said it's up to you now if you agree to come with me."

Jaziel is trying his best to gain back my trust. Nakikita ko na inuuna niya ang pamilya ko na magtiwala sa kanya para ipakita sa akin. Sa loob ng linggong lumipas na nagbakasyon siya rito, madali niya nakasundo si Mama at ngayon narito na naman siya ulit para kay Kuya. The hardest person to please. Pero mukhang nakukuha naman ni Jaziel ang loob ni Kuya at heto nga't pinag-alaga pa ng anak.

"I'll think about it,"

"All right." Kinuha ni Jaziel ang bag ko at hinawakan ang kabilang kamay ni Venice. Para tuloy kaming pamilyang tatlo na naglalakad sa plaza. Masyado ka advance mag-isip, Bia. Hindi pa nga kayo okay na gaya ng dati tapos nag-iisip ka na ng pamilya.

Winaksi ko yun sa isipan ko at matamang pinakinggan ang kwento ni Venice tungkol sa biyahe nila ni Jaziel. Kuya let him borrowed his other car since he's Edinburgh today. Iba talaga itong si Jaziel at nagagawa niya ang hindi nagawa noon ni Ryker. It's unfair to compare them. Sa umpisa palang ay magkaiba na sila talaga kaya dapat tumigil na ako kakakumpara.

***

AFTER ng shift ko, sinundo nga ako ni Jaziel gamit pa rin ang sasakyan ni Kuya at sa isang Chinese restaurant kami nagpuntang dalawa. Puro singkit ang mga nakikita ko dito at itong restaurant na kinaroroonan namin ay nag-se-serve ng authentic Chinese food. Hindi na kailangan magpunta pa sa China dahil dito palang sa Chinatown, Glasgow ramdam na ramdam ko na ang Chinese ambiance.

"How's work at the theater? Are your workmates all nice?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Jaziel.

"Work is fine. My workmates are easy to be with. She wants to hire you because you love to hang out for a couple of weeks before,"

"It's a tempting offer, but as much as possible, I don't want to be clingy so that I won't pressure you,"

Considerate, check.

"How's school?"

"Hectic, but we're coping up. Owen, Simon, and I are polishing our thesis now." Hindi ko pala nakumusta ang mga iyon. I am wondering if they're mad at me. "They missed you, Bia, especially Ayen. I think they're planning to come over to see you and bond."

"Really?"

"Yeah, they will do that. You're our friend, and distance is damned this time." Pinigilan ko na mapangiti pero bigo ako. "Eat now before it gets cold," I ordered wanton noodles while Jaziel tried their signature duck dish with special sauce. Tinikman ko iyon at si Jaziel mismo ang nagserve sa plato ko noon.

"Can I ask for help from some of my reviewers?"

"Sure. I'll visit tomorrow after picking up some brownies at Mom's place."

"You must taste Mama's muffins. You'll surely love it, but only if she's not too lazy to bake."

"Just like Mom. Baking depends on her mood."

Tumawa kaming dalawa ni Jaziel at hindi gaya noong una, konting awkwardness na lang ang meron. We're slowly getting there. Hindi naman siya nagmamadali at kasasabi lang niya na ayaw niya ako i-pressure. Ang haba ng buhok ko sa part na 'yon.

Pagkatapos namin kumain, naglakad-lakad pa kami ni Jaziel at bumili ng kung ano-ano sa bawat madaan namin bago umuwi. He greeted  Mama and Kuya before heading out and I must say that they're really close now.

"Invite him and his mother on our Christmas eve dinner, Bia." Mama told me. Utos iyon at hindi basta sabi lang dahil kilala ko itong si Mama kapag gusto niya ang isang tao, talagang kikilalanin niya maigi muna pati malalapit na kaibigan o kamag-anak.

"She likes him," bulong ni Kuya sa akin.

"Do you like him too, Kuya?" Nagkibit balikat lang ang kapatid ko. "Pinahiram mo siya ng sasakyan at pinabantayan mo pa si Venice. It takes a year before you trust someone and the last person you gave your trust was to Heart."

"You're right, but they're different. I love Heart and Jaziel... I don't know. I'll go 50/50 on that."

Lumabi ako at ginulo lamang ni Kuya ang aking buhok na lagi niya ginagawa. Sinaway ko siya pero hindi 'man lang natinag at tinawanan pa ako.

I can't wait for Heart to come back and tame him again.

***

MY ROOM is like a dumpster of clothes right now. Kanina pa ako naghahanap ng susuotin para naman presentable ako kapag humarap kay Jaziel at nanay niya. Nabago ang original plan na kukunin lang ni Jaziel ang gawa nitong brownies. Sumama na din daw si Tita Jazmine para makita ako at personal na makumusta. Jaziel also said that Tita Jazmine wanted to apologize for her sister's dumb move in protecting Ryker's unfaitfulness.

Sila lang ang nag-reach out sa akin para humingi ng tawad.

"Okay, na siguro ito? Should I add more hairpins?"

Hindi ako maka-decide talaga kung alin ang maganda suotin at inabot pa ako ng ilang minuto pa ulit sa harap ng salamin. Nang makuntento na ako, kumuha naman ako ng mga alahas at bigla sumagi sa isipan ko ang singsing na bigay ni Jaziel. He's wearing his ring and I noticed it yesterday while eating. Mukhang hindi niya inaalis iyon except kung maliligo sa dagat dahil sa bakat na makikita sa kanyang daliri. Binukas ko ang drawer at hinanap ang kapareho ng singsing na 'yon.

Should I wear it? Dapat ba na tanungin ko muna kung ano kami? Pero sa akin nakasalalay ang sagot ng tanong na 'yon!

"Bia, you're guests has arrived. Bumaba ka na at asikahuhin sila." Tawag at utos sa akin ni Kuya. Nagmadali ako kumilos lalo at muking tinago ang singsing sa drawer. Saka ko na lang siguro iisipin ang bagay na iyon kapag maayos na maayos na kami. "Bianchi!"

"I'm coming!" Masyadong atat naman nitong kapatid ko. Sign of aging, check. Celebacy, speaking too. My poor brother.

Tiningnan ko pa ulit ang aking sarili sa salamin bago tuluyang bumaba at harapin si Jaziel. Sinalubong ako ni Venice pagkababa ko sa hagdan at sabay kaming tumungo sa garden ng bahay.

"You have a lovely place." Narinig ko na papuri ni Tita Jazmine sa buong bahay namin. Partikular sa mga bulaklak at halaman ni Mama na mukhang inalagaan niya noong wala ako. Ang dami na nila at lahat pinangalanan ni Venice lahat. "Hi Bia! You look radiant, dear." Niyakap ako ni Tita Jazmine nang mahigpit. "You raised a fine lady sometimes witty,"

"She changed and I must say I like this version of her better." Marahang hinagod ni Mama ang likod ko at inayos ang buhok ko na noong una'y hindi niya matanggap na kinulayan ko. Siya lang kasi nahawak sa buhok at kahit kay Venice. "Have a seat and let's have some tea. My son will come down in a few minutes."

"Is this cute lady your youngest?" tanong ni Tita Jazmine. Tinutukoy niya si Venice na lalong lumitaw ang ganda dahil sa laso na nasa ulo.

"Bia is the youngest Mom. That's Venice, Bia's niece." Si Jaziel na ang sumagot.

"She's my son's first born," dagdag ni Mommy.

Venice's story is too personal to tell on first meeting. Inaya ko si Jaziel na doon sa kabilang panig nitong garden para doon inumin ang tsaa namin para mas makapag-usap si Mama at Tita Jazmine. Hindi ko in-expect na mahilig din pala siya sa halaman at gaya ng ibang bisita, naaaliw din siya kay Venice saka sa mga pangalang bigay nito sa halaman ni Mama.

"You look beautiful, Bia," ani Jaziel sa akin.

"Thank you. I'm always beautiful, and you realized it late."

"Yeah, and I cannot afford to lose you again."

That's his fear which he encountered when I left him in London. At some point ay nakakakonsensya pero tingin ko naman ay naiintindihan niya ang pag-alis ko. Sobra akong nasaktan sa mga salitang binitawan ni Ryker sa akin at hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang isang iyon.

"Even if this love will be hard for both of us, please know that I'm willing to go the distance just for you, Bia. I hope you give me another chance to prove that I have loved you since we first met..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro